Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 16 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1-2 Korah son of Izhar, son of Kohath, son of Levi, gathered men, along with Dathan and Abiram, sons of Eliab, and On son of Peleth, sons of Reuben. Ngayon, nagrebelde kay Moises si Kora na anak ni Izar, mula sa angkan ni Kohat na anak ni Levi. Kasama niya sa pag-aaklas sina Datan at Abiram na mga anak ni Eliab, at si On na anak ni Pelet na mula sa lahi ni Ruben. Kasama nila ang 250 lalaking Israelita na kilala at pinili ng mga pinuno mula sa kapulungan ng Israel.
2 They stood before Moses with 250 Israelite leaders of the community—chosen assembly members, men of renown. Not in this edition
3 They gathered against Moses and Aaron and said, "You have gone too far! The whole congregation is holy, all of them, and our Father is among them. Why do you set yourselves above our Father's assembly?" Pumunta silang lahat kina Moises at Aaron, at sinabi, “Sobra na ang ginagawa nʼyo sa amin, ang buong sambayanan ay banal at nasa gitna nila ang presensya ng Panginoon, kaya bakit ninyo ginagawang mas mataas ang inyong sarili nang higit sa aming lahat?”
4 When Moses heard this, he fell facedown. Pagkarinig nito ni Moises, nagpatirapa siya.
5 He said to Korah and all his company, "In the morning, our Father will show who is his and who is holy, and will bring that one near to himself. Whoever he chooses, he will bring near to himself. Pagkatapos, sinabi niya kay Kora at sa lahat ng kanyang tagasunod, “Bukas ng umaga, ipapahayag ng Panginoon kung sino ang totoong pinili niya na maglingkod sa kanya bilang mga pari dahil palalapitin niya sila sa kanyang harapan.
6 Do this: take censers, Korah and all your company. Kaya, ikaw Kora, at ang lahat ng iyong tagasunod ay ganito ang gagawin: Kumuha kayo ng lalagyan ng insenso
7 Tomorrow put fire in them, lay incense on them before our Father. The man our Father chooses will be the holy one. You've gone too far, sons of Levi!" at bukas ay lagyan ninyo ito ng baga at insenso, at dalhin sa harapan ng Panginoon. Pagkatapos, makikita natin kung sino ang pinili ng Panginoon na maglingkod sa kanya. Kayong mga Levita, sumusobra na ang mga ginagawa ninyo!”
8 Moses also said to Korah, "Listen now, you sons of Levi: Sinabi pa ni Moises kay Kora, “Pakinggan ninyo ito, kayong mga Levita.
9 Is it not enough for you that the Father of Israel set you apart from the rest of Israel's congregation, to bring you near himself, to do the work of our Father's tabernacle, and stand before the congregation to serve them? Hindi pa ba sapat sa inyo na sa buong mamamayan ng Israel, kayo ang pinili ng Diyos ng Israel na makalapit sa kanyang harapan para maglingkod sa Tolda ng Panginoon at upang maglingkod sa sambayanan?
10 He brought you near—you and all your brothers, sons of Levi—yet now you seek the priesthood too? Pinili niya kayo at ang iba pang mga Levita upang makalapit sa kanyang presensya, at ngayon gusto pa ninyong maging pari?
11 You and your whole group have gathered against our Father. Aaron—what is he, that you grumble against him?" Sino ba si Aaron para pagreklamuhan ninyo? Sa ginagawa ninyong iyan, ang Panginoon ang kinakalaban mo at ng iyong mga tagasunod.”
12 Moses sent for Dathan and Abiram, sons of Eliab. They said, "We will not come up! Pagkatapos, ipinatawag ni Moises sina Datan at Abiram, na mga anak ni Eliab. Ngunit sinabi nila, “Hindi kami pupunta!
13 Is it not enough you brought us up from a land flowing with milk and honey to kill us in the wilderness, that you must also rule over us? Hindi pa ba sapat na kinuha mo kami sa Ehipto na isang lupaing masagana sa gatas at pulot para patayin lang kami dito sa ilang? At ngayon, gusto mo pang maghari sa amin.
14 Also, you haven't brought us to a land flowing with milk and honey, or given us fields and vineyards as an inheritance. Will you gouge out these men's eyes? We won't come up!" At isa pa, hindi mo kami dinala sa lupaing masagana sa gatas at pulot at binigyan ng mga bukid o mga ubasang magiging amin. Ngayon, gusto mo pa kaming lokohin? Hindi kami pupunta!”
15 Moses was furious and said to our Father, "Disregard their offering. I haven't taken a single donkey from them, nor wronged any of them." Nagalit si Moises at sinabi niya sa Panginoon, “Huwag po ninyong tatanggapin ang kanilang mga handog. Hindi ako nagkasala sa sinuman sa kanila; wala akong kinuha sa kanila kahit isang asno.”
16 Moses told Korah, "You and your whole company, present yourselves before our Father tomorrow—you, they, and Aaron. Sinabi ni Moises kay Kora, “Bukas, ikaw at ang iyong mga tagasunod ay pupunta sa presensya ng Panginoon sa Toldang Tipanan, at pupunta rin doon si Aaron.
17 Each man is to take his censer, put incense on it, and bring it before our Father—250 censers—you and Aaron, each with his own censer." Ang 250 na mga tagasunod mo ay pagdalhin mo ng tig-iisang lalagyan ng insenso. Palagyan mo ito ng insenso at ihandog sa Panginoon. Kayo ni Aaron ay magdadala rin ng lalagyan ng insenso.”
18 Each took his censer, put fire in it and laid incense on it, and stood with Moses and Aaron at the tent of meeting's entrance. Kaya kumuha ang bawat isa ng kanya-kanyang lalagyan ng insenso at nilagyan ng baga at insenso, at tumayo sila kasama nina Moises at Aaron sa pintuan ng Toldang Tipanan.
19 Korah gathered the whole congregation against them at the tent of meeting's entrance; the glory of our Father appeared to the whole congregation. Nang magtipon na si Kora at ang mga tagasunod niya sa harapan ni Moises at ni Aaron, doon sa pintuan ng Toldang Tipanan, nagpakita ang makapangyarihang presensya ng Panginoon sa buong kapulungan.
20 And our Father spoke to Moses and Aaron, saying, Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron,
21 "Separate yourselves from this congregation, so that I may consume them in an instant." “Lumayo kayo sa gitna ng kapulungang ito upang malipol ko na sila agad.”
22 Moses and Aaron fell facedown and cried, "O our Father, the Father of the spirits of all flesh—when one man sins, will you be angry with the whole congregation?" Ngunit nagpatirapa sina Moises at Aaron at sinabi, “O Diyos na pinanggagalingan ng buhay ng lahat ng tao, magagalit po ba kayo sa buong kapulungan kahit isang tao lang ang nagkasala?”
23 Then our Father said to Moses, Sinabi ng Panginoon kay Moises,
24 "Say to the congregation: Move away from the dwellings of Korah, Dathan, and Abiram." “Sabihin mo sa mga mamamayan na lumayo sila sa Tolda nina Kora, Datan at ni Abiram.”
25 So Moses got up and went to Dathan and Abiram, and the elders of Israel followed him. Pinuntahan ni Moises si Datan at si Abiram, at sumunod sa kanya ang mga tagapamahala ng Israel.
26 He told the congregation, "Leave the tents of these wicked men. Touch nothing of theirs, or you'll be swept away in all their sins." Pagkatapos, sinabi niya sa mga mamamayan, “Lumayo kayo sa mga tolda ng masasamang taong ito! Huwag kayong hahawak ng kahit anong ari-arian nila, dahil kapag ginawa ninyo ito parurusahan kayong kasama nila dahil sa lahat ng kasalanan nila.”
27 So they withdrew from the tents of Korah, Dathan, and Abiram on every side, while Dathan and Abiram came out and stood at their tent entrances with their wives, sons, and little ones. Kaya lumayo ang mga tao sa mga tolda nina Kora, Datan at Abiram. Lumabas sina Datan at Abiram, at tumayo sa pintuan ng kanilang mga tolda kasama ng kanilang mga asawaʼt anak.
28 Moses said, "This is how you'll know our Father sent me to do all these things, and that none of it was my own idea: Sinabi ni Moises sa mga tao, “Sa pamamagitan nito malalaman ninyo na ang Panginoon ang nagsugo sa akin para gawin ang mga bagay na ito, at hindi ko ito sariling kagustuhan.
29 If these men die a normal death, sharing the fate of everyone, then our Father has not sent me. Kung mamatay ang mga taong ito sa natural na pamamaraan, hindi ako isinugo ng Panginoon.
30 But if our Father creates something new, and the ground opens its mouth and swallows them with all that is theirs, and they go down alive into the grave, then you will know these men have despised our Father." Ngunit kung gagawa ang Panginoon ng kamangha-manghang bagay, at mabibiyak ang lupa, at lalamunin sila nang buháy, kasama ang lahat ng mga ari-arian nila papunta sa mundo ng mga patay, dito malalaman ninyong ang mga taong ito ang nagtakwil sa Panginoon.”
31 As soon as he finished saying all this, the ground beneath them split open, Pagkatapos magsalita ni Moises, nabiyak ang lupa na kinatatayuan nina Datan at Abiram,
32 the earth opened its mouth, swallowing them, their households, all Korah's people, and all their possessions. at nilamon sila ng lupa pati ang kanilang pamilya, kasama ang lahat ng tagasunod ni Kora at ang lahat ng kanilang ari-arian.
33 They and all who were theirs went down alive into the grave; the earth closed over them, and they were destroyed from the assembly. Nilamon sila nang buháy ng lupa pati ang kanilang mga ari-arian. Sumara ang lupa at nawala sila sa kapulungan.
34 All Israel around them fled at their cry, for they said, "The earth may swallow us too!" Ang lahat ng mga Israelita ay nagsilayo nang marinig nila ang kanilang pagsigaw, dahil iniisip nila na baka lamunin din sila ng lupa.
35 Fire came out from our Father and consumed the 250 men offering the incense. Pagkatapos, nagpadala ang Panginoon ng apoy, at nilamon nito ang 250 tagasunod ni Kora na naghahandog ng insenso.
36 Not in this edition Sinabi ng Panginoon kay Moises,
37 Not in this edition “Sabihin mo sa paring si Eleazar na anak ni Aaron, na kunin niya ang mga lalagyan ng insenso sa mga bangkay na nangasunog, dahil banal ang mga lalagyan. Sabihan mo rin sila na ikalat nila sa malayo ang mga baga
38 Not in this edition ng mga lalagyang ito na galing sa mga taong namatay dahil sa kanilang mga kasalanan. Ipamartilyo ang mga ito hanggang sa mapitpit, at itakip sa altar dahil inihandog ito sa Panginoon at naging banal ito. Ang takip na ito sa altar ay magiging isang babala para sa mga Israelita.”
39-40 Not in this edition Kaya ayon sa iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises, ipinakuha ng paring si Eleazar ang mga tansong lalagyan ng insenso na ginamit ng mga taong nasunog at pinitpit niya ito para itakip sa altar. Isa itong babala para sa mga Israelita na walang sinumang makakalapit sa altar upang magsunog ng insenso sa Panginoon maliban lang sa mga angkan ni Aaron para hindi mangyari sa kanya ang nangyari kay Kora at sa mga tagasunod niya.
41 Not in this edition Ngunit nang sumunod na araw, nagreklamo na naman ang buong mamamayang Israelita kina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Pinatay ninyo ang mga mamamayan ng Panginoon.”
42 Not in this edition Habang nagkakaisa silang nagrereklamo kina Moises at Aaron, lumingon sila sa Toldang Tipanan at nakita nila na biglang bumalot ang ulap sa Tolda at ipinakita ng Panginoon ang kanyang kaluwalhatian.
43 Not in this edition Pumunta sina Moises at Aaron sa harapan ng Tolda
44 Not in this edition at sinabi ng Panginoon kay Moises,
45 Not in this edition “Lumayo kayo sa lahat ng mga taong iyan dahil tatapusin ko na sila ngayon din.” Nagpatirapa ang dalawa.
46 Not in this edition Pagkatapos, sinabi ni Moises kay Aaron, “Kunin mo ang lalagyan mo ng insenso at lagyan ito ng insenso at baga galing sa altar, at magmadali kang pumunta sa mga mamamayan at maghandog ka sa Panginoon para mapatawad ang kanilang mga kasalanan, dahil galit na ang Panginoon at nagsimula na ang salot.”
47 Not in this edition Kaya sinunod ni Aaron ang iniutos ni Moises, at tumakbo siya sa gitna ng mga mamamayan. Nagsimula na ang salot sa mga tao, ngunit naghandog pa rin si Aaron ng insenso para mapatawad ang kasalanan ng mga tao.
48 Not in this edition Tumayo siya sa gitna ng mga taong patay na at ng mga buháy pa at tumigil ang salot.
49 Not in this edition Ngunit 14,700 ang namatay, hindi pa kasama ang mga namatay dahil kay Kora.
50 Not in this edition Pagkatapos, bumalik si Aaron kay Moises sa pintuan ng Toldang Tipanan dahil tumigil na ang salot.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]