Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Our Father spoke to Moses in the Sinai wilderness, in the tent of meeting, on the first day of the second month of the second year after they left the land of Egypt. He said: Noong unang araw ng ikalawang buwan, nang ikalawang taon mula nang lumabas ang mga Israelita sa Ehipto, sinabi ng Panginoon kay Moises doon sa Toldang Tipanan sa disyerto ng Sinai. Sabi niya,
2 "Count the whole community of Israel's people, by clans and fathers' houses—every male, by name, head by head. “Isensus ninyo ang lahat ng mga mamamayan ng Israel ayon sa kanilang lahi at pamilya. Ilista ninyo ang pangalan ng lahat ng lalaki.
3 Register everyone in Israel twenty and older who can serve in the army—you and Aaron—by their divisions. Kayong dalawa ni Aaron ang mamamahala sa pagbibilang mula sa mga pangkat, at sa paglilista ng mga lalaking dalawampung taóng gulang pataas na may kakayahang maging mga sundalo.
4 A man from each tribe is to be with you, each one the head of his family. Tutulong sa inyo ang pinuno ng bawat lahi.
5 "Names of the men who will stand with you: from Reuben, Elizur son of Shedeur. “Ito ang pangalan ng mga taong tutulong sa inyo: “mula sa lahi ni Ruben, si Elizur na anak ni Sedeur
6 "From Simeon, Shelumiel son of Zurishaddai; mula sa lahi ni Simeon, si Selumiel na anak ni Zurishadai
7 "From Judah, Nahshon son of Amminadab; mula sa lahi ni Juda, si Naason na anak ni Aminadab
8 "From Issachar, Nethanel son of Zuar; mula sa lahi ni Isacar, si Netanel na anak ni Zuar
9 "From Zebulun, Eliab son of Helon; mula sa lahi ni Zebulun, si Eliab na anak ni Helon
10 "From the sons of Joseph: from Ephraim, Elishama son of Ammihud; from Manasseh, Gamaliel son of Pedahzur; mula sa lahi ni Jose, mula sa lahi ni Efraim, si Elisama na anak ni Amihud mula sa lahi ni Manases, si Gamaliel na anak ni Pedazur
11 "From Benjamin, Abidan son of Gideoni; mula sa lahi ni Benjamin, si Abidan na anak ni Gideoni
12 "From Dan, Ahiezer son of Ammishaddai; mula sa lahi ni Dan, si Ahiezer na anak ni Amishadai
13 "From Asher, Pagiel son of Ochran; mula sa lahi ni Asher, si Pagiel na anak ni Ocran
14 "From Gad, Eliasaph son of Deuel; mula sa lahi ni Gad, si Eliasaf na anak ni Deuel
15 "From Naphtali, Ahira son of Enan. mula sa lahi ni Neftali, si Ahira na anak ni Enan.
16 "These were the community's called ones, leaders of their ancestral tribes, heads of Israel's clans." “Sila ang mga pinuno ng mga lahing pinili mula sa mga mamamayan ng Israel.”
17 So Moses and Aaron took these men who had been designated by name, Ipinatawag ni Moises at Aaron ang lahat ng lalaking napili,
18 on the first day of the second month they gathered the whole community. The people registered their ancestry by clan and family—every male twenty years old and older, listed by name, one by one, at sa araw ding iyon, tinipon nila ang buong sambayanan ng mga Israelita. Pagkatapos, ipinatala ng mga tao ang kanilang mga ninuno ayon sa lahi at pamilya, gayundin ang mga lalaking may edad na dalawampung taóng gulang pataas.
19 as our Father had commanded Moses. So Moses counted them in the wilderness of Sinai. Inilista sila ni Moises doon sa disyerto ng Sinai, ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon.
20 From Reuben's descendants, Israel's firstborn: recorded by clan and family, name by name, every male twenty years old and up, able to serve in war. Mula sa mga apo ni Ruben, ang panganay na lalaki ni Israel: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.
21 Those counted from the tribe of Reuben were 46,500. Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Ruben ay 46,500.
22 Simeon's descendants, by clans and families, counted by name, head by head: every male twenty years old and up, fit for the army. Mula sa mga apo ni Simeon: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.
23 Those counted from the tribe of Simeon were 59,300. Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Simeon ay 59,300.
24 From Gad's descendants: by clans, families, and names, every man twenty and older fit for military service. Mula sa mga apo ni Gad: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.
25 Those counted from the tribe of Gad were 45,650. Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Gad ay 45,650.
26 Judah's descendants, listed by clans and families, by name, every man twenty and older able to serve in the army: Mula sa mga apo ni Juda: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.
27 those counted from the tribe of Judah were 74,600. Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Juda ay 74,600.
28 Issachar's descendants, listed by clan and family, by name, every man twenty years and older fit for war: Mula sa mga apo ni Isacar: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.
29 those counted from the tribe of Issachar were 54,400. Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Isacar ay 54,400.
30 Zebulun's descendants: registered by clan and family, by name, every man twenty years old or older fit for military service. Mula sa mga po ni Zebulun: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.
31 Those counted from the tribe of Zebulun were 57,400. Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Zebulun ay 57,400.
32 Sons of Joseph, Ephraim's line: recorded by clan and family, by name, every man twenty and older fit for military service. Mula sa mga anak na lalaki ni Jose: Mula sa mga apo ni Efraim: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.
33 Those counted from the tribe of Ephraim were 40,500. Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Efraim ay 40,500.
34 Manasseh's descendants, listed by clans and families, by name, each man twenty years or older able to serve in the army: Mula sa mga apo ni Manases: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.
35 those counted from the tribe of Manasseh were 32,200. Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Manases ay 32,200.
36 From Benjamin's descendants, recorded by clan and family, by name, every man twenty years old and older, fit for military service: Mula sa mga apo ni Benjamin: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.
37 those counted from the tribe of Benjamin were 35,400. Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Benjamin ay 35,400.
38 From Dan's descendants, listed by clan and family, by name, every man twenty years old and older fit for war: Mula sa mga apo ni Dan: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.
39 those counted from the tribe of Dan were 62,700. Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Dan ay 62,700.
40 Asher's descendants, listed by clan and family, by name: every man twenty years old and up, fit for military service. Mula sa mga apo ni Asher: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.
41 Those counted from the tribe of Asher were 41,500. Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Asher ay 41,500.
42 Naphtali's descendants: by clan and family, counted by name, every man twenty and older fit for war. Mula sa mga apo ni Neftali: Ito ang bilang ng mga lalaking may edad dalawampu pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya.
43 Those counted from the tribe of Naphtali were 53,400. Ang bilang ng mga mula sa lahi ni Neftali ay 53,400.
44 Moses, Aaron, and Israel's twelve leaders counted these men, each for his family. Sila ang mga lalaking nabilang nina Moises at Aaron at ng labindalawang pinuno ng Israel. Ang bawat isa sa kanila ay kumakatawan sa kani-kanilang pamilya.
45 All Israel's people were counted by families, every man twenty years old and older, fit to serve in Israel's army. Lahat sila ay dalawampung taóng gulang pataas at may kakayahang maging sundalo ng Israel.
46 All those counted came to 603,550. Ang kabuuang bilang nila ay 603,550 lahat.
47 But the Levites were not counted among them by their ancestral tribe. Ngunit hindi isinama sa bilang dito ang mga lahi ni Levi.
48 For our Father had said to Moses: Sapagkat sinabi ng Panginoon kay Moises,
49 "Do not count the tribe of Levi or list them among the Israelites. “Huwag ninyong isama ang lahi ni Levi sa sensus kasama ng ibang mga Israelitang magsisilbi sa panahon ng labanan.
50 Instead, put the Levites in charge of the tabernacle of the testimony, all its furnishings, and everything belonging to it. They must carry the tabernacle and its furnishings, care for it, and camp around it. Sa halip ay ibigay ninyo sa mga Levita ang tungkulin na pamahalaan ang Toldang kinalalagyan ng aking mga utos at ng lahat ng kagamitan nito. Sila ang magdadala ng Tolda at ng lahat ng kagamitan nito, at kailangang pangalagaan nila ito at magkampo sa paligid nito.
51 When the tabernacle sets out, Levites take it down; when it is pitched, Levites set it up. Any outsider who comes near is to be put to death. Kapag ililipat na ang Tolda, sila ang magliligpit nito. At kung itatayo naman, sila rin ang magtatayo nito. Ang sinumang gagawa ng ganitong gawain sa Tolda na hindi Levita ay papatayin.
52 Israel's people are to camp, each by his own camp, each under his own banner, by their companies. Magkakampo ang mga Israelita ayon sa bawat lahi nila, at may bandila ang bawat lahi.
53 The Levites must camp around the tabernacle of the testimony, so no wrath falls on the Israelite community; the Levites are to guard the tabernacle of the testimony." Ngunit ang mga Levita ay magkakampo sa paligid ng Tolda na kinalalagyan ng aking mga utos upang hindi ako magalit sa mga mamamayan ng Israel. Ang mga Levita ang responsable sa pangangalaga ng Tolda na kinalalagyan ng aking mga utos.”
54 The people of Israel did everything our Father had commanded Moses; that is exactly what they did. Ginawa itong lahat ng mga Israelita ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]