Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Amos 7 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 This is what the Sovereign Father showed me: he was forming a swarm of locusts as the late crop began to sprout—the late crop after the king's mowings. Ito ang ipinakita sa akin ng Makapangyarihang Panginoon: Nakita kong nagtipon siya ng napakaraming balang. Nangyari ito matapos maibigay sa hari ang kanyang parte mula sa unang ani sa bukid. At nang magsisimula na ang pangalawang ani,
2 When they finished eating the land's plants, I said, "Sovereign Father, please forgive! How can Jacob stand? He is so small!" nakita kong kinain ng mga balang ang lahat ng tanim at walang natira. Kaya sinabi ko, “Makapangyarihang Panginoon, nakikiusap po ako na patawarin nʼyo na ang mga lahi ni Jacob. Paano sila mabubuhay kung parurusahan nʼyo sila? Mahina po sila at walang kakayahan.”
3 Our Father relented concerning this. "It will not happen," said our Father. Kaya nagbago ang isip ng Panginoon. At kanyang sinabi, “Hindi na mangyayari ang nakita mo.”
4 This is what the Sovereign Father showed me: the Sovereign Father called for judgment by fire; it devoured the great deep and was consuming the land. May ipinakita pa ang Makapangyarihang Panginoon sa akin: Nakita kong naghahanda siya upang parusahan ang kanyang mga mamamayan sa pamamagitan ng apoy. Pinatuyo ng apoy ang pinanggagalingan ng tubig sa ilalim ng lupa, at sinunog ang lahat ng nandoon sa lupain ng Israel.
5 Then I said, "Sovereign Father, please stop! How can Jacob stand? He is so small!" Kaya sinabi ko, “Makapangyarihang Panginoon, nakikiusap po ako sa inyo na huwag nʼyong gawin iyan. Paano mabubuhay ang mga lahi ni Jacob kung gagawin nʼyo po iyan? Mahina po sila at walang kakayahan.”
6 Our Father relented concerning this. "This also will not happen," said the Sovereign Father. Kaya nagbago ang isip ng Makapangyarihang Panginoon. At sinabi niya, “Hindi na mangyayari ang nakita mo.”
7 This is what he showed me: the Sovereign Father stood by a wall built straight, a plumb line in his hand. Ito pa ang ipinakita sa akin ng Makapangyarihang Panginoon: Nakita ko ang Panginoon na nakatayo malapit sa pader at may hawak na panghulog na ginagamit para malaman kung tuwid ang pagkagawa ng pader.
8 And our Father said to me, "What do you see, Amos?" I said, "A plumb line." Then the Sovereign Father said, "Look, I am setting a plumb line among my people Israel; I will never again pass them by." Tinanong ako ng Panginoon, “Amos, ano ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Panghulog po.” Sinabi niya sa akin, “Batay sa aking panukat, hindi matuwid ang buhay ng mga mamamayan kong Israelita. Kaya ngayon hindi ko na sila kaaawaan.
9 "The hilltop shrines of Isaac will be laid waste, and the sanctuaries of Israel will be ruined, and I will rise against the house of Jeroboam with the sword." Gigibain ko ang mga sambahan ng lahi ni Isaac sa matataas na lugar; wawasakin ko ang mga santuwaryo ng mga Israelita. At gamit ang aking tabak, lalabanan ko ang sambahayan ni Haring Jeroboam.”
10 Amaziah, priest of Bethel, sent word to Jeroboam king of Israel: "Amos has conspired against you within the house of Israel. The land cannot bear all his words. Si Amazia na pari sa Betel ay nagpadala ng mensahe kay Haring Jeroboam ng Israel. Sinabi niya: “May binabalak na masama si Amos laban sa iyo rito mismo sa Israel. Hindi na matiis ng mga tao ang kanyang mga sinasabi.
11 This is what Amos said: 'Jeroboam will die by the sword, and Israel will surely go into exile, away from its land.'" Sinasabi niya, ‘Mamamatay si Jeroboam sa labanan, at tiyak na bibihagin ang mga taga-Israel at dadalhin sa ibang bansa.’ ”
12 Amaziah said to Amos, "Go, seer! Run to Judah. Earn your bread there, prophesy there. Sinabi ni Amazia kay Amos, “Ikaw na propeta, umalis ka rito at bumalik sa Juda. Doon mo gawin ang iyong hanapbuhay bilang propeta.
13 But never prophesy again at Bethel, for it is the king's sanctuary, a royal temple." Huwag ka nang magpahayag ng mensahe ng Diyos dito sa Betel, sapagkat nandito ang templong sinasambahan ng hari, ang templo ng kanyang kaharian.”
14 Amos answered Amaziah, "I was no prophet or prophet's son, but a herdsman and a grower of sycamore figs. Sumagot si Amos kay Amazia, “Hindi ako propeta noon at hindi rin ako tagasunod ng isang propeta. Pastol ako ng tupa at nag-aalaga rin ng mga punongkahoy ng sikomoro.
15 But our Father took me from following the flock, and our Father told me, 'Go, prophesy to my people Israel.' Ngunit sinabi sa akin ng Panginoon na iwan ko ang aking trabaho bilang pastol ng kawan at ipahayag ko ang kanyang mensahe sa inyo na mga taga-Israel na kanyang mamamayan.
16-17 Now hear the word of our Father. You say, 'Do not prophesy against Israel, do not preach against the house of Isaac.' Ngayon, ikaw na nagbabawal sa akin na sabihin ang mensahe ng Diyos sa mga taga-Israel na lahi ni Isaac, pakinggan mo ang sinasabi ng Panginoon laban sa iyo: ‘Ang iyong asawa ay magiging babaeng bayaran sa lungsod at ang iyong mga anak ay mamamatay sa digmaan. Ang iyong lupain ay susukatin at paghahati-hatian ng iyong mga kaaway, at mamamatay ka sa ibang bansa. At tiyak na bibihagin ang mga taga-Israel at dadalhin sa ibang bansa.’ ”
17 So our Father says: 'Your wife will become a prostitute in the city, your sons and daughters will fall by the sword, your land will be divided by a measuring line, and you yourself will die in an unclean land. Israel will surely go into exile, away from its own land.'" Not in this edition
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]