Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 14 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Abijah rested with his ancestors; they buried him in the City of David. His son Asa became king, and the land had peace ten years. Namatay si Abias at inilibing sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Asa ang pumalit sa kanya bilang hari. Sa panahon ng paghahari niya, nagkaroon ng kapayapaan sa Juda sa loob ng sampung taon.
2 Asa did what was good and right in the sight of our Father. Matuwid ang ginawa ni Asa sa paningin ng Panginoon na kanyang Diyos.
3 He removed the foreign altars and high places, smashed the sacred pillars, and cut down the Asherah poles. Tinanggal niya ang mga altar ng mga diyos-diyosan at ang mga sambahan sa matataas na lugar. Winasak niya ang mga alaalang bato at giniba ang mga posteng imahen ni Ashera.
4 He commanded Judah to seek our Father, the God of their ancestors, and keep the law and commandment. Inutusan niya ang mamamayan ng Juda na dumulog sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, at tumupad sa kanyang mga kautusan.
5 He also removed the high places and incense altars from all Judah's cities, and the kingdom was at peace under him. Ipinagiba niya ang mga sambahan sa matataas na lugar at ang mga altar na pinagsusunugan ng mga insenso sa lahat ng bayan ng Juda. Kaya may kapayapaan ang kaharian ng Juda sa panahon ng paghahari ni Asa.
6 He built fortified cities in Judah, for the land was at peace. He fought no war those years, because our Father gave him rest. At habang mapayapa, pinalagyan niya ng mga pader ang mga lungsod ng Juda. Walang nakipaglaban sa kanya sa panahong ito, dahil binigyan siya ng Panginoon ng kapayapaan.
7 He told Judah, "Let us build these cities and surround them with walls, towers, gates, and bars. The land is still ours, because we sought our Father; we sought him, and he gave us rest all around." So they built and thrived. Sinabi ni Asa sa mga taga-Juda, “Patatagin natin ang mga bayan na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga pader sa paligid nito na may mga tore, at ng mga pintuan at mga kandado. Angkinin natin ang lupaing ito, dahil dumulog tayo sa Panginoon na ating Diyos. Binigyan niya tayo ng kapayapaan sa ating mga kalaban sa paligid.” Kaya pinalakas nila ang bayan at naging maunlad sila.
8 Asa had an army of 300,000 from Judah with large shields and spears, and 280,000 from Benjamin with shields and bows—all mighty warriors. May tatlong daang sundalo si Asa na taga-Juda, na armado ng malalaking pananggalang at mga sibat. At mayroon din siyang 280,000 sundalo na taga-Benjamin, na armado ng maliliit na pananggalang at mga pana. Silang lahat ay matatapang na sundalo.
9 Zerah the Cushite marched against them with a million troops and 300 chariots, advancing to Mareshah. Nilusob ni Zera na taga-Etiopia ang Juda kasama ang maraming sundalo at tatlong daang karwahe. At nakarating sila hanggang sa Maresa.
10 Asa marched out against him, and they lined up for battle in the Valley of Zephathah at Mareshah. Pumwesto sina Asa sa Lambak ng Sefata malapit sa Maresa.
11 Then Asa cried to our Father his God: "Father, only you can help the powerless against the mighty. Help us, our God, for we rely on you, and in your name we face this vast horde. You are our God; let no mere man prevail against you." Pagkatapos, nanalangin si Asa sa Panginoon na kanyang Diyos, “O Panginoon, wala na pong iba pang makakatulong sa mga taong walang kakayahan laban sa mga makapangyarihan kundi kayo lang. Tulungan nʼyo po kami, O Panginoon naming Diyos, dahil umaasa po kami sa inyo, at sa inyong pangalan, pumunta kami rito laban sa napakaraming sundalong ito. O Panginoon, kayo po ang aming Diyos; huwag nʼyo pong payagang manaig ang tao laban sa inyo.”
12 So our Father struck down the Cushites before Asa and before Judah, and the Cushites fled. Kaya dinaig ng Panginoon ang mga taga-Etiopia sa harapan ni Asa at ng mga taga-Juda. Tumakas ang mga taga-Etiopia,
13 Asa and his people pursued them to Gerar, and the Cushites fell until none survived, for they were shattered before our Father and his army. Judah's men carried off great plunder. at hinabol sila ni Asa at ng kanyang mga sundalo hanggang sa Gerar. Marami sa mga ito ang namatay at hindi na makalaban pa. Dinaig sila ng Panginoon at ng kanyang mga sundalo. Maraming ari-arian ang nasamsam ng mga sundalo ng Juda.
14 They struck down all the cities around Gerar, for the terror of our Father had fallen on them. They looted all the cities, since much plunder was in them. Nilipol nila ang mga baryo sa paligid ng Gerar, dahil dumating sa mga ito ang nakakatakot na parusa ng Panginoon. Sinamsam nila ang mga ari-arian ng mga bayan dahil marami ang mga ari-arian nito.
15 They also attacked the herdsmen's tents, carried off many sheep and camels, and returned to Jerusalem. Nilusob din nila ang mga kampo ng mga tagapagbantay ng mga hayop, at pinagkukuha ang mga tupa, mga kambing at mga kamelyo. Pagkatapos, nagsibalik sila sa Jerusalem.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]