1Our Father said to Moses:OASDSinabi ng Panginoon kay Moises,
2"This is the law for someone with a skin disease on the day of his cleansing: he must be brought to the priest.OASDIto ang mga tuntunin tungkol sa paglilinis ng taong gumaling sa malubhang sakit sa balat kapag sila ay iniharap sa pari:
3The priest is to go outside the camp and examine him; if his skin disease has healed,OASDLalabas ang pari sa kampo at susuriin niya ang katawan ng taong iyon. Kung gumaling na nga ito sa kanyang sakit,
4the priest must order two live clean birds, cedar wood, scarlet yarn, and hyssop taken for the one being cleansed.OASDmagpapakuha ang pari ng dalawang malinis na ibong buhay, ilang kahoy na sedro, panaling pula, at isang kumpol ng halamang isopo.
5The priest is to command that one bird be slaughtered over a clay pot of fresh water.OASDIpapapatay ng pari ang isang ibon sa ibabaw ng palayok na may tubig na galing sa isang bukal.
6He must take the live bird, the cedar wood, the scarlet yarn, and the hyssop, and dip them with the live bird in the blood of the bird slaughtered over the fresh water.OASDPagkatapos, kukuha siya ng buháy na ibon, kahoy na sedro, taling pula, at halamang isopo, at ilulubog lahat sa tubig na may dugo ng pinatay na ibon.
7He sprinkles the blood seven times on the one being cleansed of the skin disease, pronounces him clean, then releases the live bird over the open field.OASDAt ang tubig na may dugo ay iwiwisik niya ng pitong beses sa taong gumaling sa sakit sa balat, at ipapahayag niya na malinis na ang taong iyon. At pagkatapos, pakakawalan ng pari ang buháy na ibon sa bukid.
8"The one being cleansed must wash his clothes, shave off all his hair, and bathe in water—then he is clean. Afterward he may enter the camp, but stay outside his tent seven days.OASD“Ngunit bago ituring na malinis ang taong gumaling, kinakailangang labhan muna niya ang kanyang damit, magpaahit ng kanyang buhok at balahibo, at maligo. Pagkatapos nito, maaari na siyang pumasok sa kampo pero hindi pa rin siya makakatira sa loob ng kanyang tolda sa loob ng pitong araw.
9On the seventh day he must shave off all his hair—head, beard, eyebrows—shaving off all his hair. Then he must wash his clothes and bathe his body in water, and he is clean.OASDSa ikapitong araw, muli niyang ipapaahit ang kanyang buhok at balahibo, lalabhan ang kanyang damit at maliligo, at silaʼy ituturing na malinis.
10"On the eighth day he must take two male lambs without defect, a year-old ewe lamb without defect, three quarts fine flour mixed with oil for a grain offering, and a cup of oil.OASD“Sa ikawalong araw, kinakailangang magdala siya ng dalawang lalaking tupa at isang babaeng tupa na isang taóng gulang, at walang kapintasan. Magdala rin siya ng tatlong kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis ng olibo bilang handog na pagkaing butil sa Panginoon. At magdala rin siya ng isang basong langis ng olibo.
11The cleansing priest is to present the one being cleansed, with these offerings, before our Father at the tent of meeting's entrance.OASDPagkatapos, dadalhin ng pari ang tao at ang kanyang handog sa presensya ng Panginoon malapit sa pintuan ng Toldang Tipanan. Ang paring ito ang magsasabi kung malinis na siya.
12"The priest takes one male lamb and offers it as a guilt offering, with the oil, waving them as a wave offering before our Father.OASD“Kukunin ng pari ang isang lalaking tupa at ang isang basong langis ng olibo, at ihahandog niya ito bilang handog na kabayaran ng pagkakasala. Pagkatapos, itataas niya ito sa presensya Panginoon bilang handog na itinataas.
13He must slaughter the lamb where the sin offering and burnt offering are slaughtered, in the holy place—since the guilt offering, like the sin offering, belongs to the priest; it is most holy.OASDAt papatayin niya ang tupa sa banal na lugar, doon sa katayan ng mga handog para sa kasalanan at handog na sinusunog. Ang tupang ito ay napakabanal, at ito ay para sa mga pari, katulad ng handog bilang kabayaran ng pagkakasala.
14The priest is to take some blood of the guilt offering and put it on the right earlobe of the one being cleansed, on his right thumb, and on his right big toe.OASDPagkatapos, kukuha ang pari ng dugo ng tupang handog bilang kabayaran ng pagkakasala at ipapahid ito sa ibabang bahagi ng kanang tainga ng taong naghandog upang maituring siyang malinis, gayundin sa kanyang kanang hinlalaki sa kamay at paa.
15The priest is to take some of the oil and pour it into his own left palm.OASDKukuha rin ang pari ng langis ng olibo at magbubuhos sa kanyang kaliwang palad,
16He must dip his right finger in the oil in his left palm and sprinkle some with his finger seven times before our Father.OASDat ilulubog niya sa langis ng olibo ang mga daliri niya sa kanang kamay at iwiwisik ng pitong beses sa presensya ng Panginoon.
17With the oil remaining on his palm, the priest puts some on the right earlobe of the one being made clean, on his right thumb, and his right big toe, over the blood of the guilt offering.OASDAng natitirang langis ng olibo sa kanyang palad ay ipapahid niya sa taong lilinisin, sa ibabang bahagi ng kanang tainga at kanang hinlalaki ng kamay at paa kung saan ipinahid ang dugo ng handog para sa pagkakasala.
18The priest is to put the oil left in his palm on the head of the one made clean, making atonement for him before our Father.OASDAng natitira pang langis ng olibo sa palad ng pari ay ipapahid niya sa ulo ng taong lilinisin at ito ang magsisilbing kabayaran sa kasalanan ng taong iyon sa harapan ng Panginoon.
19The priest is to offer the sin offering and atone for the one made clean from his impurity; afterward he slaughters the burnt offering.OASD“Pagkatapos nito, iaalay ng pari ang handog para sa kasalanan upang maituring na malinis ang taong iyon at saka pa lang kakatayin ng pari ang handog na sinusunog.
20The priest will offer the burnt and grain offerings on the altar, atone for him, and he will be clean.OASDIhahandog niya ito sa altar pati ang handog na pagkaing butil. Ganito ang gagawin ng pari sa presensya ng Panginoon para matubos ang karumihan ng tao at pagkatapos ay maituturing na siyang malinis.
21"But if he is poor and lacks the means, he is to take one male lamb as a guilt offering, to be waved for atonement for him, with about two quarts of fine flour mixed with oil, for a grain offering, and about a cup of oil,OASD“Ngunit kung mahirap ang tao at hindi niya kayang maghandog ng mga ito, magdala siya ng isang lalaking tupa bilang handog bilang kabayaran ng pagkakasala. Itataas niya ang handog na ito sa Panginoon para matubos siya sa kanyang kasalanan. Magdadala rin siya ng dalawang kilo ng magandang klaseng harina na may halong langis ng olibo bilang handog na pagkaing butil sa Panginoon. At magdadala pa siya ng isang basong langis ng olibo.
22and two turtledoves or two young pigeons—whichever he can afford, one as a sin offering, the other as a burnt offering.OASDMagdadala rin siya ng dalawang kalapati o dalawang ibon na batu-bato, alinman ang makayanan niya sa mga ito. Ang isaʼy bilang handog para sa kasalanan at ang isa naman ay bilang handog na sinusunog.
23"On the eighth day he must bring them for his cleansing to the priest, to the entrance of the tent of meeting, before our Father.OASD“Sa ikawalong araw, ang lahat ng handog na itoʼy dadalhin niya sa may pintuan ng Toldang Tipanan upang linisin, sa harapan ng Panginoon. At ibibigay niya ito sa pari.
24The priest takes the guilt-offering lamb and the log of oil, waving them as a wave offering before our Father.OASDKukunin ng pari ang tupang ihahandog bilang kabayaran ng pagkakasala at ang isang basong langis ng olibo, at itataas niya iyon sa presensya ng Panginoon bilang handog na itinataas.
25He must slaughter the guilt offering's lamb, take some of its blood, and put it on the right ear lobe, right thumb, and right big toe of the one being cleansed.OASDPagkatapos, papatayin niya ang tupa at kukuha siya ng dugo nito at ipapahid sa ibabang bahagi ng kanang tainga ng taong nililinis at sa hinlalaki nito sa kanang kamay at paa.
26The priest is to pour some of the oil into his own left palm,OASDPagkatapos, maglalagay ang pari ng langis ng olibo sa kanyang kaliwang palad,
27and with his right finger sprinkle some oil from his left palm seven times before our Father.OASDat ilulubog niya sa langis ng olibo ang mga daliri sa kanang kamay at iwiwisik ng pitong beses sa presensya ng Panginoon.
28The priest puts oil from his palm on the right earlobe of the one being made clean, his right thumb, and right big toe, over the place of the guilt offering's blood.OASDAng ibang langis ng olibo sa kanyang palad ay ipapahid niya sa ibabang bahagi ng kanang tainga ng taong nililinis at sa hinlalaki nito sa kanang kamay at paa, doon mismo sa pinahiran ng dugo.
29The priest is to put the rest of the oil from his palm on the head of the one being cleansed, to atone for him before our Father.OASDAng natirang langis ng olibo sa palad ng pari ay ipapahid sa ulo ng taong nililinis. Ito ang gagawin ng pari upang matubos ang kasalanan ng taong iyon sa harapan ng Panginoon.
30Then he is to offer one of the turtledoves or young pigeons, whichever he can afford.OASDPagkatapos, ihahandog ng pari ang dalawang kalapati o dalawang ibon na batu-bato, depende sa kakayanan ng taong nag-aalay;
31Whichever he can afford—one as a sin offering, the other as a burnt offering, with the grain offering. The priest will make atonement before our Father for the one made clean.OASDang isaʼy handog para sa kasalanan at ang isaʼy handog na sinusunog. Ihahandog din niya ang handog na pagkaing butil. Sa pamamagitan ng gagawing ito ng pari, matutubos ang taong nililinis sa kanyang kasalanan, sa harapan ng Panginoon.”
32"This is the law for one with a skin disease who cannot afford the offerings for his cleansing."OASDIto ang mga tuntunin tungkol sa paglilinis ng taong may sakit sa balat na walang kakayanang ibigay ang nararapat na handog para sa kasalanan.
33Our Father said to Moses and Aaron:OASDSinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron
34"When you enter the land of Canaan, which I give you as a possession, and I put a spreading mildew in a house in the land you possess,OASD“Kapag nasa Canaan na kayo, sa lugar na ibibigay ko sa inyo bilang inyong lupain, at dumating ang panahon na aamagin ang inyong mga bahay sa lupaing iyon,
35the owner must come tell the priest: 'Something like a disease has appeared in my house.'OASDat mapupuna ng may-ari ng bahay na nagkakaamag ang kanyang bahay, dapat niya itong ipaalám sa pari.
36The priest must order the house emptied before he enters to examine the disease, so nothing in it is declared unclean; then he may enter to examine the house.OASDAt bago pumasok ang pari sa bahay na iyon, ipag-uutos niyang ilabas lahat ang kagamitan sa loob ng bahay, dahil baka pati iyon ay maibilang na marumi. Pagkatapos, papasok ang pari sa bahay
37He examines the disease, and if it is in the house's walls—greenish or reddish depressions that appear deeper than the surface.OASDat titingnan niya ang amag. Kapag nakita niyang ang dingding ay parang kulay berde o namumula, at parang makapal ang tagos sa dingding,
38The priest must leave the house through its doorway and shut it up seven days.OASDlalabas ang pari sa bahay na iyon at ipapasara niya ang bahay sa loob ng pitong araw.
39On the seventh day the priest returns to examine it. If the disease has spread on the house walls,OASDSa ikapitong araw, babalik ang pari at muling titingnan ang amag sa bahay. At kung iyon ay kumalat pa sa ibang bahagi ng dingding,
40he must order the diseased stones torn out and thrown outside the city, to an unclean place.OASDipapatanggal niya ang mga dingding na may amag at ipapatapon sa labas ng bayan, doon sa pinagtatapunan ng mga bagay na itinuturing na marumi.
41He must scrape the house's inside all around, and dump the scraped-off plaster outside the city in an unclean place.OASDAt ipababakbak niya ang lahat ng bahagi ng dingding sa loob ng bahay at ang lahat ng binakbak ay ipapatapon din niya sa labas ng bayan, doon sa lugar na pinagtatapunan ng mga bagay na itinuturing na marumi.
42Other stones are to replace the old ones, and new plaster is to cover the house.OASDAt ipag-uutos niya na palitan ang lahat ng bahagi ng dingding na tinanggal.
43"If the infection returns in the house after the stones are torn out, the house scraped, and plastered,OASD“Ngunit kung pagkatapos nitoʼy muling magkaamag ang bahay,
44the priest must enter and examine; if the disease has spread in the house, it is a destructive mildew in the house—it is unclean.OASDpupuntahan niyang muli ang pari at muling ipapasuri ito. Kung ang amag ay kumakalat, ituturing na marumi na naman ang bahay na iyon dahil pabalik-balik ang amag sa bahay.
45He must tear down the house—stones, timbers, and all its plaster—and haul it outside the city to an unclean place.OASDKaya dapat nang gibain ang bahay at ang mga gamit nitoʼy ipatapon sa labas ng bayan, doon sa lugar na pinagtatapunan ng mga bagay na itinuturing na marumi.
46Anyone who enters the house while it is closed is unclean until evening.OASD“Ang sinumang pumasok sa bahay na iyon na ipinasara ay ituturing na marumi hanggang sa paglubog ng araw.
47Whoever lies or eats in the house must wash his clothes.OASDAt ang sinumang kumain o matulog sa bahay na iyon ay kinakailangang maglaba ng kanyang damit.
48"If the priest comes, examines it, and the disease has not spread in the house after it was plastered, he is to declare it clean—the disease is healed.OASD“Ngunit kung sa pagsusuri ng pari ay hindi na nagkaamag ang bahay pagkatapos palitan ang mga bahagi ng dingding na may amag, ipapahayag ng pari na malinis na ang bahay dahil wala nang amag.
49To cleanse the house he is to take two birds, with cedar wood, scarlet yarn, and hyssop,OASDAt para maituring na malinis ang bahay, kinakailangan ng pari ang dalawang ibon, kahoy na sedro, pulang panali, at halamang isopo.
50and he is to slaughter one of the birds into a clay pot over fresh water.OASDPapatayin niya ang isang ibon sa ibabaw ng palayok na may tubig mula sa bukal.
51He must take the cedar wood, hyssop, scarlet yarn, and the live bird, dip them in the slaughtered bird's blood and the fresh water, and sprinkle the house seven times.OASDAt kukunin niya ang kahoy na sedro, ang pulang panali, halamang isopo, at ang buháy na ibon. At ilulubog niyang lahat ito sa tubig sa palayok na may dugo ng ibong pinatay. At ang tubig na may dugo ay iwiwisik niya ng pitong beses sa bahay.
52Then he must purify the house with the bird's blood, fresh water, the live bird, cedar wood, hyssop, and scarlet yarn.OASDKaya sa pamamagitan ng dugo ng ibon, tubig na galing sa bukal, buháy na ibon, kahoy na sedro, halamang isopo, at ng pulang panali, malilinis ng pari ang bahay.
53He is to release the live bird outside the city into the open field, make atonement for the house, and it will be clean."OASDPagkatapos, pakakawalan niya ang buháy na ibon sa labas ng bayan. Ganito ang paraan na gagawin ng pari para maalis ang karumihan sa bahay at magiging malinis na ito.
54-57This is the law for any skin disease, for an itch,OASD“Ito ang mga tuntunin tungkol sa sakit sa balat na nakakahawa at kumakati, o namamaga, o may butlig o namumuti, at tungkol sa amag ng damit at amag sa bahay. At sa pamamagitan ng mga tuntuning ito, malalaman ninyo kung alin ang malinis at marumi.”
55for mildew in a garment or a house,OASDNot in this edition
56and for a swelling, a scab, or a bright spot,OASDNot in this edition
57to teach when something is unclean and when clean. This is the law of skin disease and mildew.OASDNot in this edition