Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Matthew 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 In those days John the Baptist came, preaching in the wilderness of Judea, Nang mga araw na iyon, dumating sa ilang ng Judea si Juan na Tagapagbautismo para mangaral.
2 "Repent, for the kingdom of our Father has come near." Sabi niya, “Magsisi kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan, dahil malapit na ang paghahari ng Langit.”
3 This is the one Isaiah the prophet spoke of, saying: "A voice calling out in the wilderness: Prepare the way of the Lord, make his paths straight." Si Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin niya: “May sumisigaw sa ilang na nagsasabi, ‘Ihanda ninyo ang daan para sa Panginoon, tuwirin ninyo ang landas na kanyang lalakaran.’ ”
4 John wore clothes of camel hair, with a leather belt around his waist; his food was locusts and wild honey. Ang damit ni Juan ay gawa sa balahibo ng kamelyo at ang sinturon niyaʼy gawa sa balat ng hayop. Ang pagkain niya ay balang at pulot-pukyutan.
5 Then Jerusalem and all Judea and all the region around the Jordan went out to him, Pinupuntahan siya ng maraming tao mula sa Jerusalem at sa buong lalawigan ng Judea, at sa lahat ng lugar sa paligid ng Ilog Jordan.
6 and they were baptized by him in the Jordan River, confessing their sins. Ipinagtatapat nila ang kanilang mga kasalanan at silaʼy binabautismuhan ni Juan sa Ilog Jordan.
7 Seeing many Pharisees and Sadducees coming to be baptized, he said to them, "You brood of vipers! Who warned you to flee the coming wrath? Ngunit nang makita ni Juan na maraming Pariseo at Saduceo ang dumarating para magpabautismo, sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino namang nagsabi sa inyo na makakatakas kayo sa darating na parusa ng Diyos?
8 Bear fruit, then, worthy of repentance. Kung totoong nagsisi kayo at tumalikod sa inyong mga kasalanan, patunayan ninyo sa inyong mga gawa.
9 Don't presume to say to yourselves, 'Abraham is our father,' for I tell you: our Father can raise up children for Abraham from these stones. Huwag ninyong isipin na dahil ninuno ninyo si Abraham ay hindi kayo mapaparusahan. Sapagkat sinasabi ko sa inyo: Makakalikha ang Diyos ng mga anak ni Abraham kahit sa mga batong ito.
10 The axe already lies at the root of the trees, so every tree not bearing good fruit is cut down and thrown into the fire. Ngayon pa lang ay nakaamba na ang palakol na puputol sa ugat ng mga puno. Ang mga punong hindi namumunga ng mabuti ay puputulin at itatapon sa apoy.
11 "I baptize you with water for repentance, but the one coming after me is stronger than I am—I'm not worthy to carry his sandals. He will baptize you with the Holy Spirit and fire. “Binabautismuhan ko kayo sa tubig, bilang tanda ng pagsisisi at pagtalikod ninyo sa inyong mga kasalanan. Ngunit may darating na kasunod ko na mas makapangyarihan kaysa sa akin. Kahit ang magdala ng kanyang sandalyas ay hindi ako karapat-dapat. Babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu at apoy.
12 His winnowing fork is in his hand; he'll clear his threshing floor, gather his wheat into the barn, but burn the chaff with fire that never goes out." Tulad siya ng isang taong nagtatahip para ihiwalay ang ipa sa butil ng trigo. Titipunin niya ang mga butil sa kamalig, ngunit ang ipa ay susunugin niya sa apoy na kailanmaʼy hindi mamamatay.”
13 Then Jesus came from Galilee to the Jordan to John, to be baptized by him. Mula sa Galilea, pinuntahan ni Hesus si Juan sa Ilog Jordan para magpabautismo.
14 But John tried to stop him: "I need baptism from you, yet you come to me?" Ngunit tumanggi si Juan at sinabi, “Bakit ikaw ang magpapabautismo sa akin? Ako dapat ang magpabautismo sa iyo.”
15 Jesus replied to him, "Allow it now, for this is how we must fulfill all righteousness." So John allowed him. Ngunit sumagot si Hesus, “Hayaan mong mangyari ito sa ngayon. Ito ang nararapat nating gawin para isakatuparan ang kalooban ng Diyos.” Kaya pumayag si Juan na bautismuhan siya.
16 After Jesus was baptized, he came up out of the water at once, and suddenly the heavens opened to him; he saw the Spirit of our Father coming down like a dove and settling on him. Pagkatapos niyang mabautismuhan, umahon si Hesus sa tubig. Sa sandaling iyon, nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos na parang isang kalapating bumababa hanggang sa dumapo ito sa kanya.
17 Then a voice from heaven said, "This is my Son, the one I love; I delight in him." At may boses na narinig mula sa langit na nagsasabing, “Ito ang minamahal kong Anak. Lubos ko siyang kinalulugdan.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]