Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Isaiah 7 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 In the days of Ahaz son of Jotham, son of Uzziah, king of Judah, Rezin king of Aram and Pekah son of Remaliah king of Israel marched on Jerusalem to fight it, but could not overpower it. Noong si Ahaz na anak ni Jotam at apo ni Uzias ang hari ng Juda, sinalakay ang Jerusalem. Sinalakay ito ni Haring Rezin ng Aram at ni Haring Peka ng Israel, na anak ni Remalias. Ngunit hindi nila naagaw ang Jerusalem.
2 When the house of David heard, "Aram has joined forces with Ephraim," the hearts of Ahaz and his people shook like forest trees before the wind. Nang mabalitaan ng hari ng Juda na nagkampihan ang Aram at Israel, siya at ang mga mamamayan niya ay nanginig sa takot. Nanginig sila na parang punong niyayanig ng hangin.
3 Then our Father told Isaiah, "Go meet Ahaz, you and your son Shear-jashub, at the end of the upper pool's channel, on the road to the Launderer's Field, Sinabi ng Panginoon kay Isaias, “Isama mo ang anak mong si Sear-yasub at salubungin ninyo si Ahaz sa dulo ng daluyan ng tubig na nasa itaas ng lugar na pinag-iimbakan ng tubig, malapit sa daan papunta sa pinaglalabahan.
4 and tell him: Take care, stay calm, don't be afraid or lose heart over these two smoking stubs of firewood—over the fierce anger of Rezin, Aram, and Remaliah's son. Ito ang sasabihin mo sa kanya, ‘Humanda ka! Pumanatag ka at huwag matakot. Huwag kang kabahan dahil sa tindi ng galit nina Haring Rezin ng Aram at Haring Peka na anak ni Remalias. Ang dalawang itoʼy parang mga tuod ng puno na umuusok ngunit walang apoy.
5 Because Aram, along with Ephraim and the son of Remaliah, has plotted evil against you, saying, Nagplano sila ng masama laban sa iyo. Nagkasundo sila at sinabi,
6 'Let us march up against Judah, terrify it, split it open for ourselves, and set the son of Tabeel as king over it,' “Lusubin natin ang Juda at sakupin. Pagkatapos, paghati-hatian natin ang kanyang lupain at gawing hari roon ang anak ni Tabeel.”
7 this is what the Sovereign Father says: It will not stand, and it will not happen. Ngunit sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, “Hindi ito mangyayari o magaganap.
8 For the head of Aram is Damascus, and the head of Damascus is Rezin. Within sixty-five years Ephraim will be shattered—no longer a people. Sapagkat ang Damasco ay kabisera lamang ng Aram, at si Rezin ay sa Damasco lamang naghahari. Mawawasak ang Israel sa loob ng animnapuʼt limang taon, at hindi na ito matatawag na bansa.
9 The head of Ephraim is Samaria, and the head of Samaria is the son of Remaliah. If you do not stand firm in faith, you will not stand at all." At ang Samaria ay kabisera lamang ng Israel, at si Peka na anak ni Remalias ay sa Samaria lamang naghahari. Kung hindi matatag ang pananalig nʼyo sa Diyos, tiyak na mapapahamak kayo.” ’ ”
10 Our Father spoke to Ahaz again, saying, Muling nangusap ang Panginoon kay Ahaz,
11 "Ask your Father for a sign; make it deep as the grave or high as the heavens." “Humingi ka sa akin, ang Panginoon na iyong Diyos, ng palatandaan, magmula man ito sa kalaliman, doon sa mundo ng mga patay, o sa kaitaasan, doon sa langit.”
12 But Ahaz said, "I will not ask, and I will not put our Father to the test." Ngunit sumagot si Ahaz, “Hindi ako hihingi ng palatandaan. Hindi ko susubukin ang Panginoon.”
13 Isaiah said, "Listen, house of David! Isn't it enough that you weary people? Must you weary my Father too? Sinabi ni Isaias, “Makinig kayong mga angkan ni David. Hindi pa ba kayo nasisiyahan sa pang-iinis nʼyo sa mga tao? At ngayon, ang Diyos ko naman ang iniinis ninyo?
14 So the Sovereign Father himself will give you a sign: Look, the virgin will conceive, bear a son, and name him Immanuel. Dahil dito, ang Panginoon na mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Magbubuntis ang isang birhen, at manganganak siya ng isang sanggol na lalaki. At tatawagin niya ang bata na Immanuel.
15 He will eat curds and honey by the time he knows to reject evil and choose good. Keso at pulot ang kanyang kakainin kapag natuto na siyang tanggihan ang mali at piliin ang mabuti.
16 Before the boy knows to reject evil and choose good, the land whose two kings you dread will be abandoned. Sapagkat bago pa matuto ang batang tanggihan ang mali at piliin ang mabuti, ang lupain ng dalawang haring kinakatakutan mo ay maiiwang nakatiwangwang.
17 Our Father will bring on you, your people, and your father's house days unlike any since Ephraim broke from Judah—the king of Assyria. Ipaparanas ng Panginoon sa iyo, sa iyong bayan at pati na sa iyong angkan ang mga panahon na hindi pa ninyo nararanasan mula nang humiwalay ang Israel sa Juda. Ipapadala niya ang hari ng Asiria.”
18 In that day our Father will whistle for the fly from Egypt's distant streams and for the bee in the land of Assyria, Sa araw na iyon, sisipol ang Panginoon para sa mga taga-Ehipto at Asiria. Darating ang mga taga-Ehipto na parang mga langaw mula sa malalayong ilog ng Ehipto. Darating din ang mga taga-Asiria na parang mga bubuyog.
19 and they will all come and settle in the steep ravines and in the clefts of the rocks, on all the thornbushes and at all the watering holes. At lahat silaʼy maninirahan sa lahat ng dako: sa matatarik na bangin, sa bitak ng malalaking bato, sa mga tinikan, at sa mga pastulan.
20 In that day the Sovereign Father will shave—with a razor hired from beyond the Euphrates, the king of Assyria—the head and leg hair, and sweep the beard away too. Sa araw na iyon, gagamitin ng Panginoon ang hari ng Asiria, ang inupahan niyang galing sa kabila ng Ilog ng Eufrates. Siya ay parang pang-ahit na aahit sa inyong buhok, balahibo sa katawan, at balbas.
21 In that day a man will keep alive a young cow and two sheep, Sa panahong iyon, ang maaalagaan lamang ng bawat tao ay tig-iisang dumalagang baka at dalawang kambing,
22 and because of the abundance of milk, he will eat curds; all left in the land will eat curds and honey. na siyang pagkukunan nila ng gatas. Keso at pulot ang magiging pagkain ng lahat ng naiwan sa Juda.
23 That day, every place with 1,000 vines worth 1,000 silver pieces will become thorns and thornbushes. Sa panahon ding iyon, ang ubasan na may isang libong puno na nagkakahalaga ng isang libong pirasong pilak ay maging masukal at mapupuno matitinik na halaman.
24 People come there with arrows and bow, for all the land will be thornbushes and thorns. Mangangaso ang mga tao roon na dala ang kanilang mga pana at sibat dahil naging masukal na ito at puno ng matitinik na halaman.
25 You will not go to the hills once worked with the hoe, for fear of the thornbushes and thorns; they become pasture for cattle and trampling ground for sheep." Wala nang pupunta sa mga burol na datiʼy binubungkal para taniman, dahil takot sila sa mga dawag at matitinik na halaman. Magiging pastulan na ito kung saan ang mga baka ay pinakakawalan at ang mga tupaʼy nagtatakbuhan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]