Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 30 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Moses told Israel's tribal heads: This is what our Father commanded. Sinabi ni Moises sa mga pinuno ng lahi ng Israel, “Ito ang mga utos ng Panginoon:
2 When a man vows a vow to our Father, or swears an oath binding himself with a pledge, he must not break his word; he must do all his mouth has spoken. Kung ang isang lalaki ay gagawa ng panata o susumpa sa Panginoon na gagawin niya o hindi ang isang bagay, kailangang tuparin niya ang lahat ng kanyang sinabi.
3 If a woman vows a vow to our Father and binds herself by a pledge while young, living in her father's house, “Kung ang isang dalaga na naninirahan pa sa bahay ng kanyang ama ay gumawa ng panata o nanumpa sa Panginoon na gagawin niya o hindi ang isang bagay,
4 when her father hears her vow and pledge binding her, and says nothing to her, all her vows and every pledge binding her stand. at nalaman ito ng kanyang ama ngunit hindi naman ito tumutol, kailangang tuparin niya ito.
5 But if her father forbids her the day he hears, none of her vows or bonds she bound herself with will stand; our Father will forgive her, because her father forbade her. Ngunit kung tumutol ang kanyang ama kapag nalaman ito, hindi na niya ito kailangang tuparin. Patatawarin siya ng Panginoon dahil tumutol ang kanyang ama.
6 If she marries while under her vows, or under a rash promise she has made, “Kung ang isang dalaga ay manumpa o gumawa ng panata na gagawin niya o hindi ang isang bagay, pagkatapos nag-asawa siya, kahit na pabigla-bigla man o hindi ang kanyang pangako,
7 and her husband hears of it and stays silent to her on the day he hears, her vows stand, and the bonds she bound herself with stand. at nalaman ito ng kanyang asawa ngunit hindi naman ito tumutol, kailangang gawin niya ang kanyang ipinangako.
8 But if her husband forbids her the day he hears, he cancels the vow binding her and the rash promise she made; and our Father will forgive her. Ngunit kung tumutol ang kanyang asawa kapag nalaman ito, hindi na niya ito kailangang tuparin, at wala na siyang pananagutan sa Panginoon.
9 But a widow's or divorced woman's vow—everything she bound herself to—stands against her. “Kung ang isang biyuda o babaeng hiniwalayan ng asawa ay gumawa ng panata o nanumpa na gagawin niya o hindi ang isang bagay, kailangang tuparin niya ito.
10 If she vowed in her husband's house, or bound herself by a pledge under oath, “At kung ang isang babaeng may asawa ay gumawa ng panata o nanumpa na gagawin niya o hindi ang isang bagay,
11 and her husband heard it, said nothing to her, and did not forbid her—so all her vows stand, and every pledge by which she bound herself stands. at nalaman ito ng kanyang asawa ngunit tumahimik lang ito at hindi tumutol, kailangang tuparin niya ito.
12 But if her husband nullifies them the day he hears, nothing she said—her vows or the pledge binding her—will stand: he has nullified them, and our Father will forgive her. Ngunit kung tumutol ang kanyang asawa kapag nalaman ito, hindi na niya ito kailangang tuparin. Patatawarin siya ng Panginoon dahil tumutol ang kanyang asawa.
13 Any vow and any binding oath to humble herself, her husband may confirm or nullify it. May karapatang pumayag o tumutol ang kanyang asawa sa kahit anong ginawa niyang sumpa o panata.
14 But if her husband stays silent to her from day to day, he confirms all her vows or obligations binding her; he confirms them, because he stayed silent to her on the day he heard them. Ngunit kung hindi tumutol ang kanyang asawa sa mismong araw na nalaman niya ito, pumapayag ang kanyang asawa na tuparin niya ito.
15 But if he nullifies them after he has heard them, then he will bear her guilt. Subalit kung pinalipas pa ng kanyang asawa ang ilang araw bago tumutol, ang kanyang asawa ang parurusahan sa kanyang kasalanan.”
16 These are the rules our Father commanded Moses, between a man and his wife, between a father and his young daughter still in his house. Iyon ang mga kautusan na ibinigay ng Panginoon kay Moises tungkol sa lalaki at sa kanyang asawa, at tungkol sa ama at sa kanyang anak na dalagitang nakatira sa kanyang bahay.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]