Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Leviticus 16 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Our Father spoke to Moses after the death of Aaron's two sons, who died approaching our Father. Nakipag-usap ang Panginoon kay Moises matapos mamatay ang dalawang anak na lalaki ni Aaron nang silaʼy basta na lang lumapit sa kinaroroonan ng presensya ng Panginoon at naghandog,
2 Our Father told Moses: "Tell Aaron your brother not to enter the Holy Place behind the curtain, before the mercy seat on the ark, whenever he wants, or he'll die—for I appear in the cloud above the mercy seat." Sinabi ng Panginoon kay Moises: “Sabihin mo sa kapatid mong si Aaron na huwag siyang papasok sa Pinakabanal na Lugar sa kabila ng kurtina, sa anumang oras na naisin niya. Kapag ginawa niya iyon, mamamatay siya. Sapagkat doon ako nagpapakita sa anyong ulap sa itaas ng takip ng Kahon ng Kasunduan.
3 "With this Aaron may enter the Holy Place: a young bull for a sin offering, a ram for a burnt offering. “Ganito ang gagawin ni Aaron sa araw na papasok siya sa Pinakabanal na Lugar: Magdadala siya ng batang toro bilang handog para sa kasalanan at lalaking tupa bilang handog na sinusunog.
4 He must wear the holy linen tunic, linen undergarments next to his body, a linen sash tied around him, and a linen turban. These are holy garments; he is to bathe his body in water before putting them on. Kinakailangang maligo muna siya at pagkatapos, isuot niya ang kanyang damit pampari na purong lino: pang-ilalim na damit na tatakip sa kanyang kahubaran, ang kanyang sinturon, ang turban na lino, at ang kanyang panlabas na damit.
5 From Israel's community he must take two male goats for a sin offering and one ram for a burnt offering. Ang mamamayan ng Israel ay magbibigay sa kanya ng dalawang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, at isang lalaking tupa bilang handog na sinusunog.
6 Aaron will offer his own sin-offering bull, making atonement for himself and his household. “Ihahandog ni Aaron ang batang toro bilang handog para sa kasalanan para maging malinis siya at ang sambahayan niya.
7 He must take the two goats and stand them before me at the entrance to the tent of meeting. Pagkatapos, kukunin niya ang dalawang kambing at dadalhin din niya sa presensya ng Panginoon, malapit sa may pintuan ng Toldang Tipanan.
8 Aaron will cast lots over the two goats: one for me, one for Azazel. At sa pamamagitan ng palabunutan, pipiliin niya kung alin sa dalawang kambing ang para sa Panginoon at ang kambing na magdadala ng kasalanan ng mga tao.
9 Aaron is to bring the goat chosen for me by lot and offer it as a sin offering. Ang kambing na nabunot na para sa Panginoon ay ang ihahandog niya bilang handog para sa kasalanan.
10 But the goat on which the lot fell for Azazel is presented alive before me, to atone over it by sending it into the wilderness to Azazel. Ngunit ang kambing na nabunot na magdadala ng kasalanan ng mga tao ang ihahandog niyang buháy sa Panginoon at saka niya ito pakakawalan sa ilang para matubos ang mga tao sa kanilang mga kasalanan.”
11 Aaron is to present his sin offering bull, to atone for himself and his household, then slaughter his sin offering bull. “Papatayin ni Aaron ang batang toro bilang handog para sa kasalanan para sa kanyang sarili at sa sambahayan niya.
12 He is to take a censer full of burning coals from the altar before me, two handfuls of finely ground fragrant incense, and bring them inside the veil. Pagkatapos, kukuha siya ng lalagyan ng insenso at pupunuin niya ng baga galing sa altar sa presensya ng Panginoon. At kukuha rin siya ng dalawang dakot ng mabangong insenso na pinong-pino, at dadalhin niya sa loob ng Pinakabanal na Lugar.
13 He must put the incense on the fire before me, so its cloud covers the mercy seat over the testimony, and he does not die. Doon sa presensya ng Panginoon, ilalagay niya ang insenso sa apoy, at ang usok nito ay papailanlang sa palibot ng takip ng Kahon ng Kasunduan, kaya hindi siya mamamatay.
14 He must take some of the bull's blood and sprinkle it with his finger on the front of the mercy seat, eastward, then sprinkle some of the blood with his finger seven times before the mercy seat. Kukuha rin siya ng dugo ng batang toro at tatayo sa harap ng Kahon ng Kasunduan na nakaharap sa silangan. At sa pamamagitan ng mga daliri niya, iwiwisik niya ang dugo sa takip ng pitong beses.
15 Then he must slaughter the people's sin-offering goat, bring its blood inside the curtain, and do with it as with the bull's blood—sprinkling it on the mercy seat and before it. “Papatayin din niya ang kambing bilang handog para sa kasalanan para sa mga tao. Dadalhin din niya ang dugo nito sa Pinakabanal na Lugar at iwiwisik sa takip ng Kahon ng Kasunduan katulad ng kanyang ginawa sa dugo ng batang toro.
16 This is how he atones for the Holy Place because of Israel's uncleanness, their rebellions, all their sins. He does the same for the tent of meeting, which stays among them in the midst of their uncleanness. Ganito ang paraan na gagawin ni Aaron para maituring na malinis ang Pinakabanal na Lugar dahil sa karumihan ng mga Israelita at sa kanilang mga kasalanan at pagsuway. Itoʼy gagawin din ni Aaron sa lahat ng bahagi ng Tolda na nasa gitna ng maruming mga Israelita.
17 No one may be in the tent of meeting when he enters to make atonement in the Holy Place until he leaves, having atoned for himself, his household, and the whole assembly of Israel. Kailangang walang ibang tao sa loob ng Tolda sa oras na pumasok si Aaron sa loob ng Pinakabanal na Lugar upang gawin ang seremonya para matubos siya, ang sambahayan niya at ang lahat ng Israelita, hanggang sa siyaʼy lumabas.
18 He must go out to the altar before me, make atonement for it, take some of the bull's blood and some of the goat's blood, and put it on the altar's horns all around. “Pagkatapos ay lalabas siya mula sa Pinakabanal na Lugar at pupunta siya sa altar na sunugan ng handog para sa Panginoon upang linisin ito. Kukuha siya ng dugo ng baka at ng kambing na inihandog at ipapahid sa parang sungay sa mga sulok ng altar para iyon ay linisin.
19 He is to sprinkle blood on it with his finger seven times, to cleanse and dedicate it from the impurity of Israel's people. Sa pamamagitan ng kanyang mga daliri, iwiwisik niya ng pitong beses ang natirang dugo sa altar para itoʼy ihandog sa Panginoon at upang itoʼy linisin sa karumihan dahil sa kasalanan ng mga Israelita.
20 When he finishes atoning for the Holy Place, tent of meeting, and altar, he is to present the live goat. “Pagkatapos magawa ni Aaron ang paglilinis sa Pinakabanal na Lugar at sa iba pang bahagi ng Tolda pati na ang altar, dadalhin niya sa gitna ang buháy na kambing.
21 Aaron is to lay both hands on the live goat's head and confess over it all Israel's guilt, all their rebellions, all their sins, placing them on the goat's head, then send it into the wilderness by a man appointed for the task. Ipapatong niya ang dalawang kamay niya sa ulo ng kambing at ipapahayag ang lahat ng kasalanan at pagsuway ng mga Israelita. Sa ganitong paraan, malilipat ang kanilang kasalanan sa ulo ng kambing. Pagkatapos, ibibigay ni Aaron ang kambing sa taong namamahalang magpakawala nito roon sa ilang.
22 The goat will carry all their sins on itself into a cut-off land; the man will release it in the wilderness. Kaya dadalhin ng kambing ang lahat ng kasalanan ng mga Israelita doon sa ilang.
23 Aaron will enter the tent of meeting, take off the linen garments he wore entering the Holy Place, and leave them there. “Pagkatapos, papasok si Aaron sa Tolda at huhubarin niya ang kanyang damit bilang punong pari na kanyang isinuot bago siya pumasok sa Pinakabanal na Lugar at iiwan niya iyon doon.
24 He must bathe his body in water in a holy place and put on his clothes. Then he comes out, offers his burnt offering and the people's burnt offering, atoning for himself and the people. Maliligo siya sa banal na lugar doon sa Tolda at saka niya isusuot ang pangkaraniwan niyang damit. Pagkatapos, lalabas siya at ihahandog ang dalawang handog na sinusunog para mapatawad ang kanyang mga kasalanan at ang kasalanan ng mga Israelita.
25 He is to burn the fat of the sin offering on the altar. Susunugin din niya sa altar ang mga taba ng hayop na iniaalay bilang handog para sa kasalanan.
26 He who sent the goat to Azazel must wash his clothes, bathe his body in water, then he may enter the camp. “Ang taong nagpakawala ng kambing sa ilang para kay Azazel ay kinakailangang maglaba ng kanyang damit at maligo bago siya bumalik sa kampo.
27 The bull and goat of the sin offering, whose blood was brought to atone in the Holy Place, are to be taken outside the camp; their hides, flesh, and dung are to be burned in the fire. Ang mga natirang bahagi ng baka at kambing na ang dugo ay dinala sa Pinakabanal na Lugar bilang handog para sa kasalanan ay kailangang dalhin sa labas ng kampo at sunugin.
28 Whoever burns them must wash his clothes and bathe his body in water, then he may come into the camp. At ang taong magsusunog nito ay kinakailangang maglaba rin ng kanyang damit at maligo bago siya bumalik sa kampo.
29-31 This is a permanent law for you: on the tenth day of the seventh month, humble yourselves and do no work—neither the native nor the foreigner living among you. “Ito naman ang mga tuntuning dapat gawin ng mga katutubong Israelita at mga dayuhang naninirahang kasama nila. Ang tuntuning ito ay dapat ninyong sundin magpakailanman. Sa ikasampung araw ng ikapitong buwan, dapat silang mag-ayuno at huwag magtrabaho, katulad ng Araw ng Pamamahinga. Sapagkat sa araw na iyon gagawin ang seremonya ng pagtubos sa kanilang mga kasalanan para silaʼy maging malinis sa presensya ng Panginoon.
30 For on this day atonement is made for you, to cleanse you from all your sins; you will be clean before me. Not in this edition
31 It is a Sabbath of complete rest for you; humble yourselves—a lasting statute. Not in this edition
32 The priest anointed and ordained to serve in his father's place is to make atonement and put on the linen garments—the holy garments, Sa mga susunod na salinlahi, ang paring napili at inordinahan upang pumalit sa kanyang ama bilang punong pari ang siyang gagawa ng seremonyang ito. Isusuot niya ang kanyang damit bilang punong pari,
33 and make atonement for the Most Holy Place, the tent of meeting, the altar, the priests, and all the assembly's people. at gagawin niya ang seremonya ng paglilinis sa Pinakabanal na Lugar, ng iba pang bahagi ng Tolda pati na ang altar, ng mga pari, at ng mga mamamayan ng Israel.
34 This is a permanent statute for you: atone for all the Israelites' sins once a year." And it was done, as our Father commanded Moses. “Kinakailangang sundin nila ang mga tuntuning ito magpakailanman. At itoʼy gagawin nila minsan sa isang taon.” At ginawa ito ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]