Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 15 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The Spirit of our Father came upon Azariah son of Oded. Pinuspos ng Espiritu ng Diyos si Azarias na anak ni Oded.
2 He went out to meet Asa and said to him, "Hear me, Asa and all Judah and Benjamin: our Father is with you while you're with him. If you seek him, you will find him; if you abandon him, he will abandon you. Nakipagkita siya kay Asa at sinabi, “Pakinggan nʼyo po ako Haring Asa, at lahat kayong taga-Juda at taga-Benjamin. Mananatili ang Panginoon sa inyo habang nananatili kayo sa kanya. Kung dudulog kayo sa kanya, tutulungan niya kayo. Ngunit kung tatalikuran nʼyo siya, tatalikuran din niya kayo.
3 For a long time Israel was without our Father, without a teaching priest, and without law. Sa mahabang panahon, namuhay ang mga Israelita na walang tunay na Diyos, walang paring nagtuturo sa kanila, at walang kautusan.
4 In their distress they turned to our Father, the God of Israel, sought him, and they found him. Ngunit sa kanilang paghihirap, dumulog sila sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, at tinulungan niya sila.
5 In those times no one going out or coming in was safe, for great turmoil struck all living in the lands. Nang panahong iyon, mapanganib ang maglakbay dahil nagkakagulo ang mga tao.
6 Nation crushed nation and city crushed city, for our Father troubled them with every kind of distress. Naglalaban-laban ang mga bansa at ang mga lungsod, dahil ginulo sila ng Diyos sa pamamagitan ng ibaʼt ibang mga kahirapan.
7 But you, be strong; do not lose heart, for your work will be rewarded." Ngunit kayo naman, magpakatapang kayo at huwag manghina dahil ang mga gawa ninyo ay gagantimpalaan.”
8 When Asa heard these words, the prophecy of Oded the prophet, he took courage and removed the detestable idols from all the land of Judah and Benjamin, and from the cities he had captured in the Ephraim hill country. He restored the altar of our Father in front of his temple entrance. Nang marinig ni Asa ang mensahe ni Azarias na anak ni Oded, nagpakatapang siya. Inalis niya ang kasuklam-suklam na mga diyos-diyosan sa buong Juda at Benjamin, at sa mga bayan na kanyang inagaw sa mababang bahagi ng Efraim. Ipinaayos niya ang altar ng Panginoon na nasa harapan ng balkonahe ng Templo ng Panginoon.
9 He gathered all Judah and Benjamin, plus those from Ephraim, Manasseh, and Simeon living among them, since many in Israel had crossed over to him when they saw our Father was with him. Pagkatapos, ipinatipon niya ang lahat ng mamamayan ng Juda at Benjamin, at ang mga mamamayan mula sa Efraim, Manases, at Simeon na nakatirang kasama nila. Maraming lumipat sa Juda mula sa Israel nang makita nilang si Asa ay sinasamahan ng Panginoon na kanyang Diyos.
10 They assembled at Jerusalem in the third month of the fifteenth year of Asa's reign. Nagtipon sila sa Jerusalem noong ikatlong buwan nang ikalabinlimang taon ng paghahari ni Asa.
11 That day they sacrificed to our Father from the plunder—700 oxen and 7,000 sheep. At sa oras na iyon, naghandog sila sa Panginoon ng mga hayop na kanilang nasamsam sa labanan, pitong daang baka at pitong libong tupa at kambing.
12 They covenanted to seek our Father, God of their ancestors, with all their heart and with all their soul. Gumawa sila ng kasunduan na dumulog sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, nang buong puso nilaʼt kaluluwa.
13 Whoever would not seek our Father, the God of Israel, was to be put to death, whether small or great, whether man or woman. Ang sinumang hindi dumulog sa Panginoon, ang Diyos ng Israel ay papatayin, bata man o matanda, lalaki man o babae.
14 They swore to our Father with a loud voice, with shouting, and with trumpets and horns. Nangako sila sa Panginoon sa malakas na tinig na may pagsasaya at pagpapatunog ng mga trumpeta at mga trumpeta.
15 All Judah rejoiced over the oath, for they swore with their whole heart, sought him with their whole desire, and found him. And our Father gave them rest on every side. Nagsaya ang lahat ng taga-Juda dahil nangako sila nang buong puso. Dumulog sila sa Panginoon nang taimtim sa kanilang puso, at tinulungan niya sila. At binigyan niya sila ng kapayapaan sa kanilang mga kalaban kahit saan.
16 King Asa also removed his mother Maacah from being queen mother, because she had made a detestable image for Asherah; he cut it down, ground it to dust, and burned it in the Kidron Valley. Inalis din ni Haring Asa ang kanyang lolang si Maaca sa pagkareyna nito dahil gumawa ito ng karumal-dumal na mga posteng imahen ni Ashera. Ipinaputol ni Asa ang poste, ipinasibak ito, at ipinasunog sa Lambak ng Kidron.
17 Though the high places were not removed from Israel, Asa's heart remained wholly devoted throughout his life. Kahit hindi niya inalis ang mga sambahan sa matataas na lugar sa Israel, naging matapat pa rin si Asa sa Panginoon sa buong buhay niya.
18 He brought into our Father's house his father's dedicated gifts and his own dedicated gifts—silver, gold, and utensils. Dinala niya sa Templo ng Panginoon ang mga pilak, ginto at iba pang mga bagay na inihandog niya at ng kanyang ama.
19 And there was no war until the thirty-fifth year of Asa's reign. Hindi nagkaroon ng digmaan hanggang sa ikatatlumpuʼt limang taon ng paghahari ni Asa.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]