Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Matthew 12 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 At that time Jesus went through the grainfields on the Sabbath. His disciples were hungry and began to pluck heads of grain and eat them. Isang Araw ng Pamamahinga, naglalakad sina Hesus sa triguhan. Nagugutom noon ang kanyang mga alagad kaya namitas sila ng trigo at kinain ang mga butil.
2 Seeing this, the Pharisees said to him, "Look—your disciples are doing what's unlawful on the Sabbath." Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila kay Hesus, “Tingnan mo ang mga alagad mo! Ginagawa nila ang ipinagbabawal sa Araw ng Pamamahinga.”
3 He said to them, "Haven't you read what David did when he and his companions were hungry?" Sinagot sila ni Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan ang ginawa ni David nang magutom siya at ang mga kasamahan niya?
4 how he entered the house of our Father and ate the Presence bread, unlawful for him and his companions, reserved only for priests? Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain nila ng mga kasamahan niya ang tinapay na inihandog sa Diyos kahit na labag sa Kautusan na kainin iyon ninuman maliban sa mga pari.
5 "Or haven't you read in the Law that on the Sabbath, priests in the temple break the Sabbath and are guiltless? At hindi rin ba ninyo nabasa sa Kautusan na ang mga pari ay nagtatrabaho sa Templo kahit sa Araw ng Pamamahinga? Isa itong paglabag sa kautusan ng Araw ng Pamamahinga, ngunit hindi sila nagkasala.
6 I tell you, something greater than the temple is here. Sinasabi ko sa inyo: May naririto ngayon na mas dakila pa kaysa sa Templo.
7-8 If you knew what 'I want mercy, not sacrifice' means, you wouldn't have condemned the blameless. Sapagkat ang Anak ng Tao ang siyang Panginoon ng Araw ng Pamamahinga. Kung alam lang sana ninyo ang ibig sabihin ng sinasabi ng Kasulatan, ‘Hindi ang handog ninyo ang hinahangad ko kundi ang maging maawain kayo,’ hindi sana ninyo hinatulan ang mga taong walang kasalanan.”
8 For the Son of Man is Lord of the Sabbath." Not in this edition
9 He went on from there and entered their synagogue. Mula sa lugar na iyon, pumunta si Hesus sa sinagoga
10 A man with a withered hand was there. They asked him, "Is it lawful to heal on the Sabbath?"—hoping to accuse him. at may lalaki roon na paralisado ang isang kamay. Naroroon din ang mga Pariseo na naghahanap ng maipaparatang kay Hesus, kaya tinanong nila si Hesus, “Ipinapahintulot ba sa Kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga?”
11 He said to them, "Who among you with a sheep, if it falls in a pit on the Sabbath, won't grab and pull it out? Sinabi ni Hesus sa kanila, “Halimbawa, may tupa kayong nahulog sa balon sa Araw ng Pamamahinga, pababayaan na lang ba ninyo? Hindi ba ninyo iaahon?
12 How much more is a person worth than a sheep! So it's lawful to do good on the Sabbath." Higit pang mahalaga ang tao kaysa sa tupa! Kaya nga ipinapahintulot sa Kautusan ang paggawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga.”
13 Then he told him, "Stretch out your hand." He stretched it out, and it was restored, healthy like the other. Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa lalaking paralisado ang kamay, “Iunat mo ang iyong kamay!” Iniunat nga niya ang kanyang kamay at gumaling ito.
14 But the Pharisees went out and plotted how to destroy him. Ngunit umalis ang mga Pariseo at nagplano kung paano nila ipapapatay si Hesus.
15 Jesus, aware of this, withdrew from there. And many followed him, and he healed them all, Subalit alam ni Hesus ang plano nila kaya umalis siya roon. Marami ang sumunod sa kanya, at pinagaling niya ang lahat ng may sakit.
16 and he ordered them not to tell anyone about him. Ngunit pinagbilinan niya silang huwag ipaalam sa iba kung sino siya.
17 This was to fulfill what was spoken by the prophet Isaiah: Katuparan ito ng sinabi sa pamamagitan ni Propeta Isaias:
18 "Look, my servant—Jesus—whom I have chosen, my beloved in whom my soul delights. I will put my Spirit upon him, and he will proclaim justice to the nations. “Narito ang pinili kong lingkod. Minamahal ko siya at kinalulugdan. Ibibigay ko sa kanya ang aking Espiritu, at ipapahayag niya ang katarungan sa mga bansa.
19 He will not quarrel or shout, nor will anyone hear his voice in the streets. Hindi siya makikipagtalo o mambubulyaw, at hindi siya magtataas ng boses sa mga lansangan.
20 A bruised reed he will not break, and a smoldering wick he will not quench, until he brings justice to victory; Hindi niya ipapahamak ang mahina ang pananampalataya o pababayaan ang nawawalan ng pag-asa. Hindi siya titigil hanggaʼt hindi ganap na napapairal ang katarungan.
21 and in his name the nations will put their hope." At ang kanyang pangalan ang magiging pag-asa ng lahat ng mga bansa.”
22 Then someone brought him a blind, mute demon-oppressed man, and he healed him so the man could speak and see. May dinala ang mga tao kay Hesus na isang lalaking bulag at pipi na sinasapian ng demonyo. Pinagaling siya ni Hesus kaya siyaʼy nakakakita at nakapagsasalita na.
23 And all the crowds were amazed and said, "Can this be the Son of David?" Namangha ang lahat at sinabi, “Ito na nga kaya ang Anak ni David?”
24 But hearing this, the Pharisees said, "This man drives out demons only by Beelzebul, prince of demons." Ngunit nang marinig ito ng mga Pariseo, sinabi nila, “Si Satanas na pinuno ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu!”
25 Knowing their thoughts, he said to them, "Every kingdom divided against itself is ruined, and no city or house divided against itself will stand. Alam ni Hesus ang iniisip nila, kaya sinabi niya sa kanila, “Kung ang isang kaharian ay nagkakawatak-watak at naglalaban-laban, babagsak ito. Ganito rin ang mangyayari sa isang lungsod o tahanan na ang mga nakatira ay nag-aaway-away.
26 And if Satan casts out Satan, he is divided against himself. How then will his kingdom stand? Kaya kung si Satanas mismo ang nagpapalayas sa kanyang mga kampon, nagpapakita lang ito na nagkakahati-hati sila at nag-aaway-away. Kung ganoon, paano mananatili ang kanyang kaharian?
27 If I drive out demons by Beelzebul, by whom do your sons drive them out? So they will be your judges. At kung si Satanas nga ang nagbigay sa akin ng kapangyarihang magpalayas ng masasamáng espiritu, sino naman ang nagbigay ng kapangyarihan sa mga alagad ninyo na nagpapalayas din ng masasamang espiritu? Sila na rin ang nagpapatunay na mali kayo.
28 But if I drive out demons by the Spirit of our Father, then the kingdom of our Father has reached you. Ngayon, kung nagpapalayas ako ng mga demonyo sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, nangangahulugan ito na dumating na sa inyo ang paghahari ng Diyos.
29 Or how can someone enter a strong man's house and carry off his goods, unless he first restrains the strong man? Then he can loot his house. “Hindi maaaring pasukin ng magnanakaw ang bahay ng malakas na tao kung hindi muna niya ito gagapusin. Ngunit kapag naigapos na niya, maaari na niyang nakawan ang bahay nito.
30 Whoever is not with me is against me, and whoever does not gather with me scatters. “Ang hindi kumakampi sa akin ay laban sa akin, at ang hindi tumutulong sa aking pagtitipon ay nagkakalat.
31 So I tell you, every sin and blasphemy will be forgiven people, but blasphemy against the Spirit will not be forgiven. Sinasabi ko sa inyo na ang lahat ng kasalanan at paglapastangan ay mapapatawad, ngunit ang paglapastangan sa Espiritu ay hindi mapapatawad.
32 Whoever speaks against the Son of Man will be forgiven; whoever speaks against the Holy Spirit won't be forgiven—neither in this age nor the age to come. Ang sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay mapapatawad, ngunit ang sinumang magsalita laban sa Banal na Espiritu ay hindi mapapatawad kailanman.
33 Make the tree good and its fruit good, or the tree bad and its fruit bad, for a tree is known by its fruit. “Nakikilala ang puno sa bunga nito. Kung mabuti ang puno, mabuti rin ang bunga nito. Kung masama ang puno, masama rin ang bunga nito.
34 You brood of vipers! How can you speak good things since you're evil? For the mouth speaks the heart's overflow. Kayong lahi ng mga ulupong! Paano kayo makakapagsalita ng mabuti gayong masasama kayo? Sapagkat kung ano ang laman ng puso ng isang tao, ito ang lumalabas sa kanyang bibig.
35 A good person produces good from a good treasure; an evil person produces evil from an evil treasure. Ang mabuting tao ay nagsasalita ng mabuti, dahil puno ng kabutihan ang kanyang puso. Ngunit ang masamang tao ay nagsasalita ng masama, dahil puno ng kasamaan ang kanyang puso.
36 I tell you, on judgment day people will answer for every careless word they speak, Sinasabi ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mananagot ang bawat isa sa mga walang kuwentang salitang binitiwan niya.
37 for by your words you will be justified, and by your words you will be condemned." Sapagkat ibabatay sa mga salita ninyo kung paparusahan kayo o hindi.”
38 Then some scribes and Pharisees said, "Teacher, we want a sign from you." May ilang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na nagsabi kay Hesus, “Guro, pakitaan nʼyo kami ng isang tanda magpapatunay na sugo nga kayo ng Diyos.”
39 He answered, "This evil, adulterous generation demands a sign. None will be given it except the sign of the prophet Jonah. Sumagot si Hesus, “Tanging ang henerasyon ng masasama at hindi tapat sa Diyos ang nanghihingi ng isang tanda. Ngunit walang ipapakita sa kanila maliban sa tandang katulad ng nangyari kay Propeta Jonas.
40 As Jonah was three days and three nights in the great fish's belly, so the Son of Man will be three days and three nights in the earth's heart. Kung paanong nasa tiyan ng dambuhalang isda si Jonas sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi, ganoon din naman ang mangyayari sa Anak ng Tao. Tatlong araw at tatlong gabi rin siya sa ilalim ng lupa.
41 Ninevites will rise at the judgment with this generation and condemn it, for they repented at Jonah's preaching, and something greater than Jonah is here. Sa Araw ng Paghuhukom, tatayo ang mga taga-Nineve at kokondenahin ang henerasyong ito, dahil nagsisi sila nang mangaral sa kanila si Jonas. At ngayon, narito ang higit pa kay Jonas, na nangangaral sa inyo, ngunit ayaw nʼyong magsisi.
42 The queen of the South will rise at the judgment with this generation and condemn it, for she came from earth's ends to hear Solomon's wisdom—and look, something greater than Solomon is here. Maging ang Reyna ng Timog ay tatayo rin at kokondenahin ang henerasyong ito. Sapagkat nanggaling pa siya sa napakalayong lugar para makinig sa karunungan ni Solomon. At ngayon, narito ang higit pa kay Solomon, ngunit ayaw ninyong makinig sa kanya.
43 When an unclean spirit leaves a person, it travels through dry places seeking rest, and finds none. “Kapag lumabas ang masamáng espiritu sa tao, gumagala ito sa mga tuyong lugar upang maghanap ng mapagpapahingahan. At kung wala siyang matagpuan,
44 Then it says, 'I will return to my house I left.' Coming, it finds it empty, swept, and put in order. iisipin na lang niyang bumalik sa kanyang pinanggalingan. At kung sa kanyang pagbabalik ay makita niya itong walang naninirahan, malinis at maayos ang lahat,
45 Then it goes and brings along seven other spirits more evil than itself; they enter and settle there, and that person ends up worse off than before. So it will be with this evil generation." aalis siya at tatawag ng pito pang espiritu na mas masama kaysa sa kanya. Papasok sila sa taong iyon at doon maninirahan. Kaya lalo pang sásama ang kalagayan ng taong iyon kaysa sa dati. Ganyan din ang mangyayari sa masamang henerasyong ito.”
46 While he was still speaking to the crowds, his mother and brothers stood outside, wanting to speak with him. Habang nagsasalita pa si Hesus sa mga tao, ang kanyang ina at mga kapatid ay nakatayo sa labas at gustong makipag-usap sa kanya.
47 Someone told him, "Look, your mother and your brothers are standing outside, wanting to speak to you." May nagsabi sa kanya, “Nasa labas ang po ang inyong ina at mga kapatid, at gusto kayong makausap.”
48 He answered the one who told him, "Who is my mother, and who are my brothers?" Sumagot si Hesus, “Sino ang aking ina at mga kapatid?”
49 And stretching out his hand toward his disciples, he said, "Here are my mother and my brothers! Itinuro niya ang mga alagad niya at sinabi, “Sila ang aking ina at mga kapatid.
50 For whoever does the will of my Father in heaven is my brother and sister and mother." Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng aking Ama sa langit ang siya kong ina at mga kapatid.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]