Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 9 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Then our Father blessed Noah and his sons, saying, "Be fruitful and multiply and fill the earth. Binasbasan ng Diyos si Noe at ang mga anak niya at sinabi, “Magkaroon kayo ng mga anak upang dumami at kumalat kayo sa buong mundo.
2 Every animal of the earth, every bird of the sky, everything that crawls on the ground, and every fish of the sea will fear and dread you; they are given into your hand. Matatakot sa inyo ang lahat ng hayop: ang mga naglalakad, lumilipad, gumagapang, at ang mga nakatira sa tubig. Kayo ang maghahari sa kanilang lahat.
3 Every living, moving thing will be your food. As I gave you the green plants, I now give you everything. Makakakain na kayo ngayon ng mga hayop. Ibinibigay ko ito sa inyo bilang pagkain, kagaya ng mga ibinigay ko sa inyo na mga pananim na makakain.
4 But you must not eat meat that still has its lifeblood in it. “Ngunit huwag ninyong kakainin ang hayop na nang mamatay ay hindi lumabas ang dugo, dahil ang dugo ay simbolo ng buhay.
5 I will surely demand an accounting for your blood: from every animal I will demand it, and from every person—each for his brother's life—I will demand a human life. Sisingilin ko ang sinumang papatay sa inyo, kahit ang mga hayop. Sisingilin ko ang sinumang papatay sa kanyang kapwa.
6 Whoever sheds human blood, by humans will their blood be shed; for in the image of God, humanity was made. Ang sinumang pumatay sa kanyang kapwa ay papatayin din ng kanyang kapwa. Sapagkat ang tao ay ginawa ng Diyos na kawangis niya.
7 As for you, be fruitful and multiply; swarm across the earth and multiply on it." Ngayon, magkaroon kayo ng mga anak upang dumami at kumalat kayo sa buong mundo.”
8 Then our Father said to Noah and to his sons with him: Sinabi pa ng Diyos kay Noe at sa mga anak niya,
9 "As for me, I am now establishing my covenant with you and with your descendants after you, “Itinatakda ko ngayon ang kasunduan ko sa inyo at sa mga lahi ninyo,
10 and every living creature with you—birds, livestock, every wild animal of the earth—all that came out of the ark with you, every living thing of the earth. at sa bawat nilalang na kasama ninyo sa barko: ang mga ibon, mga hayop na maaamo at maiiilap, lahat ng kasama ninyong lumabas sa barko, at sa bawat nilalang sa lupa.
11 I set my covenant with you: never again will all flesh be cut off by floodwaters; never again a flood to destroy the earth." Ito ang itinatakda kong kasunduan sa inyo: Hindi ko na muling lilipulin ang lahat ng may buhay sa pamamagitan ng baha. At hindi na muling magkakaroon ng baha na lilipol sa daigdig.”
12 Then our Father said, "This is the sign of the covenant I'm making between me and you and every living creature with you, for all generations to come: At sinabi pa ng Diyos, “Bilang palatandaan ng kasunduan ko sa inyo at sa lahat ng nilalang na kasama ninyo, at sa lahat ng susunod pang mga henerasyon,
13 I have put my rainbow in the clouds as the sign of the covenant between me and the earth. inilagay ko ang aking bahaghari sa mga ulap, at ito ang magiging palatandaan ng aking kasunduan sa inyo.
14 Whenever I bring clouds over the earth and the rainbow appears in the clouds, Sa tuwing gagawin kong maulap ang langit at lilitaw ang bahaghari,
15 I will remember my covenant between me and you and every living creature of every kind: never again will floodwaters destroy all life. aalalahanin ko agad ang kasunduan ko sa inyo at sa lahat ng uri ng nilalang, na hindi ko na lilipuling muli sa pamamagitan ng baha ang lahat ng may buhay.
16 When the rainbow is in the clouds, I will see it and remember the everlasting covenant between me and every living creature of every kind on earth." Tuwing lilitaw ang bahaghari sa mga ulap, aalalahanin ko agad ang walang hanggang kasunduan ko sa lahat ng may buhay sa mundo.”
17 So our Father told Noah, "This is the sign of the covenant I've established between me and all life on earth." Kaya sinabi ng Diyos kay Noe, “Ang bahaghari ang siyang palatandaan ng kasunduan ko sa lahat ng nabubuhay sa mundo.”
18 Noah's sons who left the ark: Shem, Ham, and Japheth. (Ham was Canaan's father.). Ito ang mga anak ni Noe na kasama niyang lumabas sa barko: sina Shem, Ham at Jafet. (Si Ham ang ama ni Canaan.)
19 These three were the sons of Noah, and from them the whole earth was populated. Sila ang mga anak ni Noe at sa kanilang tatlo nagmula ang lahat ng mga tao sa mundo.
20 Noah, a man of the soil, was the first to plant a vineyard. Pagkatapos ng baha, nagpatuloy si Noe sa pagsasaka at nagkaroon siya ng ubasan.
21 When he drank some of its wine, he became drunk and lay uncovered inside his tent. Isang araw, uminom siya ng alak, at nalasing. Nakatulog siyang hubad sa loob ng kanyang tolda.
22 Ham, the father of Canaan, saw his father naked and told his two brothers outside. Ngayon, si Ham na ama ni Canaan ay pumasok sa tolda, at nakita niyang hubad ang kanyang ama. Kaya lumabas siya at sinabi ito sa dalawa niyang kapatid.
23 Shem and Japheth took a cloak, laid it on both their shoulders, walked in backward, and covered their father's nakedness; their faces were backward, so they did not see their father's nakedness. Kumuha sina Shem at Jafet ng damit at inilagay sa balikat nila, pagkatapos, lumakad sila nang patalikod papasok sa tolda upang takpan ang kanilang ama. Hindi sila lumingon dahil ayaw nilang makita ang kahubaran ng kanilang ama.
24 When Noah awoke from his wine and learned what his youngest son had done to him, Nang mahimasmasan na si Noe sa kanyang kalasingan, at nalaman kung ano ang ginawa ng bunsong anak niya,
25 he said, "Cursed be Canaan! He will be the lowest of servants to his brothers." sinabi niya, “Sumpain ka Canaan! Maghihirap ka at magiging pinakaabang alipin ng iyong mga kapatid.”
26 He also said, "Blessed be the Father of Shem; may Canaan be Shem's servant. At sinabi rin niya, “Purihin ang Panginoon, ang Diyos ni Shem. Nawaʼy maging alipin ni Shem si Canaan.
27 May our Father extend Japheth's territory; may Japheth dwell in the tents of Shem, and may Canaan be Shem's servant." Nawaʼy palawakin ng Diyos ang lupain ni Jafet, at maging mabuti ang pagsasama ng mga lahi niya at ng mga lahi ni Shem. At nawaʼy maging alipin din ni Jafet si Canaan.”
28 After the flood Noah lived 350 years. Nabuhay pa si Noe nang 350 taon pagkatapos ng baha.
29 Noah lived a total of 950 years, and then he died. Namatay siya sa edad na 950.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]