Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 13 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Abram went up from Egypt to the Negev, he, his wife, all he had, and Lot with him. Kaya umalis si Abram sa Ehipto, at nagtungo pahilaga sa Negeb kasama ang kanyang asawa at dala ang lahat ng kanyang ari-arian, at sumáma rin sa kanila si Lot.
2 Now Abram had become very rich in livestock, in silver, and in gold. Napakayaman na noon ni Abram, marami na siyang hayop, pilak at ginto.
3 He went by stages from the Negev to Bethel, to the place between Bethel and Ai where his tent stood before, Mula sa Negeb, nagpalipat-lipat sila hanggang makabalik sila sa lugar na dati nilang pinagtayuan ng tolda. Ang lugar na ito ay nasa gitna ng Betel at Ai.
4 and where he had first built an altar. There Abram called on the name of our Father. Dito rin siya unang nagtayo ng altar nang dumating sila sa Canaan. At doon, muling sumamba si Abram sa Panginoon.
5 Now Lot, who was traveling with Abram, also had flocks and herds and tents. Si Lot na laging kasama ni Abram saan man siya pumunta ay may sarili ring mga hayop at mga tolda.
6 The land could not support them living together; their possessions were too great to stay together. At dahil marami na silang mga hayop at iba pang mga ari-arian, hindi sila maaaring manirahan sa iisang lugar. Ang pastulan ay hindi magkakasya sa kanila.
7 A quarrel arose between Abram's herders and Lot's herders. The Canaanites and Perizzites were living in the land at that time. Dahil dito, nag-away-away ang mga tagapagbantay ng mga hayop nila. Nang panahong iyon, ang mga Cananeo at mga Perezeo ay nakatira rin sa lupaing iyon.
8 Abram said to Lot, "Let's not quarrel—you and me, or your herders and mine—we're brothers. Kaya sinabi ni Abram kay Lot, “Tayo at ang mga tauhan natin ay hindi dapat mag-away, dahil tayoʼy magkakamag-anak.
9 Isn't the whole land before you? Please, separate from me: if left, I'll go right; if right, I'll go left." Ang mabuti pa, maghiwalay na lang tayo dahil malawak pa ang lugar na maaaring pagpilian. Ikaw ang mamili kung aling bahagi ng lupain ang pipiliin mo. Kung kakaliwa ka, kakanan ako; kung kakanan ka, kakaliwa naman ako.”
10 Lot looked up and saw that the whole Jordan plain toward Zoar was well watered everywhere—like our Father's garden, like Egypt's land. (This was before our Father destroyed Sodom and Gomorrah.). Tinanaw ni Lot ang buong paligid at nakita niya na ang Lambak ng Jordan hanggang sa Zoar ay sagana sa tubig, katulad ng halamanan ng Panginoon at ng lupain ng Ehipto. (Nangyari ito noong hindi pa winasak ng Panginoon ang Sodoma at Gomora.)
11 Lot chose the whole Jordan plain for himself and traveled eastward; the two parted from each other. Kaya pinili ni Lot ang buong Lambak ng Jordan sa dakong silangan. Sa ganoong paraan, naghiwalay sila ni Abram.
12 Abram lived in the land of Canaan; Lot lived among the cities of the plain and pitched tents as far as Sodom. Si Abram ay nagpaiwan sa Canaan habang si Lot naman ay naroon sa mga lungsod sa kapatagan. Nagtayo si Lot ng mga tolda malapit sa Sodoma.
13 Now the people of Sodom were wicked, sinning greatly against our Father. Ang mga tao sa Sodoma ay napakasama. Labis ang pagkakasala nila sa Panginoon.
14 After Lot parted from him, our Father told Abram, "Look up from where you stand: north, south, east, and west. Nang nakaalis na si Lot, sinabi ng Panginoon kay Abram, “Mula sa kinatatayuan mo, tingnan mong mabuti ang buong palibot mo.
15 For all the land that you see I will give to you and to your children forever. Ang lahat ng lupaing maaabot ng iyong paningin ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga lahi, at magiging inyo ito magpakailanman.
16 I will make your children like the dust of the earth—if the dust of the earth can be counted, so can your children. Pararamihin ko ang lahi mo na kasindami ng alikabok sa lupa. Ang alikabok ay hindi kayang bilangin, kaya ang mga lahi mo ay hindi rin mabibilang.
17 Get up, walk the land's length and breadth, for I am giving it to you." Lumakad ka at ikutin ang buong lupain dahil ibibigay ko itong lahat sa iyo.”
18 Abram pitched his tents, went and settled by the oaks of Mamre at Hebron, and built an altar there to our Father. Kaya inilipat ni Abram ang kanyang tolda, at doon siya nanirahan malapit sa malalaking puno ni Mamre roon sa Hebron, at gumawa siya roon ng altar para sa Panginoon.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]