Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Leviticus 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Our Father called to Moses and spoke to him from the tent of meeting, saying: Tinawag ng Panginoon si Moises at kinausap siya mula sa Toldang Tipanan. Sinabi niya,
2 "Speak to the Israelites and say to them: When any of you brings me an offering, bring your offering of livestock from the herd or the flock. “Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Ang sinumang mag-aalay ng isang hayop sa Panginoon ay maaaring kumuha mula sa kawan ng kanyang baka, tupa, o kambing.
3 "If his offering is a burnt offering from the herd, he is to offer a male without defect, offering it at the entrance of the tent of meeting, to be accepted before me. “ ‘Kung ang iaalay niya ay isang handog na sinusunog mula sa kawan ng mga baka, kinakailangang ito ay lalaki at walang kapintasan. Dadalhin niya ito malapit sa pintuan ng Toldang Tipanan, upang itoʼy maging katanggap-tanggap sa Panginoon.
4 He is to lay his hand on the burnt offering's head, and it will be accepted for him, to atone for him. Pagkatapos, ipapatong ng nag-alay ang kanyang kamay sa ulo ng hayop, at ang handog na sinusunog na itoʼy tatanggapin bilang kapalit niya, upang matubos siya sa kanyang kasalanan.
5 He is to kill the young bull before me, and Aaron's sons the priests are to bring the blood and splash it around the altar at the entrance of the tent of meeting. Pagkatapos, kakatayin niya ang baka sa presensya ng Panginoon, at ang dugo nitoʼy iwiwisik ng mga anak ni Aaron na mga pari sa paligid ng altar, sa bandang pintuan ng Toldang Tipanan.
6 Then he is to skin the burnt offering and cut it into its pieces. Pagkatapos, babalatan at hihiwain ng naghahandog ang handog na sinusunog.
7 Aaron's sons the priests will lay a fire on the altar and arrange wood on it. Magpapaningas ng apoy ang mga lalaking anak ng paring si Aaron sa ibabaw ng altar at maglalagay ng panggatong sa ibabaw nito.
8 Aaron's sons, the priests, arrange the pieces, head, and fat on the wood over the fire on the altar. Pagkatapos, ilalagay nila nang maayos sa apoy ang mga hiniwang karne, pati ang ulo at taba.
9 He is to wash its inner organs and legs with water; the priest burns it all on the altar—a burnt offering, a food offering, a pleasing aroma to me. Ngunit huhugasan muna ng nag-alay ang mga lamang-loob at mga hita, at pagkatapos ay susunugin ng pari ang mga ito sa altar bilang handog na sinusunog. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.
10 "If his burnt offering is from the flock—sheep or goats—he must bring a male without defect. “ ‘Kung ang iaalay naman ay handog na sinusunog mula sa kawan ng tupa o kambing, kailangang itoʼy lalaki at walang kapintasan.
11 He is to slaughter it on the altar's north side before me; Aaron's sons the priests are to splash its blood around the altar. Kakatayin ito sa harapan ng Panginoon doon sa gawing hilaga ng altar. At ang dugo nitoʼy iwiwisik ng mga anak ni Aaron na mga pari sa paligid ng altar.
12 He is to cut it into pieces—head and fat—and the priest is to arrange them on the wood, on the fire, on the altar. Hihiwain ito ng naghandog, at maayos itong ilalagay ng pari sa apoy, pati na ang ulo at taba.
13 He must wash the inner organs and legs with water; the priest offers it all, burns it on the altar—a burnt offering, a food offering, a pleasing aroma to me. Pagkatapos, huhugasan ng naghahandog ang mga lamang-loob at mga paa, at saka ibibigay sa pari para sunugin sa altar bilang handog na sinusunog. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.
14 "If his burnt offering to me is a bird, he must bring turtledoves or young pigeons as his offering. “ ‘Kung ang iaalay naman bilang handog na sinusunog para sa Panginoon ay ibon, kinakailangang ito ay kalapati o batu-bato.
15 The priest brings it to the altar, wrings off its head, burns it there; its blood drains against the altar's side. Dadalhin ito ng pari sa altar, pipilipitin niya ang leeg nito hanggang sa maputol at patutuluin ang dugo sa paligid ng altar. Ang ulo nito ay susunugin doon sa altar.
16 He removes its crop with its contents, throwing it beside the altar eastward, at the ash heap. Pagkatapos, aalisin ng pari ang balahibo at bituka nito, at ihahagis sa gawing silangan ng altar kung saan inilalagay ang abo.
17 He is to tear it open by the wings, not fully apart; the priest will burn it on the altar's wood over the fire—a burnt offering, a food offering, a pleasing aroma to me." At pagkatapos, bibiyakin niya ang ibon sa pamamagitan ng paghila ng mga pakpak nito, ngunit hindi niya paghihiwalayin, at saka niya susunugin ang ibon doon sa altar bilang handog na sinusunog. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.’ ”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]