Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 12 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Miriam and Aaron spoke against Moses over the Cushite woman he had married—he had married a Cushite woman. Ngayon, siniraan nila Miriam at Aaron si Moises dahil nakapag-asawa siya ng isang taga-Cush.
2 They said, "Has our Father spoken only through Moses? Hasn't he also spoken through us?" And our Father heard it. Sinabi nila, “Sa pamamagitan lang ba ni Moises nakikipag-usap ang Panginoon? Nakikipag-usap din siya sa amin.” Subalit narinig ito ng Panginoon.
3 Now the man Moses was very humble, more than anyone else on the face of the earth. (Mapagpakumbaba si Moises higit sa lahat ng mga tao sa mundo.)
4 Suddenly our Father told Moses, Aaron, and Miriam, "Come out, you three, to the tent of meeting." The three went out. Kaya nakipag-usap agad ang Panginoon kina Moises, Aaron at Miriam, “Lumabas kayong tatlo at pumunta sa Toldang Tipanan.” Kaya pumunta silang tatlo sa Tolda.
5 Then our Father came down in a pillar of cloud, stood at the tent entrance, called Aaron and Miriam, and both came forward. Pagkatapos, bumaba ang Panginoon sa pamamagitan ng ulap na parang haligi at tumayo sa pintuan ng Toldang Tipanan, at tinawag sina Aaron at Miriam. Paglapit ng dalawa,
6 He said, "Hear my words: if a prophet is among you, I, your Father, reveal myself to him in a vision, speak to him in a dream. sinabi ng Panginoon sa kanila, “Pakinggan ninyo ito: Kapag may propeta sa inyo, ako, ang Panginoon, ay nakikipag-usap sa kanya sa pamamagitan ng pangitain at panaginip.
7 Not so with my servant Moses; he is faithful in all my house. Ngunit hindi ako ganoon makipag-usap sa aking lingkod na si Moises na mapagkakatiwalaang pinuno ng aking mga mamamayan.
8 With him I speak mouth to mouth, clearly and not in riddles, and he sees the form of our Father. Why then were you not afraid to speak against my servant Moses?" Kung nakikipag-usap ako sa kanya, magkaharap lang kami. Malinaw ang aming usapan at hindi paligoy-ligoy. Nakikita niya ang aking anyo. Kaya bakit hindi kayo natakot magsalita ng masama laban sa aking lingkod na si Moises?”
9 So the anger of our Father burned against them, and he departed. Nagalit ang Panginoon sa kanila, at umalis siya.
10 When the cloud lifted from over the tent, there was Miriam—diseased, white as snow. Aaron turned to Miriam, and there—diseased. Nang umalis na ang ulap sa ibabaw ng Tolda, tinubuan si Miriam ng malubhang sakit sa balat, at namuti ang kanyang balat. Pagkakita ni Aaron sa kanya,
11 Aaron told Moses, "Please, my lord, don't hold against us the sin of our foolishness and wrongdoing. sinabi ni Aaron kay Moises, “Pakiusap kapatid ko, huwag po ninyo kaming pahirapan dahil sa kasalanang nagawa namin nang may kahangalan.
12 Don't let her be like a stillborn, its flesh half-consumed leaving its mother's womb." Huwag ninyong hayaang maging tulad si Miriam sa isang batang patay nang ipinanganak at bulok ang kalahating katawan.”
13 So Moses cried out to our Father, "Please, my Father, please heal her!" Kaya nagmakaawa si Moises sa Panginoon, “O Diyos ko, nakikiusap po ako sa inyo na pagalingin ninyo si Miriam.”
14 But our Father told Moses, "If her father had only spit in her face, wouldn't she be ashamed seven days? Shut her outside the camp seven days; then bring her back." Sumagot ang Panginoon kay Moises, “Hindi baʼt kapag dinuraan siya ng kanyang ama sa mukha ay pagdurusahan niya ang kahihiyang ito sa loob ng pitong araw? Kaya, palabasin siya sa kampo sa loob ng pitong araw, at pagkatapos ng pitong araw, maaari na siyang makabalik.”
15 Miriam was shut outside the camp seven days; the people did not move until she was brought back. Kaya pinalabas si Miriam sa kampo sa loob ng pitong araw. Hindi nagpatuloy ang mga tao sa paglalakbay hanggang sa makabalik si Miriam sa kampo.
16 After that the people set out from Hazeroth and camped in the Wilderness of Paran. Pagkatapos noon, umalis sila sa Hazerot, at nagkampo sa disyerto ng Paran.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]