Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Matthew 16 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The Pharisees and Sadducees came to test him, asking him to show them a sign from heaven. May mga Pariseo at mga Saduceo na lumapit kay Hesus para subukin siya. Hiniling nilang magpakita siya ng tanda mula sa Diyos bilang patunay na siya ay sugo ng Diyos.
2 He replied, "When evening comes, you say, 'The weather will be fair, for the sky is red.' Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Kapag palubog na ang araw at mapula ang langit, sinasabi ninyo, ‘Magiging maayos ang panahon bukas.’
3 "And in the morning, 'Stormy today, for the sky is red and gloomy.' You know how to read the sky's face, but can't read the times' signs. At kapag umaga at makulimlim ang langit, sinasabi ninyo, ‘Uulan ngayon.’ Alam ninyo ang kahulugan ng mga palatandaang nakikita ninyo sa langit, ngunit bakit hindi ninyo alam ang kahulugan ng mga nangyayari ngayon?
4 "An evil, unfaithful generation seeks a sign; no sign will be given except the sign of Jonah." Then he left them and went away. Kayong henerasyon ng masasama at hindi tapat sa Diyos! Humihingi kayo ng tanda, ngunit walang ipapakita sa inyo maliban sa tandang katulad ng nangyari kay Jonas.” Pagkatapos, umalis si Hesus.
5 When the disciples crossed to the other side, they had forgotten to bring bread. Nang makatawid sina Hesus sa lawa, naalala ng mga alagad niyang hindi sila nakapagbaon ng kahit anong tinapay.
6 Jesus said to them, "Watch out and beware of the yeast of the Pharisees and Sadducees." Sinabi ni Hesus sa kanila, “Mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Pariseo at mga Saduceo.”
7 They discussed this among themselves and said, "It is because we brought no bread." Nag-usap-usap ang mga alagad ni Hesus. Akala nila, kaya niya sinabi iyon ay dahil wala silang dalang tinapay.
8 Aware of this, Jesus said, "Why discuss among yourselves, you of little faith, that you have no bread? Ngunit alam ni Hesus ang pinag-uusapan nila, kaya sinabi niya, “Napakaliit naman ng inyong pananampalataya! Bakit ninyo pinag-uusapan ang hindi ninyo pagdadala ng tinapay?
9 Still, don't you understand? Don't you remember the five loaves for the 5,000, and how many baskets you collected? Hindi pa ba kayo nakakaunawa? Nakalimutan na ba ninyo ang ginawa ko sa limang tinapay para mapakain ang limang libong tao? Hindi ba ninyo naalala kung ilang kaing ang napuno ninyo ng mga natirang pagkain?
10 "Or the seven loaves for the 4,000, and how many baskets you gathered? Nakalimutan na rin ba ninyo ang ginawa ko sa pitong tinapay upang mapakain ang apat na libong tao, at kung ilang kaing ang napuno ninyo ng mga natirang pagkain?
11 "Why don't you understand I wasn't talking to you about bread? Watch out for the yeast of the Pharisees and Sadducees." Hindi ba ninyo naiintindihang hindi tinapay ang tinutukoy ko nang sabihin kong, ‘Mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Pariseo at mga Saduceo?’ ”
12 Then they understood that he had not told them to beware of the yeast in bread, but of the Pharisees' and Sadducees' teaching. At saka lang nila naintindihan na hindi pala sila pinag-iingat sa pampaalsa kundi sa mga turo ng mga Pariseo at mga Saduceo.
13 Arriving in the area of Caesarea Philippi, Jesus asked his disciples, "Who do people say the Son of Man is?" Nang makarating si Hesus sa lupain ng Cesarea na sakop ng Filipos, tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa Anak ng Tao?”
14 They said, "Some say John the Baptist, others Elijah, still others Jeremiah or one of the prophets." Sumagot sila, “May mga nagsasabi pong si Juan na Tagapagbautismo. May nagsasabi ring si Elias, at ang iba namaʼy nagsasabing si Jeremias o isa sa mga propeta.”
15 He said to them, "But who do you say that I am?" Tinanong sila ni Hesus, “Ngunit sa inyo, sino ako?”
16 Simon Peter replied, "You are the Christ, the Son of the living Father." Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Mesias, ang Anak ng Diyos na buháy.”
17 Jesus replied, "Simon son of Jonah, you are blessed—flesh and blood didn't reveal this to you, but my Father in heaven. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Pinagpala ka ng Diyos, Simon na anak ni Jonas. Sapagkat hindi tao ang nagpahayag sa iyo ng bagay na ito kundi ang aking Amang nasa langit.
18 "And I tell you: you are Peter, and on this rock I will build my church; the gates of the grave will not overpower it. At ngayon sinasabi ko sa iyo na ikaw si Pedro. At sa batong ito, itatayo ko ang aking iglesya, at hindi ito malulupig kahit ng kapangyarihan ng kamatayan.
19 "I will give you the keys of our Father's kingdom; whatever you bind on earth will have been bound in heaven, and whatever you release on earth will have been released in heaven." Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng Langit. Anuman ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal din sa langit, at anuman ang ipahintulot mo sa lupa ay ipapahintulot din sa langit.”
20 Then he strictly ordered the disciples to tell no one that he was the Christ. Pagkatapos nito, mahigpit na pinagbilinan ni Hesus ang kanyang mga alagad na huwag ipaalam kahit kanino na siya ang Mesias.
21 From then on, Jesus began telling his disciples he must go to Jerusalem, suffer much from the elders, chief priests, and scribes, be killed, and be raised on the third day. Mula noon, ipinaalam na ni Hesus sa mga alagad niya na dapat siyang pumunta sa Jerusalem at dumanas ng maraming paghihirap sa kamay ng mga pinuno ng mga Hudyo, ng mga namamahalang pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan. At siyaʼy ipapapatay nila, ngunit sa ikatlong araw ay muli siyang mabubuhay.
22 Peter took him aside and rebuked him: "Never, Lord! This will never happen to you." Kaya dinala ni Pedro si Hesus sa isang tabi at sinabihan, “Huwag sanang ipahintulot ng Diyos, Panginoon! Hindi ito kailanman mangyayari sa inyo!”
23 But he turned and told Peter, "Get behind me, Satan! You are an obstacle to me, because you're not thinking about what our Father cares about, but what people care about." Hinarap ni Hesus si Pedro at sinabi, “Lumayo ka saʼkin, Satanas! Pinipigilan mo akong gawin ang kalooban ng Diyos, dahil hindi ayon sa kalooban ng Diyos ang iniisip mo kundi ayon sa kalooban ng tao!”
24 Then Jesus told his disciples, "Whoever wants to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me. At sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Ang sinumang gustong maging alagad ko ay kinakailangang itakwil ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin.
25 "For whoever wants to save his life will lose it, but whoever loses his life for my sake will find it. Sapagkat ang sinumang naghahangad na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang taong nag-aalay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay magkakaroon nito.
26 "What good is it if a person gains the whole world but loses his soul? Or what can a person give in exchange for his soul? Ano naman ang mapapala ng tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, ngunit mapapahamak naman ang kanyang buhay? May maibabayad ba siya para mabawi niya ang kanyang buhay?
27 "For the Son of Man is about to come in his Father's glory with his angels, and will then repay each person according to what they have done. Sapagkat ang Anak ng Tao ay darating kasama ang mga anghel, at taglay ang dakilang kapangyarihan ng Ama. Sa araw na iyon, gagantimpalaan niya ang bawat isa ayon sa kanyang mga gawa.
28 "Truly I tell you: some standing here will not taste death until they see the Son of Man coming in his kingdom." “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hanggaʼt hindi nila nakikita ang Anak ng Tao na dumarating bilang Hari.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]