Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Daniel 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 In the second year of his reign, Nebuchadnezzar had dreams; his spirit was troubled and his sleep left him. Noong pangalawang taon ng paghahari ni Nebucadnezar, nagkaroon siya ng mga panaginip na bumabagabag sa kanya, kaya hindi siya makatulog.
2 So the king ordered the magicians, enchanters, sorcerers, and astrologers summoned to tell him his dreams. They came and stood before the king. Ipinatawag ng hari ang kanyang mga salamangkero, engkantador, mangkukulam, at mga astrologo upang ipaliwanag nila ang kanyang mga panaginip.
3 The king said to them, "I dreamed a dream, and my spirit is troubled to know the dream." Sinabi ng hari sa kanila, “Nanaginip ako at binabagabag ako nito, kaya ipinatawag ko kayo dahil gusto kong malaman kung ano ang kahulugan ng panaginip na iyon.”
4 Then the astrologers said to the king in Aramaic, "King, live forever! Tell your servants the dream, and we will reveal its interpretation." Sumagot ang mga astrologo sa hari sa wikang Arameo, “Mahal na Hari, sabihin nʼyo po sa amin na inyong mga lingkod ang inyong panaginip at ipapaliwanag namin sa inyo ang kahulugan nito.”
5 The king answered the astrologers, "My decree is firm: if you don't tell me the dream and its meaning, you'll be cut to pieces and your houses reduced to rubble. Sinabi ng hari sa mga taga-Caldeo, “Ito ang aking napagpasyahan: Kung hindi ninyo mahulaan ang aking panaginip at ang kahulugan nito, pagpuputol-putulin ko ang katawan ninyo at ipapawasak ang inyong mga bahay.
6 But if you tell the dream and its meaning, you'll receive gifts, rewards, and great honor from me. So tell me the dream and its meaning." Kung mahuhulaan ninyo ang aking panaginip at maipaliwanag ang kahulugan nito, gagantimpalaan ko kayo at bibigyan pa ng malaking karangalan. Sige, hulaan na ninyo at ipaliwanag ang kahulugan nito.”
7 They answered a second time, "Let the king tell his servants the dream, and we will give its meaning." Muli silang sumagot sa hari, “Mahal na Hari, sabihin nʼyo po sa amin ang inyong panaginip at ipapaliwanag namin sa inyo ang kahulugan nito.”
8 The king replied, "I know for certain you're trying to buy time, because you see my decree is firm: Sinabi ng hari, “Alam kong pinahahaba lang ninyo ang oras dahil alam ninyong gagawin ko ang sinabi ko sa inyo,
9 If you don't tell me the dream, there is only one verdict for you. You have agreed to speak lying, corrupt words before me until the times change. So tell me the dream, then I'll know you can reveal its interpretation." na kung hindi ninyo mahulaan at maipaliwanag ang aking panaginip, paparusahan ko kayo katulad ng sinabi ko. Nagkasundo kayong magsinungaling sa akin sa pag-aakalang magbabago pa ang aking isip sa paglipas ng oras. Hulaan na ninyo kung ano ang aking panaginip upang maniwala ako na marunong talaga kayong magpaliwanag ng kahulugan nito.”
10 The astrologers answered the king, "No one on earth can do what the king asks. No great, powerful king ever demanded such a thing of any magician, enchanter, or Chaldean. Sumagot ang mga taga-Caldeo sa hari, “Walang tao sa buong mundo ang makagagawa ng iniuutos ninyo. Wala pang hari ang nag-utos ng ganyan sa kanyang mga engkantador, mangkukulam, o mga astrologo.
11 The king's request is too hard; only the gods, who don't live among mortals, can reveal it to the king." Napakahirap ng inyong hinihingi, Mahal na Hari. Ang mga diyos lang ang makakagawa niyan, pero hindi sila naninirahan kasama ng mga tao.”
12 At this the king grew angry and furious, and ordered all Babylon's wise men destroyed. Dahil sa sagot nilang ito, galit na galit ang hari. At nag-utos siyang patayin ang lahat ng marurunong na mga tao sa Babilonia.
13 So the decree went out to kill the wise men, and they searched for Daniel and his companions to put them to death. Nang inilabas na ang utos ng hari na patayin ang mga marurunong, hinanap si Daniel at ang kanyang mga kasama upang patayin din.
14 Then Daniel answered Arioch, the king's guard commander, with wisdom and discretion; Arioch had gone out to kill Babylon's wise men. Kaya nakipag-usap si Daniel kay Arioc na kapitan ng mga tagapagbantay ng hari na siyang inutusan na patayin ang mga marurunong sa Babilonia.
15 He asked Arioch, the king's officer, "Why such a harsh decree from the king?" Then Arioch explained it to Daniel. Maingat na nagtanong si Daniel sa kanya kung ano ang dahilan ng napakabigat na utos ng hari. Kaya sinabi sa kanya ni Arioc ang nangyari.
16 So Daniel went in and asked the king for time, so that he might reveal the interpretation to the king. Pagkatapos, pumunta si Daniel sa hari at hiniling niya na bigyan siya ng panahong maipaliwanag ang kahulugan ng panaginip nito.
17 Then Daniel went home and told his companions Hananiah, Mishael, and Azariah about the matter, Pumayag naman ang hari, kaya umuwi si Daniel at ibinalita sa kanyang mga kasamahang sina Hananias, Misael at Azarias ang tungkol sa nangyari.
18 urging them to plead for mercy from our Father in heaven about this mystery, so Daniel and his companions wouldn't be destroyed with Babylon's other wise men. Hiniling niya sa mga ito na manalangin upang kaawaan sila ng Diyos sa langit at upang malaman nila ang kahulugan ng panaginip ng hari, upang si Daniel at ang kanyang mga kaibigan ay hindi patayin kasama ng iba pang marurunong na tao sa Babilonia.
19 Then the mystery was revealed to Daniel in a night vision, and Daniel blessed our Father in heaven. Nang gabing iyon, ipinahayag ng Diyos kay Daniel ang panaginip ng hari at ang kahulugan nito sa pamamagitan ng pangitain. At pinuri ni Daniel ang Diyos sa langit.
20 Daniel said: "Blessed be the name of our Father forever and ever, for wisdom and might belong to him. Sinabi niya, “Purihin ang Diyos magpakailanman. Siya ay matalino at makapangyarihan.
21 He changes times and seasons; he removes kings and sets up kings; he gives wisdom to the wise and knowledge to those who have understanding. Siya ang nagbabago ng panahon. Siya ang nagpapasya kung sino ang maghahari at siya rin ang nag-aalis sa kanila sa trono. Siya ang nagbibigay ng karunungan sa marurunong.
22 He reveals deep and hidden things; he knows what lies in darkness, and the light dwells with him. Ipinapaliwanag niya ang mahihiwagang bagay na mahirap intindihin. Nasa kanya ang liwanag, at nalalaman niya ang anumang nasa kadiliman.
23 To you, the God of my fathers, I give thanks and praise, for you have given me wisdom and might, and now you have made known to me what we asked of you; you have made known to us the king's matter." O Diyos ng aking mga ninuno, pinupuri ko kayo at pinapasalamatan. Kayo ang nagbigay sa akin ng karunungan at kakayahan. At ibinigay nʼyo sa amin ang aming kahilingan sa inyo na ipahayag sa amin ang panaginip ng hari.”
24 So Daniel went to Arioch, whom the king had appointed to destroy Babylon's wise men, and said, "Don't destroy Babylon's wise men. Take me to the king, and I will give him the interpretation." Pagkatapos, bumalik si Daniel kay Arioc na inutusan ng hari upang patayin ang mga marurunong na tao sa Babilonia. Sinabi ni Daniel sa kanya, “Huwag mo muna silang patayin; dalhin mo muna ako sa hari at ipapaliwanag ko ang kanyang panaginip.”
25 Then Arioch quickly brought Daniel before the king and said, "Among the exiles of Judah I found a man who can tell the king the interpretation." Kaya dali-daling dinala ni Arioc si Daniel sa hari. Sinabi ni Arioc, “Mahal na Hari, may nahanap po akong bihag mula sa Juda na makapagpapaliwanag ng inyong panaginip.”
26 The king asked Daniel, called Belteshazzar, "Can you tell me the dream I saw and what it means?" Tinanong ng hari si Daniel na tinatawag ding Beltesazar, “Talaga bang mahuhulaan mo ang aking panaginip at maipapaliwanag ang kahulugan nito?”
27 Daniel answered the king, "No wise men, enchanters, magicians, or astrologers can reveal the mystery the king asks about. Sumagot si Daniel, “Mahal na Hari, wala pong sinumang marunong katulad ng mga mangkukulam, engkantador, o manghuhula ang makakapagpaliwanag ng inyong panaginip.
28 But our Father in heaven reveals mysteries, and has made known to King Nebuchadnezzar what will happen in the latter days. Your dream and the visions in your mind as you lay on your bed were these: Ngunit may Diyos sa langit na naghahayag ng mga mahiwagang bagay. At inihayag niya sa Haring Nebucadnezar sa panaginip ang mangyayari sa hinaharap. Ngayon, sasabihin ko po sa inyo ang mga pangitaing nakita ninyo sa inyong panaginip.
29 "As you lay in bed, O king, your thoughts turned to what would come, and the revealer of mysteries showed you what is to be. “Habang natutulog po kayo, Mahal na Hari, nanaginip kayo tungkol sa mga mangyayari sa hinaharap. Ipinapaalam ito sa inyo ng Diyos na tagapagpahayag ng mga mahiwagang bagay.
30 But this mystery was revealed to me not because I have more wisdom than anyone else alive, but so the king may know its interpretation, and you may understand your heart's thoughts. At inihayag sa akin ng Diyos ang inyong panaginip hindi dahil mas matalino ako kaysa sa iba kundi upang maipaliwanag ko sa inyo, Mahal na Hari, at maintindihan nʼyo ang gumugulo sa inyong isipan.
31 "You watched, O king, and saw a great statue. This statue, huge and dazzling in brightness, stood before you, and its appearance was terrifying. “May nakita ang Mahal na Hari na isang napakalaking rebulto na nakakasilaw. Nakatayo sa inyong harapan ang rebulto at nakakatakot tingnan.
32 The statue's head was fine gold, its chest and arms silver, its belly and thighs bronze, Yari sa purong ginto ang ulo nito, pilak naman ang mga bisig at dibdib, tanso ang tiyan at hita.
33 its legs of iron, its feet partly of iron and partly of clay. Yari sa bakal ang kanyang mga binti at ang kanyang mga paa naman ay yari sa bakal at luwad.
34 While you watched, a stone cut without hands struck the statue's feet of iron and clay, crushing them. At habang tinitingnan nʼyo po ang rebulto, may batong natipak na hindi kagagawan ng tao. Tumama ito sa mga paa nitong yari sa bakal at luwad, at nawasak ang kanyang mga paa.
35 Then the iron, clay, bronze, silver, and gold were all broken to pieces together, becoming like chaff on a summer threshing floor. The wind carried them off, leaving no trace. But the stone that struck the statue became a great mountain filling the whole earth. Agad namang nadurog ang buong rebulto na gawa sa bakal, luwad, tanso, pilak at ginto. At parang naging ipa sa giikan na ipinadpad ng hangin kung saan-saan. Ngunit ang batong bumagsak sa paa ng rebulto ay naging malaking bundok na pumuno sa buong mundo.
36 "This was the dream. Now we will tell the king its interpretation. “Iyan po ang panaginip nʼyo, at ngayon ipapaliwanag namin sa hari ang kahulugan nito.
37 You, king, are the king of kings, to whom our Father in heaven has given kingdom, power, might, and glory. Mahal na Hari, kayo ang hari ng mga hari. Ginawa kayong hari ng Diyos sa langit at binigyan ng kaharian, kapangyarihan, kalakasan, at karangalan.
38 Into your hand he has placed all people, the beasts of the field, and the birds of the sky, wherever they live, making you ruler over them all. You are the head of gold. Ibinigay niya sa inyong kamay ang mga tao, mga hayop at mga ibon sa lahat ng dako. Kayo ang gintong ulo ng imahen.
39 "After you another kingdom will arise, inferior to yours; then a third kingdom, of bronze, ruling over all the earth. “Ang susunod sa inyong kaharian ay mas mahina kaysa sa inyo. Pagkatapos, ang ikatlong kaharian ay ang tansong bahagi ng rebulto, at ang kahariang ito ay maghahari sa buong mundo.
40 A fourth kingdom will be strong as iron—iron breaks and shatters everything—and as iron crushes all these, it will break and crush them. At ang ikaapat na kaharian ay kasintatag ng bakal. Kung paanong ang bakal ay dumudurog sa lahat, ang kahariang ito ang dudurog sa mga naunang kaharian.
41 As you saw the feet and toes—part potter's clay, part iron—it will be a divided kingdom; yet it will have some of iron's strength, just as you saw iron mixed with soft clay. Ang mga paa na yari sa bakal at luwad na nakita mo ay nangangahulugan na ang kahariang ito ay mahahati. Ngunit mananatili itong malakas, dahil nakita mo na may halong bakal ang luwad.
42 As the toes were partly iron and partly clay, so the kingdom will be partly strong and partly brittle. Dahil ang mga daliri ng paa ay yari sa bakal at luwad, itoʼy nangangahulugan na ang kahariang ito ay may bahaging matibay at may bahaging mahina.
43 As you saw iron mixed with soft clay, the people will mix in marriage but not hold together, just as iron does not mix with clay. Kung paanong nakita mo na pinaghalo ang bakal at luwad, ganoon ding paghahaluin ang mga lahi sa pamamagitan ng pag-aasawa. Ngunit hindi sila magkakaisa, katulad ng bakal at luwad na hindi maaaring paghaluin.
44 "In those kings' days our Father in heaven will set up a kingdom never to be destroyed, nor its rule left to another people. It will crush all these kingdoms and end them, and it will stand forever. “Sa panahon ng mga haring ito, ang Diyos sa langit ay magtatayo ng isang kaharian na hindi babagsak kailanman. Hindi ito matatalo ng alinmang kaharian, kundi wawasakin pa niya ang lahat ng kaharian at mananatili ito magpakailanman.
45 This is what the vision meant: the stone cut from a mountain, not by human hands, broke the iron, bronze, clay, silver, and gold to pieces. Our great Father has shown the king what will happen after this. The dream is certain, its interpretation trustworthy." Katulad ito ng iyong nakitang tipak na bato mula sa bundok na hindi kagagawan ng tao na dumurog sa rebultong yari sa bakal, tanso, luwad, pilak at ginto. “Mahal na Hari, ipinahayag po sa inyo ng Diyos na Makapangyarihan kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap. Iyon ang panaginip nʼyo at ang kahulugan nito. Totoo po ang lahat ng sinabi ko.”
46 Then King Nebuchadnezzar fell facedown, bowed to Daniel, and ordered offering and incense given to him. Nagpatirapa si Haring Nebucadnezar upang parangalan si Daniel. Pagkatapos, nag-utos siyang maghandog at magsunog ng insenso kay Daniel.
47 The king told Daniel, "Truly your God is God of gods, Lord of kings, and revealer of secrets, since you could reveal it." Sinabi niya kay Daniel, “Dahil sa ipinahayag mo ang panaginip ko at ang kahulugan nito, totoo na ang iyong Diyos ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng diyos. Siya ang dapat kilalaning Panginoon ng mga hari. At siya lamang ang nakakapagpahayag ng mga hiwaga.”
48 Then the king promoted Daniel to high honor, gave him many great gifts, and made him ruler of Babylon's whole province and chief prefect over all its wise men. Pagkatapos, binigyan ng hari si Daniel ng maraming magagandang regalo. Ginawa siyang tagapamahala ng buong lalawigan ng Babilonia at pinuno ng lahat ng marurunong doon.
49 Daniel asked the king, who put Shadrach, Meshach, and Abednego over Babylon province's affairs; Daniel remained at the king's court. Hiniling ni Daniel sa hari na italaga sina Shadrac, Meshac, at Abednego bilang katulong niya sa pamamahala ng lalawigan ng Babilonia. Pumayag naman ang hari. At namalagi si Daniel sa palasyo ng hari.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]