Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Ruth 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Then her mother-in-law Naomi said, "My daughter, shouldn't I seek a home for you, so it goes well for you? Isang araw, sinabi ni Naomi kay Ruth, “Anak, gusto kong makapag-asawa ka na para sa ikabubuti mo.
2 Isn't Boaz, whose young women you were with, our relative? Tonight he winnows barley at the threshing floor. Natatandaan mo ba si Boaz na kamag-anak natin? Nakasama mo sa pagtatrabaho ang kanyang mga utusang babae. Alam mo, maggigiik siya ng sebada mamayang gabi.
3 Wash, perfume yourself, put on your cloak, and go down to the threshing floor. Don't reveal yourself to the man until he finishes eating and drinking. Kaya maligo ka, magpabango, at isuot ang pinakamaganda mong damit. Pumunta ka sa giikan, pero huwag kang magpakita sa kanya hanggang sa makakain at makainom siya.
4 When he lies down, note the place; go uncover his feet and lie down—he'll tell you what to do." Kapag matutulog na siya, tingnan mo kung saan siya hihiga. At kapag tulog na siya, puntahan mo at iangat ang kumot sa paanan niya, at doon ka mahiga. At sasabihin niya sa iyo kung ano ang gagawin mo.”
5 And Ruth said to her, "All that you say I will do." Sumagot si Ruth, “Gagawin ko po ang lahat ng sinabi ninyo.”
6 So she went down to the threshing floor and did everything her mother-in-law had told her. Kaya pumunta siya sa giikan para gawin ang lahat ng sinabi sa kanya ng biyenan niya.
7 Boaz ate, drank, and felt good, then lay down at the end of the grain heap. She came secretly, uncovered his feet, and lay down. Nang matapos kumain at uminom si Boaz, gumanda ang pakiramdam niya. Nahiga siya sa tabi ng bunton ng sebada para matulog. Dahan-dahang lumapit si Ruth at iniangat ang kumot sa paanan niya at nahiga roon.
8 At midnight the man was startled, turned over, and there lay a woman at his feet! At nang hatinggabi naʼy nagising si Boaz, at nang nag-inat siya, nagulat siya na may babaeng nakahiga sa paanan niya.
9 "Who are you?" he asked. "I am Ruth, your servant," she said. "Spread your cloak's corner over your servant, for you are a redeemer." Nagtanong si Boaz, “Sino ka?” Sumagot siya, “Ako po si Ruth, na inyong lingkod. Takpan nʼyo po ako ng laylayan ng inyong damit sapagkat isa po kayo sa aming kamag-anak na manunubos.”
10 He said, "Blessed are you by our Father, my daughter. This last kindness is better than the first, since you didn't chase young men, poor or rich. Sinabi ni Boaz, “Anak, pagpalain ka nawa ng Panginoon. Ang katapatan na ipinakita mo ngayon sa pamilya mo ay pa sa ipinakita mo noon. Sapagkat hindi ka naghanap ng binata, mayaman man o mahirap.
11 Now, my daughter, don't be afraid. I'll do all you ask, for my whole town knows you're a worthy woman. Kaya huwag kang mag-alala, anak. Gagawin ko ang lahat ng hinihiling mo, dahil alam ng lahat ng kababayan ko na mabuti kang babae.
12 Now it is true that I am a redeemer, yet there is a redeemer nearer than I. Totoong malapít mo akong kamag-anak na may tungkuling tubusin ka, pero mayroon ka pang mas malapít na kamag-anak kaysa sa akin.
13 Stay tonight. In the morning, if he'll redeem you—good, let him redeem. If not, as our Father lives, I will redeem you. Lie down until morning." Dumito ka muna ngayong gabi. Bukas nang umaga, kung gagampanan niya ang tungkulin niya saʼyo, mabuti; kung hindi, isinusumpa ko sa buháy na Panginoon na gagampanan ko ang tungkulin ko saʼyo. Sige, dito ka muna matulog hanggang umaga.”
14 She lay at his feet until morning, rose before anyone was recognizable, for he said, "No one may know a woman came to the threshing floor." Kaya natulog si Ruth sa paanan ni Boaz hanggang sa mag-umaga, pero madilim-dilim pa ay bumangon na si Ruth para hindi siya makilala, dahil ayaw ni Boaz na may makaalam na pumunta si Ruth doon sa giikan niya.
15 He said, "Bring the shawl you're wearing; hold it out." She held it out. He measured six portions of barley, put it on her, and went into the city. Sinabi ni Boaz, “Dalhin mo rito sa akin ang balabal mo at ilatag mo.” Inilatag ito ni Ruth, at nilagyan ni Boaz ng mga anim na kilong sebada at ipinapasan kay Ruth. At bumalik si Ruth sa bayan.
16 When Ruth came to her mother-in-law, Naomi asked, "How did it go, my daughter?" She told her all the man had done for her. Pagdating ni Ruth sa biyenan niya, tinanong siya, “Kumusta, anak?” Ikinuwento naman ni Ruth ang lahat ng ginawa ni Boaz.
17 She said, "He gave me these six measures of barley, saying, 'Don't return to your mother-in-law empty-handed.'" At sinabi pa ni Ruth, “Ayaw po ni Boaz na umuwi ako sa inyo nang walang dala, kaya binigyan niya ako nitong anim na kilong sebada.”
18 Naomi said, "Wait, my daughter, until you know the outcome, for the man won't rest until he settles it today." Sinabi ni Naomi, “Maghintay ka lang, anak, hanggang malaman mo kung ano ang mangyayari, dahil hindi titigil si Boaz hanggang sa maisaayos niya sa araw na ito ang hinihiling mo sa kanya.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]