Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

1 Chronicles 7 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The sons of Issachar were Tola, Puah, Jashub, and Shimron—four in all. Ang apat na lalaking anak ni Isacar ay sina Tola, Pua, Jasub at Simron.
2 Tola's sons: Uzzi, Rephaiah, Jeriel, Jahmai, Ibsam, and Shemuel—heads of their clans, mighty warriors in the line of Tola through their generations. In David's days their count was 22,600. Ang mga lalaking anak ni Tola ay sina Uzi, Refaya, Jeriel, Jahmai, Ibsam at Samuel. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Nang si David ang hari, 22,600 ang bilang ng mga lalaking handang makipagdigma mula sa mga angkan ni Tola.
3 Uzzi's son: Izrahiah. Izrahiah's sons: Michael, Obadiah, Joel, Isshiah—five chiefs in all. Ang lalaking anak ni Uzi ay si Izrahias. Ang apat na lalaking anak ni Izrahias ay sina Micael, Obadias, Joel at Isaias na mga pinuno ng kanilang mga pamilya.
4 With them, by generations and family lines, were 36,000 troops for war, since they had many wives and children. Marami silang asawaʼt anak, kaya ayon sa talaan ng kanilang mga angkan, mayroon silang hukbong pandigma na binubuo ng 36,000 na lalaki.
5 Their relatives, all Issachar's clans, were 87,000 mighty warriors, listed by genealogy. Ang bilang ng mga lalaking handang makipagdigma mula sa lahat ng pamilya ni Isacar ay walumpuʼt pitong libo ayon sa talaan ng kanilang lahi.
6 Three sons of Benjamin: Bela, Becher, and Jediael. May tatlong anak na lalaki si Benjamin na sina Bela, Bequer at Jediael.
7 Bela's sons: Ezbon, Uzzi, Uzziel, Jerimoth, and Iri—five family heads, mighty warriors. Their genealogy counted 22,034. Si Bela ay may limang anak na lalaki na sina Ezbon, Uzi, Uziel, Jerimot at Iri. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Ang bilang ng kalalakihan nilang handang makipagdigma ay 22,034, ayon sa talaan ng kanilang mga lahi.
8 Becher's sons: Zemirah, Joash, Eliezer, Elioenai, Omri, Jeremoth, Abijah, Anathoth, and Alemeth—all sons of Becher. Ang mga lalaking anak ni Bequer ay sina Zemira, Joas, Eliezer, Elioenai, Omri, Jeremot, Abias, Anatot at Alemet. Silang lahat ang anak ni Bequer.
9 Their genealogical record, by their generations, listed the heads of their ancestral families and 20,200 mighty warriors. Ang bilang ng kalalakihan nilang handang makipagdigma ay 20,200. Ito ang mga pinuno ng mga pamilya nila na nakatala sa talaan ng kanilang mga lahi.
10 Jediael's son was Bilhan; Bilhan's sons were Jeush, Benjamin, Ehud, Chenaanah, Zethan, Tarshish, and Ahishahar. Ang lalaking anak ni Jediael ay si Bilhan. Ang mga lalaking anak ni Bilhan ay sina Jehus, Benjamin, Ehud, Quenaana, Zetan, Tarsis at Ahisahar.
11 These were Jediael's sons, family heads, mighty warriors—17,200 fit for military service. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. May 17,200 silang kalalakihang handang makipagdigma.
12 Shuppim and Huppim were the descendants of Ir, and the Hushites the descendants of Aher. Ang mga lalaking anak ni Ir ay sina Supim at si Hupim, at ang anak ni Aher ay si Husim.
13 The sons of Naphtali were Jahziel, Guni, Jezer, and Shallum—the descendants of Bilhah. Ang mga lalaking anak ni Neftali kay Bilha ay sina Jahzeel, Guni, Jezer at Salum.
14 Manasseh's sons: Asriel, whom his Aramean concubine bore; she also bore Machir, father of Gilead. May anak si Manases sa asawang alipin niyang Arameo. Sila ay sina Asriel at Maquir. Si Maquir ang ama ni Gilead,
15 Machir took a wife from among the Huppites and Shuppim; his sister's name was Maacah. The second was named Zelophehad; he had only daughters. at siya ang naghanap ng asawa para kina Hupim at Supim. May kapatid na babae si Maquir na ang pangalan ay Maaca. Ang isa pang anak ni Maquir ay si Zelofehad na ang mga anak ay puro babae.
16 Machir's wife Maacah bore a son and named him Peresh; his brother was Sheresh; his sons were Ulam and Rakem. May mga anak ding lalaki si Maquir kay Maaca na ang mga pangalan ay Peres at Seres. Ang mga lalaking anak ni Peres ay sina Ulam at Requem.
17 The son of Ulam: Bedan. These were the sons of Gilead son of Machir, son of Manasseh. Ang lalaking anak ni Ulam ay si Bedan. Sila ang mga angkan ni Gilead na anak ni Maquir, at apo ni Manases.
18 His sister Hammolecheth gave birth to Ishhod, Abiezer, and Mahlah. Ang kapatid na babae ni Gilead na si Hamolequet ay may mga anak na lalaki na sina Ishod, Abiezer at Mahla.
19 The sons of Shemida were Ahian, Shechem, Likhi, and Aniam. Ang mga lalaking anak ni Semida ay sina Ahian, Shekem, Likhi at Aniam.
20 Ephraim's sons: Shuthelah, his son Bered, his son Tahath, his son Eleadah, his son Tahath. Ito ang lahi ni Efraim: si Sutela na ama ni Bered, si Bered na ama ni Tahat, si Tahat na ama ni Elada, si Elada na ama ni Tahat,
21 His son Zabad, his son Shuthelah. The men of Gath, born in that land, killed Ezer and Elead when they went down to take the Gathites' livestock. si Tahat na ama ni Zabad, si Zabad na ama ni Sutela. Ang mga anak ni Efraim na sina Ezer at Elad ay pinatay ng mga lalaking katutubo ng Gat nang nagnakaw sila ng mga hayop.
22 Their father Ephraim mourned for many days, and his relatives came to comfort him. Matagal ang paghihinagpis ni Efraim sa kanilang pagkamatay, at pumunta ang kanyang mga kamag-anak upang aliwin siya.
23 He slept with his wife; she conceived and bore a son he named Beriah, because tragedy had struck his household. Hindi nagtagal, sumiping si Efraim sa kanyang asawa; nabuntis ito at nanganak ng lalaki. Pinangalanan ni Efraim ang bata na Beria, dahil sa kasawiang dumating sa kanilang pamilya.
24 His daughter was Sheerah, who built Lower and Upper Beth-horon as well as Uzzen-sheerah. May anak na babae si Efraim na si Seera. Siya ang nagtatag ng itaas at ibabang bahagi ng Bet-horon at ng Uzenseera.
25 Rephah was his son, Resheph his son, Telah his son, Tahan his son, At ang lalaking anak ni Efraim ay si Refa. Si Refa ay ama ni Resef, si Resef ay ama ni Tela, si Tela ay ama ni Tahan,
26 Ladan his son, Ammihud his son, Elishama his son, si Tahan ay ama ni Ladan, si Ladan ay ama ni Amihud, si Amihud ay ama ni Elisama,
27 Nun his son, and Joshua his son. si Elisama ay ama ni Nun, si Nun ay ama ni Josue.
28 Their possessions and settlements: Bethel with its villages, Naaran eastward, Gezer westward with its villages, Shechem with its villages, and on to Ayyah with its villages. Ang lupaing natanggap at tinirhan ng lahi ni Efraim ay ang Betel at ang mga baryo sa paligid nito, ang Naaran sa bandang silangan, ang Gezer sa kanluran at ang mga baryo sa paligid nito, ang Shekem at ang mga baryo sa paligid nito papunta sa Gaza at sa mga baryo nito.
29 Along the borders of Manasseh's sons: Beth-shean, Taanach, Megiddo, and Dor, with their villages. Joseph son of Israel's descendants lived there. Ang lahi ni Manases ang nagmamay-ari sa mga lungsod ng Bet-sean, Taanac, Megido at Dor, pati sa mga baryo sa paligid nito. Sa mga bayang ito nakatira ang lahi ni Jose na anak ni Israel.
30 The sons of Asher were Imnah, Ishvah, Ishvi, and Beriah; their sister was Serah. Ang mga lalaking anak ni Asher ay sina Imna, Isva, Isvi, Berias. Ang kapatid nilang babae ay si Sera.
31 The sons of Beriah were Heber and Malchiel, who was the father of Birzaith. Ang mga lalaking anak ni Berias ay sina Heber at Malquiel. Si Malquiel ang ama ni Birzavit.
32 Heber was the father of Japhlet, Shomer, and Hotham, and of their sister Shua. Si Heber ang ama nina Jaflet, Somer, at Hotam. Ang kapatid nilang babae ay si Sua.
33 The sons of Japhlet were Pasach, Bimhal, and Ashvath. These were the sons of Japhlet. Ang mga lalaking anak ni Jaflet ay sina Pasac, Bimhal at Asvat.
34 The sons of Shemer were Ahi, Rohgah, Hubbah, and Aram. Ang mga lalaking anak ni Somer ay sina Ahi, Rohga, Jehuba at Aram.
35 The sons of his brother Helem were Zophah, Imna, Shelesh, and Amal. Ang mga anak na lalaki ng kapatid ni Somer na si Helem ay sina Zofa, Imna, Seles at Amal.
36 The sons of Zophah were Suah, Harnepher, Shual, Beri, Imrah, Ang mga lalaking anak ni Zofa ay sina Suah, Harnefer, Sual, Beri, Imra,
37 Bezer, Hod, Shamma, Shilshah, Ithran, and Beera. Bezer, Hod, Samna, Silsa, Itran, at Beera.
38 The sons of Jether were Jephunneh, Pispa, and Ara. Ang mga lalaking anak ni Jeter ay sina Jefune, Pispa at Ara.
39 The sons of Ulla were Arah, Hanniel, and Rizia. Ang mga lalaking anak ni Ula ay sina Ara, Haniel at Rizia.
40 All these were Asher's descendants: heads of families, choice men, mighty warriors, heads of chiefs. Their war-service genealogy: 26,000 men. Silang lahat ang lahi ni Asher na pinuno ng kanilang mga pamilya. Matatapang silang mandirigma at tanyag na mga pinuno. Ang bilang ng mga lalaki sa lahi ni Asher na handang makipagdigma ay dalawampuʼt anim na libo ayon sa talaan ng kanilang mga lahi.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]