Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 9 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Hearing Solomon's fame, the queen of Sheba came to Jerusalem to test him with hard questions—a huge retinue, camels bearing spices, much gold, precious stones. Reaching Solomon, she told him all on her mind. Nang mabalitaan ng reyna ng Sheba ang katanyagan ni Solomon, pumunta siya sa Jerusalem upang subukin ang karunungan ni Solomon sa pamamagitan ng mahihirap na katanungan. Dumating siya sa kasama ang marami niyang tauhan, at may dala siyang mga kamelyo na kargado ng mga pampalasa, napakaraming ginto at mamahaling mga bato. Nang makita niya si Solomon, itinanong niya rito ang lahat ng nasa kanyang isipan.
2 Solomon answered all her questions; nothing was too hard for him to explain to her. Sinagot ni Solomon ang lahat niyang mga katanungan at walang anumang bagay ang hindi niya naipaliwanag sa kanya.
3 When the queen of Sheba had seen the wisdom of Solomon, and the palace he had built, Nang mapatunayan ng reyna ng Sheba ang karunungan ni Solomon, at nang makita niya ang ganda ng palasyo na kanyang ipinatayo,
4 the food on his table, his officials seated, his servants attending, their clothing, his cupbearers and theirs, and the burnt offerings at the house of our Father—it took her breath away. lubos siyang namangha. Ganoon din nang makita niya ang pagkain sa mesa ng hari, ang pamamahala ng kanyang mga opisyal, ang paglilingkod ng kanyang mga alipin at mga tagasilbi ng kanyang alak na may magagandang uniporme, at ang mga handog na sinusunog na kanyang inihandog sa Templo ng Panginoon.
5 She told the king, "The report I heard in my own land about your words and your wisdom was true. Sinabi niya sa hari, “Totoo nga ang nabalitaan ko sa aking bansa tungkol sa inyong mga gawa at karunungan.
6 I didn't believe the reports until I came and saw for myself. Not half the greatness of your wisdom was told me; you surpass the report I heard. Hindi ako naniwala hanggang sa pumunta ako rito at nakita ko mismo. Ang totoo, wala sa kalahati ng nabalitaan ko tungkol sa inyo ang nakita ko. Ang karunungan ninyo ay higit pa kaysa sa nabalitaan ko.
7 How happy your people! How happy these servants who stand before you always, hearing your wisdom! Napakapalad ng mga tauhan ninyo! Napakapalad ng inyong mga opisyal na naglilingkod sa inyo dahil palagi nilang naririnig ang inyong karunungan.
8 Blessed be the LORD your God, who delighted in you and set you on his throne as king for the LORD your God! Because your God loved Israel, establishing them forever, he made you king to do justice and righteousness." Purihin ang Panginoon na inyong Diyos na nalugod sa inyo at naglagay sa inyo sa trono upang maghari para sa kanya. Dahil sa pag-ibig ng inyong Diyos sa Israel at sa kagustuhan niyang manatili ang bansang ito magpakailanman, ginawa niya kayong hari nito, upang mamahala na may katarungan at katuwiran.”
9 She gave the king about 9,000 pounds of gold, great quantities of spices, and precious stones. No spice ever matched what the queen of Sheba gave King Solomon. Binigyan niya ang hari ng limang toneladang ginto, maraming pampalasa at mamahaling mga bato. Hindi mapapantayan ang dami ng sangkap na ibinigay ng reyna ng Sheba kay Haring Solomon.
10 Huram's and Solomon's servants, who brought gold from Ophir, also brought sandalwood and precious stones. May dala rin kay Haring Solomon ang mga tauhan niya at ang mga tauhan ni Hiram na mga ginto, maraming kahoy na almug, at mamahaling mga bato galing sa Ofir.
11 From the sandalwood the king made steps for our Father's house and his palace, and lyres and harps for the singers—none like them ever seen in Judah. Ginamit ng hari ang mga kahoy na almug upang gawing hagdanan sa Templo ng Panginoon at sa palasyo, at ang ibaʼy ginawang mga alpa at mga lira para sa mga musikero. Wala pang sinuman ang nakakita ng mga ganoong bagay sa Juda.
12 King Solomon gave the queen of Sheba all she desired, whatever she asked, more than she had brought him. Then she returned to her own land with her servants. Ibinigay ni Haring Solomon sa reyna ng Sheba ang anumang hiningi niya. Mas sobra pa ang ibinigay ni Solomon sa kanya kaysa sa dinala niya. Pagkatapos, umuwi na ang reyna kasama ng mga tauhan niya.
13 The weight of gold that came to Solomon in a single year was about twenty-five tons, Taon-taon tumatanggap si Solomon ng mga dalawampuʼt tatlong toneladang ginto,
14 besides what traders and merchants brought; all the kings of Arabia and governors of the land brought gold and silver to Solomon. bukod pa rito ang mga buwis na dala ng mga negosyante. Nagbibigay din sa kanya ng mga ginto at pilak ang lahat ng hari ng Arabia at ang mga gobernador ng Israel.
15 King Solomon made 200 large shields of hammered gold, each with about fifteen pounds of gold. Nagpagawa si Haring Solomon ng dalawandaang malalaking pananggalang na ang bawat isa ay nababalutan ng mga pitong kilong ginto.
16 He made 300 smaller shields of hammered gold, about seven and a half pounds each. The king put them in the House of the Forest of Lebanon. Nagpagawa rin siya ng tatlong daang maliliit na pananggalang na ang bawat isa ay nababalutan ng mga tatlo at kalahating kilong ginto. Ipinalagay niya itong lahat sa bahagi ng palasyo na tinatawag na Kagubatan ng Lebanon.
17 The king made a large ivory throne and covered it with pure gold. Nagpagawa rin ang hari ng isang malaking trono na gawa sa mga pangil ng elepante, at binalutan ito ng purong ginto.
18 The throne had six steps with a gold footstool attached to it; armrests flanked the seat, with two lions standing beside them, May anim na baitang ang trono, at may tuntungan ito ng paa na ginto. Sa bawat gilid nito ay may estatwang leon na nakatayo.
19 and twelve lions stood there, one at either end of each of the six steps. Nothing like it was ever made for any kingdom. At mayroon ding estatwa ng leon sa bawat gilid ng baitang. Ang estatwang leon sa anim na baitang ay labindalawa lahat. Walang trono na katulad nito kahit saan mang kaharian.
20 All King Solomon's cups were gold, and every vessel of the House of the Forest of Lebanon was pure gold. Silver counted as nothing in Solomon's days, Ang lahat ng kopa ni Haring Solomon ay purong ginto, at ang lahat ng gamit sa bahagi ng palasyo na tinatawag na Kagubatan ng Lebanon ay purong ginto rin. Hindi ginawa ang mga ito sa pilak dahil maliit lang ang halaga nito noong panahon ni Solomon.
21 for the king's ships sailed to Tarshish with Huram's servants; every three years the Tarshish ships returned with gold, silver, ivory, apes, and peacocks. May mga barko rin si Solomon na pang-negosyo, na ang tripulante ay ang mga tauhan ni Hiram. Ang mga barkong itoʼy umuuwi isang beses sa bawat tatlong taon, na may dalang mga ginto, pilak, pangil ng elepante, at malalakiʼt maliliit na uri ng mga unggoy at pabo real.
22 So King Solomon surpassed all the kings of the earth in riches and wisdom. Kaya walang sinumang hari sa mundo ang makakapantay kay Haring Solomon sa karunungan at kayamanan.
23 All the kings of the earth sought Solomon's presence to hear the wisdom our Father put in his heart. Ang lahat ng hari sa mundo ay naghahangad na makita si Solomon upang makapakinig ng karunungan na ibinigay ng Diyos sa kanya.
24 Each brought his gift—silver and gold articles, garments, weapons, spices, horses, and mules—year after year. Taon-taon, ang bawat dumadalaw sa kanya ay may dalang mga regalo – mga bagay na gawa sa pilak at ginto, mga damit, mga sandata, mga sangkap, mga kabayo at mga mola.
25 Solomon had 4,000 horse-and-chariot stalls and 12,000 horsemen, kept in the chariot cities and with the king in Jerusalem. May apat na libong kuwadra si Solomon para sa kanyang mga kabayo at mga karwahe. Siyaʼy may labindalawang libong kabayo na inilagay niya sa lungsod na lagayan ng kanyang mga karwahe, at ang ibaʼy doon sa Jerusalem.
26 He ruled all the kings from the Euphrates to the land of the Philistines, to Egypt's border. Sinakop niya ang lahat ng hari mula sa Ilog Eufrates hanggang sa lupain ng mga Filisteo at sa hangganan ng Ehipto.
27 The king made silver in Jerusalem like stones, and cedar as plentiful as foothill sycamore-figs. Noong panahong siya ang hari, ang pilak sa Jerusalem ay gaya lang ng karaniwang mga bato, at ang kahoy na sedro ay kasindami ng mga karaniwang kahoy na sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran.
28 Horses were imported for Solomon from Egypt and from all the lands. Ang mga kabayo ni Solomon ay nagmula sa Ehipto at sa iba pang mga bansa.
29 Solomon's other deeds, first to last—aren't they recorded in the words of Nathan the prophet, Ahijah of Shiloh's prophecy, and the visions of Iddo the seer about Jeroboam son of Nebat? Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Solomon, mula sa simula hanggang sa katapusan ay nakasulat sa Aklat ni Propeta Natan, sa Mga Mensahe ni Ahias na taga-Silo, at sa mga Pangitain ni Iddo na Propeta, na nagsasabi rin tungkol sa paghahari ni Jeroboam na anak ni Nebat.
30 Solomon reigned in Jerusalem over all Israel forty years. Sa Jerusalem nakatira si Solomon habang naghahari siya sa buong Israel sa loob ng apatnapung taon.
31 Solomon rested with his ancestors, buried in the city of David his father. His son Rehoboam reigned in his place. Nang mamatay siya, inilibing siya sa lungsod ng ama niyang si David. At ang anak niyang si Rehoboam ang pumalit sa kanya bilang hari.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]