Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 19 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Our Father spoke to Moses and Aaron, saying: Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron,
2 "This is the statute of the law our Father commanded: Tell the Israelites to bring you a red heifer, flawless, with no defect, never yoked. “Ito pa ang isang tuntunin na gusto kong tuparin ninyo: Sabihan ninyo ang mga Israelita na dalhan kayo ng isang pulang dumalagang baka na walang kapintasan at hindi pa nagagamit sa pag-aararo.
3 Give it to Eleazar the priest; it is to be led outside the camp and slaughtered before him. Ibigay ninyo ito sa paring si Eleazar at dalhin ninyo sa labas ng kampo at katayin sa kanyang harapan.
4 Eleazar the priest is to dip his finger in its blood and sprinkle it seven times toward the front of the tent of meeting. Pagkatapos, kukuha si Eleazar ng dugo nito sa pamamagitan ng kanyang daliri, at iwiwisik ito ng pitong beses sa harapan ng Toldang Tipanan.
5 The heifer is to be burned as he watches—hide, flesh, blood, and waste together. At habang nakatingin si Eleazar, susunugin ang buong baka – ang balat, ang laman, dugo at mga bituka nito.
6 The priest must take cedar wood, hyssop, and scarlet yarn, and throw them into the fire burning the heifer. Pagkatapos, kukuha si Eleazar ng isang putol ng punong sedro, isang sanga ng halamang isopo at pulang panali na ihahagis lahat sa sinusunog na baka.
7 The priest must wash his clothes, bathe his body in water, then enter the camp—but remains unclean until evening. Pagkatapos, kailangang labhan ni Eleazar ang kanyang damit at maligo siya. At pagkatapos, makakapasok na siya sa kampo, ngunit ituturing siyang marumi buong maghapon.
8 He who burns it must wash his clothes in water, bathe his body in water, and remain unclean until evening. Ang taong nagsunog ng baka ay kailangang maglaba rin ng kanyang damit at maligo, at ituturing din siyang marumi buong maghapon.
9 "A clean man will gather the heifer's ashes and put them in a clean place outside the camp. Israel's community will keep them for water of cleansing—it removes sin. “Ang taong itinuturing na malinis ang siyang kukuha ng abo ng baka, at ilalagay niya ito sa isang lugar na itinuturing na malinis sa labas ng kampo. Itatago ito ngunit gagamitin ng mamamayan ng Israel na panghalo sa tubig na gagamitin sa paglilinis. Ginagawa ang seremonyang ito para mawala ang kasalanan.
10 The one gathering the heifer's ashes must wash his clothes and remain unclean until evening. This is a permanent law for Israelites and the foreigner living among them. Kailangang labhan ng taong kumuha ng abo ng baka ang kanyang damit, at ituturing din siyang marumi buong maghapon. Ang tuntuning itoʼy dapat tuparin ng mga Israelita at ng mga dayuhang naninirahan kasama ninyo magpakailanman.
11 "Whoever touches the dead body of any person is to be unclean for seven days. “Ang sinumang hahawak sa bangkay ay ituturing na marumi sa loob ng pitong araw.
12 He must purify himself with it on days three and seven; then he'll be clean. If he doesn't purify himself on days three and seven, he won't be clean. Kailangang linisin niya ang kanyang sarili ng tubig na panglinis sa ikatlo at ikapitong araw. Pagkatapos, ituturing na siyang malinis. Ngunit kung hindi siya maglilinis sa ikatlo at ikapitong araw, hindi siya ituturing na malinis.
13 Anyone who touches a corpse—the body of someone who died—and doesn't purify himself makes the tabernacle of our Father unclean; that person is cut off from Israel. Since the water of purification wasn't sprinkled on him, he stays unclean; his uncleanness remains on him. Ang sinumang makakahawak ng bangkay at hindi naglinis ng kanyang sarili ay para na rin niyang dinungisan ang Tolda ng Panginoon. Kailangang itiwalag ninyo siya mula sa sambayanan ng Israel. Dahil hindi siya nawisikan ng tubig na ginagamit sa paglilinis, marumi pa rin siya.
14 "This is the law: when someone dies in a tent, everyone entering it and everyone in it is unclean seven days. “Ito ang tuntunin kung may taong mamamatay sa loob ng tolda: Ang sinumang pumasok sa tolda o kayaʼy naroon na sa loob nang mamatay ang tao ay ituturing na marumi sa loob ng pitong araw.
15 And every open vessel that has no lid fastened on it is to be unclean. At ituturing ding marumi ang anumang mga lalagyan sa tolda na walang takip.
16 "Whoever touches, in an open field, one killed by the sword, one who has died naturally, a human bone, or a grave, becomes unclean seven days. “Ituturing ding marumi sa loob ng pitong araw ang sinumang nasa labas ng kampo na nakahawak ng bangkay, pinatay man ito o namatay sa natural na paraan. Ganoon din sa nakahawak sa buto ng tao o nakahawak ng libingan.
17 "For the unclean person, they are to take ashes from the burned purification offering, put them in a vessel, and add fresh running water. “Para mawala ang pagiging marumi, ilagay sa lalagyan ang ibang mga abo ng baka na inihahandog para sa kasalanan at pagkatapos, dadagdagan ito ng tubig.
18 A clean person is to take hyssop, dip it in the water, and sprinkle it on the tent, on all the vessels, on everyone who was there, and on whoever touched a bone, a slain person, a corpse, or a grave. Pagkatapos, kukuha ang taong itinuturing na malinis ng isang sanga ng halamang isopo, at isasawsaw niya ito sa nasabing tubig, at iwiwisik sa tolda na may namatay at sa lahat ng kagamitan dito, at sa mga tao na nasa tolda. Wiwisikan din ang taong nakahipo ng buto ng tao o ng libingan, o ang sinumang pinatay o namatay sa natural na kamatayan.
19 The clean person is to sprinkle the unclean one on the third and seventh day, purifying him on the seventh day. He must wash his clothes, bathe in water, and be clean by evening. Sa ikatlo at ikapitong araw, wiwisikan ng malinis na tao ang maruming tao. At sa ikapitong araw, kailangang labhan ng taong nilinisan ang kanyang damit at maligo siya, at sa gabing iyoʼy ituturing na siyang malinis.
20 Anyone unclean who doesn't purify himself must be cut off from the assembly, for he has made our Father's sanctuary unclean; the water of purification wasn't sprinkled on him—he is unclean. Ngunit kung ang taong marumi ay hindi maglilinis, huwag nʼyo na siyang ituring na kababayan ninyo, dahil para na rin niyang dinungisan ang Tolda ng Panginoon. At dahil hindi siya nawisikan ng tubig na ginagamit sa paglilinis, marumi pa rin siya.
21 This is a lasting statute for them: whoever sprinkles the water of purification must wash his clothes; whoever touches the water of purification is unclean until evening. Ang tuntuning ito ay dapat nilang sundin magpakailanman. “Ang taong nagwisik ng tubig na ginagamit sa paglilinis ay kailangang maglaba ng kanyang damit, at ang sinumang humipo ng tubig na panglinis ay ituturing na marumi buong maghapon.
22 Whatever the unclean person touches becomes unclean; whoever touches that is unclean until evening." Ang sinuman o anumang hahawak o hihipo sa maruming tao ay magiging marumi rin hanggang hapon.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]