Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Leviticus 27 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Our Father spoke to Moses, saying: Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2 "Speak to Israel: When anyone makes a special vow to me, dedicating a person by their equivalent value, “Sabihin mo sa mga Israelita: ‘Kung may mamamanata na maghahandog siya ng tao sa Panginoon sa pamamagitan ng pagbabayad ng karampatang halaga,
3 if the valuation is for a male from twenty years old to sixty years old, the value is 1.2 pounds of silver, by the sanctuary standard. ang magiging halaga ng isang lalaki na may edad dalawampu hanggang animnapung taón, ay limampung pirasong pilak ayon sa timbangang ginagamit sa Tabernakulo.
4 If it is a female, the valuation is to be about twelve ounces. Kung babae naman ay tatlumpung pirasong pilak.
5 For ages five to twenty, the valuation is about eight ounces for a male and about four ounces for a female. Kapag lalaki naman na edad lima hanggang dalawampung taon, dalawampung pirasong pilak at sampung pirasong pilak naman kapag babae.
6 If from one month to five years old, the valuation is about two ounces of silver for a male and about one.two ounces for a female. Kapag lalaking isang buwan hanggang limang taon ang edad, limang pirasong pilak at tatlong pirasong pilak naman kung babae.
7 If sixty or older, the valuation is about six ounces for a male, four ounces for a female. Kung mahigit nang animnapung taon, labinlimang pirasong pilak kung lalaki at sampung pirasong pilak naman kung babae.
8 But if he is too poor for the valuation, he is to be presented before the priest, and the priest is to set his value; the priest is to value him according to what the one who vowed can afford. “ ‘Kung dukha ang namanata at hindi kayang magbayad ng nasabing halaga, dadalhin niya sa pari ang taong ipinanata niyang ihahandog sa Panginoon, at ang pari ang siyang magbibigay ng halaga ayon sa makakayanan ng tao.
9 "If the vow is an animal that may be offered to me, every such one given to me is holy. “ ‘Kung ang panatang handog ay hayop na maaaring ihandog sa Panginoon, ang hayop na iyon ay sa Panginoon na.
10 He must not exchange or substitute it, good for bad or bad for good; if he does substitute one animal for another, both it and its substitute become holy. Iyon ay hindi na niya maaaring palitan kahit mas maganda pa ang kanyang ipapalit. Kapag pinalitan niya ito, ang hayop na kanyang ipinanata pati ang ipinalit ay parehong sa Panginoon na.
11 If it is any unclean animal that may not be offered to me, it is to be presented before the priest, Kung ang kanyang panatang hayop ay itinuturing na marumi at hindi maaaring ihandog sa Panginoon, dadalhin niya iyon sa pari.
12 the priest will set its value, good or bad; as the priest values it, so it will be. Titingnan iyon ng pari kung mabuti ba ito o hindi, at bibigyan niya ito ng halaga at hindi na maaaring baguhin pa.
13 But if he wishes to redeem it, he is to add a fifth to its valuation. Kung babawiin ng may-ari ang hayop. Kinakailangang bayaran niya ang halaga ng hayop at dadagdagan pa niya ng 20 porsiyento ng halaga nito.
14 "When someone dedicates his house as holy to me, the priest is to set its value, good or bad; as the priest values it, so it stands. “ ‘Kung bahay naman ang panatang handog sa Panginoon, titingnan muna ng pari ang kalidad ng bahay, at saka niya ito bibigyan ng halaga, at hindi na iyon maaaring baguhin.
15 If the one who dedicated his house redeems it, he adds a fifth of its value in silver, and it is his. Kung ang namanata ng bahay ay nagnanais na bawiin ang kanyang panata, kailangang bayaran niya ang halaga ng bahay at dadagdagan pa niya ng 20 porsiyento ng halaga nito, at saka pa lamang ibabalik sa kanya ang bahay.
16 "If someone dedicates to me part of a field he owns, its value follows the seed for it—about 1.2 pounds of silver for six bushels of barley seed. “ ‘Kung ang inihandog naman sa Panginoon ay bahagi ng lupaing minana sa kanyang mga magulang, itoʼy bibigyan ng halaga ng pari ayon sa dami ng binhing maaaring ihasik sa lupaing iyon: Sa bawat kalahating sako ng binhing maihahasik, ang halaga ng lupa ay dalawampung pirasong pilak.
17 If he dedicates his field from the Year of Jubilee, it is to stand at the full valuation. Kung ihahandog niya ang kanyang bukid pagkatapos ng Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, ganoon pa rin ang halaga nito.
18 But if he dedicates his field after the Jubilee, the priest will figure the price by the years left until the next Jubilee, and lower the valuation to match. Ngunit kung sa bandang huli na niya ihahandog, bibigyan ito ng halaga ng pari ng mas mababa, batay sa dami ng taon na natitira hanggang sa susunod na Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli.
19 If the one dedicating the field wants to redeem it, he must add a fifth of its silver value, and it stays his. Kung babawiin ng may-ari ang kanyang bukid, kinakailangang bayaran niya ang halaga ng bukid at dadagdagan pa niya ng dalawampung porsiyento ng halaga nito. At saka ibabalik sa kanya ang bukid.
20 But if he does not redeem the field, or has sold it to another, it can no longer be redeemed. Ngunit kung ipagbili niya ang bukid nang hindi pa niya natutubos, hindi na niya ito mababawi.
21 When the field is released in the Jubilee, it becomes holy to me, like a devoted field; it belongs to the priest as his property. At pagsapit ng Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, ituturing na itong nakatalaga sa Panginoon, at hindi na niya mababawi pa. Iyon ay magiging pag-aari na ng mga pari.
22 "If someone dedicates to me a bought field, not part of his ancestral possession, “ ‘Kung ang inihandog naman sa Panginoon ay lupang binili, at hindi pag-aari ng pamilya ng naghandog,
23 the priest is to calculate the valuation up to the Year of Jubilee, and he is to pay it that day as something holy to me. itoʼy bibigyan ng halaga ng pari ayon sa dami ng natitirang taon bago dumating ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli. Dapat itong tubusin ng taong iyon. At ang halagang itinubos ay sa Panginoon na.
24 In the Year of Jubilee the field returns to the one it was bought from, to whom the land belongs. Sa Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, ang nasabing lupain ay isasauli sa may-ari na nagbenta ng lupaing iyon.
25 Every valuation is to be by the sanctuary standard. Ang lahat ng halaga ng mga ito na inihandog sa Panginoon ay kinakailangang ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari.
26 "No one may dedicate the firstborn of any animal; it already belongs to me—whether ox or sheep, it is mine. “ ‘Ang panganay na anak ng hayop ay sa Panginoon na, kaya itoʼy hindi na maaaring ihandog sa kanya. Ito ay sa Panginoon, maging baka man ito o tupa.
27 If it is an unclean animal, he redeems it at the valuation plus a fifth; if not redeemed, it is sold at the valuation. Ngunit kung ang hayop ay itinuturing na marumi, iyon ay maaaring tubusin ng may-ari. Babayaran niya ang halaga ng hayop at dadagdagan pa niya ng dalawampung porsiyento ng halaga nito. Ngunit kung iyon ay hindi tutubusin ng may-ari, ipagbibili iyon ng pari ayon sa itinakdang halaga.
28 "But nothing a person devotes to me by ban—a human, animal, or field he owns—may be sold or redeemed. All so devoted is most holy to me. “ ‘Ang anumang bagay na lubusang itinalaga sa Panginoon ay hindi na maaaring ipagbili o tubusin maging itoʼy tao o hayop o lupaing minana dahil iyon ay itinalaga na bilang napakabanal na handog sa Panginoon.
29 "No person devoted under the ban may be redeemed; he must be put to death. “ ‘Ang taong lubusang inihandog sa Panginoon ay hindi na maaaring tubusin. Dapat siyang patayin.
30 "Every tithe of the land, whether of the seed of the ground or of the fruit of the trees, is mine; it is holy to me. “ ‘Ang ikasampung bahagi ng lahat ng ani ay sa Panginoon.
31 If anyone redeems part of his tenth, he adds a fifth to it. Kung tutubusin ng sinuman ang ikasampung bahagi ng kanyang ani, kinakailangan niyang bayaran ang halaga at dadagdagan pa ng dalawampung porsiyento ng halaga nito.
32 Every tenth of the herd and flock—each animal passing under the shepherd's rod—is holy to me. Kung bibilangin ninyo ang inyong mga baka, tupa, o kambing, lahat ng ikasampung bahagi ay ibibigay ninyo sa Panginoon.
33 He must not check whether it is good or bad, nor substitute for it; if he does, both it and its substitute become holy and cannot be redeemed." Hindi ninyo ito dapat piliin o palitan. Kung papalitan ninyo ito, ang inyong ipinalit na hayop at ang pinalitan nito ay parehong ilalaan sa Panginoon na at hindi na maaaring tubusin.’ ”
34 These are the commandments our Father gave Moses for the people of Israel on Mount Sinai. Ito ang mga utos na ibinigay ng Panginoon kay Moises doon sa bundok ng Sinai para sa mga Israelita.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]