Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 18 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Our Father said to Aaron, "You, your sons, and your father's house will bear the guilt of the sanctuary; you and your sons will bear the guilt of your priesthood. Sinabi ng Panginoon kay Aaron, “Ikaw at ang mga anak mong lalaki na mula sa lahi ni Levi ang mananagot sa anumang kasalanang may kinalaman sa Toldang Pinagtipunan. Ngunit ikaw lang at ang mga anak mo ang mananagot sa kasalanan na inyong magagawa na may kinalaman sa inyong pagkapari.
2 Bring your brothers too—the tribe of Levi, your father's tribe—to join and serve you, you and your sons, before the tent of the testimony. Kung maglilingkod ka at ang mga anak mo sa Toldang Tipanan, patulungin nʼyo ang mga kamag-anak nʼyo at kapwa Levita.
3 They must keep your duties and all the tent's duties, but not approach the sanctuary's sacred objects or the altar, or both they and you will die. Magtatrabaho sila sa ilalim ng iyong pamamahala at gagawin nila ang lahat ng mga gawain sa Tolda, ngunit hindi sila dapat humawak sa mga sagradong kagamitan sa Banal na Lugar o sa altar, dahil kung gagawin nila ito mamamatay sila pati kayo.
4 They will join you and keep the charge of the tent of meeting, all its service—no outsider may come near you. Tutulong sila sa iyo, at tungkulin nila ang pag-aasikaso ng Toldang Tipanan at ang paggawa ng lahat ng gawain dito. Dapat walang sinumang tutulong sa iyo at sa iyong mga anak maliban sa lahi ni Levi.
5 Guard the sanctuary and altar, so wrath never again falls on Israel's people. “Ikaw ang mamamahala sa pag-aasikaso ng Banal na Lugar at ng altar, upang hindi ako muling magalit sa mga Israelita.
6 I have taken your fellow Levites from Israel's sons—a gift to you, given to me, to serve at the tent of meeting. Ako ang pumili ng kapwa mo Levita mula sa mga Israelita para maging katulong mo. Itinalaga sila sa Panginoon para maglingkod sa Toldang Tipanan.
7 You and your sons must guard your priesthood in all matters of the altar and behind the inner curtain; serve there. I give your priesthood as a gift; any outsider who approaches must be put to death." Ngunit ikaw lang at ang iyong mga anak ang makapaglilingkod bilang mga pari, dahil kayo lang ang makakagawa ng mga gawain na may kinalaman sa altar at sa Pinakabanal na Lugar. Regalo ko sa inyo ang inyong pagkapari. Papatayin ang sinumang gagawa nito na hindi pari.”
8 Our Father said to Aaron, "I have given you charge of my contributions, all the holy gifts of Israel's people. I have given them to you as a portion, and to your sons as a permanent share. Sinabi ng Panginoon kay Aaron, “Ako ang pumili sa iyo para mamahala sa mga banal na handog na iniaalay sa akin ng mga Israelita. Ibinibigay ko ito sa iyo at sa iyong mga anak bilang inyong bahagi magpakailanman.
9 This is yours from the most holy things kept from the fire: all their offerings—every grain offering, every sin offering, and every guilt offering they bring me—are most holy, for you and your sons. May bahagi kayo sa napakabanal na mga handog na ito na hindi sinusunog, na inihandog ng mga tao sa akin bilang napakabanal na mga handog. Kasama ng mga handog na ito ang handog na pagkaing butil para sa akin, handog para sa kasalanan, at handog na pambayad ng kasalanan. Ito ang mga bahagi mo at ng iyong mga anak.
10 Eat it in the most holy place; every male may eat it—it is holy to you. Kainin ninyo ito bilang isang napakabanal na handog. Kailangang mga lalaki lang ang kakain nito at ituring ninyo itong banal.
11 This too is yours: the contribution from their gifts, all Israel's wave offerings. I've given them to you, your sons, your daughters with you—a permanent law. Anyone clean in your house may eat it. “Ang iba pang mga handog ng mga Israelita na itinataas sa altar ay para rin sa inyo. Ibinibigay ko ito sa iyo at sa iyong mga angkan, bilang inyong bahagi magpakailanman. Makakakain nito ang sinuman sa iyong pamilya na itinuturing na malinis.
12 The best of the oil, new wine, and grain—the firstfruits they give me—I give you. “Ibinibigay ko rin sa inyo ang mabubuting produkto na inihahandog ng mga Israelita mula sa una nilang ani: langis ng olibo, bagong alak at trigo.
13 The first produce of their land, brought to me, is yours. Anyone clean in your house may eat it. Magiging inyo ang lahat ng mga produkto na kanilang inihahandog mula sa unang ani ng kanilang lupa. Makakakain nito ang sinuman sa iyong pamilya na itinuturing na malinis.
14 Every devoted thing in Israel is to be yours. “Ang lahat ng bagay sa Israel na ibinigay sa akin nang buo ay magiging inyo.
15 Every firstborn of human or animal offered to me is yours—but redeem the firstborn of humans, and redeem the firstborn of unclean animals. Ang lahat ng panganay na lalaki, tao man o hayop na inihahandog sa Panginoon ay magiging inyo rin. Ngunit kailangang tubusin ninyo ang mga panganay na anak na lalaki at ang mga panganay na mga hayop na itinuturing na marumi.
16 Redeem them at one month old for about two ounces of silver, by the sanctuary standard. Tubusin ninyo ito kung isang buwan na ang edad at kailangang tubusin ninyo ito sa halagang limang pirasong pilak ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari.
17 But the firstborn cow, sheep, or goat you must not buy back—they are holy. Splash their blood on the altar, burn their fat as a food offering, a pleasing aroma to me. “Ngunit huwag ninyong tutubusin ang panganay na toro, tupa o kambing dahil sa akin ito. Katayin ninyo ito at iwisik ninyo ang dugo sa altar at sunugin ang mga taba bilang handog sa pamamagitan ng apoy. Ang mabangong samyo ng handog na ito ay makalulugod sa Panginoon.
18 But their flesh is yours, as the wave-offering breast and right thigh are yours. Sa inyo ang karne nito, gaya ng dibdib at ng kanang paa ng handog na itinataas ninyo.
19 All the holy offerings Israel brings me I give you, your sons and daughters with you, as a lasting share. It is a salt covenant forever before me, for you and your offspring with you." Ibinibigay ko sa inyo ang lahat ng mga handog na itinataas ng mga Israelita sa akin. Para ito sa inyo at sa inyong mga angkan bilang inyong bahagi magpakailanman. Kasunduan ko ito sa iyo at sa iyong angkan na hindi magbabago magpakailanman.”
20 Our Father said to Aaron, "You will have no inheritance in their land, no portion among them. I am your portion and inheritance among Israel's sons." Sinabi pa ng Panginoon kay Aaron, “Kayong mga pari ay walang mamanahing lupa sa Israel, dahil ako mismo ang magbibigay ng inyong mga pangangailangan.
21 "I have given the Levites all the tenth in Israel as inheritance in exchange for the service they perform, the service of the tent of meeting. “Kung tungkol sa mga Levita, babayaran ko sila sa kanilang serbisyo sa Tolda. Ibibigay ko sa kanila ang lahat ng ikapu na ibinibigay ng mga Israelita bilang kanilang bahagi.
22 The Israelites must no longer approach the tent of meeting, or they will bear guilt and die. Mula ngayon, wala nang iba pang Israelita na lalapit sa Toldang Tipanan maliban sa mga pari at sa mga Levita, dahil kung lalapit sila, mananagot sila sa kanilang mga kasalanan, at mamamatay.
23 But the Levites will serve at the tent of meeting and bear their own guilt. This is a permanent law for your generations: they get no inheritance among Israel's people. Ang mga Levita ang naatasan sa mga gawain sa Toldang Tipanan, at mananagot sila sa kanilang magagawang kasalanan laban dito. Ang mga tuntuning ito ay dapat tuparin hanggang sa susunod pang mga henerasyon. Walang mamanahing lupa ang mga Levita sa Israel.
24 For the tenth Israel's people present to me as a contribution, I have given the Levites as their inheritance. So I have told them: they will have no inheritance among Israel's people." Sa halip, ibibigay ko sa kanila bilang kanilang bahagi ang mga ikapu na ibinibigay ng mga Israelita bilang handog nila sa Panginoon. Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi ko na ang mga Levita ay walang mamanahing lupa sa Israel.”
25 Our Father spoke to Moses, saying, Inutusan ng Panginoon si Moises
26 "Speak to the Levites and tell them: When you take the tenth I have given you from Israel's people as your inheritance, bring a contribution from it to me—a tenth of the tenth. na sabihin niya ito sa mga Levita: “Kung matanggap na ninyo mula sa mga Israelita ang ikapu na ibibigay ko sa inyo bilang inyong bahagi, kailangang magbigay din kayo ng inyong ikapu galing sa ikapu nila, bilang handog sa Panginoon.
27 Your contribution will count for you as grain from the threshing floor, as full produce from the winepress. Ituturing ko ito bilang inyong handog mula sa mga ani, na parang naghandog kayo ng trigo mula sa giikan o alak mula sa pisaan ng ubas.
28 You too must present a contribution to me from all your tenth taken from Israel's people, giving from it my contribution to Aaron the priest. Sa pamamagitan nito, makapagbibigay din kayo ng handog sa Panginoon galing sa lahat ng ikapu na inyong natanggap mula sa aking mga Israelita. At sa aking bahagi na iyon, ang ikapu nito ay ibigay ninyo sa paring si Aaron.
29 From all your gifts, present every offering to me—from each, the best and holiest part. Kinakailangang ialay sa Panginoon ang pinakamaganda at pinakabanal na bahagi ng lahat ng ibinibigay sa inyo.
30 "So tell them: when you offer its best part, it counts for the Levites as produce of the threshing floor and winepress. “Sabihin ninyo ito sa mga Levita: ‘Kapag naihandog na ninyo ang pinakamagandang bahagi, ituturing ko itong handog ninyo mula sa giikan o pisaan ng ubas.
31 Eat it anywhere, you and your households—it is your wage for your service in the tent of meeting. Maaari mong kainin at ng iyong pamilya ang inyong bahagi kahit saang lugar dahil suweldo ninyo iyan sa inyong paglilingkod sa Toldang Tipanan.
32 You incur no guilt from it once you have offered its best part. But you must not desecrate the holy things of Israel's sons, or you will die." Hindi kayo magkakasala sa pagkain ninyo nito kung naihandog na ninyo ang pinakamabuting bahagi sa Panginoon. Ngunit tiyakin ninyong hindi ninyo marurumihan ang banal na mga handog ng mga Israelita, sa pamamagitan ng pagkain ng inyong bahagi nang hindi pa ninyo naibibigay ang aking bahagi para hindi kayo mamatay.’ ”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]