Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Samuel 7 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 When the king had settled in his house, and our Father had given him rest from all his surrounding enemies, Noong nakatira na si Haring David sa kanyang palasyo, binigyan ng kapayapaan ng Panginoon ang kaharian niya; hindi siya sinasalakay ng mga kalaban niya.
2 the king told Nathan the prophet, "Look now, I live in a house of cedar, but our Father's ark stays in a tent." Isang araw, sinabi ni David kay Propeta Natan, “Tingnan mo, nakatira ako sa magandang palasyo na gawa sa kahoy na sedro, pero ang Kahon ng Diyos ay nasa tolda lang.”
3 Nathan told the king, "Go, do all that's in your heart, for our Father is with you." Sumagot si Natan sa hari, “Gawin mo ang gusto mong gawin dahil ang Panginoon ay sumasaiyo.”
4 But that same night the word of our Father came to Nathan: Pero nang gabi ring iyon, sinabi ng Panginoon kay Natan,
5 "Go tell my servant David: This is what your Father says: 'Are you the one to build me a house to live in? “Lumakad ka, at sabihin mo sa lingkod kong si David, ‘Ito ang sinabi ng Panginoon: Ikaw ba ang magpapatayo ng bahay na titirhan ko?
6 I have not lived in a house since I brought Israel up from Egypt until now, but have moved from place to place with a tent for my dwelling.' Mula nang ilabas ko ang mga Israelita sa Ehipto, hindi pa ako tumitira sa isang permanenteng tahanan kundi sa tolda lamang na palipat-lipat.
7 Wherever I moved with all Israel, did I ever say a word to any leader I commanded to shepherd my people, 'Why haven't you built me a house of cedar?' Sa paglipat-lipat ko kasama ang lahat ng mamamayan kong Israelita, kailanmaʼy hindi ako nagreklamo sa mga pinuno nila na kumbagaʼy pastol nila. Hindi ko sila tinanong kung bakit hindi nila ako ipinagtatayo ng bahay na gawa sa sedro.’
8 Now tell my servant David: This is what the Father of heaven's armies says: 'I took you from the pasture, from following the flock, to rule my people Israel. “Sabihin mo pa kay David na ako, ang Panginoon ng mga Hukbo ay nagsasabi, ‘Tagapagbantay ka noon ng mga tupa, pero pinili kita para mamuno sa mga mamamayan kong Israelita.
9 I was with you wherever you went, and cut off all your enemies before you. I will make your name great, like the greatest on earth. Sinasamahan kita kahit saan ka magpunta, at nilipol ko ang lahat ng mga kalaban mo. Ngayon, gagawin kitang tanyag katulad ng ibang mga tanyag na tao sa mundo.
10 I will provide a place for my people Israel and plant them there to live undisturbed in their own place. Violent men will no longer oppress them as before, Binigyan ko ng sariling lupain ang mga mamamayan kong Israelita, para may sarili silang tirahan at wala nang gagambala sa kanila. Hindi na sila aapihin ng masasamang tao gaya nang dati,
11 from when I appointed judges over my people Israel. I will give you rest from all your enemies. Your Father also declares to you that he himself will make you a house. mula nang maglagay ako ng mga pinuno sa mga mamamayan kong Israelita. Magiging payapa ang paghahari mo at wala nang kalaban na sasalakay sa iyo. “ ‘Ako, ang Panginoon, ay nagsasabi sa iyo na hindi mawawalan ng maghahari galing sa angkan mo.
12 When your days end and you rest with your ancestors, I will raise up your offspring after you, who comes from your own body, and I will establish his kingdom. Kapag namatay ka na at inilibing kasama ng iyong mga ninuno, ipapalit ko sa iyo ang isa sa mga anak mo, at patatatagin ko ang kaharian niya.
13 He will build a house for my name, and I will establish his kingdom's throne forever. Siya ang magpapatayo ng bahay para sa karangalan ng aking pangalan, at titiyakin ko na ang kanyang angkan ang maghahari magpakailanman.
14 I will be his Father, and he will be my son. When he sins, I will discipline him with a human rod, with blows human hands deal, Kikilalanin niya akong ama at kikilalanin ko siyang anak. Kung magkakasala siya, didisiplinahin ko siya gaya ng pagdidisiplina ng isang ama sa kanyang anak.
15 but my covenant love will not leave him, as I removed it from Saul, whom I removed from before you. Pero hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kanya hindi gaya ng ginawa ko kay Saul na pinalitan mo bilang hari.
16 Your house and your kingdom will endure forever before me; your throne will be established forever.'" Magpapatuloy ang paghahari mo magpakailanman, ganoon din ang paghahari ng iyong angkan.’ ”
17 Nathan reported to David all these words and this entire vision. Isinalaysay ni Natan kay David ang lahat ng ipinahayag ng Diyos sa kanya.
18 Then King David went in and sat before our Father, and said: "Who am I, Sovereign Father, and what is my house, that you brought me this far? Pagkatapos, pumasok si Haring David sa tolda kung saan naroon ang Kahon ng Kasunduan. Umupo siya roon sa presensya ng Panginoon, at nanalangin, “O Makapangyarihang Panginoon, sino po ako at ang pamilya ko para pagpalain nʼyo nang ganito?
19 As if this were a small thing in your eyes, Sovereign Father, you have also spoken of your servant's house far into the future. Is this your way with all humanity, Sovereign Father? At ngayon, Makapangyarihang Panginoon, may pangako rin kayo tungkol sa kinabukasan ng angkan ko. Ganito po ba talaga kayo makitungo sa tao?
20 What more can David say to you? For you know your servant, O Sovereign Father. “Ano pa po ba ang masasabi ko sa inyo, Makapangyarihang Panginoon? Sapagkat nakikilala nʼyo kung sino talaga ako na inyong lingkod.
21 For your word's sake and your own heart, you have done all this greatness, making it known to your servant. Ayon sa pangako nʼyo at kalooban, ginawa nʼyo po ang mga dakilang bagay na ito at inihayag nʼyo sa akin na inyong lingkod.
22 So you are great, Sovereign Father. There is none like you, and no God but you, from all we have heard with our own ears. “Tunay na napakadakila ninyo, Makapangyarihang Panginoon. Wala po kayong katulad. Walang ibang Diyos maliban sa inyo at wala rin kaming ibang alam na diyos na gaya ninyo.
23 Who is like your people Israel, the one nation on earth our Father went out to redeem as a people for himself, making a name for himself, doing for you great and awesome things—driving out nations and their gods before your people, whom you redeemed for yourself from Egypt? At wala ring katulad ang inyong mga mamamayang Israelita. Ito lamang ang bansa sa mundo na inyong pinalaya mula sa pagkaalipin para maging mga mamamayan ninyo. Naging tanyag ang pangalan nʼyo dahil sa dakila at kamangha-manghang ginawa ninyo. Itinaboy nʼyo ang mga bansa at ang mga diyos nila sa pamamagitan ng mga mamamayan nʼyo nang inilabas nʼyo sila sa Ehipto.
24 You made your people Israel your own forever, and you, our Father, became their Father. Itinatag nʼyo ang Israel bilang sarili nʼyong mga mamamayan magpakailanman, at kayo Panginoon, ang kanilang naging Diyos.
25-26 And now, our Father, keep forever the word you spoke about your servant and his house, and do as you promised.' “At ngayon, Panginoong Diyos, tuparin po ninyo ang ipinangako nʼyo sa akin na inyong lingkod at sa angkan ko, para maging tanyag kayo magpakailanman. At sasabihin ng mga tao, ‘Ang Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel!’ At ang sambahayan ko ay patuloy na maglilingkod sa inyo magpakailanman.
26 Your name will be great forever, and people will say, 'The Father of heaven's armies is God over Israel.' The house of your servant David will stand firm before you. Not in this edition
27 For you, Father of heaven's armies, God of Israel, revealed this to your servant: 'I will build you a house.' So your servant found courage to pray this prayer to you. “Panginoon ng mga Hukbo, Diyos ng Israel, malakas po ang loob ko na manalangin sa inyo nang ganito dahil ipinahayag nʼyo sa akin na inyong lingkod, na patuloy na manggagaling sa aking angkan ang magiging hari ng Israel.
28 And now, Sovereign Father, you are God, your words are true, and you promised this good thing to your servant. Makapangyarihang Panginoon, tunay ngang kayo ang Diyos! Ipinangako nʼyo sa akin na inyong lingkod ang mabubuting bagay na ito, at tapat kayo sa mga pangako ninyo.
29 So now, please bless your servant's house, that it may last forever before you. For you, Sovereign Father, have spoken, and with your blessing your servant's house will be blessed forever." Nawa poʼy ikalugod nʼyo na pagpalain ang sambahayan ko para magpatuloy silang manahan sa inyong presensya magpakailanman, dahil ito po ang ipinangako ninyo, O Makapangyarihang Panginoon. At sa pagpapala ninyong ito, pinagpala ang aking angkan, magpakailanman.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]