Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 6 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Then Solomon said, "Our Father has said that he would dwell in thick darkness. At nanalangin si Solomon, “Sinabi nʼyo po, Panginoon, na maninirahan kayo sa makapal na ulap.
2 But I have built you an exalted house, a place for you to dwell in forever." Nagpatayo po ako ng kahanga-hangang templo para sa inyo, na matatahanan nʼyo magpakailanman.”
3 Then the king turned and blessed the whole assembly of Israel as they all stood. At humarap si Haring Solomon sa buong kapulungan ng Israel na nakatayo roon at silaʼy binasbasan.
4 He said, "Praise our Father, the God of Israel, whose hand has fulfilled what his mouth promised my father David, saying, Sinabi niya, “Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel. Tinupad niya ang kanyang pangako sa aking ama na si David. Sapagkat sinabi niya,
5 'Since the day I brought my people out of Egypt, I chose no city from all the tribes of Israel to build a house for my name to be there, nor any man to rule my people Israel. ‘Mula nang araw na inilabas ko ang mga mamamayan kong Israelita sa Ehipto, hindi ako pumili ng lungsod sa kahit anong lahi ng Israel upang pagtayuan ng templo sa pagpaparangal sa akin, at hindi rin ako pumili ng haring mamamahala sa mga mamamayan kong Israelita.
6 But I chose Jerusalem for my name to be there, and I chose David to lead my people Israel.' Ngunit pinili ko ang Jerusalem upang doon pararangalan ang aking pangalan, at pinili ko si David upang mamahala sa mga mamamayan kong Israelita.’
7 David my father had it in his heart to build a house for the name of our Father, the God of Israel. “Nasa puso ng aking amang si David na magtayo ng templo sa pagpaparangal sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.
8 But our Father told David my father, 'Because building a house for my name was in your heart, you did well to intend this. Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon, ‘Mabuti na naghahangad kang magpatayo ng templo para sa karangalan ng aking pangalan.
9 But you will not build the house; your son, from your own body—he will build the house for my name.' Ngunit hindi ikaw ang magtatayo nito kundi ang sarili mong anak. Siya ang magtatayo ng templo para sa kaluwalhatian ng aking pangalan.’
10 Now our Father has fulfilled the word he spoke: I have succeeded David my father and sit on Israel's throne, as he promised, and I have built the house for the name of our Father, the God of Israel. “Tinupad ng Panginoon ang kanyang pangako. Ako ang pumalit sa aking amang si David bilang hari ng Israel, ayon sa pangako ng Panginoon. At ipinatayo ko ang Templo upang parangalan ang Panginoon, ang Diyos ng Israel.
11 There I placed the ark, holding the covenant our Father made with the people of Israel." Nagpagawa ako ng lugar doon sa Templo para sa Kahon kung saan nakalagay ang Kasunduan ng Panginoon na kanyang ginawa sa mamamayan ng Israel.”
12 Then Solomon stood before our Father's altar in the presence of the whole assembly of Israel and spread out his hands. Sa harap ng buong kapulungan ng Israel, lumapit si Solomon sa altar ng Panginoon at itinaas niya ang kanyang mga kamay.
13 Solomon had made a bronze platform about seven and a half feet long, seven and a half feet wide, four and a half feet high, and set it in the middle of the court. He stood on it, knelt before the whole assembly of Israel, and spread his hands toward heaven. Pagkatapos, tumayo siya sa tansong entablado na kanyang ipinagawa. Itoʼy may haba at luwang na pitoʼt kalahating talampakan, at may taas na apat at kalahating talampakan. At lumuhod si Solomon sa harap ng mga mamamayan ng Israel na nakataas ang kanyang mga kamay.
14 He said, O my Father, God of Israel, no Father is like you in heaven or on earth, keeping covenant and showing loyal love to your servants who walk before you wholeheartedly. Nanalangin siya, “O Panginoon, Diyos ng Israel, wala pong Diyos na katulad ninyo sa langit o sa lupa. Tinutupad ninyo ang inyong kasunduan, at ipinapakita ang inyong pag-ibig sa inyong mga lingkod na buong pusong sumusunod sa inyo.
15 You kept your promise to your servant David my father; what you spoke with your mouth you fulfilled with your hand today. Tinupad nʼyo ang inyong ipinangako sa aking amang si David na inyong lingkod. Kayo po ang nangako at kayo rin ang tumupad sa araw na ito.
16 So now, my Father, God of Israel, keep for your servant David my father what you promised: "You will never lack a man before me on Israel's throne, if only your sons watch their way to walk in my law, as you have walked before me." “At ngayon, Panginoon, Diyos ng Israel, tuparin nʼyo po ang inyong ipinangako sa inyong lingkod na si David na aking ama nang sinabi nʼyo po sa kanya, ‘Laging sa angkan mo magmumula ang maghahari sa Israel kung matapat na susunod sa aking mga Kautusan ang iyong mga angkan, tulad ng iyong ginawa.’
17 And now, my Father, God of Israel, let the word you spoke to your servant David be confirmed. Kaya ngayon, Panginoon, Diyos ng Israel, tuparin nʼyo po ang ipinangako ninyo sa lingkod ninyong si David na aking ama.
18 But will our Father really live with people on earth? The heavens and highest heavens can't hold you—how much less this house I built. “Ngunit makakatira nga po ba kayo, O Diyos, sa mundo kasama ng mga tao? Hindi nga kayo magkakasya kahit sa pinakamataas na langit, ano pa kaya kung sa Templo na ipinatayo ko?
19 Yet hear the prayer of your servant and his plea, O my Father, and hear the cry and prayer your servant prays before you. Ngunit pakinggan ninyo ako na inyong lingkod sa aking pananalangin at pagsusumamo, O Panginoon na aking Diyos. Pakinggan nʼyo ang panawagan at pananalangin ko sa inyong presensya.
20 May your eyes be open toward this house day and night, toward the place where you said you'd put your name, to hear the prayer your servant prays toward this place. Ingatan nʼyo po sana ang Templong ito araw at gabi, ang lugar na sinabi nʼyong kayoʼy pararangalan. Pakinggan nʼyo po sana ako na inyong lingkod sa aking pananalangin sa harap ng altar na ito.
21 Hear your servant's and your people Israel's pleas when they pray toward this place. Hear from heaven, your dwelling; and when you hear, forgive. Pakinggan nʼyo po ang mga kahilingan ko at ng mga mamamayan nʼyo kapag silaʼy nanalangin na nakaharap sa lugar na ito. Pakinggan nʼyo kami diyan sa inyong luklukan sa langit. At kung marinig nʼyo kami, patawarin nʼyo po kami.
22 If a man sins against his neighbor and must swear an oath, and he comes and swears his oath before your altar in this house, “Kung ang isang tao ay pinagbintangang nagkasala sa kanyang kapwa, at pinapunta siya sa inyong altar sa Templo na ito upang sumumpa na inosente siya,
23 then hear from heaven and act. Judge your servants: pay back the guilty for their deeds, and clear the righteous, rewarding them by their righteousness. dinggin nʼyo po ito diyan sa langit at husgahan ang inyong mga lingkod, ang nagbintang at ang pinagbintangan. Parusahan nʼyo po ang nagkasala ayon sa kanyang ginawa at palayain ang walang sala para mahayag na inosente siya.
24 If your people Israel, defeated by enemies for sinning against you, turn back to praise your name, pray, and plead with you in this house, “Kung ang mga mamamayan nʼyong Israelita ay matalo ng mga kalaban nila dahil nagkasala sila sa inyo at kung manumbalik sila at magpuri sa inyo at manalangin sa Templong ito,
25 then hear from heaven, forgive the sin of your people Israel, and bring them back to the land you gave to them and their ancestors. pakinggan nʼyo po sila diyan sa langit. Patawarin nʼyo sila sa kanilang kasalanan at dalhin ninyo sila pabalik sa lupaing ibinigay ninyo sa kanila at sa kanilang mga ninuno.
26 When the sky is shut with no rain because they sinned against you, if they pray toward this place, praise your name, and turn from their sin when you make them suffer, “Kung hindi ninyo pauulanin, dahil nagkasala ang inyong mga mamamayan sa inyo, at kung manalangin po silang nakaharap sa Templong ito at magpuri sa inyo, at magsisi sa kanilang mga kasalanan dahil pinarusahan nʼyo sila,
27 then hear from heaven, forgive your servants' sin, your people Israel, when you teach them the good path to walk, and send rain on your land, which you gave your people as their inheritance. dinggin nʼyo po sila mula sa langit. Patawarin nʼyo po ang kasalanan ng inyong mga lingkod, ang inyong mga mamamayang Israelita. Turuan nʼyo po sila ng matuwid na pamumuhay, at padalhan ng ulan ang lupain na inyong ibinigay sa kanila bilang pag-aari.
28 If famine, plague, blight, mildew, locust, or caterpillar strikes the land; if enemies besiege them in their towns—whatever plague or sickness comes, “Kung may dumating pong taggutom sa lupain, o salot, kung malanta ang mga tanim, o salantahin ng peste gaya ng mga balang at mga uod, o kapag pinalibutan ng mga kalaban ang alinman sa kanilang mga lungsod, o lumaganap sa kanila ang kahit anong karamdaman,
29 whatever prayer or plea anyone or all your people Israel makes, each knowing his own suffering and pain and spreading his hands toward this house, kapag mayroon po sa inyong mga mamamayang Israelita ang mananalangin at hihiling sa inyo na tulungan ninyo sila; kapag kinikilala po nilang dahil sa kanilang mga kasalanan ay dumating ang mga pagtitiis at sakuna sa kanila, at mananalangin silang nakataas ang mga kamay na nakaharap sa Templong ito,
30 then hear from heaven, your home, and forgive, and repay each according to all his ways, since you know his heart—for you alone know every human heart, dinggin nʼyo po sila diyan sa inyong luklukan sa langit. Patawarin nʼyo po sila at gawin sa bawat isa ang nararapat sa kanilang mga ginawa, dahil alam nʼyo po ang bawat puso nila. Tunay na tanging kayo lamang po ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao.
31 so they may fear you and walk in your ways as long as they live on the land you gave our ancestors. Nang sa gayon, mananatili silang may galang sa inyo at sumunod sa inyong pamamaraan habang nakatira sila sa lupaing ibinigay nʼyo sa aming mga ninuno.
32 Also, when a foreigner not of your people Israel comes from a distant land for your great name, your mighty hand, and your outstretched arm—when they come and pray toward this house, “Kung ang mga dayuhan na nakatira sa malayong lugar at hindi kabilang sa inyong bayang Israel ay makarinig ng inyong kadakilaan at kapangyarihan, at pumunta sila rito upang sumamba sa inyo at manalangin na nakaharap sa Templong ito,
33 then hear from heaven where you live, and do all the foreigner asks, so all the earth's peoples may know your name and fear you, as your people Israel do, and know this house I built bears your name. dinggin nʼyo po sila diyan sa inyong luklukan sa langit. At gawin ang kahit anong hinihiling nila, upang ang lahat po ng tao sa mundo ay makakilala sa inyo at gumalang po sa inyo gaya ng inyong mga mamamayang Israelita. At upang malaman po nilang pinaparangalan kayo sa bahay na aking ipinatayo.
34 If your people go to war against their enemies wherever you send them, and pray to you toward this city you have chosen and the house I built for your name, “Kung ang inyo pong mamamayan ay makikipaglaban ayon sa inyong utos, at kung mananalangin po sila sa inyo na nakaharap sa lungsod na ito na pinili nʼyo at sa Templo na aking ipinatayo para sa karangalan ng inyong pangalan,
35 then hear from heaven their prayer and their plea, and uphold their cause. dinggin nʼyo po ang kanilang mga dalangin at mga kahilingan diyan sa langit, at bigyan sila ng tagumpay.
36 If they sin against you—for no one is without sin—and you are angry with them and hand them to an enemy who takes them captive to a land far or near, “Kung magkasala sila sa inyo – dahil wala kahit isa man na hindi nagkakasala – at sa inyong galit ay ipinatalo nʼyo sila sa kanilang mga kalaban at binihag at dinala sila sa malayo o sa malapit na lugar,
37 yet if in the land of their captivity they take it to heart, and turn back and plead with you there, saying, "We have sinned, we did wrong, we acted evilly," at kung sa huliʼy magbago ang kanilang mga puso roon, at magsisi at magmakaawa po sa inyo na nagsasabi, ‘Nagkasala kami, at napakasama ng aming mga ginawa.’
38 if they turn back to you with all their heart and soul in the land of their captivity where they were taken, and pray toward their land you gave their ancestors, the city you chose, and the house I built for your name, Kung babalik po sila sa inyo nang buong pusoʼt isipan, doon sa lugar na pinagbihagan sa kanila, at manalangin po sila na nakaharap sa lupaing ito na ibinigay nʼyo sa kanilang mga ninuno, sa lungsod na ito na pinili po ninyo, at sa Templong aking ipinatayo para sa karangalan ng inyong pangalan,
39 then hear from heaven, your dwelling place, their prayer and pleas, uphold their cause, and forgive your people who sinned against you. dinggin nʼyo po ang kanilang mga dalangin at mga kahilingan diyan sa inyong luklukan sa langit, at bigyan sila ng tagumpay. Patawarin nʼyo po sila sa kanilang mga kasalanan laban sa inyo.
40 Now, my Father, let your eyes be open and your ears attentive to the prayer of this place. “O aking Diyos, sagutin nʼyo po sana ang mga dalangin na ginawa sa lugar na ito.
41 And now arise, my Father, and come to your resting place, you and the ark of your might. Let your priests, my Father, be clothed with salvation, and let your faithful ones rejoice in your goodness. Ngayon, Panginoong Diyos, pumasok po kayo sa inyong tahanan kasama ang Kahon ng Kasunduan na simbolo ng inyong kapangyarihan. Nawaʼy maranasan ng inyong mga pari ang inyong pagliligtas at magsaya ang mga tapat na mamamayan ninyo sa inyong kabutihan.
42 My Father, do not reject your anointed one. Remember your covenant love for David your servant. O Panginoong Diyos, huwag nʼyo pong itakwil ang pinili nʼyong hari. Alalahanin nʼyo po ang inyong ipinangako kay David na inyong lingkod na iibigin siyang lubos.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]