Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Malachi 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Look, I am sending my messenger, and he will prepare the way before me. Then suddenly the Lord whom you are seeking will come to his temple—the messenger of the covenant in whom you delight. Look, he is coming, says the Father of heaven's armies. Makinig kayo sa sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: “Ipapadala ko ang aking mensahero. Mauuna siya sa iyo upang ihanda ang dadaanan mo. At ang Panginoon na inyong hinihintay ay biglang darating sa kanyang templo. Darating ang inyong pinakahihintay na sugo na magsasagawa ng aking kasunduan.”
2 "But who can endure the day he comes? Who can stand when he appears? He is like a refiner's fire, like a launderer's soap. Ngunit sino ang makatatagal sa araw ng kanyang pagdating? Sino ang makakaharap sa kanya kapag nagpakita na siya? Sapagkat para siyang apoy na nagdadalisay ng bakal o parang sabon na nakakalinis.
3 He will sit refining and purifying silver; he will purify Levi's sons and refine them like gold and silver, and they will bring offerings to our Father in righteousness. Kikilos siyang tulad ng tagapagdalisay ng pilak at susunugin niya ang dumi nito. Lilinisin niya ang mga paring Levita at dadalisayin niya sila tulad ng pagdalisay ng pilak at ginto, upang silaʼy maging mga taong nagdadala ng mga karapat-dapat na handog sa Panginoon.
4 Then Judah and Jerusalem's offering will please our Father, as in days past, as in former years." Sa ganoon, muling malulugod ang Panginoon sa mga handog ng mga taga-Juda at taga-Jerusalem, gaya ng dati.
5 I will come near to judge you, a swift witness against sorcerers, adulterers, those who swear falsely, who cheat the worker of his wages, oppress the widow and orphan, push aside the foreigner, and do not fear me, says the Father of heaven's armies. Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo sa mga Israelita, “Darating ako upang hatulan kayo. Sasaksi agad ako laban sa mga mangkukulam, sa mga nangangalunya, sa mga sinungaling na saksi, sa mga nandaraya sa sahod ng kanilang mga manggagawa, sa mga nanggigipit sa mga biyuda at mga ulila, at sa mga hindi makatarungan sa mga dayuhan. Gagawin ko ito sa inyo na mga walang takot sa akin.”
6 For I, your Father, do not change; therefore you, children of Jacob, have not been destroyed. Sinabi pa ng Panginoon ng mga Hukbo, “Ako, ang Panginoon, ay hindi nagbabago. Kaya nga kayong mga lahi ni Jacob ay hindi lubusang nalipol.
7 Since your ancestors' days you have turned from my statutes and not kept them. Return to me, and I will return to you, says the Father of heaven's armies. But you ask, 'How are we to return?' Tulad ng inyong mga ninuno, hindi kayo sumunod sa aking mga tuntunin. Manumbalik kayo sa akin at manunumbalik ako sa inyo,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. “Ngunit itinatanong ninyo, ‘Paano kami manunumbalik sa inyo?’
8 Will a person rob their Father? Yet you rob me. But you ask, 'How have we robbed you?' In the tenth and the offerings. “Magtatanong din ako sa inyo, maaari bang nakawan ng tao ang Diyos? Parang imposible. Subalit ninanakawan ninyo ako. “At itinatanong ninyo, ‘Paano namin kayo ninanakawan?’ “Ninanakawan ninyo ako dahil hindi ninyo ibinibigay ang inyong mga ikapu at mga handog.
9 You are cursed with a curse, for you are robbing me—the whole nation of you. Iyan ang dahilan kung bakit ko isinumpa ang buong bansa.
10 Bring the full tenth into the storehouse, so there's food in my house. Test me in this, says the Father of heaven's armies, and see if I won't open heaven's windows for you and pour out blessing for you until there's no more need. Pero ngayon, hinahamon ko kayo na subukan ninyo ako,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. “Dalhin ninyo nang buo ang inyong mga ikapu sa bodega ng templo upang may pagkain sa aking templo. Kapag ginawa ninyo ito, padadalhan ko kayo ng ulan at ibubuhos ko ang sobra-sobrang pagpapala.
11 I will rebuke the devourer for you, so it will not destroy your ground's fruit, and your vine in the field will not fail to bear, says the Father of heaven's armies. Hindi ko papayagang sirain ng peste ang inyong mga pananim o malagas ang bunga ng inyong mga ubas bago pa mahinog ang mga ito,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.
12 Then all nations will call you blessed, for you will be a land of delight, says the Father of heaven's armies. “Tatawagin kayong mapalad ng lahat ng bansa, dahil napakabuting tirhan ang inyong lupain. Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang nagsasabi nito.”
13 Your words were harsh against me, says our Father. But you ask, 'What have we said against you?' “Masasakit ang pinagsasabi nʼyo tungkol sa akin,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo. “Ngunit tinatanong ninyo, ‘Ano ang pinagsasabi naming masasakit tungkol sa inyo?’
14 You said, 'Serving God is useless. What have we gained by keeping his charge and walking as mourners before the Father of heaven's armies?' “Sinabi ninyo, ‘Walang kabuluhan ang maglingkod sa Diyos. Ano ba ang mapapala natin kung susundin natin ang kanyang mga utos? At ano ang mapapala natin kung nagmumukha tayong nagsisisi sa ating mga kasalanan sa harapan ng PanginoongDiyos ng mga Hukbo.
15 Now we call the arrogant blessed. Those who do evil prosper; they even test God and escape. Masasabi pa nga natin na mapalad ang mga taong mayabang. Sapagkat sila na gumagawa ng masama ay umuunlad. At kahit na sinusubukan nila ang Diyos, hindi sila pinarurusahan.’ ”
16 Then those who feared our Father spoke to one another, and he listened and heard. A scroll of remembrance was written before him for those who fear him and treasure his name. Pagkatapos, nag-usap-usap ang mga taong may takot sa Panginoon. Pinakinggan ng Panginoon ang mga sinabi nila. Isinulat sa kanyang harapan ang isang aklat tungkol sa mga taong may takot sa kanya at iginagalang ang kanyang pangalan.
17 They will be mine, says the Father of heaven's armies, on the day I act, my treasured possession. I will spare them as a father spares his son who serves him. Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, “Sa araw ng paghatol ko, silaʼy magiging akin, at ituturing ko silang isang natatanging kayamanan. Hindi ko sila parurusahan, tulad ng isang amang kinahahabagan ang kanyang anak na naglilingkod sa kanya at hindi niya ito parurusahan.
18 Once more you will see the difference between the righteous and the wicked, between one who serves our Father and one who does not serve him. At muli ninyong makikita ang pagkakaiba ng taong mabuti at ng taong masama, at ang pagkakaiba ng naglilingkod sa Diyos at ng hindi.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]