Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Luke 17 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 He told his disciples, "Offenses are sure to come, but woe to the one they come through! Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Hindi maiiwasan ang pagdating ng mga bagay na magiging dahilan ng pagkakasala ng tao. Ngunit nakakaawa ang taong magiging dahilan ng pagkakasala ng kanyang kapwa.
2 Better for him to have a millstone hung around his neck and be thrown into the sea than to cause one of these little ones to stumble. Mas mabuti pang talian na lang siya ng gilingang bato sa leeg at itapon sa dagat, kaysa maging dahilan ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito.
3 "Watch yourselves. If your brother sins, rebuke him, and if he repents, forgive him. Kaya mag-ingat kayo. “Kung magkasala ang kapatid mo, pagsabihan mo siya. At kung magsisi siya, patawarin mo.
4 If he sins against you seven times a day, and seven times returns saying, 'I repent,' forgive him." Kahit pitong beses pa siyang magkasala saʼyo sa maghapon, kung pitong beses din siyang hihingi ng tawad sa iyo ay patawarin mo pa rin.”
5 The apostles said to the Lord, "Increase our faith!" Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan po ninyo ang pananampalataya namin.”
6 The Lord said, "If you had faith like a mustard seed, you could tell this mulberry tree, 'Be uprooted and planted in the sea,' and it would obey you. Sumagot ang Panginoon, “Kung may pananampalataya kayong kahit kasinlaki lang ng buto ng mustasa, masasabi ninyo sa malaking punong ito, ‘Mabunot ka at malipat sa dagat!’ At susundin kayo nito.
7 Which of you with a servant plowing or tending sheep tells him, coming in from the field, 'Come at once, recline at the table'? “Halimbawa, may alipin kayong nag-aararo o nag-aalaga ng mga tupa at kararating lang niya mula sa trabaho niya. Bilang amo sasabihin ba ninyo sa kanya, ‘Halika na, maupo ka at kumain’?
8 Won't he instead say, 'Get my supper ready, dress to serve me while I eat and drink, then you may eat and drink'? Hindi! Sa halip, ito ang sasabihin ninyo, ‘Magbihis ka na at ipaghanda ako ng hapunan, at pagsilbihan mo ako habang kumakain. Saka ka na kumain pagkatapos ko.’
9 "Does he thank the servant because he did what he was commanded? Hindi pinasasalamatan ang alipin dahil ginagawa lang niya ang kanyang tungkulin.
10 So you too, having done all you were commanded, say: 'We are unworthy servants; we've only done our duty.'" Ganoon din naman sa inyo. Pagkatapos ninyong gawin ang mga iniutos sa inyo, sabihin ninyo, ‘Mga alipin lamang kami, at hindi nararapat papurihan dahil ginagawa lang namin ang aming tungkulin.’ ”
11 On the way to Jerusalem he was passing along between Samaria and Galilee. Sa paglalakbay ni Hesus papuntang Jerusalem, dumaan siya sa hangganan ng Galilea at Samaria.
12 As he entered a village, ten men who had leprosy met him. They stood at a distance, Nang papasok na siya sa isang nayon, sinalubong siya ng sampung lalaking may malubhang sakit sa balat. Tumayo lang sila sa malayo
13 and called out loudly, "Jesus, Master, have mercy on us!" at sumigaw kay Hesus, “Panginoong Hesus, maawa po kayo sa amin!”
14 Seeing them, he said, "Go, show yourselves to the priests." As they went, they were made clean. Nang makita sila ni Hesus, sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa mga pari at magpatingin sa kanila.” At habang naglalakad pa lang sila, luminis na ang kanilang balat.
15 One of them, seeing he was healed, turned back, praising our Father loudly, Nang makita ng isa sa kanila na magaling na siya, bumalik siya kay Hesus at nagsisigaw ng papuri sa Diyos.
16 and he fell on his face at Jesus' feet, giving him thanks. Now he was a Samaritan. Lumuhod siya sa harap ni Hesus at nagpasalamat sa kanya. Isa siyang Samaritano.
17 Jesus said, "Weren't ten made clean? Where are the nine? Sinabi ni Hesus, “Hindi baʼt sampu ang pinagaling ko? Nasaan na ang siyam?
18 Was no one found to return and give glory to our Father except this foreigner?" Bakit hindi bumalik ang iba upang magpuri sa Diyos maliban sa dayuhang ito?”
19 And he said to him, "Rise and go; your faith has made you well." Sinabi niya sa lalaki, “Tumayo ka at umuwi na. Pinagaling ka ng pananampalataya mo.”
20 Asked by the Pharisees when the kingdom of our Father would come, he answered them, "The kingdom of our Father does not come with observation, Minsan, tinanong ng mga Pariseo si Hesus kung kailan magsisimula ang paghahari ng Diyos. Sumagot siya, “Walang makikitang palatandaan na nagsisimula na ang paghahari ng Diyos.
21 nor will they say, 'Look, here!' or 'There!' For the kingdom of our Father is among you." Kaya walang makapagsasabing, ‘Dito maghahari ang Diyos!’ o ‘Doon siya maghahari!’ Dahil naghahari na ang Diyos sa mga puso ninyo.”
22 He told the disciples, "Days are coming when you will long to see one of the days of the Son of Man, and you won't see it. Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad niya, “Darating ang panahon na gugustuhin ninyong makita ang Anak ng Tao kahit isang araw lang, pero hindi pa iyon mangyayari.
23 They will say to you, 'Look, there!' or 'Look, here!' Don't go, don't chase after them. May mga magsasabi sa inyo, ‘Naroon siya!’ o ‘Nandito siya!’ Huwag kayong sasáma sa kanila upang hanapin ako.
24 For as lightning flashes and lights the sky from one edge to the other, so the Son of Man will be in his day. Sapagkat ang Anak ng Tao ay babalik na tulad ng kidlat na nagliliwanag sa buong kalangitan.
25 But first he must suffer many things and be rejected by this generation. Ngunit kailangan muna niyang dumanas ng maraming hirap, at itakwil ng henerasyong ito.
26 As Noah's days were, so will the Son of Man's days be. “Kung ano ang ginagawa ng mga tao noong kapanahunan ni Noe ay ganoon din ang gagawin ng mga tao sa araw ng pagbabalik ng Anak ng Tao.
27 They ate, drank, married, and were given in marriage, until the day Noah entered the ark, and the flood came and destroyed them all. Ang mga tao nooʼy nagsisikain, nag-iinuman at nagsisipag-asawa hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko. Dumating ang baha at nalunod silang lahat.
28 It was the same in Lot's days: eating, drinking, buying, selling, planting, building, “Ganoon din noong kapanahunan ni Lot. Ang mga taoʼy nagsisikain, nag-iinuman, nagnenegosyo, nagsasaka at nagtatayo ng mga bahay,
29 but the day Lot left Sodom, fire and sulfur rained from heaven and destroyed them all, hanggang sa araw na umalis si Lot sa Sodoma. At pagkatapos, umulan ng apoy at asupre mula sa langit at namatay silang lahat.
30 so will it be on the day when the Son of Man is revealed. “Ganyan din ang mangyayari sa araw ng pagbabalik ng Anak ng Tao.
31 On that day, whoever is on the roof with goods inside must not go down for them; likewise, whoever is in the field must not turn back. Sa araw na iyon, ang nasa labas ng bahay ay hindi na dapat pumasok para kumuha ng mga ari-arian niya. Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi.
32 Remember Lot's wife. Alalahanin ninyo ang nangyari sa asawa ni Lot.
33 Whoever seeks to preserve his life will lose it, but whoever loses his life will keep it. Sapagkat ang sinumang nagsisikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang sinumang mawawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay maililigtas ito.
34 I tell you, that night two will be in one bed: one will be taken, and the other left. Sinasabi ko sa inyo, sa gabing iyon, may dalawang natutulog na magkatabi; kukunin ang isa at maiiwan ang isa.
35 There will be two women grinding together; one will be taken and the other left." Sa dalawang babaeng magkasamang naggigiling, kukunin ang isa at maiiwan ang isa. [
36 Not in this edition May dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid; kukunin ang isa at maiiwan ang isa.]”
37 They asked, "Where, Lord?" He said, "Wherever a corpse lies, the vultures will gather there." Tinanong siya ng mga alagad niya, “Saan po ito mangyayari, Panginoon?” Sumagot siya, “Kung saan may bangkay, doon nag-uumpukan ang mga buwitre.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]