1Now the Feast of Bread Without Yeast, called Passover, was approaching.OASDNalalapit na noon ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa na tinatawag ding Pista ng Paglampas ng Anghel.
2The chief priests and the scribes were looking for a way to kill him, because they feared the people.OASDAng mga namamahalang pari at ang mga tagapagturo ng Kautusan ay naghahanap ng paraan upang maipapatay si Hesus nang hindi nagkakagulo, dahil natatakot sila sa mga tao.
3Then Satan entered into Judas, the one called Iscariot, who was one of the twelve.OASDPumasok si Satanas kay Judas na tinatawag na Iscariote. Isa siya sa labindalawang alagad ni Hesus.
4He went and conferred with the chief priests and temple officers how he might betray him to them.OASDPumunta siya sa mga namamahalang pari at mga opisyal ng mga guwardiya sa templo, at pinag-usapan nila kung paano niya maibibigay sa kanila si Hesus.
5They were glad and agreed to give him money.OASDNatuwa sila at nakipagkasundo kay Judas na bayaran siya.
6He agreed and began looking for an opportunity to betray him to them away from the crowd.OASDPumayag naman si Judas sa kasunduan, at mula noon, humanap siya ng pagkakataon upang maibigay sa kanila si Hesus nang hindi nalalaman ng mga tao.
7Then the day of Unleavened Bread arrived, when the Passover lamb had to be sacrificed.OASDDumating ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, ang araw na pinapatay ang tupang hinahandog bilang pag-alaala sa Paglampas ng Anghel.
8Jesus sent Peter and John, saying, "Go prepare the Passover for us to eat."OASDKaya inutusan ni Hesus sina Pedro at Juan, “Ihanda ninyo ang hapunan natin para sa Pista ng Paglampas ng Anghel.”
9They said to him, "Where do you want us to prepare it?"OASDNagtanong sila, “Saan nʼyo po kami gustong maghanda?”
10He said, "Once you enter the city, a man carrying a jar of water will meet you. Follow him into the house he enters,OASDSumagot si Hesus, “Pagpasok ninyo sa lungsod ng Jerusalem, sasalubungin kayo ng isang lalaking may pasan-pasang banga ng tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na papasukan niya,
11"and tell the owner of the house, 'The Teacher says to you: Where is the guest room where I may eat the Passover with my disciples?'OASDat sabihin ninyo sa may-ari ng bahay, ‘Ipinapatanong ng Guro kung saan ang kuwartong kakainan niya ng hapunan kasama ang mga alagad niya upang ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel.’
12And he will show you a large upper room, furnished; prepare it there."OASDIsasama niya kayo sa itaas at ituturo sa inyo ang isang malaking kuwarto na kumpleto ang kagamitan. Doon kayo maghanda ng hapunan natin.”
13They went and found it just as he had told them, and they prepared the Passover.OASDLumakad sila at nakita nga nila ang lahat ayon sa sinabi ni Hesus sa kanila. At inihanda nila roon ang hapunan para sa Pista.
14When the hour came, he reclined at table, and the apostles with him.OASDPagdating ng oras ng hapunan, kumain si Hesus at ang kanyang mga apostol.
15He told them, "I have deeply longed to eat this Passover with you before I suffer.OASDSinabi ni Hesus sa kanila, “Gustong-gusto kong makasalo kayo sa hapunang ito sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel, bago ako magdusa.
16For I tell you, I won't eat it until it's fulfilled in the kingdom of our Father."OASDSapagkat sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling kakain nito hanggang sa matupad ang kahulugan nito sa araw ng paghahari ng Diyos.”
17Taking a cup and giving thanks, he said, "Take this and divide it among yourselves.OASDPagkatapos, kumuha siya ng inumin, nagpasalamat sa Diyos, at sinabi sa kanila, “Kunin ninyo ito at paghati-hatian.
18For I tell you, from now on I will not drink the vine's fruit until our Father's kingdom comes."OASDSinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw ng paghahari ng Diyos.”
19He took bread, gave thanks, broke it, and gave it to them, saying, "This is my body, given for you. Do this in memory of me."OASDPagkatapos, kumuha siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay pinagpira-piraso niya ito at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.”
20He did the same with the cup after supper: "This cup is the new covenant in my blood, poured out for you.OASDPagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin: Kinuha niya ito at sinabi, “Ang inuming ito ang bagong kasunduan na pinagtibay ng dugo kong mabubuhos ng dahil sa inyo.
21But look—the hand of the one who betrays me is with me on the table.OASDNgunit makinig kayo! Kasalo ko sa mesang ito ang taong magtatraydor sa akin.
22The Son of Man goes as determined, but woe to that man through whom he is handed over!"OASDSapagkat ayon sa itinalaga ng Diyos, ang Anak ng Tao ay papatayin, ngunit nakakaawa ang taong magtatraydor sa akin.”
23They began asking each other which of them would do this.OASDNagtanungan sa isaʼt isa ang mga alagad niya kung sino kaya sa kanila ang gagawa noon.
24A dispute also arose among them about which of them was the greatest.OASDNagtalo-talo ang mga alagad ni Hesus kung sino sa kanila ang pinakadakila.
25He said to them, "Kings of nations dominate them, and rulers over them are called benefactors.OASDKaya sinabi sa kanila ni Hesus, “Sa mundong ito, ang mga hari ay pinapanginoon ng mga nasasakupan nila, at ang mga may kapangyarihan ay gustong tawagin na ‘Tagatulong ng mga Tao’.
26Not so with you: let the greatest among you become like the youngest, the leader like the one serving.OASDNgunit hindi kayo dapat maging ganoon. Ang mas mataas ay dapat magpakababa, at ang pinuno ay dapat maging tulad ng isang tagapaglingkod.
27Who is greater—the guest at the table or the one serving? The guest, isn't it? Yet I am among you as one who serves.OASDSapagkat sino ba ang mas mataas, ang pinaglilingkuran o ang naglilingkod? Siyempre, ang pinaglilingkuran. Ngunit naglilingkod ako sa inyo kahit na ako ang Panginoon ninyo.
28"You are those who have stayed with me in my trials,OASD“Kayo ang nanatiling kasama ko sa mga pagsubok na dinaranas ko.
29and I confer on you a kingdom, just as my Father conferred one on me,OASDKaya kung paanong binigyan ako ng aking Ama ng kapangyarihang maghari, kayo rin ay bibigyan ko ng ganoong kapangyarihan.
30so you'll eat and drink at my table in my kingdom, and sit on thrones judging the twelve tribes of Israel."OASDMakakasalo ko kayo sa aking mesa sa aking kaharian, at uupo kayo sa mga trono upang mamahala sa labindalawang lahi ng Israel.
31"Simon, Simon, listen—Satan has demanded to sift all of you like wheat,OASD“Simon, makinig kang mabuti! Humingi ng pahintulot si Satanas sa Diyos na subukin niya kayong lahat tulad ng pag-aalis ng ipa sa mga trigo.
32but I prayed for you, that your faith not fail. Once you have turned back, strengthen your brothers."OASDNgunit nanalangin ako para sa iyo, na huwag manghina ang iyong pananampalataya. At kapag nagbalik-loob ka na, palalakasin mo ang pananampalataya ng iyong mga kapatid.”
33Peter said, "Lord, I'm ready to go with you to prison and death."OASDSumagot si Simon, “Panginoon, handa po akong mabilanggo o mamatay na kasama ninyo.”
34Jesus said, "I tell you, Peter: the rooster won't crow today before you deny three times that you know me."OASDNgunit sinabi sa kanya ni Hesus, “Pedro, tandaan mo, bago tumilaok ang manok ngayong gabi, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.”
35He asked, "When I sent you without money bag, knapsack, or sandals, did you lack anything?" "Nothing," they said.OASDPagkatapos, sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Noong isinugo ko kayo na walang dalang pitaka, bag, o sandalyas, kinulang ba kayo?” Sumagot sila, “Hindi po.”
36He said to them, "But now, let the one with a money bag take it, and a knapsack too. Let the one without a sword sell his cloak and buy one.OASD“Ngunit ngayon,” sabi ni Hesus, “Kung may pitaka o bag kayo, dalhin ninyo. At kung wala kayong espada, ipagbili ninyo ang damit ninyo at bumili kayo ng espada.
37For I tell you this Scripture must be fulfilled in me: 'He was counted among sinners.' For what is written about me is coming true."OASDSapagkat sinasabi ko sa inyo na kailangang matupad ang sinasabing ito sa Kasulatan tungkol sa akin: ‘Itinuring siyang isang kriminal.’ At natutupad na ito ngayon!”
38They said, "Lord, look, here are two swords." He said to them, "It is enough."OASDSinabi ng mga alagad niya, “Panginoon, may dalawa po kaming espada.” “Tama na iyan,” sagot niya.
39And he went out, as usual, to the Mount of Olives, and the disciples followed him.OASDLumabas si Hesus sa Jerusalem, at gaya ng nakaugalian niya, pumunta siya sa Bundok ng mga Olibo. Sumama rin ang mga alagad niya.
40When he reached the place, he told them, "Pray you don't give in to temptation."OASDPagdating nila roon, sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo upang hindi kayo madaig ng tukso.”
41And he withdrew from them about a stone's throw, and knelt down and prayed,OASDIniwan niya ang mga alagad niya at lumayo nang kaunti. Pagkatapos, lumuhod siya at nanalangin,
42saying, "Father, if you are willing, take this cup from me. Yet not my will, but yours, be done."OASD“Ama, kung maaari ay ilayo nʼyo sana sa akin ang mga paghihirap na darating. Ngunit hindi ang kalooban ko ang masunod kundi ang kalooban ninyo.” [
43And an angel from heaven appeared to him, strengthening him.OASDNagpakita sa kanya ang isang anghel mula sa langit at pinalakas siya.
44In agony he prayed more intensely; his sweat became like great drops of blood falling down to the ground.OASDDahil sa paghihirap ng kanyang kalooban, lalo siyang nanalangin nang taimtim, at ang mga pawis niya ay parang dugo na tumutulo sa lupa.]
45When he rose from prayer, he came to the disciples and found them asleep from grief,OASDPagkatapos, tumayo siya at binalikan ang mga alagad niya, pero nadatnan niya silang natutulog dahil napagod sila sa matinding paghihinagpis.
46he said to them, "Why are you sleeping? Get up and pray, so you don't yield to temptation."OASDKaya sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natutulog? Bumangon kayo at manalangin, upang hindi kayo madaig ng tukso.”
47While he was still speaking, a crowd came, led by the one called Judas, one of the twelve. He came up to Jesus to kiss him,OASDNagsasalita pa si Hesus nang dumating ang maraming tao. Si Judas na isa sa labindalawang alagad ang nangunguna sa kanila. Nilapitan niya si Hesus at hinalikan.
48but Jesus said to him, "Judas, would you betray the Son of Man with a kiss?"OASDSinabi ni Hesus sa kanya, “Judas, tinatraydor mo ba ang Anak ng Tao, sa pamamagitan ng isang halik?”
49Seeing what was about to happen, those with him said, "Lord, should we strike with the sword?"OASDNang makita ng mga alagad ni Hesus ang maaaring mangyari, sinabi nila, “Panginoon, gagamit na ba kami ng tabak?”
50And one of them struck the servant of the high priest and cut off his right ear.OASDAt tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng punong pari, at naputol ang kanang tainga nito.
51But Jesus answered, "No more of this!" And he touched the ear and healed him.OASDNgunit sinaway sila ni Hesus, “Tama na iyan!” Hinipo niya ang tainga ng alipin at pinagaling ito.
52Then Jesus said to the chief priests, temple officers, and elders who had come out against him, "Have you come out with swords and clubs, as against a robber?OASDPagkatapos, kinausap ni Hesus ang mga namamahalang pari, mga opisyal ng mga guwardiya sa templo at ang mga pinuno ng mga Hudyo na naroon upang dakpin siya, “Isa ba akong tulisan? Bakit kailangan pa ninyong magdala ng mga espada at mga pamalo upang dakpin ako?
53Every day I was with you in the temple, and you didn't lay hands on me. But this is your hour, and the authority of darkness."OASDAraw-araw akong nasa Templo, at naroon din kayo. Bakit hindi nʼyo ako dinakip? Ito na ang inyong pagkakataon, ang panahong naghahari ang kadiliman.”
54Seizing him, they led him and brought him into the high priest's house; Peter followed at a distance.OASDDinakip nila si Hesus at dinala sa bahay ng punong pari. Sumunod naman si Pedro pero nasa malayo siya.
55They lit a fire in the middle of the courtyard and sat together; Peter sat among them.OASDNagsiga sa gitna ng bakuran ang mga naroon at naupo sila sa paligid ng siga para magpainit. Nakiupo rin si Pedro sa kanila.
56But a servant girl, seeing him sitting facing the light, stared at him and said, "This one too was with him."OASDNakita siya ng isang utusang babae sa tabi ng siga at tiningnang mabuti. Sinabi ng babae, “Kasamahan din ni Hesus ang lalaking ito!”
57But he denied it, saying, "Woman, I do not know him."OASDNgunit itinanggi ito ni Pedro, “Babae, hindi ko siya kilala.”
58Shortly after, another saw him and said, "You too are one of them." But Peter said, "Man, I'm not."OASDMaya-maya, may nakakita na naman sa kanya at nagsabi, “Kasamahan ka rin nila, di ba?” “Aba, hindi!” sagot ni Pedro.
59About an hour later, another insisted, "This man was certainly with him, for he's a Galilean too."OASDPagkalipas ng isang oras, iginiit naman ng isa, “Totoong kasamahan din ni Hesus ang taong ito, dahil taga-Galilea rin siya.”
60But Peter said, "Man, I don't know what you're saying." Immediately, while he was still speaking, the rooster crowed.OASDNgunit sumagot si Pedro, “Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo!” At habang nagsasalita pa siya ay tumilaok ang manok.
61The Lord turned and looked at Peter. Peter remembered what the Lord had told him: "Before the rooster crows today, you will deny me three times."OASDLumingon ang Panginoon at tiningnan si Pedro. Naalala ni Pedro ang sinabi ng Panginoon, “Bago tumilaok ang manok ngayong gabi, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.”
62And he went out and wept bitterly.OASDKaya lumabas si Pedro at humagulgol.
63Now the men who were holding Jesus mocked him as they beat him.OASDSamantala, kinutya at binugbog si Hesus ng mga nagbabantay sa kanya.
64They blindfolded him and kept asking, "Prophesy! Who is it that struck you?"OASDPiniringan nila siya at tinanong, “Hulaan mo, sino ang sumuntok sa iyo?”
65And they said many other things against him, insulting him.OASDAt marami pa silang sinabing masama laban sa kanya.
66At daybreak, the people's council of elders convened—chief priests and scribes—and led him away to their council, saying,OASDKinaumagahan, nagtipon ang mga pinuno ng mga Hudyo, mga namamahalang pari, at ang mga tagapagturo ng Kautusan. Iniharap nila si Hesus sa kanilang korte.
67"If you are the Christ, tell us." He said to them, "If I tell you, you will not believe,OASDSinabi nila, “Sabihin mo sa amin, ikaw ba ang Mesias?” Sumagot si Hesus, “Kung sasabihin ko sa inyo, hindi naman kayo maniniwala.
68"and if I ask you, you will not answer.OASDAt kung tatanungin ko kayo, hindi naman kayo sasagot.
69"But from now on the Son of Man will sit at the right hand of the power of our Father."OASDNgunit mula ngayon, ang Anak ng Tao ay uupo na sa kanan ng makapangyarihang Diyos.”
70They all said, "So you are the Son of God?" He said to them, "You say that I am."OASD“Kung ganoon, ikaw nga ang Anak ng Diyos?” sabi nila. Sumagot si Hesus, “Kayo na rin ang nagsabi na ako nga.”
71They said, "What more testimony do we need? For we heard it ourselves from his mouth."OASDKaya sinabi nila, “Narinig na natin ang sinabi niya, ano pang ebidensya ang kailangan natin?”