Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 32 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The sons of Reuben and sons of Gad had vast herds of livestock. Seeing the land of Jazer and land of Gilead, they noticed it suited livestock well. Napakaraming hayop ng mga lahi nina Ruben at Gad. Kaya nang makita nila na masagana ang lupain ng Jazer at Gilead para sa mga hayop
2 The sons of Gad and sons of Reuben came and said to Moses, to Eleazar the priest, and to the community's leaders: nagpunta sila kina Moises at sa paring si Eleazar at sa mga pinuno ng mamamayan ng Israel at sinabi,
3 "Ataroth, Dibon, Jazer, Nimrah, Heshbon, Elealeh, Sebam, Nebo, and Beon, “Ang mga lugar ng Atarot, Dibon, Jazer, Nimra, Hesbon, Eleale, Sebam, Nebo at Beon
4 the land our Father struck down before Israel's community—is land for livestock, and your servants have livestock." na sinakop ng Panginoon para sa mga Israelita ay mabuting lugar para sa mga hayop at kami na mga alagad ninyo ay napakaraming hayop.
5 They said, "If we have found favor in your eyes, give this land to your servants as a possession. Don't make us cross the Jordan." Kaya kung nalulugod kayo sa amin, ibigay ninyo ang mga lupaing ito sa amin, bilang bahagi namin at huwag na ninyo kaming dalhin sa kabila ng Ilog ng Jordan.”
6 Moses said to the sons of Gad and Reuben, "Should your brothers go to war while you sit here? Sinabi ni Moises sa mga lahi nina Gad at Ruben, “Ano ang ibig ninyong sabihin, magpapaiwan na lang kayo dito habang ang mga kapwa ninyo Israelita ay sasabak sa labanan?
7 Why discourage Israel from crossing into the land our Father has given them? Pahihinain lang ninyo ang loob ng mga Israelita na pumunta sa lupaing ibinigay ng Panginoon sa kanila.
8 This is what your fathers did when I sent them from Kadesh-barnea to see the land. Ganito rin ang ginawa noon ng inyong mga ninuno nang ipinadala ko sila mula sa Kades-barnea para tingnan ang lupaing ito.
9 They went up to the Valley of Eshcol, saw the land, then discouraged the Israelites' hearts from entering the land our Father had given them. Nang makarating sila sa Lambak ng Eshcol, at nakita nila ang lupain, pinahina nila ang loob ng mga Israelita na pumunta sa lupaing ibinigay ng Panginoon sa kanila.
10 And our Father's anger burned that day, and he swore an oath, saying, Matindi ang galit ng Panginoon nang araw na iyon at sumumpa siya:
11 surely the men who came up from Egypt, twenty years old and up, will not see the land I swore to give to Abraham, to Isaac, and to Jacob—because they did not fully follow me. ‘Dahil sa hindi sila sumunod sa akin nang buong puso nila, wala ni isa man sa kanila na dalawampung taóng gulang pataas na nagmula sa Ehipto, ang makakakita ng lupaing ipinangako ko kay Abraham, Isaac, at Jacob,
12 None but Caleb son of Jephunneh the Kenizzite and Joshua son of Nun, for they fully followed our Father. maliban lang kay Caleb na anak ni Jefune na Kenizeo at kay Josue na anak ni Nun, dahil sumunod sila sa Panginoon nang buong puso nila.’
13 The anger of our Father burned against Israel; he made them wander the wilderness forty years until the whole generation that had done evil before our Father had died. Nagalit nang matindi ang Panginoon sa mga Israelita, kaya pinaikot-ikot niya sila sa ilang sa loob ng apatnapung taon hanggang sa nangamatay ang buong henerasyon na gumawa ng masama sa kanyang paningin.
14 Now you have risen up in place of your fathers, a brood of sinners, adding still more to our Father's fierce anger against Israel! “At ngayon, kayo namang lahi ng mga makasalanan ang pumalit sa inyong mga ninuno at dinagdagan pa ninyo ang galit ng Panginoon sa mga Israelita.
15 If you turn from following him, he will leave them in the wilderness once again, and you will destroy all this people." Kung hindi kayo susunod sa Panginoon, pababayaan niyang muli kayong mga mamamayan dito sa ilang at kayo ang magiging dahilan ng pagkalipol ng mga Israelita.”
16 They came to him and said, "We'll build pens here for our livestock and cities for our children. Ngunit lumapit pa sila kay Moises at sinabi, “Gagawa na lang po kami rito ng mga kulungan para sa aming mga hayop at mga lungsod para sa aming mga kababaihan at anak.
17 But we will arm ourselves, ready to go ahead of the Israelites until we bring them to their place, while our children stay in fortified cities, safe from those living in the land. Ngunit handa po kaming pangunahan ang aming mga kapwa Israelita sa pakikipaglaban hanggang sa madala namin sila sa kanilang mga lugar. Habang nakikipaglaban kami, dito po maninirahan ang aming mga anak sa napapaderang lungsod na aming ipapatayo para maging ligtas sila sa mga naninirahan sa lupaing ito.
18 We will not return home until every Israelite has taken his inheritance. Hindi po kami uuwi hanggang sa matanggap ng lahat ng mga Israelita ang lupaing kanilang mamanahin.
19 We won't inherit with them across the Jordan and beyond, since our inheritance has come to us on this side of the Jordan, to the east." Ngunit ayaw naming makatanggap ng lupa kasama nila sa kabila ng Jordan. Mas gusto po namin dito sa bandang silangan ng Jordan dahil nakakuha na kami ng parte namin dito sa silangan ng Jordan.”
20 Moses said to them, "If you do this—if you arm yourselves before our Father for the war, Sinabi ni Moises sa kanila, “Kung talagang gagawin ninyo ʼyan, kapag handa na kayo sa pakikipaglaban kasama ang Panginoon,
21 and every armed man among you crosses the Jordan before our Father until he drives out his enemies from before him, at kapag tumawid ang lahat ng sundalo ninyo sa Jordan hanggang sa maitaboy ng Panginoon ang kanyang mga kaaway
22 and the land is subdued before our Father, afterward you may return and be free of obligation to him and to Israel, and this land will be your possession before our Father. at maangkin ang lupa, maaari na kayong makabalik dito dahil natupad na ninyo ang inyong tungkulin sa Panginoon at sa kapwa ninyo Israelita. At magiging inyo na ang lupaing ito sa harapan ng Panginoon.
23 But if you don't do this, look—you will have sinned against our Father, and know: your sin will overtake you. “Subalit kung hindi ninyo ito gagawin, magkakasala kayo sa Panginoon at siguradong pagbabayaran ninyo ang inyong mga kasalanan.
24 Build cities for your little ones, pens for your flocks, and do what your mouth has promised." Sige, magtayo kayo ng mga lungsod para sa inyong mga asawaʼt anak at gumawa ng mga kulungan para sa inyong mga hayop, ngunit dapat ninyong tuparin ang inyong ipinangako.”
25 The sons of Gad and Reuben said to Moses, "Your servants will do as my lord commands. Sumagot ang mga lahi nina Gad at Ruben kay Moises, “Susundin namin ang inyong mga utos.
26 Our children, wives, flocks, and all our herds will stay there in the cities of Gilead, Maiiwan dito sa mga lungsod ng Gilead ang aming mga asawa, mga anak at mga hayop.
27 but your servants, every man armed for war, will cross before our Father to battle, as my lord says." Subalit kami na iyong mga lingkod na may kakayahang makipaglaban ay tatawid sa Jordan para makipaglaban kasama ang Panginoon ayon sa iyong utos.”
28 So Moses commanded Eleazar the priest, Joshua son of Nun, and the clan leaders of Israel's tribes about them. Kaya nag-utos si Moises sa paring si Eleazar, kay Josue na anak ni Nun at sa mga pinuno ng lahi ng Israel.
29 Moses said to them, "If Gad's and Reuben's sons cross the Jordan with you, every man armed for battle before our Father, and the land is subdued before you, then give them Gilead as their possession. Sinabi niya, “Kung ang mga tauhan ng lahi nina Gad at Ruben na may kakayahang makipaglaban ay tatawid sa Jordan para sumáma sa pakikipaglaban sa laban ng Panginoon at kung maagaw na ninyo ang lupaing iyon, ibigay ninyo sa kanila ang lupain ng Gilead bilang lupain nila.
30 But if they won't cross over armed with you, they must take possession among you in the land of Canaan." Ngunit kung hindi sila tatawid kasama ninyo dapat silang tumanggap ng lupa kasama ninyo, roon sa lupain ng Canaan.”
31 Gad's and Reuben's sons answered, "We will do as our Father told your servants. Sinabi ng mga lahi nina Gad at Ruben, “Susundin namin kung ano ang sinabi ng Panginoon.
32 We ourselves will cross armed before our Father into the land of Canaan, and our inherited possession will remain ours beyond the Jordan." Tatawid kami sa Jordan sa presensya ng Panginoon, ngunit ang mamanahin naming lupain ay ang nasa silangan sa tabi ng Jordan.”
33 Moses gave to them—the sons of Gad, the sons of Reuben, and the half-tribe of Manasseh son of Joseph—the kingdom of Sihon king of the Amorites and the kingdom of Og king of Bashan: the land, its cities, the territories, and the cities of the country around. Kaya ibinigay ni Moises sa mga lahi nina Gad, Ruben at sa kalahati ng lahi ni Manases na anak ni Jose ang kaharian ni Sihon na hari ng mga Amoreo at ang kaharian ni Haring Og ng Bashan – ang buong lupain pati na ang lungsod at mga teritoryo sa palibot nito.
34 And the sons of Gad built Dibon, Ataroth, Aroer, Itinayong muli ng lahi ni Gad ang Dibon, Atarot, Aroer,
35 Atroth-shophan, Jazer, Jogbehah, Atrot-sofan, Jazer, Jogbeha,
36 Beth-nimrah, and Beth-haran—fortified cities and pens for sheep. Bet-nimra at Bet-haran. Ang mga lungsod na ito ay pinalibutan nila ng pader. Gumawa rin sila ng mga kulungan para sa kanilang mga hayop.
37 And the sons of Reuben built Heshbon, Elealeh, Kiriathaim, At itinayong muli ng mga lahi ni Ruben ang Hesbon, Eleale, Kiryataim
38 Nebo, Baal-meon (renamed), and Sibmah—they gave the cities they rebuilt new names. pati ang mga lugar na tinatawag noon na Nebo at Baal-meon at ang Sibma. Pinalitan nila ang mga pangalan ng mga lungsod na muli nilang itinayo.
39 Sons of Machir son of Manasseh went to Gilead, captured it, and drove out the Amorites living there. Sinalakay ng mga angkan ni Maquir na anak ni Manases ang Gilead at naagaw nila ito, at itinaboy nila ang mga Amoreo na naninirahan doon.
40 So Moses gave Gilead to Machir son of Manasseh, and he settled in it. Kaya ibinigay ni Moises ang Gilead sa mga angkan ni Maquir, na lahi rin ni Manases at doon sila nanirahan.
41 And Jair son of Manasseh went and captured their villages, and called them Havvoth-jair. Naagaw ni Jair na mula rin sa lahi ni Manases, ang mga nayon sa Gilead at tinawag niya itong, “Mga Bayan ni Jair”.
42 And Nobah went and captured Kenath and its villages, and called it Nobah, after his own name. Naagaw ni Noba ang Kenat at ang mga baryo sa palibot nito at tinawag niya itong, “Noba” ayon sa pangalan niya.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]