Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

1 Chronicles 9 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 All Israel was registered by genealogy, recorded in the Book of the Kings of Israel. And Judah was exiled to Babylon for their unfaithfulness. Nailista ang lahat ng Israelita sa talaan ng mga lahi sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel. Ang mga mamamayan ng Juda ay binihag sa Babilonia dahil hindi sila naging tapat sa Panginoon.
2 The first to resettle their own property in their cities were Israel, the priests, the Levites, and the temple servants. Ang unang nakabalik sa kanilang mga bayan sa sariling lupain ay ang mga karaniwang Israelita, mga pari, mga Levita, at mga tagapaglingkod sa Templo.
3 And in Jerusalem lived some of the people of Judah, of Benjamin, and of Ephraim and Manasseh: Ito ang mga lahi nina Juda, Benjamin, Efraim at Manases na nakabalik at tumira sa Jerusalem:
4 Uthai son of Ammihud son of Omri son of Imri son of Bani, of the sons of Perez son of Judah. Si Utai na anak ni Amihud (si Amihud ay anak ni Omri; si Omri ay anak ni Imri; si Imri ay anak ni Bani na mula sa angkan ni Peres na anak ni Juda).
5 And of the Shilonites: Asaiah the firstborn, and his sons. Sa mga Silonita: si Asaias (ang panganay) at ang kanyang mga anak na lalaki.
6 From Zerah's sons: Jeuel and their relatives, 690. Sa mga Zerahita: ang pamilya ni Jeuel. Silang lahat ay 690 mula sa lahi ni Juda.
7 And of Benjamin's sons: Sallu son of Meshullam, son of Hodaviah, son of Hassenuah, Sa lahi ni Benjamin: si Salu na anak ni Mesulam (si Mesulam ay anak ni Hodavias; si Hodavias ay anak ni Asenua),
8 Ibneiah son of Jeroham; Elah son of Uzzi son of Michri; Meshullam son of Shephatiah son of Reuel son of Ibnijah, si Ibnias na anak ni Jeroham, si Ela na anak ni Uzi (si Uzi ay anak ni Micri), at si Mesulam na anak ni Sefatias (si Sefatias ay anak ni Reuel; si Reuel ay anak ni Ibnias).
9 and their relatives, listed by family line, 956. All these were heads of their ancestral families. Silang lahat ang pinuno ng kanilang mga pamilya. Mula sa lahi ni Benjamin, ang lahat ng nakabalik na lalaki ay 956 ayon sa talaan ng kanilang mga lahi.
10 And of the priests: Jedaiah, Jehoiarib, Jachin, Sa mga pari: sina Jedaias, Joiarib at Jaquin.
11 and Azariah son of Hilkiah, son of Meshullam, son of Zadok, son of Meraioth, son of Ahitub, chief officer of our Father's house. Si Azarias na pinakamataas na opisyal sa bahay ng Diyos na anak ni Hilkias; si Hilkias ay anak ni Mesulam; si Mesulam ay anak ni Sadoc; si Sadoc ay anak ni Meraiot; si Meraiot ay anak ni Ahitob,
12 Adaiah son of Jeroham, of Pashhur, of Malchijah; and Maasai son of Adiel, of Jahzerah, of Meshullam, of Meshillemith, of Immer; si Adaya na anak ni Jeroham (si Jeroham ay anak ni Pashur; si Pashur ay anak ni Malquias), at si Masai na anak ni Adiel (si Adiel ay anak ni Jazera; si Jezera ay anak ni Mesulam; si Mesulam ay anak ni Mesilemit; si Mesilemit ay anak ni Imer).
13 and their relatives—heads of their families—1,760, capable men for serving in the house of our Father. Ang mga paring nakabalik ay 1,760 lahat. Mahuhusay silang pinuno ng kanilang mga pamilya. Sila ang mga pinagkatiwalaan sa paglilingkod sa bahay ng Diyos.
14 Of the Levites: Shemaiah son of Hasshub, son of Azrikam, son of Hashabiah, of the sons of Merari, Sa mga Levita: si Semaias na anak ni Hasub (si Hasub ay anak ni Azrikam; si Azrikam ay anak ni Hashabias na mula sa angkan ni Merari),
15 and Bakbakkar, Heresh, Galal, and Mattaniah son of Mica, son of Zichri, son of Asaph; si Bacbacar, si Heres, si Galal, si Matanias na anak ni Mica (si Mica ay anak ni Zicri; si Zicri ay anak ni Asaf).
16 and Obadiah son of Shemaiah, son of Galal, son of Jeduthun, and Berechiah son of Asa, son of Elkanah, who lived in the villages of the Netophathites. Si Obadias na anak ni Semaias (si Semaias ay anak ni Galal; si Galal ay anak ni Jedutun), at si Berequias na anak ni Asa at apo ni Elcana, na tumira sa baryo ng mga Netofatita.
17 The gatekeepers: Shallum, Akkub, Talmon, Ahiman, and their relatives; Shallum was chief. Ang mga tagapagbantay ng pintuan ay sina Salum, Akub, Talmon, Ahiman, at ang kanilang mga kamag-anak. Si Salum ang kanilang pinuno.
18 To this day they stand at the King's Gate, on the east side. These were the gatekeepers of the Levite camps. Hanggang ngayon, sila pa rin ang tagapagbantay ng Pintuan ng Hari sa bandang silangan. Sila noon ang mga tagapagbantay ng pintuang papasok sa kampo ng mga Levita.
19 Shallum son of Kore, of Ebiasaph, of Korah, and his relatives of his father's house, the Korahites, oversaw the work of service, guarding the tent's thresholds; their fathers oversaw the camp of our Father, guarding the entrance. Si Salum ay anak ni Kore at apo ni Ebiasaf, na mula sa pamilya ni Kora. Si Salum at ang kanyang mga kamag-anak na mula sa angkan ni Kora ang pinagkatiwalaan sa pagbabantay ng Tabernakulo katulad ng kanilang mga ninuno na pinagkatiwalaan sa pagbabantay ng pintuan ng bahay ng Panginoon.
20 Phinehas son of Eleazar was leader over them formerly; our Father was with him. Si Finehas na anak ni Eleazar ang namamahala noon sa mga tagapagbantay ng pintuan, at sinamahan siya ng Panginoon.
21 Zechariah the son of Meshelemiah was gatekeeper at the entrance of the tent of meeting. Si Zacarias na anak ni Meselemias ay naging tagapagbantay rin ng Toldang Tipanan.
22 All of them, chosen as gatekeepers of the gates, numbered 212, registered by genealogy in their villages. David and Samuel the seer had appointed them to this trusted office. Ang mga tagapagbantay ng pintuan ay 212 lahat, at itinala sila ayon sa talaan ng mga angkan nila sa kanilang bayan. Ang nagbigay ng tungkulin sa kanilang mga ninuno bilang mga tagapagbantay ng pintuan dahil maaasahan sila ay sina David at Propeta Samuel.
23 They and their sons guarded the gates of the house of our Father, the house of the tent, as guards. Sila at ang kanilang mga angkan ang pinagkakatiwalaang magbantay sa mga pintuan ng bahay ng Panginoon – na tinatawag ding Tolda.
24 The gatekeepers were posted on the four sides: east, west, north, and south. Nagbabantay sila sa apat na sulok: sa silangan, kanluran, hilaga at timog.
25 Their relatives in their villages were to come every seven days, from time to time, to be with them. Kung minsan ang mga kamag-anak nilang nakatira sa mga bayan ang pumapalit sa kanila na magbantay sa loob ng pitong araw.
26 The four chief gatekeepers, Levites, were entrusted with the chambers and treasuries of the house of our Father. Ngunit ang apat na pinuno ng mga tagapagbantay ng mga pintuan na mula sa mga Levita, ang siyang pinagkatiwalaan ng mga kuwarto at mga bodega ng bahay ng Diyos.
27 They stayed the night around our Father's house, since the guard duty was theirs, and the opening, morning by morning. Nagpupuyat sila sa pagbabantay sa paligid ng bahay ng Diyos dahil kailangan nila itong bantayan at sila ang tagabukas ng pinto tuwing umaga.
28 Some were in charge of the service vessels, counting them in and out. Ang iba sa kanilaʼy pinagkatiwalaan sa pag-aasikaso ng mga gamit sa pagsamba. Binibilang nila ito bago at pagkatapos gamitin.
29 Others were in charge of the furnishings, sacred utensils, fine flour, wine, oil, incense, and spices. Ang ibaʼy pinagkatiwalaan sa pag-aasikaso ng iba pang mga gamit sa santuwaryo gaya ng harina, alak, langis, insenso at mga pampalasa.
30 And some of the priests' sons blended the spices. Ngunit katungkulan ng mga pari ang pagtitimpla ng mga pampalasa.
31 Mattithiah, one of the Levites, firstborn of Shallum the Korahite, was in charge of baking the flat cakes. Si Matitias na Levita, at panganay na anak ni Salum na mula sa angkan ni Kora, ang pinagkatiwalaan sa pagluluto ng tinapay na inihahandog.
32 Some Kohathite relatives were responsible for preparing the rows of bread every Sabbath. Ang ibang angkan ni Kohat ang pinagkatiwalaan sa paghahanda at paglalagay ng mga tinapay sa mesa tuwing Araw ng Pamamahinga.
33 These singers, heads of Levite families, stayed in the temple chambers, exempt from other duties—on duty day and night. Ang mga musikero sa Templo na mga pinuno rin ng mga pamilyang Levita ay doon na rin tumira sa mga silid sa Templo. At wala na silang iba pang gawain, dahil ginagawa nila ito araw at gabi.
34 These were heads of Levite families, leaders listed by family line; and they lived in Jerusalem. Silang lahat ang pinuno ng mga pamilyang Levita, nailista sila sa talaan ng kanilang lahi. Tumira sila sa Jerusalem.
35 In Gibeon lived Jeiel the father of Gibeon, and the name of his wife was Maacah, Si Jeiel na ama ni Gibeon ay tumira sa Gibeon. Ang pangalan ng kanyang asawa ay Maaca.
36 and his firstborn son was Abdon, then Zur, Kish, Baal, Ner, Nadab, Ang mga anak niyang lalaki mula sa panganay hanggang sa pinakabata ay sina Abdon, Sur, Kish, Baal, Ner, Nadab,
37 Gedor, Ahio, Zechariah, and Mikloth. Gedor, Ahio, Zacarias at Miclot
38 Mikloth fathered Shimeam; they too lived with their relatives in Jerusalem, opposite their relatives. na ama ni Simeam. Tumira sila malapit sa mga kamag-anak nila sa Jerusalem.
39 And Ner fathered Kish, Kish fathered Saul, and Saul fathered Jonathan, Malchi-shua, Abinadab, and Esh-baal. Si Ner ang ama ni Kish, at si Kish ang ama ni Saul, at si Saul naman ang ama nina Jonatan, Melquisua, Abinadab at Esbaal.
40 And the son of Jonathan was Merib-baal, and Merib-baal fathered Micah. Ang anak ni Jonatan ay si Merib-baal na ama ni Mica.
41 The sons of Micah: Pithon, Melech, Tahrea, and Ahaz. Ang mga lalaking anak ni Mica ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz.
42 And Ahaz fathered Jarah, and Jarah fathered Alemeth, Azmaveth, and Zimri; and Zimri fathered Moza. Si Ahaz ang ama ni Jara, at si Jara ang ama nina Alemet, Azmavet at Zimri, at si Zimri ang ama ni Moza.
43 And Moza fathered Binea, and Rephaiah was his son, Eleasah his son, and Azel his son. Si Moza ang ama ni Binea, ang anak ni Binea ay si Refaya, at ang anak ni Refaya ay si Elasa, at ang anak ni Elasa ay si Azel.
44 Azel had six sons, named Azrikam, Bocheru, Ishmael, Sheariah, Obadiah, and Hanan—these were Azel's sons. Si Azel ay may anim na anak na lalaki na sina Azrikam, Bocru, Ismael, Searias, Obadias at Hanan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]