Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

1 Chronicles 4 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The descendants of Judah: Perez, Hezron, Carmi, Hur, and Shobal. Ang iba pang mga lahi ni Juda ay sina Peres, Hezron, Carmi, Hur at Sobal.
2 Reaiah son of Shobal fathered Jahath; Jahath fathered Ahumai and Lahad—the clans of the Zorathites. Ang anak ni Sobal na si Reaias ay ang ama ni Jahat. Si Jahat ang ama nina Ahumai at Lahad. Sila ang pamilya ng mga Zorita.
3 These were the sons of Etam: Jezreel, Ishma, and Idbash; and their sister's name was Hazzelelponi. Ang mga lalaking anak ni Etam ay sina Jezreel, Isma at Idbas. Si Hazzelelponi ang kapatid nilang babae.
4 Penuel fathered Gedor, and Ezer fathered Hushah. These were sons of Hur, firstborn of Ephrathah, father of Bethlehem. Si Penuel ang ama ni Gedor, at si Ezer ang ama ni Husa. Sila ang mga angkan ni Hur na panganay na anak ni Efrata. Si Hur ang ninuno ng mga taga-Bethlehem.
5 Ashhur the father of Tekoa had two wives, Helah and Naarah. Si Asur na ama ni Tekoa ay may dalawang asawa, sina Hela at Naara.
6 Naarah gave birth to Ahuzzam, Hepher, Temeni, and Haahashtari. These were Naarah's sons. Ang mga anak niyang lalaki kay Naara ay sina Ahuzam, Hefer, Temeni at Haahastari.
7 The sons of Helah: Zereth, Zohar, and Ethnan. Ang mga anak naman niya kay Hela ay sina Zeret, Izar, Etnan,
8 Koz fathered Anub and Zobebah, and the clans of Aharhel son of Harum. at Cos. Si Cos ang ama nina Anub at Zobeba, at ang pinagmulan ng pamilya ni Aharhel na anak ni Harum.
9 Jabez was more honored than his brothers; his mother named him Jabez, saying, "Because I bore him in pain." May isang tao na ang pangalan ay Jabes. Kagalang-galang siya kaysa sa mga kapatid niyang lalaki. Pinangalanan siya ng kanyang ina na Jabes dahil sinabi ng kanyang ina, “Labis akong nahirapan sa panganganak ko sa kanya.”
10 Jabez called out to our Father of Israel: "Oh, that you would truly bless me and enlarge my territory! Let your hand be with me, and keep me from harm so that I suffer no pain." And our Father granted his request. Nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel, “Pagpalain nʼyo po sana ako at palawakin ang aking nasasakupan. Samahan nʼyo po ako at ilayo sa kapahamakan upang hindi ako masaktan.” At dininig ng Diyos ang kanyang kahilingan.
11 Chelub the brother of Shuhah fathered Mehir, who was the father of Eshton. Si Caleb na kapatid ni Suha ang ama ni Mehir. Si Mehir ang ama ni Eston, at
12 Eshton fathered Beth-rapha, Paseah, and Tehinnah the father of Ir-nahash. These were the men of Recah. si Eston ang ama nina Bet-rafa, Pasea at Tehina. Si Tehina ang ama ni Ir-nahash. Sila ang angkan ni Reca.
13 The sons of Kenaz: Othniel and Seraiah; and the sons of Othniel: Hathath and Meonothai. Ang mga lalaking anak ni Kenaz ay sina Otniel at Seraias. Ang mga anak ni Otniel ay sina Hatat at Meonotai.
14 Meonothai fathered Ophrah. Seraiah fathered Joab, father of Ge-harashim, the Craftsmen's Valley—its people were craftsmen. Si Meonotai ang ama ni Ofra. Si Seraias naman ang ama ni Joab, na nagtatag ng Lambak ng mga Panday. Tinawag itong Lambak ng mga Panday dahil doon nakatira ang maraming panday.
15 Sons of Caleb son of Jephunneh: Iru, Elah, and Naam; and the son of Elah: Kenaz. Ang mga lalaking anak ni Caleb na anak ni Jefune ay sina Iru, Ela at Naam. Ang lalaking anak ni Ela ay si Kenaz.
16 The sons of Jehallelel: Ziph, Ziphah, Tiria, and Asarel. Ang mga lalaking anak ni Jehalelel ay sina Zif, Sifa, Tirias at Asarel.
17-18 Ezrah's sons: Jether, Mered, Epher, and Jalon. Mered's wife bore Miriam, Shammai, and Ishbah, father of Eshtemoa. Ang mga anak na lalaki ni Ezra ay sina Jeter, Mered, Efer at Jalon. Asawa ni Mered si Bitia na anak ng Faraon. Ang mga anak nila ay sina Miriam, Samai at Isba. Si Isba ang ama ni Estemoa. May asawa rin si Mered na taga-Juda, at ang mga anak nila ay sina Jered na ama ni Gedor, Heber na ama ni Soco, at Jecutiel na ama ni Zanoa.
18 His Judean wife bore Jered father of Gedor, Heber father of Soco, and Jekuthiel father of Zanoah—sons of Bithiah, Pharaoh's daughter, whom Mered married. Not in this edition
19 The sons of Hodiah's wife, the sister of Naham, fathered Keilah the Garmite and Eshtemoa the Maacathite. Napangasawa ni Hodias ang kapatid ni Naham. Ang isa sa mga anak niya ay ama ni Keila na Garmita, at ang isa naman ay ama ni Estemoa na Maacateo.
20 The sons of Shimon: Amnon, Rinnah, Ben-hanan, and Tilon. The sons of Ishi: Zoheth and Ben-zoheth. Ang mga lalaking anak ni Simon ay sina Amnon, Rina, Benhanan at Tilon. Ang mga angkan ni Isi ay sina Zohet at Ben-zohet.
21 Sons of Shelah son of Judah: Er father of Lecah, Laadah father of Mareshah, and the linen-worker clans of Beth-ashbea. Ang mga anak ni Shela na isa sa mga anak ni Juda ay sina Er (na ama ni Leca) at Laada (na ama ni Maresa), at ang mga angkan ng mga tagagawa ng pinong lino sa Bet-asbea.
22 Jokim, the men of Cozeba, Joash, and Saraph, who ruled in Moab, then returned to Bethlehem—these records are ancient. Ang iba pang mga anak niya ay sina si Joquim at ang mga mamamayan ng Cozeba, si Joas, at si Saraf na namuno sa Moab at sa Jasubi-lehem. (Ang talaang ito ay mula sa matagal nang dokumento.)
23 These were the potters living at Netaim and Gederah, staying there to work for the king. Sila ang mga magpapalayok na nakatira sa Netaim at Gedera. Nagtatrabaho sila para sa hari.
24 The sons of Simeon: Nemuel, Jamin, Jarib, Zerah, and Shaul; Ang mga lalaking anak ni Simeon ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera at Saul.
25 Shallum his son, Mibsam his son, Mishma his son. Si Saul ang ama ni Salum, si Salum ang ama ni Mibsam, at si Mibsam ang ama ni Misma.
26 The sons of Mishma: Hammuel his son, Zaccur his son, Shimei his son. Si Misma ang ama ni Hamuel, si Hamuel ang ama ni Zacur, at si Zacur ang ama ni Simei.
27 Shimei had sixteen sons and six daughters, but his brothers had few children, and their clan never grew as numerous as Judah's. May labing-anim na anak na lalaki si Simei at anim na anak na babae. Ngunit kakaunti lang ang anak ng mga kapatid niya, kaya ang buong angkan nila ay hindi kasindami ng mga mamamayan ng Juda.
28 They lived in Beersheba, Moladah, Hazar-shual, Tumira sila sa Beer-seba, Molada, Hazar-sual,
29 Bilhah, Ezem, Tolad, Bilha, Ezem, Tolad,
30 Bethuel, Hormah, Ziklag, Betuel, Horma, Ziklag,
31 Beth-marcaboth, Hazar-susim, Beth-biri, and Shaaraim. These were their towns until David became king. Bet-marcabot, Hazar-susim, Bet-biri at Saaraim. Ito ang mga bayan nila hanggang sa paghahari ni David.
32 Their surrounding villages were Etam, Ain, Rimmon, Tochen, and Ashan—five towns, Tumira rin sila sa limang bayan sa paligid nila: sa Etam, Ayin, Rimon, Toquen at Asan,
33 and all their villages around these towns, as far as Baal. These were their settlements, and they kept their own genealogical records. pati na rin sa mga baryo sa paligid ng mga bayang ito hanggang sa Baalat. Ito ang mga lugar na tinirhan nila, at naitago nila ang mga talaan ng kanilang angkan.
34 Meshobab, Jamlech, Joshah the son of Amaziah, Ang iba pang lahi ni Simeon ay sina Mesobab, Jamlec, Josa na anak ni Amazia
35 Joel, Jehu the son of Joshibiah, the son of Seraiah, the son of Asiel, Joel, Jehu na anak ni Josibias at apo ni Seraias, na apo sa tuhod ni Asiel,
36 Elioenai, Jaakobah, Jeshohaiah, Asaiah, Adiel, Jesimiel, Benaiah, Elioenai, Jaacoba, Jesohaias, Asaias, Adiel, Jesimiel, Benaias
37 and Ziza the son of Shiphi, the son of Allon, the son of Jedaiah, the son of Shimri, the son of Shemaiah. at Ziza na anak ni Sifi at apo ni Alon, at apo sa tuhod ni Jedaias. Si Jedaias ay anak ni Simri at apo ni Semaias.
38 These men listed by name were leaders in their clans, and their families grew greatly in number. Sila ang ilan sa mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Lalong dumami ang kanilang pamilya
39 They went to Gedor's entrance, east of the valley, seeking pasture for their flocks. kaya napunta sila sa hangganan ng Gedor, sa gawing silangan ng lambak. Naghanap sila roon ng mapagpapastulan ng kanilang mga tupa,
40 They found rich, good pasture; the land was wide, quiet, and peaceful, for its earlier residents were from Ham. at nakakita sila ng mayabong at magandang pastulan. Malawak ang lugar na ito at mapayapa. Doon dati nakatira ang ibang lahi ni Ham.
41 These men, recorded by name, came in the days of Hezekiah king of Judah, attacked the Hamites' tents and the Meunites found there, destroyed them completely to this day, and settled in their place, since there was pasture there for their flocks. Ngunit noong panahong si Haring Ezequias ang hari ng Juda, nilusob ang mga Hamita ng lahi ni Simeon na ang mga pangalan ay nabanggit na. Nilusob din nila ang mga Meunim na doon din nakatira, at nilipol nila sila nang lubusan. Pagkatapos, sila ang tumira roon hanggang ngayon, dahil mayroong pastulan doon para sa kanilang mga tupa.
42 Some Simeonites—500, led by Ishi's sons Pelatiah, Neariah, Rephaiah, and Uzziel—went to Mount Seir. Lumusob ang limandaan sa kanila sa kaburulan ng Seir. Pinangunahan sila nina Pelatias, Nearias, Refaias at Uziel na mga anak ni Isi.
43 They struck down the surviving remnant of the Amalekites and have lived there to this day. Pinatay nila roon ang natitirang mga Amalekita, at doon sila nakatira hanggang ngayon.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]