Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 14 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Then the whole congregation raised their voices and cried out, and the people wept that night. Nang gabing iyon, humagulgol ang lahat ng mamamayan.
2 All the Israelites complained against Moses and Aaron; the whole community said to them, "If only we had died in the land of Egypt, or if only we had died in this wilderness! Nagreklamo ang mga Israelita kina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Mabuti pang namatay na lang tayo sa Ehipto o dito sa disyerto.
3 Why is our Father bringing us to this land to fall by the sword? Our wives and children will be plunder. Wouldn't it be better to return to Egypt?" Bakit pa ba tayo dadalhin ng Panginoon sa lupaing iyon? Para lang ba mamatay tayo sa labanan at bihagin ang ating mga asawaʼt anak? Mabuti pa sigurong bumalik na lang tayo sa Ehipto.”
4 And they said to one another, "Let us appoint a leader and return to Egypt." At nag-usap-usap sila, “Pumili tayo ng pinuno at bumalik sa Ehipto!”
5 Then Moses and Aaron fell facedown before the whole assembly of Israel. Pagkatapos, nagpatirapa sina Moises at Aaron sa harapan ng lahat ng mamamayan ng Israel na nagkakatipon doon.
6 Joshua son of Nun and Caleb son of Jephunneh, among those who scouted the land, tore their clothes. Pinunit ni Josue na anak ni Nun at ni Caleb na anak ni Jefune ang kanilang mga damit dahil sa labis na kalungkutan. Ang dalawang ito ay kasama sa pag-espiya sa lupain.
7 They told the whole Israelite community, "The land we passed through and explored is exceedingly good. Sinabi nila sa mga mamamayan ng Israel, “Napakabuti ng lupaing aming pinuntahan.
8 If our Father delights in us, he'll bring us into this land and give it to us, a land flowing with milk and honey. Kung nalulugod ang Panginoon sa atin, gagabayan niya tayo papunta sa lupang iyon – lupaing masagana sa gatas at pulot at ibibigay niya ito sa atin.
9 Only don't rebel against our Father, and don't fear the people of the land—they are food for us. Their protection is gone; our Father is with us. Don't fear them." Huwag lang kayong magrerebelde sa Panginoon. At huwag kayong matatakot sa mga tao doon dahil madali natin silang matatalo. Wala nang magtatanggol sa kanila, ngunit kasama natin ang Panginoon. Kaya huwag kayong matakot sa kanila.”
10 The whole community called for stoning Joshua and Caleb. Then our Father's glory appeared at the tent of meeting to all Israel's people. Babatuhin sana sila ng buong kapulungan, ngunit biglang nagpakita sa lahat ng Israelita ang kaluwalhatian ng Panginoon sa itaas ng Toldang Tipanan.
11 And our Father said to Moses, "How long will this people despise me? And how long will they not believe in me, despite all the signs I've done among them? Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Hanggang kailan pa ba ako itatakwil ng mga taong ito? Hanggang kailan pa ba sila hindi maniniwala sa akin sa kabila ng lahat ng mga himalang ginawa ko sa kanila?
12 I will strike them with the plague and disinherit them, then make you a nation greater and stronger than they." Padadalhan ko sila ng salot at papatayin ko sila, ngunit gagawin kitang isang bansa na mas makapangyarihan at matatag kaysa sa kanila.”
13 But Moses said to our Father, "The Egyptians will hear of it, for you brought this people up from among them by your might, Sinabi ni Moises sa Panginoon, “Ano na lang po ang sasabihin ng mga Ehipsiyo kung mababalitaan nila ito? Hindi baʼt nalalaman nila na kinuha ninyo ang mga Israelita sa kanila sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan?
14 and they will tell the residents of this land, who have heard that you, our Father, are among this people, that you, our Father, are seen face to face, that your cloud stands over them, and you go before them in a pillar of cloud by day and a pillar of fire by night. Kapag nilipol po ninyo ang inyong mamamayan, sasabihin nila ito sa mga naninirahan sa Canaan. Narinig ng mga Cananeo na kayo, Panginoon ay sumasama sa mga Israelita, at nagpapakita sa kanila sa pamamagitan ng ulap na gumagabay sa kanila. Pinangungunahan nʼyo sila kapag gabi sa pamamagitan ng apoy na parang haligi, at kapag araw sa pamamagitan ng ulap na parang haligi rin.
15 If you kill this people all at once, the nations who heard your fame will say, Ngayon, kapag pinaslang po ninyong lahat ang inyong mamamayan, sasabihin ng mga bansang nakarinig ng inyong katanyagan,
16 'Because God couldn't bring this people into the land he swore to them, he slaughtered them in the wilderness.' ‘Hindi kayang dalhin ng Panginoon ang mga Israelita sa lupaing ipinangako niya sa kanila, kaya pinatay na lang niya sila sa disyerto.’
17 And now, please, let the power of the Sovereign Father be great, as you have spoken, saying, “Kaya ngayon, O Panginoon, sana po ay ipakita ninyo ang inyong kapangyarihan ayon sa inyong sinabi na mapagmahal kayo
18 'Our Father is slow to anger, overflowing in covenant love, forgiving guilt and wrongdoing—yet he will by no means clear the guilty, bringing the fathers' sin on children to the third and fourth generation.' at hindi madaling magalit, at mapagpatawad sa mga kasalanan ng tao. Subalit pinaparusahan po ninyo ang mga nagkakasala, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.
19 Please pardon this people's guilt according to the greatness of your covenant love, just as you've forgiven them from Egypt until now." Ayon sa inyong dakilang pagmamahal, patawarin po ninyo ang mga kasalanan ng mga taong ito, gaya ng pagpapatawad ninyo sa kanila mula nang lumabas sila sa Ehipto.”
20 Then our Father said, "I have pardoned, according to your word. Sumagot ang Panginoon, “Patatawarin ko sila ayon sa iyong hiling.
21 "But truly, as I live, and as all the earth will be filled with my glory, Ngunit sumusumpa ako, ang Panginoong nabubuhay, habang napupuno ang buong mundo ng kaluwalhatian ko,
22 surely all the men who saw my glory and the signs I did in Egypt and the wilderness, yet tested me ten times and did not listen to my voice, walang sinuman sa mga taong nakakita sa kaluwalhatian ko at sa mga tanda na ginawa ko sa Ehipto at sa disyerto ngunit sinubukan pa rin ako nang sampung beses,
23 shall not see the land I swore to their fathers. None who despised me will see it. wala ni isa sa kanila ang makakapasok sa lupaing ipinangako ko sa kanilang mga ninuno. Walang sinuman sa kanila na humamak sa akin ang makakakita rito.
24 But my servant Caleb has a different spirit and has followed me fully—I will bring him into the land he entered, and his descendants will possess it. Ngunit makakapasok si Caleb na aking lingkod sa lupaing kanyang pinuntahan, dahil naiiba siya sa kanila at sumusunod siya sa akin nang buong puso. Sasakupin at mamanahin ng kanyang mga angkan ang lupaing iyon.
25 The Amalekites and the Canaanites live in the valleys. Tomorrow, turn and head into the wilderness toward the Red Sea." Dahil may mga Cananeo at mga Amalekitang naninirahan sa mga lambak, bumalik kayo bukas at magtungo sa disyerto, sa daang papunta sa Dagat na Pula.”
26 And our Father spoke to Moses and Aaron, saying, Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron,
27 "How long will this evil congregation grumble against me? I have heard the Israelites' grumbling against me. “Hanggang kailan pa ba ang pagrereklamo sa akin ng masasamang mamamayang ito? Narinig ko ang mga reklamo ng mga Israelita.
28 Tell them, 'As I live, declares our Father, I will do to you exactly what I heard you say: Kaya sabihin mo ito sa kanila: Ako, ang Panginoong buháy, ay sumusumpa na gagawin ko sa inyo ang inyong hinihiling.
29 'Your corpses will fall in this wilderness—all of you counted, your whole number, twenty years old and up, who grumbled against me. Mamamatay kayo rito sa disyerto. Dahil nagreklamo kayo sa akin, walang kahit isa sa inyo na may edad na dalawampung taóng gulang pataas
30 None of you will enter the land I swore to settle you in, except Caleb son of Jephunneh and Joshua son of Nun. ang makakapasok sa lupaing ipinangako ko na ibibigay sa inyo na inyong titirhan, maliban lang kay Caleb na anak ni Jefune at kay Josue na anak ni Nun.
31 But your little ones, whom you said would become plunder, I will bring in; they will know the land you rejected. Tungkol naman sa inyong mga anak na sinabi ninyong bibihagin, dadalhin ko sila sa lupain na inyong itinakwil at magiging kanila ito.
32 But as for you, you will fall dead in this wilderness. Ngunit mamamatay kayo sa disyerto.
33 Your children will be shepherds in the wilderness forty years, bearing your unfaithfulness, until the last of your corpses lies in the wilderness. Ang inyong mga anak ay magiging tulad ng mga tagapagbantay ng tupa na palibot-libot sa disyerto sa loob ng apatnapung taon. Sa pamamagitan nito, magdurusa sila dahil sa inyong pagtataksil sa akin hanggang sa mamatay kayong lahat.
34 As the days you scouted the land—forty days—a day for a year, you will carry your guilt forty years, and know my opposition to you. Dahil ang mga espiya sa lupain ay tumira roon ng apatnapung araw, magdurusa rin kayo ng apatnapung taon dahil sa inyong kasalanan, para malaman ninyo kung paano ako magalit sa mga kumakalaban sa akin.
35 I, your Father, have spoken: surely I will do this to this whole evil assembly gathered against me—they will end in this wilderness, and die there.'" Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito at siguradong gagawin ko ang mga bagay na ito sa masasamang mamamayang ito na nagkaisang kumalaban sa akin. Mamamatay silang lahat sa disyerto.”
36 The men Moses sent to scout the land returned, making the whole community grumble against Moses with a bad report about it. Ang mga lalaking inutusan ni Moises na magmanman sa lupain ng Canaan, na bumalik at naging dahilan ng pagrereklamo ng sambayanang Israel dahil sa pagkakalat nila ng masamang balita,
37 The men who brought up a bad report of the land died by plague before our Father. ay namatay sa harap ng Panginoon dahil sa salot.
38 But Joshua son of Nun and Caleb son of Jephunneh survived, of those men who went to explore the land. Sa labindalawang espiya, si Josue na anak ni Nun at si Caleb na anak ni Jefune lang ang hindi namatay.
39 When Moses told these words to all the children of Israel, the people mourned greatly. Nang sinabi ito ni Moises sa lahat ng mga Israelita, nagluksa sila.
40 They got up early in the morning and went up to the hilltop, saying, "Here we are. We will go up to the place our Father promised, for we have sinned." At kinabukasan, maaga silang bumangon para umakyat sa kabundukan ng Canaan. Sinabi nila, “Napagtanto naming nagkasala kami, at ngayoʼy handa na kaming pumunta sa lugar na ipinangako ng Panginoon.”
41 But Moses said, "Why now are you disobeying our Father's command? It won't succeed. Ngunit sinabi ni Moises, “Bakit sinuway ninyo ang utos ng Panginoon na bumalik sa disyerto? Hindi kayo magtatagumpay!
42 Do not go up, for our Father is not among you, or you'll be struck down before your enemies. Huwag kayong lalakad, dahil hindi kayo sasamahan ng Panginoon, at matatalo lang kayo ng inyong mga kaaway.
43 For the Amalekites and Canaanites are there before you; you'll fall by the sword. Since you've turned back from following our Father, he won't be with you." Sa oras na makipaglaban sa inyo ang mga Cananeo at mga Amalekita, mamamatay kayo; hindi sasáma ang Panginoon sa inyo dahil siyaʼy itinakwil ninyo.”
44 But they dared to climb to the hill country's crest, though the ark of the covenant of our Father and Moses did not leave the camp. Ngunit umakyat pa rin sila sa kabundukan ng Canaan kahit hindi sumáma sa kanila si Moises at ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon.
45 Then the Amalekites and the Canaanites living in that hill country came down, struck them, and crushed them as far as Hormah. Pagkatapos, sinalakay sila ng mga Amalekita at ng mga Cananeo na naninirahan doon sa kabundukan, at natalo sila, at hinabol pa sila hanggang sa Horma.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]