Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 26 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Then all the people of Judah made Uzziah, sixteen years old, king in place of his father Amaziah. Ang ipinalit ng mga mamamayan ng Juda kay Amazias bilang hari ay ang anak nitong si Uzias na labing-anim na taóng gulang.
2 He rebuilt Eloth and restored it to Judah after the king rested with his ancestors. Siya ang bumawi ng Elat at ang muling pinatayo ito para sa Juda matapos mamatay ang ama niyang si Amazias.
3 Uzziah became king at sixteen and reigned fifty-two years in Jerusalem. His mother was Jecoliah of Jerusalem. Si Uzias ay labing-anim na taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng limampuʼt dalawang taon. Ang kanyang ina ay si Jecolias na taga-Jerusalem.
4 He did what was right in our Father's eyes, just as his father Amaziah had done. Matuwid ang ginawa ni Uzias sa paningin ng Panginoon, katulad ng ginawa ng ama niyang si Amazias.
5 He devoted himself to seeking our Father in Zechariah's days, who taught him to fear our Father; and while he sought our Father, he prospered. Dumulog siya sa Diyos nang panahon ni Zacarias, na siyang nagturo sa kanya sa paggalang sa Diyos. Hanggaʼt dumudulog siya sa Panginoon, binibigyan siya nito ng katagumpayan.
6 He went out and fought the Philistines, tearing down the walls of Gath, Jabneh, and Ashdod. He built cities near Ashdod and among the Philistines. Nakipaglaban siya sa mga Filisteo at winasak niya ang mga pader ng Gat, Jabne at Asdod. Pagkatapos, nagpatayo siya ng bagong mga bayan malapit sa Asdod at sa iba pang mga bayan ng Filisteo.
7 Our Father helped him against the Philistines, the Arabs of Gur-baal, and the Meunites. Tinulungan siya ng Diyos sa kanyang pakikipaglaban sa mga Filisteo, Meunita at sa mga Arabo na nakatira sa Gur-baal.
8 The Ammonites paid tribute to Uzziah, and his fame reached the border of Egypt, for he had grown very strong. Nagbabayad ng buwis ang mga Amonita sa kanya, at naging tanyag siya hanggang sa Ehipto, dahil naging makapangyarihan siya.
9 Uzziah built towers in Jerusalem at the Corner Gate, the Valley Gate, and the Angle, and fortified them. Pinatatag pa ni Uzias ang Jerusalem sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga tore sa Sulok na Pintuan, sa Pintuan na Nakaharap sa Lambak, at sa likuan ng pader.
10 He built desert towers and dug many cisterns, for he had large herds in the lowlands and plain. He kept farmers and vinedressers in the hills and fertile fields, for he loved the soil. Nagpatayo rin siya ng mga tore sa ilang at nagpahukay ng mga balon na imbakan ng mga tubig, dahil marami ang kanyang mga hayop sa mga kaburulan sa kanluran at sa kapatagan. May mga tauhan siya na nag-aalaga sa kanyang bukirin at ubasan sa kabundukan at sa kapatagan, dahil mahilig siyang magtanim.
11 Uzziah had an army of trained soldiers going out to war by divisions, numbered by Jeiel the secretary and Maaseiah the officer, under Hananiah, one of the king's commanders. May mahuhusay na sundalo si Uzias na laging handa sa labanan. Silaʼy binuo nina Jeiel na kalihim at Maasias na opisyal, sa ilalim ng pamamahala ni Hananias na isa sa mga opisyal ng hari.
12 The total number of clan leaders commanding the mighty warriors was 2,600. Ang mga kumander ng matatapang na sundalo ay ang mga pinuno ng mga pamilya na 2,600 lahat.
13 Under their command was an army of 307,500, trained to make war with great power, to help the king against his enemies. Ang kabuuang bilang ng mga sundalo ay 307,500. Silaʼy mahuhusay sa labanan at handa sa pagtulong sa hari laban sa mga kaaway niya.
14 Uzziah equipped the whole army with shields, spears, helmets, coats of armor, bows, and slingstones. Binigyan sila ni Uzias ng mga pananggalang, sibat, helmet, kasuotang panangga ng katawan, pana at tirador.
15 In Jerusalem he made devices invented by skilled men, set on the towers and corners to shoot arrows and hurl large stones. His fame spread far and wide, for he was helped wonderfully until he grew strong. Nagpagawa rin si Uzias sa mahuhusay na manggagawa ng makina upang gamitin sa pamamana at sa paghahagis ng malalaking bato mula sa mga tore at sa mga sulok ng mga pader ng Jerusalem. Naging tanyag si Uzias kahit saan, dahil tinulungan siya ng Panginoon hanggang sa naging makapangyarihan siya.
16 When Uzziah grew strong, his heart grew proud, leading to his ruin. He was unfaithful to our Father, entering the temple of our Father to burn incense on the incense altar. Ngunit nang naging makapangyarihan siya, naging mayabang siya. At ito ang nagpabagsak sa kanya. Nagkasala siya sa Panginoon na kanyang Diyos, dahil pumasok siya sa Templo ng Panginoon at personal na nagsunog ng insenso sa altar.
17 Azariah the priest went in after him, with eighty courageous priests of our Father. Sinundan siya ni Azarias na punong pari at ng walumpu pang matatapang na mga pari ng Panginoon,
18 They confronted King Uzziah, saying, "It is not for you, Uzziah, to burn incense to our Father, but for the priests, Aaron's descendants, dedicated to burn incense. Leave the sanctuary; you have been unfaithful, and this brings you no honor from our Father." at sinaway. Sinabi nila, “Uzias, hindi ka dapat magsunog ng insenso para sa Panginoon. Ang gawaing iyan ay para lang sa mga pari na mula sa angkan ni Aaron. Sila ang pinili upang magsunog ng insenso para sa Panginoon. Lumabas ka sa Templo dahil nagkasala ka sa iyong ginawa. Hindi ka pagpapalain ng Panginoong Diyos.”
19 Uzziah became furious. With a censer in his hand to burn incense, as he raged at the priests, a defiling skin disease broke out on his forehead—there before the priests in the house of our Father, beside the altar of incense. Labis na nagalit si Uzias sa mga pari. At habang hawak niya ang sisidlan ng insenso sa may altar sa Templo ng Panginoon, tinubuan ng malubhang sakit sa balat ang kanyang noo.
20 When Azariah the chief priest and all the priests turned to him and saw the disease on his forehead, they rushed him out, and he hurried to leave, because our Father had struck him. Nang makita ni Azarias at ng mga kasama niyang pari na tinubuan ng malubhang sakit sa balat ang noo ni Uzias, nagmadali silang ilabas ito. Hindi naman ito tumutol sapagkat naramdaman niyang siyaʼy pinarusahan ng Panginoon.
21 King Uzziah had the disease until his death. He lived in a separate house, still diseased, cut off from the house of our Father. His son Jotham ran the palace, governing the people of the land. May malubhang sakit sa balat si Haring Uzias hanggang sa araw na namatay siya. Nakatira siya sa isang bukod na bahay, at hindi pinayagang makapasok sa Templo ng Panginoon. Si Jotam na anak niya ang siyang namahala sa palasyo at sa mga mamamayan ng Juda.
22 The rest of Uzziah's acts, from first to last, the prophet Isaiah son of Amoz recorded. Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Uzias, mula sa simula hanggang sa katapusan ay isinulat ni Propeta Isaias na anak ni Amoz.
23 Uzziah rested with his ancestors, buried near them in a burial field belonging to the kings, for they said, "He had a skin disease." His son Jotham reigned in his place. Nang mamatay si Uzias, inilibing lang siya malapit sa libingan ng mga ninuno niyang hari dahil may malubhang sakit siya sa balat. At ang anak niyang si Jotam ang pumalit sa kanya bilang hari.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]