Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Samuel 5 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 All the tribes of Israel came to David at Hebron and said, "We are your own flesh and blood. Ang lahat ng lahi ng Israel ay pumunta kay David sa Hebron at sinabi, “Kadugo nʼyo po kami.
2 Before, when Saul was our king, you led Israel out and brought them home. And our Father told you, 'You will shepherd my people Israel and be ruler over Israel.'" Mula pa noong una, kahit si Saul pa ang hari namin, kayo na ang namumuno sa mga Israelita sa kanilang mga pakikipaglaban. At sinabi sa inyo ng Panginoon, ‘Ikaw ang gagabay sa mga mamamayan kong Israelita gaya ng paggabay ng isang pastol sa mga tupa niya. Ikaw ang magiging pinuno nila.’ ”
3 All Israel's elders came to the king at Hebron, where King David made a covenant with them before our Father, and they anointed David king over Israel. Kaya roon sa Hebron, gumawa ng kasunduan si David sa mga tagapamahala ng Israel sa presensya ng Panginoon. At pinahiran nila ng langis ang ulo ni David bilang pagkilala na siya na ang hari ng Israel.
4 David was thirty years old when he became king, and he reigned forty years. Si David ay tatlumpung taóng gulang nang maging hari ng Israel, at naghari siya sa loob ng apatnapung taon.
5 In Hebron he reigned over Judah seven years and six months, and in Jerusalem thirty-three years over all Israel and Judah. Naghari siya sa Juda sa loob ng pitong taon at anim na buwan habang nakatira siya sa Hebron, at tatlumpuʼt tatlong taon ang paghahari niya sa buong Israel at Juda habang nakatira siya sa Jerusalem.
6 Then the king and his men marched on Jerusalem against the Jebusites living there. They taunted David, "You'll never get in here; even the blind and lame can turn you back"—thinking, "David can't get in here." Isang araw, pumunta si Haring David at ang mga tauhan niya sa Jerusalem para salakayin ang mga Jebuseo na nakatira roon. Sinabi ng mga Jebuseo kay David, “Hindi kayo makakapasok dito sa Jerusalem! Kahit mga bulag at pilay ay kaya kayong pigilan para hindi kayo makapasok.” Sinabi nila ito dahil iniisip nilang hindi makakapasok sina David.
7 Nevertheless David captured the stronghold of Zion, that is, the city of David. Ngunit nasakop ni David at ng mga tauhan niya ang matatag na kuta ng Zion, na tinatawag ngayong Lungsod ni David.
8 That day David said, "Whoever strikes down a Jebusite must reach the water shaft to strike the lame and blind, hated by David's soul." So they say, "The blind and lame won't enter the house." Nang hindi pa napapasok ni David ang Jerusalem, sinabi niya sa mga tauhan niya, “Doon kayo dumaan sa daanan ng tubig para makapasok kayo sa Jerusalem at talunin nʼyo ang mga ‘bulag at pilay’ na mga Jebuseo. Kinamumuhian ko sila!” Diyan nagsimula ang kasabihang “Hindi makakapasok ang mga bulag at pilay sa bahay ng Panginoon.”
9 David settled in the stronghold and named it the City of David. He built up the area all around, from the Millo inward. Matapos sakupin ni David ang matatag na kampo ng Zion, doon na siya tumira at tinawag niya itong Lungsod ni David. Pinadagdagan niya ito ng pader sa palibot mula sa mababang bahagi ng lungsod.
10 And David grew greater and greater, for our Father, the God of heaven's armies, was with him. Lalong nagiging makapangyarihan si David dahil tinutulungan siya ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan.
11 Hiram king of Tyre sent David messengers, cedar logs, carpenters, and stonemasons, and they built David a house. Samantala, nagsugo ng mga mensahero si Haring Hiram ng Tiro kay David kasama ng mga karpintero at kantero. Nagpadala rin siya ng mga trosong sedro para maipagpatayo ng palasyo si David.
12 David knew our Father had established him as king over Israel and had exalted David's kingdom for the sake of our Father's people Israel. At naunawaan ni David na ang Panginoon ang nagluklok sa kanya bilang hari ng Israel at nagpaunlad ng kaharian niya para sa mga mamamayang Israelita.
13 After leaving Hebron, David took more concubines and wives from Jerusalem, and more sons and daughters were born to him. Nang lumipat siya mula sa Hebron papuntang Jerusalem, marami pa siyang naging asawa; ang iba sa kanilaʼy mga alipin niya, at nadagdagan pa ang mga anak niya.
14 These are the names of the children born to him in Jerusalem: Shammua, Shobab, Nathan, and Solomon, Ito ang mga pangalan ng mga anak niyang lalaki na ipinanganak sa Jerusalem: Samua, Sobab, Natan, Solomon,
15 Ibhar, Elishua, Nepheg, Japhia, Ibhar, Elisua, Nefeg, Jafia,
16 Elishama, Eliada, and Eliphelet. Elisama, Eliada at Elifelet.
17 When the Philistines heard David had been anointed king over Israel, they all marched up to look for him. But David heard of it and went down to the stronghold. Nang mabalitaan ng mga Filisteo na si David ang piniling hari ng Israel, tinipon nila ang lahat ng sundalo nila para hulihin siya. Pero nabalitaan ito ni David, kaya pumunta siya sa isang matatag na kuta.
18 Now the Philistines had come and spread out across the Valley of Rephaim. Dumating ang mga Filisteo at nagkampo sa Lambak ng Refaim.
19 David asked our Father, "Should I attack the Philistines? Will you hand them over to me?" And our Father answered David, "Go ahead—I will surely hand the Philistines over to you." Kaya nagtanong si David sa Panginoon, “Sasalakayin po ba namin ang mga Filisteo? Ipapatalo nʼyo po ba sila sa amin?” Sumagot ang Panginoon, “Oo, lumakad kayo, dahil siguradong ipapatalo ko sila sa inyo.”
20 So David went to Baal-perazim and defeated them there. He said, "Our Father has burst through my enemies before me like a bursting flood." So he named that place Baal-perazim. Kaya nagpunta sina David sa Baal-perazim, at doon natalo nila ang mga Filisteo. Sinabi ni David, “Nilipol ng Panginoon ang mga kalaban ko na parang dinaanan ng rumaragasang baha sa harapan ko.” Kaya tinawag na Baal-perazim ang lugar na iyon.
21 The Philistines abandoned their idols there, and David and his men carried them off. Iniwanan doon ng mga Filisteo ang mga diyos-diyosan nila, at dinala ito ni David at ng mga tauhan niya.
22 Once more the Philistines came up and spread out across the Valley of Rephaim. Bumalik ang mga Filisteo at muling nagkampo sa Lambak ng Refaim.
23 When David asked our Father, he answered, "Don't go straight up. Circle behind them and attack them opposite the balsam trees. Kaya muling nagtanong si David sa Panginoon, at sumagot siya, “Huwag nʼyo agad silang salakayin kundi palibutan muna, at saka nʼyo sila salakayin malapit sa puno ng balsam.
24 As soon as you hear marching in the tops of the balsam trees, move fast, for then your Father will have gone out ahead of you to strike down the Philistine camp." Kapag narinig nʼyo na parang may nagmamartsang mga sundalo sa itaas na bahagi ng puno ng balsam, dali-dali kayong sumalakay dahil iyon ang tanda na pinangungunahan ko kayo sa pagsalakay sa mga Filisteo.”
25 So David did exactly as our Father had commanded, striking down the Philistines from Geba to Gezer. Ginawa nga ni David ang iniutos ng Panginoon sa kanya, at pinagpapatay nila ang mga Filisteo mula sa Geba hanggang sa Gezer.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]