Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 16 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 In Asa's thirty-sixth year, Baasha king of Israel invaded Judah, fortifying Ramah to keep anyone from leaving or entering Asa king of Judah's territory. Noong ikatatlumpuʼt anim na taon ng paghahari ni Asa, nilusob ni Haring Baasa ng Israel ang Juda. At pinabakuran niya ang Rama para walang makalabas o makapasok sa teritoryo ni Haring Asa ng Juda.
2 Asa took silver and gold from the storerooms of our Father's house and the royal house, and sent them to Ben-Hadad king of Aram, living in Damascus, with this message: Ipinakuha ni Asa ang mga pilak at ginto sa mga bodega ng Templo ng Panginoon at ng kanyang palasyo. At ibinigay niya ito kay Haring Ben-hadad ng Aram doon sa Damasco kung saan siya nakatira.
3 "Let there be a treaty between me and you, as there was between my father and your father. See, I'm sending you silver and gold. Go now and break your treaty with Baasha king of Israel, so he withdraws from me." Ito ang mensahe ni Asa kay Ben-hadad: “Gumawa tayo ng kasunduang pangkapayapaan sa isaʼt isa, gaya ng ginawa ng ating mga ama. Tanggapin mo ang ipinadala ko sa iyong pilak at ginto, at hinihiling kong sirain mo na ang iyong kasunduan kay Haring Baasa ng Israel upang pabayaan na niya ako.”
4 Ben-Hadad agreed with King Asa and sent his army commanders against Israel's cities. They struck down Ijon, Dan, Abel-maim, and all Naphtali's store cities. Pumayag si Ben-hadad sa kahilingan ni Haring Asa, at inutusan niya ang mga kumander ng kanyang mga sundalo na lusubin ang mga bayan ng Israel. Nasakop nila ang Ijon, Dan, Abel-maim, at ang lahat ng lungsod ng Neftali na ginagamit na bodega.
5 When Baasha heard of it, he stopped fortifying Ramah and abandoned his work. Nang marinig ito ni Baasa, ipinahinto niya ang pagpapatayo ng pader sa Rama.
6 King Asa mustered all Judah; they carried off the stones and timber Baasha had fortified Ramah with, and with them he fortified Geba and Mizpah. Pagkatapos, nag-utos si Haring Asa sa lahat ng lalaki ng Juda na kunin nila ang mga bato at mga troso na ginagamit ni Baasa sa paggawa ng pader ng Rama. At ginamit ito ni Haring Asa sa paggawa ng pader ng Geba at ng Mizpa.
7 Then Hanani the seer came to Asa king of Judah and said to him, "Because you relied on Aram's king and not your Father, his army escaped your hand. Nang panahong iyon, pumunta ang propetang si Hanani kay Haring Asa ng Juda at sinabi sa kanya, “Dahil nagtiwala ka sa hari ng Aram at hindi sa Panginoon na iyong Diyos, hindi nʼyo malilipol ang mga sundalo ng hari ng Aram.
8 Weren't Cushites and Libyans a vast army with countless chariots and horsemen? Because you relied on your Father, he gave them to you. Naalala mo ba kung ano ang nangyari sa mga taga-Etiopia at taga-Libya, na ang mga sundalo, mga karwahe at mga mangangabayo ay napakarami? Nang panahong iyon, nagtiwala ka sa Panginoon, at kayoʼy pinagtagumpay niya sa kanila.
9 For our Father's eyes scan the whole earth, to strengthen those whose heart is fully devoted to him. You acted foolishly in this; from now on you will have wars." Sapagkat nakatingin ang Panginoon sa buong mundo upang palakasin ang mga taong matapat sa kanya. Kamangmangan ang iyong ginawa! Kaya mula ngayon makikipaglaban ka na.”
10 Asa raged at the seer for this and jailed him in the stocks, for he was furious with him about it; he also brutally oppressed some people at that time. Dahil dito, labis na nagalit si Asa sa propeta, kaya itoʼy kanyang pinakulong. At sa panahong ding iyon, nagsimulang pahirapan ni Asa ang iba niyang mga mamamayan.
11 Asa's acts, first to last, are written in the Book of the Kings of Judah and Israel. Ang mga salaysay tungkol sa paghahari ni Asa mula sa simula hanggang sa katapusan ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda at ng Israel.
12 In his thirty-ninth year of reign, Asa's feet grew diseased, the disease severe. Yet even in his illness he did not seek our Father, but only the doctors. Nang ikatatlumpuʼt siyam na taon ng paghahari ni Asa, nagtiis siya ng karamdaman sa paa. Kahit malubha na ang kanyang karamdaman, hindi siya humingi ng tulong sa Panginoon kundi sa mga manggagamot.
13 Then Asa rested with his fathers, dying in the forty-first year of his reign. At noong ika-apatnapuʼt isang taon ng paghahari niya, namatay siya.
14 They buried him in his own tomb, cut for himself in the City of David, laid him on a funeral bed covered with spices and various blended perfumes prepared by skilled perfumers, and lit a great fire for him. Inilibing siya sa libingan na ipinagawa niya para sa kanyang sarili sa Lungsod ni David. Inilagay siya sa kabaong na may ibaʼt ibang mga pabango. At nagpaningas ng malaking apoy ang mga tao sa pagpaparangal sa kanya.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]