Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Isaiah 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The vision of Isaiah son of Amoz concerning Judah and Jerusalem in the days of Uzziah, Jotham, Ahaz, and Hezekiah, kings of Judah. Ang aklat na itoʼy tungkol sa ipinahayag ng Diyos kay Isaias na anak ni Amoz. Tungkol ito sa Juda at Jerusalem noong panahong magkakasunod na naghari sa Juda sina Uzias, Jotam, Ahaz, at Ezequias.
2 Hear, heavens, and listen, earth, for our Heavenly Father has spoken: "Children I reared and brought up, but they have rebelled against me. Makinig kayo, langit at lupa, sapagkat nagsalita ang Panginoon, “Inalagaan koʼt pinalaki ang aking mga anak, ngunit silaʼy nagrebelde sa akin.
3 "The ox knows its owner, and the donkey its master's manger, but Israel does not know, my people do not understand. Kahit ang mga bakaʼy kilala ang nagmamay-ari sa kanila, at ang mga asnoʼy alam kung nasaan ang kanilang sabsaban ngunit ang aking bayang Israel ay hindi nakakakilala, ang aking mamamayan ay hindi nakakaunawa.”
4 Ah, sinful nation, a people weighed down with guilt, offspring of evildoers, children who act corruptly! They have forsaken our Father, they have spurned the Holy One of Israel—our Father—they have turned their backs and walked away. Kawawa ang makasalanang bansang ito, isang sambayanang punong-puno ng kasamaan, lahi ng mga gumagawa ng masama at mapaminsala. Itinakwil nila at kinutya ang Panginoon, ang Banal na Diyos ng Israel, at siyaʼy tinalikuran nila.
5 Why will you be beaten any longer? Why do you keep on rebelling? The whole head is sick, and the whole heart is faint. Bakit ninyo ninanais na maparusahan pa? Bakit patuloy kayong nagrerebelde? Ang inyong uloʼy puro sugat na at ang inyong pusoʼy nanghihina.
6 From the sole of the foot to the top of the head there is no healthy spot—only wounds, welts, and open sores, not cleaned or bandaged or soothed with oil. Mula ulo hanggang talampakan, walang bahagi na walang sugat, pasa at pamamaga. Hindi ito nahuhugasan, o nabebendahan, o nagagamot.
7 Your land is desolate, your cities burned with fire; in your very presence foreigners devour your fields—a desolation, overthrown by strangers. Ang inyong bansaʼy napabayaan; ang inyong mga lungsod ay sinunog na. Ang inyong mga pananim ay sinira ng mga dayuhan, nasaksihan mismo ng inyong mga mata. Wasak na wasak na ang inyong lupain at itoʼy hindi na mapapakinabangan.
8 And the daughter of Zion is left like a shelter in a vineyard, like a hut in a cucumber field, like a city under siege. Walang natira kundi ang Jerusalem. Para itong silungan sa isang ubasan o isang kubol sa taniman ng mga pipino, at para ring lungsod na pinalibutan ng kaaway.
9 If the Father of heaven's armies had not left us a few survivors, we would have become like Sodom, we would have been like Gomorrah. Kung ang Panginoon ng mga Hukbo ay hindi nagtira ng ilan sa atin, natulad na sana tayo sa Sodoma at Gomora.
10 Hear the word of our Father, you rulers of Sodom! Listen to the instruction of our Father, you people of Gomorrah! Kayong mga pinuno at mga mamamayan ng Jerusalem na katulad ng mga taga-Sodoma at Gomora, pakinggan ninyo ang salita at kautusan ng Panginoon na ating Diyos.
11 What are your endless sacrifices to me?" says our Father. "I have had my fill of burnt offerings of rams and the fat of fattened animals; I take no delight in the blood of bulls and lambs and goats. “Balewala sa akin ang napakarami ninyong handog,” wika ng Panginoon. “Sawang-sawa na ako sa inyong mga handog na sinusunog; ang mga tupa at ang mga taba ng mga pinatabang hayop,” sabi ng Panginoon. “Hindi ako nalulugod sa dugo ng mga toro, tupa at mga kambing.
12 When you come to appear before me, who asked this of you—this trampling of my courts? Sino ang nag-utos sa inyo na dalhin ang lahat ng ito kapag sumasamba kayo sa akin? Sino ang nag-utos sa inyo na tumapak sa aking templo?
13 Stop bringing meaningless offerings! Your incense is detestable to me. New moons, Sabbaths, the calling of assemblies—I cannot stand wickedness mixed with your solemn gatherings. Tigilan nʼyo na ang pagdadala ng mga handog na walang silbi. Nasusuklam ako sa amoy ng inyong mga insenso. Hindi ko na matiis ang inyong mga pagtitipon kapag Pista ng Bagong Buwan at Araw ng Pamamahinga, dahil kahit na nagtitipon kayo, gumagawa kayo ng kasamáan.
14 Your new moons and your appointed feasts my soul hates; they have become a burden to me—I am weary of carrying them. Sa inyong mga Pista ng Bagong Buwan at sa iba pa ninyong mga pista ang aking kaluluwaʼy labis na nasusuklam. Sobra-sobra na! Hindi ko na ito matiis!
15 When you stretch out your hands in prayer, I will hide my eyes from you; even when you offer many prayers, I will not be listening. Your hands are full of blood. Kapag nananalangin kayo, hindi ko kayo papansinin. Kahit paulit-ulit pa kayong manalangin hindi ko kayo pakikinggan dahil marami kayong pinatay na tao.
16 Wash yourselves; make yourselves clean. Take your evil deeds out of my sight; stop doing wrong. “Linisin ninyo ang inyong sarili. Tigilan na ninyo ang paggawa ng kasamaan sa aking harapan.
17 Learn to do good; seek justice, set the oppressor right. Defend the orphan, stand up for the widow. Matuto kayong gumawa ng mabuti at sikaping pairalin ang katarungan. Tulungan ninyo ang mga inaapi; ipagtanggol ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda.”
18 Come now, let us settle this together," says our Father. "Though your sins are like scarlet, they will be as white as snow; though they are red as crimson, they will become like wool. Sinabi pa ng Panginoon, “Halikayoʼt pag-usapan natin ito. Gaano man kabigat ang inyong kasalanan, kahit itoʼy matingkad na pula, itoʼy aking papuputiin tulad ng nyebe. Kahit na itoʼy pulang-pula, itoʼy magiging puting-puti.
19 If you are willing and obedient, you will eat the good things of the land; Kung susunod lang kayo sa akin ay pagpapalain ko kayo.
20 but if you refuse and rebel, you will be devoured by the sword. For the mouth of our Father has spoken." Ngunit kung patuloy kayong magrerebelde, tiyak na mamamatay kayo.” Mangyayari nga ito dahil sinabi ng Panginoon.
21 How the faithful city has become a prostitute! She was once full of justice; righteousness used to dwell in her—but now murderers. Tingnan ninyo ang lungsod ng Jerusalem. Matapat ito noon, ngunit ngayoʼy naging babaeng bayaran. Datiʼy mga taong matuwid ang mga nakatira rito, ngunit ngayon ay mga mamamatay-tao.
22 Your silver has become worthless slag, your choice wine diluted with water. Datiʼy mahalaga ka tulad ng pilak, ngunit ngayon ay wala ka nang silbi. Noon para kang mamahaling alak, ngunit ngayon ay para ka nang alak na may halong tubig.
23 Your rulers are rebels, partners with thieves; they all love a bribe and chase after gifts. They do not defend the orphan, and the widow gets no hearing from them. Ang mga pinuno moʼy mga suwail at kasabwat ng mga magnanakaw. Gusto nila palagi ng suhol, at nanghihingi ng mga regalo. Hindi nila ipinagtatanggol ang karapatan ng mga ulila at hindi rin nila pinapakinggan ang daing ng mga biyuda.
24 Therefore this is the declaration of the Sovereign Father, the Father of heaven's armies, the Mighty One of Israel—our Father: Ah, I will get relief from my adversaries and bring justice against my foes. Kaya sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos na Makapangyarihan ng Israel, “Ipapatikim ko sa aking mga kaaway ang aking poot ipararanas ko sa kanila ang aking paghihiganti.
25 I will turn my hand against you; I will smelt away your slag as with lye and remove all your impurities. Parurusahan ko kayo upang magbago kayo, katulad ng pilak na dinadalisay sa apoy.
26 I will restore your judges as in days of old, your counselors as at the beginning. Afterward you will be called the City of Righteousness, the Faithful City. Muli ko kayong bibigyan ng mga pinuno at mga tagapayo, katulad noong una. At ang inyong lungsod ay tatawaging lungsod ng mga matuwid at tapat na mga tao.”
27 Zion will be redeemed by justice, and those in her who repent, by righteousness. Magsisisi ang mga tao sa Jerusalem, at ito ay ililigtas ng Panginoon at magiging matuwid ang pagtrato ng mga pinuno sa lahat ng mga mamamayan.
28 But rebels and sinners will be broken together, and those who forsake our Father will be consumed. Ngunit lilipulin niya ang mga suwail at mga makasalanan, ang mga taong tumalikod sa Panginoon.
29 You will be ashamed of the sacred oaks you delighted in; you will blush over the gardens you have chosen. Mapapahiya kayong mga taga-Jerusalem dahil sa pagsamba ninyo sa mga puno ng ensina at sa mga sagradong halamanan.
30 For you will be like an oak whose leaves wither, like a garden without water. Matutulad kayo sa isang nalalantang puno ng ensina, at sa isang halamanang hindi nadidiligan.
31 The strong man will become tinder and his work a spark; both will burn together, with no one to put them out. Ang mga makapangyarihan sa inyo ay magiging katulad ng tuyong kahoy na madaling masunog, at ang masasama nilang gawa ay magiging parang tilamsik ng apoy na susunog sa kanila. Walang makatutupok sa apoy na iyon.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]