Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Malachi 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 This is the word of our Father to Israel, delivered through Malachi. Ito ang mensahe ng Panginoon para sa bansang Israel sa pamamagitan ni Malakias.
2 "I have loved you," says our Father. "But you ask, 'How have you loved us?' Wasn't Esau Jacob's brother?" declares our Father. "Yet I loved Jacob, “Minahal ko kayo,” sabi ng Panginoon. “Ngunit nagtatanong pa kayo, ‘Paano mo kami minahal?’ “Alalahanin ninyong kahit magkapatid sina Esau at Jacob, minahal ko si Jacob
3 but Esau I hated. I made his hill country wasteland, left his inheritance to desert jackals." ngunit si Esau ay kinapootan ko. Iniwan kong nakatiwangwang ang kanyang kabundukan, kaya naging ilang na tirahan ng mga maiilap na hayop.”
4 Edom may say, "We are shattered, but we will rebuild the ruins." But the Father of heaven's armies says: "They may build, but I will tear down. They will be called the Wicked Land, the people our Father stays angry with forever." Maaaring sabihin ng mga Edomitang lahi ni Esau, “Kahit na winasak ang aming bayan, itoʼy muli naming itatayo.” Subalit, ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: “Kahit na itayo nilang muli ang kanilang bayan, gigibain ko pa rin ito. Tatawagin silang ‘masamang bansa’ at ‘mga mamamayang laging kinapopootan ng Panginoon.’
5 Your own eyes will see it, and you'll say, 'Great is our Father—beyond Israel's borders!' Makikita ninyo ang kanilang pagkawasak at sasabihin ninyo, ‘Makapangyarihan ang Panginoon kahit sa labas ng Israel.’ ”
6 "A son honors his father, a servant his master. If I am a father, where is my honor? If a master, where is my respect? says the Father of heaven's armies to you priests who despise my name. But you ask, 'How have we despised your name?'" Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo sa mga pari, “Iginagalang ng anak ang kanyang ama at iginagalang ng alipin ang kanyang amo. Pero bakit ako na inyong ama at amo ay hindi ninyo iginagalang? “Nilalapastangan ninyo ako. “Ngunit nagtatanong pa kayo, ‘Paano ka namin nilalapastangan?’
7 "You put unclean food on my altar, then ask, 'How have we made you unclean?' By calling our Father's table despised. “Nilalapastangan ninyo ako sa pamamagitan ng paghahandog ng maruruming handog sa aking altar. “Ngunit nagtatanong pa kayo, ‘Paano naging marumi ang aming handog?’ “Naging marumi ang inyong handog dahil sinasabi ninyo na walang kabuluhan ang altar ng Panginoon.
8 When you offer a blind animal, isn't that evil? Offer the lame and sick—isn't that evil? Present it to your governor—will he be pleased with you? Will he accept you?" says the Father of heaven's armies. Kaya hinahandugan ninyo ako ng mga hayop na bulag, pilay o may sakit. Hindi tama iyan. Ganyan kaya ang ihandog ninyo sa inyong gobernador at tingnan nʼyo kung matutuwa at malulugod siya sa inyo,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.
9 "Now plead with our Father to be gracious to us. With such offerings from your hands, will he accept any of you?" says the Father of heaven's armies. “Kayong mga pari, hilingin ninyo sa Diyos na kaawaan niya tayo. Pero sa ganyang klaseng mga inihahandog ninyo sa kanya, tiyak na hindi niya kayo kalulugdan. Iyan ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo.”
10 "If only one of you would shut the doors, so you would not light useless fires on my altar! I take no pleasure in you," says the Father of heaven's armies, "and I will accept no offering from your hands. “May isa sana sa mga pari nʼyo na magsara ng mga pintuan ng aking templo, upang hindi na kayo magsisindi ng walang kabuluhang apoy sa aking altar. Hindi ko tatanggapin ang inyong mga handog dahil hindi ako nalulugod sa inyo,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.
11 From sunrise to sunset my name will be great among the nations. Everywhere incense and pure offerings will be brought to my name, because my name will be great among the nations," says the Father of heaven's armies. “Ang totoo, pinupuri ang aking pangalan ng mga bansa, mula silangan hanggang kanluran. Kahit saan nagsusunog ang mga tao ng insenso at naghahandog ng malinis na handog sa akin na Panginoon ng mga Hukbo.
12 "But you desecrate it, saying the Sovereign Father's table is unclean and its food may be despised." “Pero kayo, nilalapastangan ninyo ako, dahil sinasabi ninyong marumi ang aking altar at walang kabuluhan ang mga inihahandog doon.
13 "You say, 'What a burden!' and snort at it in contempt," says the Father of heaven's armies. "You bring stolen, lame, and diseased animals as offerings—should I accept them from you?" says our Father. Sinasabi pa ninyo na nagsasawa na kayo sa paghahandog at binabalewala ninyo ang aking altar. “Kaya hinahandugan ninyo ako ng mga hayop na may sugat, pilay o may sakit. Akala ba ninyoʼy tatanggapin ko iyan?” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.
14 "Cursed is the cheat who has a sound male in his flock and vows it, but sacrifices a defective animal to the Sovereign Father. For I am a great King," says the Father of heaven's armies, "and my name is to be feared among the nations." “Susumpain ko ang mga mandaraya sa inyo, na nangakong maghahandog ng pinakamagandang hayop mula sa kanyang kawan ngunit ang inihahandog ay ang may kapintasan. Susumpain ko siya dahil ako ang makapangyarihang hari na kinatatakutan ng mga bansa,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]