Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Exodus 39 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 From the blue, purple, and scarlet yarn they made finely woven garments for serving in the holy place; they made the holy garments for Aaron, as our Father commanded Moses. Tumahi rin sina Bezalel ng banal na mga damit para sa mga pari na gagamitin nila kung silaʼy maninilbihan sa Banal na Lugar. Ang telang ginamit nila ay lanang kulay asul, ube at pula. Ito rin ang telang ginamit nila sa pagtahi ng damit ni Aaron ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
2 He made the ephod of gold, of blue, purple, and scarlet yarn, and of finely woven linen. Nagtahi rin sila ng efod ng mga pari. Ang telang ginamit nila ay hinabing pinong lino na binurdahan gamit ang lanang kulay asul, ube at pula.
3 They hammered gold into sheets, cut it into threads, and worked them into the blue, purple, and scarlet yarn and fine linen—the work of a skilled designer. Gumawa sila ng sinulid na ginto sa pamamagitan ng pagpanday sa ginto at paghahati-hati rito nang manipis. Pagkatapos, ibinurda nila ito sa pinong lino, kasama ng lanang kulay asul, ube at pula. Napakaganda ng pagkakaburda nito.
4 They made shoulder pieces for it, joined together at its two edges. May dalawang parte ang damit na ito, sa likod at harap, at pinagdudugtong ito ng dalawang tirante sa may balikat.
5 The ephod's woven band was one piece with it, made the same way: gold, blue, purple, and scarlet yarn, and finely twisted linen, as our Father commanded Moses. Ang sinturon nito ay gawa sa hinabing pinong lino na binurdahan ng gintong sinulid at lanang kulay asul, ube at pula. Ginawa nila itong lahat ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
6 They made the onyx stones, mounted in gold filigree settings, engraved like seal engravings, with the names of Israel's sons. Ikinabit nila ang mga batong onise sa balangkas na ginto. Inukitan nila ito ng pangalan ng mga anak ni Jacob gaya ng pagkakaukit sa pantatak.
7 He put them on the ephod's shoulder pieces as memorial stones for Israel's sons, as our Father had commanded Moses. Ikinabit nila ito sa mga tirante ng efod bilang mga alaalang bato para sa lahi ng Israel. Ginawa nila itong lahat ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
8 He made the breastpiece—skilled work like the ephod's—of gold, blue, purple, scarlet yarn, and finely twisted linen. Gumawa rin sila ng pektoral at napakaganda ng pagkakagawa nito. Ang tela nitoʼy katulad din ng tela ng efod: hinabing pinong lino na binurdahan gamit ang gintong sinulid, lanang kulay asul, ube at pula.
9 Square and doubled, they made the breastpiece—about nine inches long and nine inches wide, doubled. Ang bulsa na nasa dibdib ay nakatupi ng doble at parisukat – siyam na pulgada ang haba at siyam na pulgada rin ang lapad.
10 They set in it four rows of stones. The first row was carnelian, topaz, and emerald; Inilagay nila rito ang apat na hanay ng mamahaling mga bato. Sa unang hanay nakalagay ang rubi, topaz, at beril;
11 the second row, turquoise, sapphire, and emerald; sa ikalawang hanay, esmeralda, safiro at turkois;
12 the third row, jacinth, agate, and amethyst; sa ikatlong hanay, hasinto, agata at ametista;
13 the fourth row, beryl, onyx, and jasper. They were enclosed in gold filigree settings. at sa ikaapat na hanay, krisolito, onise at haspe. Inilagay nila ito sa balangkas na ginto.
14 Twelve stones, one per name of Israel's sons, each engraved like a seal with its own name, for the twelve tribes. Ang bawat bato ay may pangalan ng isa sa mga anak ni Jacob bilang kinatawan sa labindalawang lahi ng Israel. Ang pagkakaukit ng pangalan ay gaya ng pagkakaukit sa pantatak.
15 For the breastpiece they made braided chains of pure gold, like cords. Nilagyan nila ng mala-kuwintas na tali na purong ginto ang pektoral.
16 They made two gold filigree settings and two gold rings, fastening the two rings to the breastpiece's two ends. Gumawa rin sila ng dalawang balangkas na ginto at dalawang parang singsing na ginto sa ibabaw ng mga sulok ng pektoral.
17 They fastened the two gold cords to the two rings at the ends of the breastpiece. Isinuot nila ang dalawang mala-kuwintas na taling ginto sa dalawang parang singsing sa mga sulok ng pektoral,
18 They put the two ends of the two cords on the two filigree settings, and put them on the ephod's shoulder pieces, at its front. at ang dalawang dulo naman ng mala-kuwintas na tali ay isinuot sa dalawang balangkas na ginto na nakakabit sa tirante ng efod.
19 They made two gold rings and put them on the breastpiece's two ends, on its inner edge facing the ephod. Gumawa rin sila ng dalawa pang parang mga singsing na ginto at isinuot ito sa ilalim ng mga gilid ng pektoral na nakapatong sa efod.
20 They made two gold rings and put them on the two shoulder pieces of the ephod, low on the front, near the seam above its woven band. Gumawa pa rin sila ng dalawa pang parang singsing na ginto at ikabit nila ito sa efod sa may bandang sinturon.
21 They fastened the breastpiece's rings to the ephod's rings with a blue cord, so it would rest on the ephod's woven band and not come loose from the ephod, as our Father commanded Moses. Pagkatapos, tinahi nila ng asul na panali ang ilalim ng mga parang singsing sa pektoral at ang mga parang singsing sa efod. Sa pamamagitan nito, mapapagdugtong nang maayos ang mga parang singsing sa pektoral at sa efod, sa itaas ng sinturon. Ginawa nila itong lahat ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
22 Bezalel made the robe of the ephod entirely of blue, the work of a weaver. Ginawa nila ang balabal ng efod gamit ang hinabing lana na purong asul,
23 Its opening was in the center, like a collar's opening, with a woven binding around it so it wouldn't tear. at may butas sa gitna para sa ulo. Hinabi ang palibot ng butas na ito na parang kuwelyo upang hindi ito mapunit.
24 They made pomegranates of blue, purple, and scarlet yarn and twisted linen on the robe's hem. Nilagyan nila ang palibot ng laylayan ng damit ng mga palamuting korteng prutas na pomegranata, na gawa sa hinabing pinong lino na binurdahan gamit ang lanang kulay asul, ube at pula.
25 They made pure gold bells and set them between the pomegranates on the robe's hem, all around between the pomegranates. Gumawa rin sila ng mga kampanilya na purong ginto at inilagay ang mga ito sa laylayan ng damit sa pagitan ng mga palamuting parang prutas na pomegranata.
26 Bell and pomegranate, bell and pomegranate, around the robe's hem for serving, as our Father commanded Moses. Magkasalit ang mga kampanilyang ginto at ang mga palamuting pomegranata sa palibot ng laylayan ng balabal at itoʼy isusuot ng pari kapag naglilingkod siya. Ginawa nila itong lahat ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
27 For Aaron and his sons they made the tunics of fine linen, the work of a weaver, Gumawa rin sila ng panloob na mga damit para kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki. Hinabing pinong lino ang tela na kanilang ginamit.
28 the fine-linen turban, the beautiful fine-linen caps, and linen undergarments of finely twisted linen. Ganito rin ang telang ginamit nila sa paggawa ng mga turban, mga panali sa ulo at panloob na mga damit.
29 The sash: finely woven linen, blue, purple, and scarlet yarn, embroidered work, as our Father commanded Moses. Ang mga sinturon ay gawa rin sa hinabing pinong lino na binurdahan gamit ang lanang kulay asul, ube at pula. At napakaganda ng pagkakaburda nito. Ginawa nila itong lahat ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
30 They made the holy crown's plate from pure gold, engraved like a seal: "Holy to our Father." Gumawa sila ng palamuting purong ginto at iniukit nila ang mga salitang ito, katulad ng pagkakaukit sa pantatak: Ibinukod para sa Panginoon.
31 They tied a blue cord to it, fastening it on the turban above, as our Father commanded Moses. Itinali nila ito sa harap ng turban sa pamamagitan ng asul na panali. Ginawa nila itong lahat ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
32 All the work of the tabernacle, the tent of meeting, was finished. Israelites did everything our Father commanded Moses—so they did. Natapos ang lahat ng gawain sa Tabernakulo na tinatawag ding Toldang Tipanan. Ginawa ng mga Israelita ang lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
33 They brought Moses the tabernacle: the tent, all its furnishings, clasps, frames, crossbars, posts, and bases; Ipinakita nila kay Moises ang Tabernakulo at ang lahat ng kagamitan nito: ang mga kawit, balangkas, biga, haligi, patungan,
34 the covering of red-dyed ram skins, the covering of fine leather, and the screening curtain, ang pantaklob na gawa sa balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, ang pantaklob na gawa sa magandang klase ng balat, ang mga kurtina;
35 the ark of the testimony with its poles and the mercy seat; ang Kahon ng Kasunduan, ang takip nito at pambuhat;
36 the table with all its utensils and the bread of the Presence; ang mesa at ang lahat ng kagamitan nito, ang tinapay na inihahandog sa presensya ng Diyos;
37 the pure gold lampstand, its arranged lamps, all its utensils, and oil for the light; ang ilawang purong ginto at ang mga ilaw at kagamitan nito, ang langis para sa ilaw;
38 the gold altar, anointing oil, fragrant incense, and the tent entrance screen; ang altar na ginto, ang langis na pamahid, ang mabangong insenso, ang kurtina sa pintuan ng Tolda;
39 the bronze altar with its bronze grate, poles, and all its utensils, the basin and its stand; ang altar na tanso at ang parilyang tanso, ang pambuhat at ang lahat ng kagamitan nito, ang planggana at ang patungan nito;
40 the courtyard's curtains, posts, and bases, the courtyard entrance screen, ropes, pegs, and all the equipment for the tabernacle's service, the tent of meeting; ang mga kurtina ng bakuran at ang mga haligi at mga patungan nito, ang kurtina sa pintuan ng bakuran, ang mga panali at mga tulos para sa kurtina ng bakuran, ang lahat ng kagamitan sa Tabernakulo na tinatawag ding Toldang Tipanan;
41 and the finely woven garments for serving in the holy place, the holy garments for Aaron the priest, and his sons' garments for priestly service. at ang banal na mga damit na isusuot ni Aaron at ng mga anak niya kapag naglilingkod na sila bilang mga pari sa Tolda.
42 The people of Israel had done all the work just as our Father had commanded Moses. Ginawa ng mga Israelita ang lahat ng gawain ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
43 Moses inspected all the work: they had done it as our Father commanded—so they had done it. Moses blessed them. Tiningnan ni Moises ang trabaho nila, at nakita niya na ginawa nilang lahat iyon ayon sa iniutos ng Panginoon. Kaya binasbasan sila ni Moises.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]