Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 12 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Now our Father said to Abram, "Go from your land, your relatives, and your father's house, to the land that I will show you. Ngayon, sinabi ng Panginoon kay Abram, “Lisanin mo ang iyong lupain, ang iyong mga kamag-anak maging ang sambahayan ng iyong ama, at pumunta ka sa lugar na ipapakita ko sa iyo.”
2 I will make you into a great nation, and I will bless you; I will make your name great, so that you will be a blessing. “Gagawin kong isang malaking bansa ang lahi mo, at pagpapalain kita. Gagawin kong tanyag ang pangalan mo, at marami ang pagpapalain dahil sa iyo.
3 I will bless those who bless you, and whoever curses you I will curse; and through you all the families of the earth will be blessed." Pagpapalain ko ang mga magpapala saʼyo. Ngunit isusumpa ko naman ang mga susumpa sa iyo. Sa pamamagitan moʼy pagpapalain ko ang lahat ng tao sa mundo.”
4 Abram went as our Father told him, and Lot went with him. Abram was seventy-five when he left Haran. Kaya umalis si Abram ayon sa sinabi ng Panginoon sa kanya, at sumáma si Lot sa kanya. Si Abram ay pitumpuʼt limang taóng gulang na noong umalis siya roon.
5 Abram took his wife Sarai, his nephew Lot, all the possessions they had gathered, and the people they had acquired in Haran, and set out for the land of Canaan, and came to the land of Canaan. Kasama niya ang asawa niyang si Sarai, ang pamangkin niyang si Lot, at ang lahat ng mga ari-ariang naipon nila pati ang mga aliping nakuha nila sa Haran. Umalis sila patungo sa lupain ng Canaan at dumating sila roon.
6 Abram passed through the land to the site of Shechem, to the oak of Moreh. The Canaanites were then in the land. Nagpatuloy sila hanggang sa nakarating sa malaking puno ng Moreh doon sa Shekem. Nang panahong iyon, naroon pa ang mga Cananeo.
7 Then our Father appeared to Abram and said, "To your offspring I will give this land." So Abram built an altar there to our Father, who appeared to him. Pagkatapos, nagpakita ang Panginoon kay Abram at sinabi sa kanya, “Ang lupaing ito ay ibibigay ko sa mga lahi mo.” Kaya gumawa ng altar si Abram para sa Panginoon.
8 From there he moved to the hill country east of Bethel and pitched his tent, Bethel to the west, Ai to the east. He built an altar there to our Father and called on our Father's name. Mula roon, lumipat sila sa bundok na nasa silangan ng Betel, at doon sila nagtayo ng tolda, sa pagitan ng Betel at Ai. Ang Betel ay nasa kanluran at ang Ai naman ay nasa silangan. Gumawa rin doon si Abram ng altar para sa Panginoon kung saan niya sinamba ang Panginoon.
9 Then Abram continued on his way, journeying toward the Negev. Hindi nagtagal, muli silang lumipat. Nagpatuloy sila sa paglalakbay papunta sa Negeb.
10 Since famine struck the land, Abram went down to Egypt to stay there, for the famine was severe in the land. Noong panahong iyon nagkaroon ng matinding taggutom sa Canaan, kaya pumunta si Abram sa Ehipto upang doon muna manirahan.
11 Nearing Egypt, he said to his wife Sarai, "I know you are a beautiful woman. Nang paparating na sila sa Ehipto, sinabi ni Abram sa kanyang asawa, “Sarai, maganda kang babae.
12 When the Egyptians see you, they'll say, 'This is his wife,' and kill me but keep you alive. Kapag nakita ka ng mga Ehipsiyo, sasabihin nilang asawa kita, kaya papatayin nila ako upang makuha ka nila.
13 Please say you're my sister, so it goes well for me because of you, and I stay alive for your sake." Ang mabuti paʼy sabihin mo sa kanilang magkapatid tayo upang hindi nila ako patayin at upang maging mabuti ang pakikitungo nila sa akin dahil sa iyo.”
14 When Abram entered Egypt, the Egyptians saw that the woman was very beautiful. Pagdating nga nila sa Ehipto, nakita ng mga Ehipsiyo ang kagandahan ni Sarai.
15 Pharaoh's officials saw her, praised her to Pharaoh, and the woman was taken into Pharaoh's palace. At nang makita siya ng mga opisyal ng Faraon, sinabi nila sa hari kung gaano siya kaganda. Kaya dinala si Sarai roon sa palasyo.
16 He treated Abram well for her sake, and Abram acquired sheep, cattle, male and female donkeys, male and female servants, and camels. Dahil kay Sarai, naging mabuti ang pakikitungo ng hari kay Abram at binigyan pa siya ng mga tupa, kambing, baka, asno, kamelyo at mga alipin.
17 But our Father struck Pharaoh and his household with severe plagues because of Sarai, Abram's wife. Ngunit binigyan ng Panginoon ng nakakakilabot na karamdaman ang Faraon at ang mga tauhan niya sa palasyo dahil kay Sarai.
18 Pharaoh summoned Abram: "What is this you've done to me? Why didn't you tell me she was your wife? Kaya ipinatawag ng Faraon si Abram at tinanong, “Ano ba itong ginawa mo sa akin? Bakit hindi mo sinabi na asawa mo pala siya?
19 Why did you say, 'She's my sister,' so I took her as my wife? Here's your wife now—take her and go." Bakit mo sinabing magkapatid kayo? Kaya kinuha ko siya upang maging asawa ko. Ngayon, heto ang asawa mo, kunin mo siya at umalis na kayo!”
20 Pharaoh ordered his men about Abram, and they sent him off with his wife and all he owned. Pagkatapos, nag-utos ang Faraon sa mga tauhan niya na paalisin na sila. Kaya dinala nila si Abram palabas ng lupain na iyon at pinaalis kasama ang kanyang asawa at ang lahat ng kanyang ari-arian.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]