Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 4 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 He made a bronze altar thirty feet long, thirty feet wide, and fifteen feet high. Nagpagawa rin si Solomon ng tansong altar na tatlumpung talampakan ang haba, tatlumpung talampakan ang lapad at labinlimang talampakan ang taas.
2 He made the cast-metal Sea, round: fifteen feet across, seven and a half high, forty-five around. Nagpagawa rin siya ng malaking sisidlan na parang kawa na yari sa tanso, na tinatawag na Dagat. Ang lalim nito ay pitoʼt kalahating talampakan, ang luwang ay labinlimang talampakan, at ang sukat sa paligid ay apatnapuʼt limang talampakan.
3 Below the rim, figures of oxen encircled it, about seven to every foot around the Sea, cast in two rows as one piece with it. Napapalibutan ito ng dalawang hanay ng mga palamuting hugis toro sa ilalim ng bibig nito, sampung toro sa bawat labingwalong pulgada. Ang mga palamuti ay kasama na nang gawin ito.
4 The Sea stood on twelve oxen, three facing north, three west, three south, three east, resting on them, their hindquarters all inward. Nakapatong ang sisidlan sa likod ng labindalawang tansong toro na magkakatalikod. Ang tatlong toro ay nakaharap sa gawing hilaga, ang tatlo ay sa kanluran, ang tatlo ay sa timog, at ang tatlo ay sa gawing silangan.
5 About three inches thick, its rim like a cup's, like a lily's flower, holding about 17,000 gallons. Ang kapal ng sisidlan ay mga tatlong pulgada, at ang ilalim nito ay parang bibig ng tasang nakakurba palabas katulad ng namumukadkad na bulaklak ng liryo. At maaari itong malagyan ng 17,500 galong tubig.
6 He made ten washing basins, five south, five north, to rinse what was used for the burnt offerings; the Sea was for the priests to wash in. Nagpagawa rin siya ng sampung palanggana para paghugasan ng mga kagamitan sa mga handog na sinusunog, lima dito ay inilagay sa gawing timog at ang lima ay sa gawing hilaga. Ngunit ang malaking sisidlang tinatawag na Dagat ay ginagamit ng mga pari na panghugas.
7 He made ten gold lampstands as specified, five for the temple's south side, five for the north. Nagpagawa rin siya ng sampung lalagyan ng ilaw na ginto ayon sa plano, at ipinalagay sa Templo, lima sa gawing hilaga at lima sa gawing timog.
8 He made ten tables, placed them in the temple—five south, five north—and one hundred gold basins. Nagpagawa siya ng sampung mesa at ipinalagay sa Templo, lima sa gawing timog at lima sa gawing hilaga. Nagpagawa rin siya ng isang daang gintong mangkok na ginagamit sa pangwisik.
9 He made the priests' court, the great court, its doors, and plated their doors with bronze. Nagpagawa rin siya ng bakuran ng mga pari at maluwang na bakuran sa labas. Pinagawan niya ng mga pintuan ang mga daanan papasok sa bakuran ng Templo at pinabalutan niya ng tanso.
10 He placed the Sea on the south side, at the southeast corner. Inilagay niya ang malaking sisidlan sa gawing timog-silangan ng Templo.
11 Huram made the pots, shovels, and basins. So Huram finished the work he did for King Solomon in the house of our Father: Nagpagawa rin siya ng mga palayok, mga pala, at mga mangkok na ginagamit na pangwisik. Natapos ni Huram ang lahat ng ipinagawa sa kanya ni Haring Solomon para sa Templo ng Diyos. Ito ang kanyang mga ginawa:
12 the two pillars; the two bowl-shaped capitals atop the pillars; the two networks covering those capitals; ang dalawang haligi; ang dalawang parang mangkok na ulo ng mga haligi; ang dalawang magkadugtong na mga kadenang palamuti sa ulo ng mga haligi;
13 400 pomegranates for the two networks, two rows each, covering the two capital bowls on the pillars; ang apatnaraang palamuting korteng pomegranata (nakakabit ang dalawang hilera nito sa bawat magkadugtong na mga kadenang nakapaikot sa ulo ng mga haligi);
14 the stands and the basins on the stands; ang mga kariton at mga planggana;
15 the one Sea and the twelve oxen beneath it. ang malaking sisidlan na tinatawag na Dagat at ang labindalawang toro sa ilalim nito;
16 Pots, shovels, meat forks, and all their utensils—Huram-abi made these for King Solomon, for our Father's house, of polished bronze. ang mga palayok, mga pala, malalaking tinidor para sa karne, at ang iba pang kagamitan. Ang lahat ng ito na ipinagawa ni Haring Solomon kay Huram na para sa Templo ng Panginoon ay gawa lahat sa pinakinang na tanso.
17 The king had them cast in clay molds in the Jordan plain between Succoth and Zeredah. Ipinagawa ang mga ito ni Haring Solomon sa pamamagitan ng hulmahan na nasa Kapatagan ng Jordan, sa pagitan ng Sucot at Zereda.
18 Solomon made all these items in such quantity that the bronze weight could not be determined. Napakaraming tanso ang ginamit ni Solomon kaya hindi na kayang alamin ang eksaktong timbang nito.
19 Solomon made all the furnishings for our Father's house: the golden altar and tables with the bread of the Presence. Nagpagawa rin si Solomon ng mga kagamitang ito para sa Templo ng Diyos: ang gintong altar, ang mga gintong mesa na pinaglalagyan ng tinapay na inihahandog sa presensya ng Diyos,
20 The pure gold lampstands with their lamps, to burn before the inner sanctuary as prescribed; ang mga patungan ng ilaw na purong ginto at ang mga ilawan nito na sinisindihan sa harapan ng Pinakabanal na Lugar ayon sa tuntunin tungkol dito,
21 the gold flowers, lamps, and tongs (these were of the purest gold). ang palamuting bulaklak, ang mga ilawan at ang mga pang-ipit, na puro ginto lahat;
22 Pure gold: the wick trimmers, sprinkling bowls, dishes, censers, and the temple's doorways—inner doors to the Most Holy Place, and the main hall's doors. ang mga panggupit ng mitsa ng ilaw, mga mangkok na ginagamit sa pangwisik, mga sandok at mga sisidlan ng insenso na puro ginto rin lahat; ang mga pintuan ng Templo at ang mga pintuan papasok sa Pinakabanal na Lugar, na nababalutan ng ginto.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]