Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 13 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 In the eighteenth year of King Jeroboam, Abijah became king of Judah. Noong ikalabingwalong taon ng paghahari ni Jeroboam sa Israel, naging hari ng Juda si Abias.
2 He reigned three years in Jerusalem; his mother was Micaiah, Uriel of Gibeah's daughter. Abijah and Jeroboam went to war. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng tatlong taon. Ang kanyang ina ay si Maaca na anak ni Uriel na taga-Gibea. Nooʼy may digmaan sa pagitan nina Abias at Jeroboam.
3 Abijah joined battle with an army of 400,000 chosen warriors, mighty in war; Jeroboam lined up against him with 800,000 chosen, mighty warriors. Lumusob si Abias kasama ang apatnaraang libong matatapang na mandirigma, at naghanda si Jeroboam ng walong daang libong mahuhusay na kawal.
4 Abijah stood on Mount Zemaraim in Ephraim's hill country and said, "Hear me, Jeroboam and all Israel! Pagdating nila Abias sa kaburulan ng Efraim, tumayo si Abias sa Bundok ng Zemaraim, at sumigaw kay Jeroboam at sa mga taga-Israel, “Makinig kayo sa akin!
5 Don't you know our Father, the God of Israel, gave David and his sons Israel's throne forever, by a covenant of salt? Hindi nʼyo ba alam na ang Panginoon, ang Diyos ng Israel ay gumawa ng walang hanggang kasunduan kay David na siya at ang kanyang mga angkan ang maghahari sa Israel magpakailanman?
6 But Jeroboam son of Nebat—a servant of Solomon son of David—rose and rebelled against his master. Ngunit ikaw Jeroboam na anak ni Nebat ay nagrebelde sa iyong amo na si Solomon na anak ni David.
7 Worthless men gathered around him, defying Solomon's son Rehoboam, young and timid, unable to resist them. Sumama saʼyo ang mga walang kuwentang tao, at kinalaban nila ang mga anak ni Solomon na si Rehoboam noong bata pa ito, at wala pang karanasan at kakayahang lumaban sa inyo.
8 Now you think you can resist our Father's kingdom in David's sons' hands, since you're a huge crowd with the golden calves Jeroboam made as your gods. “At ngayon gusto nʼyong kalabanin ang kaharian ng Panginoon na pinamamahalaan ng angkan ni David. Nagmamayabang kayo na marami kayong sundalo at dala nʼyo ang mga gintong baka na ipinagawa ni Jeroboam bilang mga diyos ninyo.
9 Haven't you driven out our Father's priests, Aaron's sons and the Levites, and made your own priests like other nations? Anyone who comes with a young bull and seven rams can become a priest of things that aren't gods. Pinalayas nʼyo ang mga pari ng Panginoon, na angkan ni Aaron at ang mga Levita, at pumili kayo ng sarili nʼyong mga pari gaya ng ginagawa ng ibang mga bansa. Sinuman sa inyo na may toro at pitong lalaking tupa ay maaaring italaga bilang pari ng inyong huwad na mga diyos.
10 But our Father is ours, and we haven't abandoned him. The priests serving him are Aaron's sons, and the Levites are at their work. “Ngunit kami, ang Panginoon ang aming Diyos, at hindi namin siya itinakwil. Ang mga paring naglilingkod sa Panginoon ay mga angkan ni Aaron, at tinutulungan sila ng mga Levita.
11 Every morning and evening they burn to our Father burnt offerings and fragrant incense; they set rows of bread on the pure gold table and tend the gold lampstand, lit every evening. We keep our Father's charge, but you have abandoned him. Tuwing umaga at gabi, naghahandog sila sa Panginoon ng mga handog na sinusunog at insenso. Naglalagay sila ng tinapay sa mesa na itinuturing na malinis. At tuwing gabi, sinisindihan nila ang mga ilaw na nasa gintong mga patungan. Tinutupad namin ang mga utos ng Panginoon naming Diyos. Ngunit kayo, itinakwil nʼyo siya.
12 Look, our Father is with us at our head, and his priests have trumpets to sound alarm against you. Israelites, do not fight our Father, the God of your ancestors, for you will not prevail." Ang Diyos ay kasama namin; siya ang pinuno namin. Patutunugin ng kanyang mga pari ang mga trumpeta nila sa pangunguna sa amin sa pakikipaglaban sa inyo. Mga mamamayan ng Israel, huwag kayong sumalungat laban sa Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno, dahil hindi kayo magtatagumpay.”
13 Jeroboam had sent an ambush around, to come from behind them; his forces faced Judah, the ambush behind them. Habang nagsasalita si Abias, lihim na nagsugo si Jeroboam ng mga sundalo sa likod ng mga taga-Juda upang tambangan sila.
14 Judah turned, saw battle facing them front and back, cried to our Father; the priests blew the trumpets. Nang makita ng mga taga-Juda na nilulusob sila sa likuran at sa harapan, humingi sila ng tulong sa Panginoon. Pinatunog agad ng mga pari ang mga trumpeta, at
15 Judah's men shouted the war cry, and as they shouted, our Father struck Jeroboam and all Israel before Abijah and Judah. sumigaw nang malakas ang mga taga-Juda sa paglusob. Sa kanilang pagsigaw, tinalo ng Diyos si Jeroboam at ang mga sundalo ng Israel. Hinabol sila ni Abias at ng mga sundalo ng Juda.
16 The people of Israel fled before Judah, and our Father handed them over to Judah. Tumakas sila at ibinigay sila ng Diyos sa mga taga-Juda.
17 Abijah and his army struck them a heavy blow; 500,000 chosen men of Israel fell dead. Marami ang napatay ni Abias at ng mga tauhan niya, 500,000 na matatapang na taga-Israel.
18 So Israel was humbled then, and Judah prevailed because they relied on our Father, God of their ancestors. Kaya natalo ng mga taga-Juda ang mga taga-Israel, dahil nagtiwala sila sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
19 Abijah chased Jeroboam, capturing cities from him—Bethel and its villages, Jeshanah and its villages, Ephron and its villages. Hinabol ni Abias si Jeroboam at inagaw niya rito ang mga bayan ng Betel, Jesana at Efron, at ang mga baryo sa paligid nito.
20 Jeroboam never regained his strength during Abijah's lifetime, and our Father struck him down, and he died. Hindi na mabawi ni Jeroboam ang kanyang kapangyarihan nang panahon ni Abias, at pinarusahan siya ng Panginoon at siyaʼy namatay.
21 But Abijah grew strong. He married fourteen wives and had twenty-two sons and sixteen daughters. Samantala, lalo pang naging makapangyarihan si Abias. May labing-apat siyang asawa at dalawampuʼt dalawang anak na lalaki at labing-anim na anak na babae.
22 The rest of Abijah's acts, his ways and sayings, are written in the prophet Iddo's commentary. Ang iba pang mga salaysay tungkol sa paghahari ni Abias, ang kanyang mga sinabi at mga ginawa ay nakasulat sa Aklat ni Propeta Iddo.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]