Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Daniel 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 In Jehoiakim king of Judah's third year, Nebuchadnezzar king of Babylon marched on Jerusalem and besieged it. Nang ikatlong taon ng paghahari ni Jehoiakim sa Juda, sinalakay ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia at ng kanyang mga kawal ang Jerusalem.
2 The Sovereign Father handed Jehoiakim king of Judah over to him, with some items from our Father's house; he took them to Shinar, to his god's house, and the items into his god's treasury. Ibinigay ng Panginoon sa kanyang kamay si Haring Jehoiakim ng Juda, kasama ang ilang kagamitan sa templo ng Diyos. Dinala ni Haring Nebucadnezar ang mga ito sa Babilonia at inilagay sa taguan ng kayamanan doon sa templo ng kanyang diyos.
3 The king ordered Ashpenaz, his chief official, to bring some Israelites from the royal family and nobility. Inutos ni Haring Nebucadnezar kay Aspenaz, ang punong opisyal ng palasyo niya, na pumili sa mga bihag na Israelita ng ilang kabataang mula sa angkan ng mga hari at angkan ng mga maharlika.
4 Young men without defect, good-looking, skilled in all wisdom, well-informed, quick to understand, fit to stand in the king's palace—and to teach them Babylonian writing and language. Kinakailangan na ang mga ito ay makisig, malusog, matalino, mabilis kumilos at madaling turuan upang maging karapat-dapat maglingkod sa hari. Inutusan din niya si Aspenaz na turuan sila ng wika at mga panitikan ng mga taga-Babilonia.
5 The king assigned them a daily portion of his food and wine, three years' training, then service before him. Iniutos din ng hari na mula sa kanyang sariling pagkain at inumin ang ibibigay sa kanila araw-araw. At pagkatapos ng tatlong taong pagsasanay, maglilingkod na sila sa kanya.
6 Among them were Daniel, Hananiah, Mishael, and Azariah, from the sons of Judah. Kabilang sa mga napili ay sina Daniel, Hananias, Misael, at Azarias na pawang mula sa lahi ni Juda.
7 The chief official renamed them: Daniel, Belteshazzar; Hananiah, Shadrach; Mishael, Meshach; Azariah, Abednego. Pinalitan ng punong tagapangasiwa ang kanilang mga pangalan. Si Daniel ay pinangalanang Beltesazar, si Hananias ay Shadrac, si Misael ay Meshac, at si Azarias ay Abednego.
8 Daniel resolved not to make himself unclean with the king's food or wine, so he asked the chief official's permission not to make himself unclean. Ngunit ipinasya ni Daniel na hindi siya kakain ng pagkain o iinom ng inumin na galing sa hari upang hindi siya marumihan. Kaya nakiusap siya sa punong tagapangasiwa na payagan siyang huwag bigyan ng pagkain at inuming iyon.
9 Now our Father gave Daniel favor and compassion in the eyes of the chief official. Niloob naman ng Diyos na panigan si Daniel ng punong tagapangasiwa ng palasyo.
10 The chief official told Daniel, "I fear my lord the king, who set your food and drink. Why should he see your faces worse than boys your age? You'd forfeit my head to the king." Ngunit sinabi ni tagapangasiwa kay Daniel, “Natatakot ako sa hari. Siya ang pumili kung ano ang kakainin at iinumin ninyo, at kung makita niyang hindi kayo malusog gaya ng ibang mga kabataan, baka ipapatay niya ako.”
11 Then Daniel said to the steward the chief official had appointed over Daniel, Hananiah, Mishael, and Azariah, Dahil dito, nakiusap si Daniel sa itinalaga ni Aspenaz na tagapangasiwa nila Daniel, Hananias, Misael at Azarias,
12 "Please test your servants for ten days. Give us only vegetables to eat and water to drink. “Subukan nʼyo po kaming pakainin lang ng gulay at painumin ng tubig sa loob ng sampung araw.
13 Then compare our appearance with the youths eating the king's food; do with your servants as you see." Pagkatapos, ihambing ninyo kami sa mga kabataang kumakain ng pagkain ng hari, at tingnan ninyo kung ano ang magiging resulta. At bahala na kayo kung ano ang gagawin ninyo sa amin.”
14 So he agreed to this and tested them for ten days. Pumayag naman ito at sinubukan nga sila sa loob ng sampung araw.
15 After ten days they looked healthier and better fed than all the young men eating the royal food. Pagkatapos ng sampung araw, nakita ng tagapagbantay na mas malusog sila kaysa sa mga kabataang kumakain ng pagkain ng hari.
16 So the steward took away their assigned food and the wine they were to drink, and gave them vegetables instead. Kaya ipinagpatuloy na lang ang pagbibigay sa kanila ng gulay at tubig sa halip na pagkain at inumin ng hari.
17 To these four boys our Father gave knowledge and insight in all writing and wisdom; Daniel understood all visions and dreams. Binigyan ng Diyos ang apat na kabataang ito ng karunungan at pang-unawa, pati na ang kaalaman sa ibaʼt ibang literatura. Bukod pa rito, binigyan ng Diyos si Daniel ng karunungan sa pagpapaliwanag ng kahulugan ng mga pangitain at mga panaginip.
18 When the king's set days for bringing them in ended, the chief official brought them before Nebuchadnezzar. Pagkalipas ng tatlong taon na pagtuturo sa kanila ayon sa utos ni Haring Nebucadnezar, dinala sila ng punong tagapangasiwa sa kanya.
19 The king spoke with them, and none matched Daniel, Hananiah, Mishael, and Azariah; so they served the king. Nakipag-usap ang hari sa kanila, at napansin ng hari na wala ni isa man sa mga kabataan doon ang makahihigit kina Daniel, Hananias, Misael, at Azarias. Kaya sila ang piniling maglingkod sa kanya.
20 Whenever the king questioned them on wisdom and understanding, he found them ten times better than all magicians and enchanters in his whole kingdom. Sa lahat ng itinanong ng hari sa kanila, nakita niya na ang kanilang kaalaman ay sampung ulit na mas mahusay kaysa sa kaalaman ng mga salamangkero at engkantador sa buong kaharian niya.
21 And Daniel remained there until the first year of King Cyrus. Patuloy na naglingkod si Daniel hanggang sa unang taon ng paghahari ni Ciro.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]