Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 10 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 This is the account of Noah's sons—Shem, Ham, and Japheth. Sons were born to them after the flood. Ito ang salaysay tungkol sa mga pamilya ng mga anak ni Noe na sina Shem, Ham at Jafet. Nagkaroon sila ng mga anak pagkatapos ng baha.
2 The sons of Japheth: Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshech, and Tiras. Ang mga lalaking anak ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Mesec at Tiras.
3 The sons of Gomer: Ashkenaz, Riphath, and Togarmah. Ang mga anak ni Gomer ay sina Askenaz, Rifat at Togarma.
4 The sons of Javan: Elishah, Tarshish, Kittim, and Rodanim. Ang mga anak naman ni Javan ay sina Elisha, Tarsis, Kitim at Dodanim.
5 From these the coastland peoples divided into their lands, each by language, clan, and nation. Ito ang mga lahi ni Jafet. Sila ang pinagmulan ng mga tao na nakatira sa mga dalampasigan at mga isla. Ang bawat pamilya nila ay nakatira sa sarili nilang lugar na sakop ng bansa nila, at may sarili silang wika.
6 The sons of Ham: Cush, Mizraim, Put, and Canaan. Ang mga anak ni Ham ay sina Cus, Mizraim, Put at Canaan.
7 The sons of Cush: Seba, Havilah, Sabtah, Raamah, and Sabteca. The sons of Raamah: Sheba and Dedan. Ang mga anak ni Cus ay sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca. Ang mga anak ni Raama ay sina Saba at Dedan.
8 Cush fathered Nimrod, who was the first mighty man on the earth. May isa pang anak si Cus na ang pangalan ay Nimrod. Siya ay isang magiting na mandirigma sa daigdig.
9 He was a mighty hunter before God, so they say, "Like Nimrod, a mighty hunter before God." Alam ng Panginoon na mahusay siyang mangangaso; dito nanggaling ang kasabihang, “Katulad ka ni Nimrod na alam ng Panginoon na mahusay na mangangaso.”
10 The beginning of his kingdom was Babel, Erech, Accad, and Calneh, in the land of Shinar. Ang unang kaharian na pinamahalaan ni Nimrod ay ang Babilonia, Erec, Acad. Ang lahat ng ito ay sakop ng Sinar.
11 From that land he went out to Assyria and built Nineveh, Rehoboth-Ir, Calah, Mula sa mga lugar na iyon, pumunta siya sa Asiria at itinayo ang Nineve, Rehobot-ir, Cale,
12 and Resen, between Nineveh and Calah; this is the great city. at Resen na nasa gitna ng Nineve at ng Cale na isang tanyag na lungsod.
13 Mizraim fathered the Ludim, the Anamim, the Lehabim, the Naphtuhim, Si Mizraim ang ninuno ng mga Ludim, Anamim, Lehabim, at Naftuhim,
14 the Pathrusim, the Casluhim (from whom the Philistines came), and the Caphtorim. pati ang mga Patrusim, Caslusim at Caftorim na siyang pinagmulan ng mga Filisteo.
15 Canaan fathered Sidon his firstborn, and Heth, Si Canaan ang ama ni Sidon, na kanyang panganay at pinagmulan ng mga Sidoneo. Si Canaan din ang ninuno ng mga Heteo,
16 and the Jebusites, the Amorites, the Girgashites, Jebuseo, Amoreo, Gergeseo,
17 the Hivites, the Arkites, the Sinites, Heveo, Araceo, Sineo,
18 the Arvadites, the Zemarites, and the Hamathites. Afterward the clans of the Canaanites spread out. Arvadeo, Zemareo, at Hamateo. Sa bandang huli, nangalat ang mga lahi ni Canaan.
19 Canaan's border ran from Sidon toward Gerar to Gaza, and toward Sodom, Gomorrah, Admah, and Zeboiim, to Lasha. Ang hangganan ng kanilang lupain ay mula sa Sidon papuntang Gerar hanggang sa Gaza, at umabot sa Sodoma, Gomora, Adma, Zeboim at hanggang sa Lasa.
20 These are Ham's sons, by their clans, languages, lands, and nations. Ito ang mga lahi ni Ham. Ang bawat pamilya nila ay nakatira sa kanilang sariling lupain na sakop ng kanilang bansa, at may sarili silang wika.
21 Children were also born to Shem, older brother of Japheth, father of all Eber's descendants. Si Shem na nakatatandang kapatid ni Jafet ay nagkaroon din ng mga anak na lalaki. Si Shem ang pinagmulan ng lahat ng mga lahi ni Heber.
22 The sons of Shem: Elam, Asshur, Arphaxad, Lud, and Aram. Ang mga lalaking anak ni Shem ay sina Elam, Asur, Arfaxad, Lud at Aram.
23 The sons of Aram: Uz, Hul, Gether, and Mash. Ang mga anak na lalaki ni Aram ay sina Uz, Hul, Geter at Mas.
24 Arphaxad fathered Shelah, and Shelah fathered Eber. Si Arfaxad ang ama ni Shela, at si Shela ang ama ni Heber.
25 Eber had two sons: one named Peleg, for the earth was divided in his days, and his brother named Joktan. May dalawang anak na lalaki si Heber. Ang isa ay pinangalanang Peleg, dahil noong panahon niya, ang daigdig ay nahati-hati; ang pangalan naman ng kanyang kapatid ay Joctan.
26 Joktan fathered Almodad, Sheleph, Hazarmaveth, Jerah, Si Joctan ang ama nina Almodad, Selef, Hazarmavet, Jera,
27 Hadoram, Uzal, Diklah, Hadoram, Uzal, Dicla,
28 Obal, Abimael, Sheba, Obal, Abimael, Seba,
29 Ophir, Havilah, and Jobab; all these were the sons of Joktan. Ofir, Havila at Jobab. Silang lahat ay mga lalaking anak ni Joctan.
30 Their territory extended from Mesha toward Sephar, to the hill country of the east. Ang lupaing tinitirhan nila ay mula sa Mesha at papunta sa Sefar, sa kaburulan sa silangan.
31 These are Shem's sons, by their clans, languages, lands, and nations. Ito ang mga lahi ni Shem. Ang bawat pamilya nila ay nakatira sa sarili nilang lupain na sakop ng kanilang bansa, at may sarili silang wika.
32 These are the clans of Noah's sons, by their lines of descent, in their nations; from these the nations spread across the earth after the flood. Ito ang lahat ng lahi ng mga anak ni Noe, na nasa ibaʼt ibang bansa. Sa kanila nagmula ang mga bansa sa buong mundo pagkatapos ng baha.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]