Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Genesis 41 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 After two full years had passed, Pharaoh had a dream: he was standing beside the Nile. Pagkalipas ng dalawang taon, nanaginip ang Faraon na nakatayo siya sa pampang ng Ilog Nilo.
2 Seven cows, sleek and fat, came up from the Nile and grazed among the reeds. Sa kanyang panaginip, biglang may umahon na pitong magaganda at matatabang baka na kumakain ng damo.
3 Seven other cows, ugly and bony, came up after them from the Nile and stood beside them on the Nile's bank. Maya-maya paʼy may umahon din na pitong pangit at payat na baka, at lumapit sila sa mga naunang baka sa pampang.
4 Ugly, thin cows ate the seven fine, fat cows, and Pharaoh woke up. Kinain ng pitong pangit at payat na baka ang pitong magaganda at matatabang baka. At nagising agad ang Faraon.
5 He fell asleep again and had a second dream: seven heads of grain, plump and good, grew on one stalk. Muling siyang nakatulog at nanaginip na naman. Sa kanyang panaginip, nakakita siya ng pitong uhay na mataba ang butil na sumulpot sa isang sanga.
6 Then after them, seven heads of grain sprouted up—thin and scorched by the east wind. At sa sanga ring iyon, sumulpot ang pitong uhay na payat ang butil na natuyo dahil sa mainit na hangin na galing sa silangan.
7 The thin heads swallowed the seven plump, full heads. Then Pharaoh woke up—it had been a dream. Kinain agad ng mapapayat na uhay ang pitong matatabang uhay. At nagising agad ang Faraon. Akala niyaʼy totoo iyon ngunit panaginip lang pala.
8 In the morning his spirit was troubled; he sent and called all Egypt's magicians and all its wise men. Pharaoh told them his dreams, but none could interpret them for him. Kinaumagahan, litong-lito ang isip ng Faraon tungkol sa mga panaginip niya, kaya ipinatawag niya ang lahat ng salamangkero at matatalinong tao sa Ehipto. Sinabi niya sa kanila ang mga panaginip niya, ngunit wala ni isa man sa kanila ang makapagpaliwanag kung ano ang kahulugan nito.
9 Then the chief cupbearer said to Pharaoh, "Today I am reminded of my offenses. Pagkatapos, lumapit ang pinuno ng mga tagasilbi niya ng alak at sinabi sa Faraon, “Naalala ko na po ngayon ang aking mga pagkukulang.
10 Pharaoh was angry with his servants and put me in custody in the guard captain's house, with the chief baker. Nang nagalit po kayo noon sa akin at sa pinuno ng mga panadero, ipinakulong nʼyo po kami sa bahay ng kapitan ng mga guwardiya sa palasyo.
11 I and he each dreamed the same night, each dream with its own meaning. Isang gabi noon, nanaginip kaming dalawa, at ang may kanya kanyang kahulugan ang aming panaginip.
12 A young Hebrew, servant of the guard captain, was with us. We told him our dreams, and he interpreted each according to its own meaning. May kasama kami roon na binatang Hebreo, na alipin ng kapitan ng mga guwardiya sa palasyo. Sinabi po namin sa kanya ang panaginip namin at ipinaliwanag niya sa amin ang kahulugan nito.
13 Just as he interpreted for us, it happened: I was restored to my position, the other was hanged." Nagkatotoo ang sinabi niya tungkol sa amin: Pinabalik nʼyo po ako sa trabaho ko at ipinabitin ninyo sa puno ang bangkay ng kasama ko.”
14 Pharaoh sent for Joseph, and they rushed him from the dungeon. He shaved, changed his clothes, and came before Pharaoh. Kaya ipinatawag ng Faraon si Jose, at pinalabas siya agad sa bilangguan. Pagkatapos niyang mag-ahit at magbihis, kaagad siyang pumunta sa Faraon.
15 Pharaoh said to Joseph, "I've had a dream no one can interpret. I've heard about you that when you hear a dream, you can interpret it." Sinabi ng Faraon sa kanya, “Nanaginip ako ngunit walang makapagpaliwanag ng kahulugan nito. May nagsabi sa akin na marunong kang magpaliwanag ng kahulugan ng mga panaginip.”
16 "I can't do that on my own," Joseph replied. "Our Father will give Pharaoh a favorable answer." Sumagot si Jose, “Hindi po ako, Mahal na Hari, kundi ang Diyos ang siyang magbibigay ng kahulugan ng mga panaginip ninyo para sa ikabubuti ninyo.”
17 Then Pharaoh said to Joseph, "In my dream I was standing on the bank of the Nile. Sinabi ng Faraon ang panaginip niya kay Jose. Sinabi niya, “Nanaginip ako na nakatayo ako sa pampang ng Ilog Nilo.
18 Seven fat, sleek cows came up from the Nile and grazed among the reeds. Biglang may umahon na pitong magaganda at matatabang baka na kumakain ng damo.
19 Then seven other cows came up after them—scrawny, very ugly, thin-fleshed—the like I had never seen in all the land of Egypt. Maya-maya paʼy may umahon din na pitong pangit at payat na baka. Wala pa akong nakitang baka sa buong Ehipto na ganoon kapangit.
20 The gaunt, ugly cows ate the first seven fat cows. Kinain ng mga pangit at payat na baka ang pitong matatabang baka na unang nagsiahon.
21 Even after eating them, no one could tell, for they still looked as bad as before. Then I woke up. Ngunit pagkakain nila, hindi man lang halata na nakakain sila ng ganoon dahil ganoon pa rin sila kapapayat. At bigla akong nagising.
22 In my dream I saw seven heads of grain grow on one stalk, full and good. “Ngunit nakatulog ulit ako at nanaginip na naman. Nakakita ako ng pitong uhay na mataba ang butil na sumulpot sa isang sanga.
23 And after them sprouted seven heads of grain—withered, thin, and scorched by the east wind. At sa sanga ring iyon, sumulpot din ang pitong uhay na payat ang butil at natuyo dahil sa mainit na hangin na galing sa silangan.
24 The thin heads swallowed the seven good heads. I told the magicians, but none could explain it to me." At kinain ng mga payat na uhay ang pitong matatabang butil na uhay. Sinabi ko na ito sa mga salamangkero, ngunit wala ni isa man sa kanila ang makapagpaliwanag ng kahulugan nito.”
25 Joseph said to Pharaoh, "Pharaoh's dreams are one: our Father has revealed to Pharaoh what he's about to do. Sinabi ni Jose sa Faraon, “Mahal na Faraon, ang dalawang panaginip po ninyo ay iisa lang ang kahulugan. Sa pamamagitan ng mga panaginip ninyo, ipinapahayag sa inyo ng Diyos kung ano ang kanyang gagawin.
26 The seven good cows are seven years, and the seven good heads of grain are seven years—it is one dream. Ang pitong matatabang baka at pitong matatabang uhay ay parehong pitong taon ang kahulugan.
27 The seven thin, ugly cows that came up after them are seven years, and the seven empty heads scorched by the east wind are seven years of famine. Ang pitong payat at pangit na baka at ang pitong payat na butil na uhay na pinatigas ng mainit na hangin na galing sa silangan ay nangangahulugan po ng pitong taóng taggutom.
28 This is what I told Pharaoh: our Father has shown Pharaoh what he is about to do. “Gaya po ng sinabi ko sa inyo, Mahal na Faraon, ipinapahayag sa inyo ng Diyos kung ano po ang kanyang gagawin.
29 Seven years of great abundance are coming throughout all the land of Egypt. Sa loob po ng darating na pitong taon, magiging labis ang kasaganaan sa buong Ehipto.
30 Then seven years of famine will follow. All the plenty in Egypt will be forgotten, and famine will devour the land. Ngunit susundan po agad ito ng pitong taon na taggutom, at makakalimutan na ng mga tao ang naranasan nilang kasaganaan dahil ang taggutom ay nagdulot ng pinsala sa lupain ng Ehipto.
31 The abundance will be forgotten in the land, since the famine afterward will be so severe. Matinding taggutom po ang darating na parang walang kasaganaang naranasan.
32 Pharaoh's dream repeated twice means our Father has firmly fixed this matter, and our Father will soon carry it out. Dalawang beses po kayong nanaginip, Mahal na Faraon, upang malaman nʼyo na itinakda ng Diyos na mangyayari ito at malapit na itong mangyari.
33 So let Pharaoh find a discerning, wise man and put him over Egypt's land. “Kaya ngayon, Mahal na Faraon, iminumungkahi ko po na dapat kayong pumili ng isang taong matalino at may kakayahang upang mamahala sa lupain ng Ehipto.
34 Let Pharaoh take action and appoint overseers over the land, and take a fifth of Egypt's produce during the seven years of abundance. Maglagay din po kayo ng mga opisyal sa buong Ehipto upang ihanda ang lugar na ito sa loob ng pitong taon na kasaganaan.
35 Let them gather all the food of these good coming years, and store grain under Pharaoh's hand as food in the cities, and guard it. Sa mga panahong iyon, ipaipon nʼyo rin po sa kanila ang lahat ng makokolekta ninyo galing sa mga ani at sa ilalim ng inyong pamamahala, ipatago po ninyo sa kanila ang mga ani sa mga kamalig ng mga lungsod.
36 That food will be a reserve for the land during the seven years of famine coming on the land of Egypt, so the land won't be cut off by famine." Ang mga pagkaing ito ay ilalaan para sa mga tao kapag dumating na ang pitong taóng taggutom sa Ehipto, upang hindi sila magutom.”
37 The plan seemed good to Pharaoh and to all his servants. Nagustuhan ng Faraon at ng kanyang mga opisyal ang mungkahi ni Jose.
38 Pharaoh said to his servants, "Can we find anyone like this, a man with God's Spirit in him?" Sinabi niya sa kanyang mga opisyal, “Wala na tayong makikita pang ibang tao na kagaya ni Jose na ginagabayan ng Espiritu ng Diyos.”
39 Pharaoh said to Joseph, "Since God has shown you all this, none is as discerning and wise as you. Kaya sinabi ng Faraon kay Jose, “Sapagkat sinabi sa iyo ng Diyos ang mga bagay na ito, wala na sigurong iba pang tao na may kaalaman at pang-unawa na kagaya mo.
40 You will be over my house; all my people will obey your command. Only in the throne will I be greater than you." Gagawin kita ngayong tagapamahala ng aking kaharian at susunod sa iyo ang lahat ng aking mga tauhan. Ngunit bilang hari, mas mataas pa rin ang aking kapangyarihan kaysa sa iyo.”
41 And Pharaoh said to Joseph, "See, I have set you over all the land of Egypt." Kaya sinabi ng Faraon kay Jose, “Itinatalaga kita bilang gobernador ng buong Ehipto.”
42 Pharaoh took the signet ring from his hand and put it on Joseph's hand, dressed him in fine linen, and put a gold chain on his neck. Tinanggal agad ng Faraon ang kanyang singsing na pangtatak at isinuot sa daliri ni Jose. Pinasuotan niya si Jose ng espesyal na damit na gawa sa pinong lino at pinasuotan ng gintong kuwintas.
43 Pharaoh had Joseph ride in his own second chariot, had men call out before Joseph, "Kneel!" and set him over all Egypt's land. Ipinagamit din niya kay Jose ang kanyang pangalawang karwahe, at may mga tagapamalita na mauuna sa kanya na sumisigaw, “Lumuhod kayo sa gobernador!” Kaya simula noon, naging gobernador si Jose sa buong lupain ng Ehipto.
44 Pharaoh said to Joseph, "I am Pharaoh; without you, no one moves hand or foot in all the land of Egypt." Sinabi pa ng Faraon kay Jose, “Ako ang hari dito sa Ehipto, ngunit walang sinuman ang gagawa ng kahit ano dito nang walang pahintulot mo.”
45 Pharaoh named Joseph Zaphenath-paneah and gave him Asenath, daughter of Potiphera, priest of On, as wife. Then Joseph went out over the land of Egypt. Pinangalanan ng Faraon si Jose ng Zafenat-panea. Ipinakasal din niya kay Jose si Asenat na anak ni Potifera na pari mula sa lungsod ng On. Bilang gobernador, si Jose na ang namahala sa buong Ehipto.
46 Joseph was thirty when he stood before Pharaoh king of Egypt. He left Pharaoh's presence and traveled through all the land of Egypt. Si Jose ay tatlumpung taóng gulang pa lang nang magsimulang maglingkod sa Faraon. Umalis siya sa palasyo at umikot sa buong Ehipto.
47 During the seven years of abundance, the land produced bountifully. Tunay ngang naging masagana ang ani sa loob ng pitong taóng kasaganaan.
48 He collected all the food of the seven years in Egypt and stored it in the cities, in each city the food of the fields around it. At sa panahong iyon, ipinaipon ni Jose ang lahat ng nakolekta galing sa mga ani. Ipinatago niya sa bawat lungsod ang mga ani na galing sa bukid sa palibot nito.
49 Joseph stored grain like the sand of the sea—so much he stopped counting; it was uncountable. Napakarami ng trigong naipon ni Jose; parang kasindami ng buhangin sa tabing-dagat. Itinigil na lang niya ang pagtatakal nito dahil hindi na ito makayanang takalin.
50 Before the famine years, Joseph fathered two sons with Asenath, daughter of Potiphera, priest of On. Bago dumating ang taggutom, ipinanganak ang dalawang anak ni Jose kay Asenat na anak ni Potifera na pari ng lungsod ng On.
51 Joseph named the firstborn Manasseh: "Because our Father made me forget all my hardship and all my father's house." Pinangalanan ni Jose ang panganay na Manases dahil ayon sa kanya, “Dahil sa tulong ng Diyos, nakalimutan ko ang mga paghihirap ko at ang aking pananabik sa sambahayan ng aking ama.”
52 He named the second Ephraim: "For our Father has made me fruitful in the land of my suffering." Pinangalanan niya ang pangalawa niyang anak na Efraim. Sapagkat ayon sa kanya, “Dahil sa tulong ng Diyos, naging masagana ako sa lugar kung saan nakaranas ako ng mga paghihirap.”
53 The seven years of abundance in the land of Egypt came to an end. Natapos na ang pitong taóng kasaganaan sa Ehipto,
54 The seven years of famine began, just as Joseph had said. Famine struck every land, but in all the land of Egypt there was bread. at nagsimula na ang pitong taóng taggutom katulad ng sinabi ni Jose. May taggutom sa ibaʼt ibang lugar ngunit may pagkain sa buong Ehipto.
55 When famine struck all Egypt, the people cried to Pharaoh for bread. Pharaoh told all the Egyptians, "Go to Joseph; do whatever he tells you." Dumating ang panahon na naramdaman din ng mga taga-Ehipto ang taggutom, kaya humingi sila ng pagkain sa Faraon. Sinabi ng hari sa kanila, “Pumunta kayo kay Jose dahil siya ang magsasabi sa inyo kung ano ang gagawin ninyo.”
56 As the famine spread across the land, Joseph opened all the storehouses and sold grain to the Egyptians, since the famine was severe in Egypt. Nang lumaganap na ang taggutom sa buong bansa, pinabuksan ni Jose ang lahat ng kamalig at pinagbilhan ng pagkain ang mga taga-Ehipto, sapagkat matindi ang taggutom sa buong Ehipto.
57 All the earth came to Egypt to buy grain from Joseph, for the famine gripped all the earth. Pumunta rin sa Ehipto ang halos lahat ng bansa upang bumili ng pagkain kay Jose dahil matindi ang taggutom sa lahat ng dako.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]