Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Matthew 13 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 On that day Jesus went out of the house and sat down beside the sea. Nang araw ding iyon, lumabas ng bahay si Hesus at naupo sa baybayin ng lawa.
2 Large crowds gathered around him, so he got in a boat and sat, while the whole crowd stood on the shore. Napakaraming tao ang nagtipon sa paligid niya, kaya sumakay siya sa isang bangka at doon umupo upang magturo, habang ang mga tao namaʼy nasa dalampasigan.
3 And he told them many things in parables, saying: "Look, a sower went out to sow. Marami siyang itinuro sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga o paghahalintulad. Sinabi niya, “May isang magsasakang umalis para maghasik ng binhi.
4 And as he sowed, some seed fell along the path, and the birds came and devoured it. Sa kanyang paghahasik, may mga binhing nahulog sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at pinagtutuka ang mga binhing iyon.
5 Other seed fell on rocky ground with little soil, and sprang up quickly since the soil lacked depth. May mga binhi namang nahulog sa mabatong lugar, kung saan walang gaanong lupa. Mabilis na tumubo ang binhi dahil mababaw ang lupa.
6 When the sun rose, the plants were scorched; since they had no root, they withered. Ngunit natuyo rin ito nang masikatan ng araw, at namatay dahil hindi masyadong nag-ugat.
7 Other seed fell among thorns, and the thorns grew up and choked it. May mga binhi namang nahulog sa may matitinik na damo. Lumago ang mga damo at sinikil ang mga tumubong binhi.
8 Other seed fell on good soil, producing grain: some a hundredfold, some sixty, some thirty. Ang iba namaʼy nahulog sa matabang lupa, lumago at namunga. May tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tig-iisang daan.
9 Whoever has ears, let them hear." Makinig ang sinumang may pandinig!”
10 Then the disciples came to him and asked, "Why do you speak to them in parables?" Nang makauwi na ang mga tao, lumapit kay Hesus ang mga alagad niya at nagtanong, “Bakit po kayo gumagamit ng talinghaga sa pagtuturo sa mga tao?”
11 He said, "You've been given to know the secrets of the kingdom of our Father; they have not. Sumagot si Hesus, “Ipinagkaloob sa inyo na maunawaan ang mga hiwaga tungkol sa kaharian ng Langit, ngunit hindi ito ipinagkaloob sa iba.
12 Whoever has will be given more and have plenty; whoever has none loses even what he has. Sapagkat ang taong sumusunod sa narinig niyang katotohanan ay bibigyan pa ng higit na pang-unawa. Ngunit ang taong hindi sumusunod sa katotohanan, kahit ang kaunti niyang naunawaan ay kukunin pa sa kanya.
13 This is why I speak to them in parables: they look but don't see; they listen but don't hear or understand. Kaya nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga, dahil tumitingin sila ngunit hindi nakakakita, at nakikinig ngunit hindi naman nakakarinig o nakakaunawa.
14 In them Isaiah's prophecy is fulfilled: 'You will hear and hear, yet never understand; you will see and see, yet never perceive.' Sa kanila natupad ang sinabi noon ni Isaias: ‘Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo makakaunawa. Tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakakita.
15 For this people's heart has grown calloused; they hardly hear with their ears, and they have closed their eyes—otherwise they might see with their eyes, hear with their ears, understand with their heart, and turn, and I would heal them.' Sapagkat matigas ang puso ng mga taong ito. Hindi nakakarinig ang kanilang mga tainga, at ipinikit nila ang kanilang mga mata, dahil baka makakita sila at makarinig, at maunawaan kung ano ang tama, at magbalik-loob sila sa akin, at pagalingin ko sila.’
16 But blessed are your eyes, for they see, and your ears, for they hear. Ngunit mapalad kayo, dahil nakakakita kayo at nakakaunawa.
17 I assure you: many prophets and righteous people longed to see what you see, and didn't; to hear what you hear, and didn't. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, maraming propeta at matutuwid na tao noon ang naghangad na makita at marinig ang nakikita at naririnig ninyo ngayon, ngunit hindi ito nangyari sa kanilang panahon.
18 Listen, then, to the parable of the sower. “Pakinggan ninyo ang kahulugan ng talinghaga tungkol sa manghahasik:
19 Everyone who hears the kingdom's word and doesn't grasp it—the evil one comes and snatches what was sown in his heart. This is the seed sown beside the path. Kapag may taong nakarinig ng mensahe tungkol sa kaharian ng Diyos ngunit hindi naman niya iyon inuunawa, darating si Satanas at tatangayin ang salita ng Diyos sa puso niya. Siya ang maihahalintulad sa tabi ng daan kung saan nahulog ang ilang binhi.
20 Seed sown on rocky ground is the one who hears the word, immediately receiving it with joy, Gayundin naman, ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos at agad tinanggap nang may kagalakan ay maihahalintulad sa batuhan kung saan nahulog ang ibang binhi.
21 but having no root in themselves, they don't last; when trouble or persecution comes because of the word, they quickly fall away. Ngunit dahil hindi ito nag-ugat sa kanilang mga puso, hindi nagtatagal ang kanilang pananampalataya. Kaagad nila itong tinatalikuran pagdating ng pagsubok o pag-uusig dahil sa salita ng Diyos na kanilang tinanggap.
22 The one sown among thorns hears the word, but worry over this age and wealth's deceit choke it, making it unproductive. Ang mga taong nakarinig ng salita ng Diyos ay maihahalintulad sa lupang may matitinik na damo, kung saan nahulog ang iba pang binhi. Ngunit dahil sa mga alalahanin dito sa mundo at sa paghahangad na yumaman, nakalimutan nila ang salita ng Diyos, kaya hindi namunga ang salita sa buhay nila.
23 But the seed sown on good soil hears the word and understands it. It bears fruit—100, sixty, or thirty times what was sown." Ngunit ang mga taong nakarinig sa salita ng Diyos at nakakaunawa nito ang siyang maihahalintulad sa matabang lupang hinasikan ng binhi. Sila ang mga namumunga ng tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tig-iisang daan.”
24 He gave them another parable: "The kingdom of our Father is like a man who sowed good seed in his field. Muling nagbigay ng talinghaga si Hesus sa kanila, “Ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid.
25 But while everyone slept, his enemy came, sowed weeds among the wheat, and left. Ngunit kinagabihan, habang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway at naghasik ng damo at umalis.
26 When the wheat sprouted and produced grain, then the weeds appeared as well. Nang tumubo ang mga tanim at namunga, lumitaw din ang mga damo.
27 The owner's servants came saying, 'Master, didn't you sow good seed in your field? Where then did the weeds come from?' “Kaya pumunta sa kanya ang kanyang mga utusan at sinabi, ‘Hindi po baʼt mabubuting binhi lamang ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Paano po ito nagkaroon ng mga damo?’
28 'An enemy did this,' he replied. 'So do you want us to go pull them up?' the servants asked him. “Sinabi ng may-ari, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’ Tinanong siya ng mga utusan, ‘Gusto po ba ninyong bunutin namin ang mga damo?’
29 'No,' he said, 'because while you are pulling the weeds, you may uproot the wheat with them. “Sumagot siya, ‘Huwag, baka mabunot din ninyo pati ang trigo.
30 Let both grow together until harvest. At harvest time I'll tell the reapers: Gather the weeds first, bind them in bundles to burn; then gather the wheat into my barn.'" Hayaan na lang muna ninyong lumagong pareho hanggang sa anihan. Kapag dumating na ang panahong iyon, sasabihin ko sa mga tagapag-ani na unahin muna nilang bunutin ang mga damo, at bigkisin para sunugin. Pagkatapos, ipapaani ko sa kanila ang trigo at ipapaimbak sa aking bodega.’ ”
31 He told them another parable: "The kingdom of our Father is like a mustard seed a man took and planted in his field. Ikinuwento pa sa kanila ni Hesus ang paghahalintulad na ito: “Ang paghahari ng Langit ay katulad ng isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang bukid.
32 Though the smallest of all seeds, when grown it becomes the largest of garden plants, a tree where birds come to nest in its branches." Ito ang pinakamaliit sa lahat ng buto. Ngunit kapag tumubo at lumaki na, nagiging pinakamataas ito sa lahat ng mga tanim; nagiging punongkahoy, at pinamumugaran ng mga ibon ang mga sanga nito.”
33 He gave them another parable: "The kingdom of our Father is like yeast a woman took and mixed into about twenty-five pounds of flour, until it spread through all the dough." Isa pang paghahalintulad ang ikinuwento ni Hesus: “Ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa pampaalsang inihalo ng isang babae sa tatlong takal ng harina, at napaalsa nito ang buong masa ng harina.”
34 Jesus said all these things to the crowds in parables; he said nothing to them without a parable. Gumamit si Hesus ng mga paghahalintulad o mga talinghaga sa lahat ng kanyang pangangaral sa mga tao. Hindi siya nangaral sa kanila nang hindi sa pamamagitan nito.
35 This fulfilled what was spoken through the prophet: "I will open my mouth in parables; I will utter what's been hidden since the world was founded." Sa ganitong paraan ay natupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang propeta: “Magsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng paghahalintulad. Sasabihin ko sa kanila ang mga bagay na nalilihim mula pa nang likhain ang mundo.”
36 Then he left the crowds and entered the house. His disciples approached him and said, "Explain to us the parable of the weeds in the field." Pagkatapos, iniwan ni Hesus ang mga tao at bumalik sa loob ng bahay. Nilapitan siya ng mga alagad niya at sinabi, “Pakipaliwanag po sa amin ang talinghaga tungkol sa mga damo sa bukid.”
37 He answered, "The one who sowed the good seed is the Son of Man. Sumagot si Hesus, “Ang naghasik ng mabuting binhi ay walang iba kundi ang Anak ng Tao.
38 The field is the world. The good seed is the kingdom's children; the weeds are the evil one's children. Ang bukid ay ang mundo, at ang mabuting binhi ay ang mga kabilang sa kaharian ng Diyos. Ang mga damo naman ay ang mga taong sakop ni Satanas.
39 The enemy who sowed them is the devil; the harvest is the end of the age; the harvesters are angels. Si Satanas ang kaaway na nagtanim sa kanila. Ang anihan ay ang katapusan ng mundo, at ang tagapag-ani ay ang mga anghel.
40 As the weeds are gathered and burned in fire, so it will be at the end of the age. “Kung paanong binubunot at sinusunog ang mga damo, ganoon din ang mangyayari sa katapusan ng mundo.
41 The Son of Man will send his angels to weed out of his kingdom everything that causes sin and all who do evil. Ang Anak ng Tao ay magpapadala ng mga anghel, at aalisin nila sa kanyang kaharian ang lahat ng gumagawa ng kasalanan at nagiging dahilan ng pagkakasala ng iba.
42 They will throw them into the blazing furnace, where there is weeping and grinding of teeth. Itatapon sila sa nagliliyab na apoy, kung saan silaʼy tatangis at magngangalit ang kanilang ngipin.
43 Then the righteous will shine like the sun in their Father's kingdom. The one with ears should listen." Ngunit ang matutuwid ay magniningning na parang araw sa kaharian ng kanilang Ama. Makinig ang sinumang may pandinig!
44 The kingdom of our Father is like treasure hidden in a field. A man found it, hid it again, then joyfully sold all he had to buy that field. “Ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nang mahukay ito ng isang tao, itinago niya itong muli. At sa tuwa niyaʼy umuwi siya at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian, at binili niya ang bukid na iyon.
45 "Again, the kingdom of our Father is like a merchant searching for fine pearls. “Ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad sa isang negosyante na naghahanap ng magagandang perlas.
46 Finding one priceless pearl, he went and sold all he had and bought it. Nang makatagpo siya ng isang mamahaling perlas, ipinagbili niya ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang perlas na iyon.
47 Again, our Father's kingdom is like a net cast into the lake, gathering fish of every kind. “Ang paghahari ng Langit ay maihahalintulad din sa isang lambat na inihagis ng mga mangingisda sa lawa at nakahuli ng sari-saring isda.
48 When full, the fishermen pulled it ashore, sat down, and collected the good fish in baskets, throwing out the bad. Nang mapuno ang lambat, hinila nila ito papunta sa dalampasigan. Pagkatapos, naupo sila para pagbukud-bukurin ang mga isda. Ang mabubuting isda ay inilagay nila sa mga basket, at ang mga walang kuwenta ay itinapon nila.
49 So it will be at the age's end: angels will go out and separate the wicked from among the righteous, Ganyan din ang mangyayari sa katapusan ng mundo. Darating ang mga anghel at ihihiwalay nila ang masasama sa matutuwid.
50 and throw them into the blazing furnace, where they will weep and grind their teeth." Itatapon ang masasama sa nagliliyab na apoy, at dooʼy iiyak sila at magngangalit ang kanilang ngipin.”
51 "Have you understood all these things?" "Yes," they replied. Pagkatapos, tinanong sila ni Hesus, “Naunawaan ba ninyong lahat ang sinabi ko?” Sumagot sila, “Opo.”
52 He said to them, "Every teacher of the law trained for our Father's kingdom is like a homeowner who brings treasures new and old out of his storeroom." At sinabi ni Hesus sa kanila, “Kaya nga, ang bawat tagapagturo ng Kautusan na natuto tungkol sa kaharian ng Langit ay maihahalintulad sa isang may-ari ng bahay na inilalabas mula sa kanyang bodega ang mga kayamanang bago at luma.”
53 When Jesus had finished these parables, he moved on from there. Pagkatapos mangaral ni Hesus sa pamamagitan ng mga talinghaga ay umalis na siya.
54 Returning to his hometown, he taught in their synagogue, and they were amazed: "Where does this man get this wisdom and these mighty works? Pumunta siya sa sarili niyang bayan at nangaral doon sa kanilang sinagoga. Namangha sa kanya ang mga kababayan niya. Sinabi nila, “Saan kaya niya nakuha ang karunungang iyan at ang kapangyarihang gumawa ng himala?
55 Isn't this the carpenter's son? Isn't his mother named Mary, and his brothers James, Joseph, Simon, and Judas? Hindi baʼt anak siya ng karpintero? Hindi baʼt si Maria ang kanyang ina at ang mga kapatid niya ay sina Santiago, Jose, Simon, at Judas?
56 Aren't all his sisters here with us? Where then did this man get all these things?" Hindi baʼt ang lahat ng kapatid niyang babae ay dito rin nakatira sa atin? Saan niya nakuha ang ganyang kakayahan?”
57 They took offense at him. But Jesus said to them, "A prophet is honored everywhere except in his hometown and in his own household." At hindi nila siya pinaniwalaan. Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang isang propeta ay iginagalang kahit saan, maliban lang sa sarili niyang bayan at pamilya.”
58 He didn't do many miracles there because of their lack of faith. Kaya hindi gumawa si Hesus ng maraming himala roon dahil sa kawalan nila ng pananampalataya sa kanya.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]