Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Ruth 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 When the judges ruled, a famine struck the land, and a man from Bethlehem in Judah went with his wife and two sons to stay a while in the fields of Moab. Noong panahong ang mga hukom pa ang namumuno sa Israel, nagkaroon ng taggutom sa lupain. May isang lalaking taga-Bethlehem ng Juda na pumunta sa Moab kasama ang asawa niya at dalawang anak na lalaki para doon muna manirahan.
2 The man was named Elimelech, his wife Naomi, and his two sons Mahlon and Chilion—Ephrathites from Bethlehem in Judah. They went to the territory of Moab and stayed there. Ang pangalan ng lalaki ay Elimelec, at ang pangalan naman ng asawa niya ay Naomi; at ang dalawang anak nila ay sina Mahlon at Kilion. Sila ay mula sa angkan ni Efrata sa Bethlehem na sakop ng Juda. Habang naroon sila sa Moab,
3 Then Elimelech, Naomi's husband, died, and she was left with her two sons. namatay si Elimelec, kaya si Naomi at ang dalawa niyang anak na lalaki ang naiwan.
4 They married Moabite women—Orpah and Ruth—and lived there about ten years. Nag-asawa ang kanyang mga anak ng mga Moabita. Ang pangalan ng isa ay Orpa at Ruth naman ang isa. Pagkalipas ng mga sampung taon,
5 Both Mahlon and Chilion also died, and Naomi was left without her two children and husband. namatay sina Mahlon at Kilion, kaya si Naomi na lang ang naiwan.
6 In Moab's fields, Naomi heard that our Father had attended his people, giving them food, so she set out with her two daughters-in-law to return from there. Nabalitaan ni Naomi sa Moab na kinalinga ng Panginoon ang bayan niya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mabuting ani, kaya naghanda siya at ang mga manugang niya para bumalik sa Juda.
7 She left the place where she had been, with her two daughters-in-law, and they went on the road back to the land of Judah. At habang naglalakbay na sila pabalik sa Juda,
8 Naomi told her two daughters-in-law, "Return, each to your mother's home. May our Father deal kindly with you, as you dealt with the dead and with me. sinabi ni Naomi sa dalawang manugang niya, “Bumalik na lang kayo sa inyong mga ina. Pagpalain nawa kayo ng Panginoon dahil sa mabuti ninyong pakikitungo sa mga yumao ninyong asawa at sa akin.
9 May our Father give each of you rest in another husband's home." Then she kissed them, and they wept aloud. At loobin sana ng Panginoon na makapag-asawa kayong muli para magkaroon kayo ng maayos na kalagayan sa panibagong tahanan.” Pagkatapos, hinalikan sila ni Naomi. Humagulgol sila
10 And they said to her, "No—we will return with you to your people." at sinabi sa kanya, “Sasáma kami sa inyo sa pagbalik nʼyo sa mga kababayan ninyo.”
11-12 Naomi said, "Go back, my daughters. Why go with me? Do I have more sons in my womb to become your husbands? Pero sinabi ni Naomi, “Umuwi na kayo, mga anak. Bakit pa kayo sasáma sa akin? Magkakaanak pa ba ako ng mga lalaking mapapangasawa ninyo? Umuwi na kayo, mga anak, sapagkat matanda na ako at hindi na magkakaasawa pa. Ipagpalagay man natin na makapag-asawa nga ako ngayong gabi at magkaanak pa,
12 Return, my daughters, go, for I'm too old to marry. Even if I said there's still hope, even if I had a husband tonight and bore sons, Not in this edition
13 would you wait for them until grown? Would you stay unmarried for them? No, my daughters—it's far more bitter for me than you, since our Father's hand has turned against me." hihintayin nʼyo ba silang lumaki? Hindi ba kayo mag-aasawa dahil sa kanila? Hindi maaari mga anak. Ang totoo, mas mapait ang sinapit ko kaysa sa inyo, dahil pinahirapan ako ng Panginoon.”
14 At this they wept aloud again. Then Orpah kissed her mother-in-law goodbye, but Ruth clung to her. At umiyak na naman sila nang malakas. Pagkatapos, hinalikan ni Orpa ang biyenan niya at umuwi, habang si Ruth naman ay nagpaiwang kasama ni Naomi.
15 Naomi said, "Look, your sister-in-law went back to her people and her gods. Go back with her." Sinabi ni Naomi, “Bumalik na ang bilas mo sa mga kababayan niya at sa kanyang diyos, kaya sumáma ka na rin sa kanya.”
16 Ruth said, "Don't push me to leave you or turn back from following you. Where you go, I'll go; where you stay, I'll stay. Your people will be my people, and your God my God. Ngunit sumagot si Ruth, “Huwag po ninyo akong piliting iwan kayo o talikuran, dahil kung saan kayo pupunta, doon din ako pupunta, at kung saan kayo titira, doon din po ako titira. Ang inyong mga kababayan ay magiging aking mga kababayan, at ang inyong Diyos ay Diyos ko rin.
17 Where you die I will die, and there I will be buried. May our Father punish me ever so severely if anything but death separates you and me." Kung saan kayo mamamatay, doon din po ako mamamatay at ililibing. Parusahan nawa ako ng Panginoon nang mabigat kapag humiwalay ako sa inyo, maliban na lang kung ang kamatayan na ang maghihiwalay sa ating dalawa.”
18 When Naomi saw that Ruth was determined to go with her, she said no more to her. Nang makita ni Naomi na desidido si Ruth na sumáma sa kanya, tumahimik na lang siya.
19 So both of them traveled until they reached Bethlehem. When they entered Bethlehem, the whole town stirred over them, and the women said, "Is this Naomi?" Kaya nagpatuloy silang dalawa sa paglalakbay hanggang sa nakarating sila sa Bethlehem. Nabigla ang mga tao roon sa kanilang pagdating. Sinabi ng mga babae, “Si Naomi ba talaga ito?”
20 "Don't call me Naomi," she said. "Call me Mara—the Almighty has dealt very bitterly with me. Sinabi ni Naomi sa kanila, “Huwag nʼyo na akong tawaging Naomi, kundi tawagin ninyo akong Mara, dahil pinapait ng Diyos na Makapangyarihan ang buhay ko.
21 I went away full, but our Father has brought me back empty. Why call me Naomi, when our Father has afflicted me and the Almighty has brought misfortune upon me?" Pag-alis ko rito ay nasa sa akin ang lahat, pero ibinalik ako ng Panginoon nang walang-wala. Kaya huwag na ninyo akong tawaging Naomi, dahil pinahirapan ako ng Makapangyarihang Panginoon.”
22 So Naomi returned from the fields of Moab with Ruth the Moabite, her daughter-in-law, who came back with her. They reached Bethlehem as barley harvest began. Nagsisimula pa lang ang anihan ng sebada nang dumating si Naomi sa Bethlehem kasama ang manugang niyang si Ruth na Moabita.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]