Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 18 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Now Jehoshaphat had great riches and honor, and he allied himself with Ahab by marriage. Yumaman at naging tanyag na si Jehoshafat, at naging mabuti ang kanyang relasyon kay Haring Ahab ng Israel dahil sa pagpapakasal ng ilang miyembro ng kanilang mga pamilya.
2 Some years later he went down to Ahab in Samaria, where Ahab slaughtered many sheep and oxen for him and for the people who were with him, urging him to attack Ramoth-gilead. Pagkalipas ng ilang taon, dumalaw si Jehoshafat kay Ahab sa Samaria. Nagkatay si Ahab ng maraming tupa at baka para sa pagpapapiging kay Jehoshafat at sa mga tauhan niya. At hinikayat niya si Jehoshafat na lusubin ang Ramot-gilead.
3 Ahab king of Israel asked Jehoshaphat king of Judah, "Will you go with me to Ramoth-gilead?" He answered, "I am as you are, my people as yours; we join you in the war." Sinabi niya kay Jehoshafat, “Sasáma ka ba sa amin sa pakikipaglaban sa Ramot-gilead?” Sumagot si Jehoshafat, “Handa akong sumáma sa iyo, at handa akong ipagamit sa iyo ang aking mga sundalo. Oo, sasáma kami sa inyo sa pakikipaglaban.
4 But Jehoshaphat said to the king of Israel, "First seek the word of our Father." Ngunit tanungin muna natin ang Panginoon kung ano ang kanyang masasabi.”
5 So the king of Israel gathered the prophets, 400 men, and asked them, "Will we go to Ramoth-gilead for battle, or hold back?" They said, "Go up, for God will hand it over to the king." Kaya ipinatawag ni Ahab ang mga propeta, apatnaraan silang lahat, at tinanong, “Pupunta ba kami sa Ramot-gilead o hindi?” Sumagot sila, “Sige, lumakad kayo, dahil pagtatagumpayin kayo ng Panginoon!”
6 But Jehoshaphat said, "Is there not still a prophet of our Father here whom we can consult?" Ngunit nagtanong si Jehoshafat, “Wala na bang iba pang propeta ng Panginoon na mapagtatanungan natin?”
7 Israel's king told Jehoshaphat, "One man remains through whom we can ask our Father, but I hate him—he never prophesies good about me, only bad. He is Micaiah son of Imlah." Jehoshaphat replied, "The king shouldn't say that." Sumagot si Haring Ahab kay Jehoshafat, “May isa pang maaari nating mapagtanungan na maaaring sasangguni sa Panginoon para sa atin, si Micaias na anak ni Imla. Ngunit napopoot ako sa kanya dahil wala siyang magandang propesiya tungkol sa akin kundi puro kasamaan.” Sumagot si Jehoshafat, “Hindi ka dapat magsalita ng ganyan.”
8 Then the king of Israel summoned an officer and said, "Bring Micaiah son of Imlah quickly." Kaya ipinatawag ni Ahab ang isa sa kanyang opisyal at sinabi, “Dalhin nʼyo agad dito si Micaias na anak ni Imla.”
9 The king of Israel and Jehoshaphat king of Judah sat each on his throne, dressed in robes, on the threshing floor at the entrance of Samaria's gate, with all the prophets prophesying before them. Ngayon, sina Haring Ahab ng Israel at Haring Jehoshafat ng Juda, na nakasuot ng kanilang damit panghari, ay nakaupo sa kanilang trono sa harapan ng giikan na nasa bandang pintuang-bayan ng Samaria, at nakikinig sa sinasabi ng mga propeta.
10 Zedekiah son of Chenaanah made iron horns and said, "God says: 'With these you will gore the Arameans until they are destroyed.'" Si Zedequias na isa sa mga propeta, na anak ni Quenaana ay gumawa ng sungay na bakal. Sinabi niya, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Sa pamamagitan ng sungay na ito, lilipulin mo, ang mga Arameo hanggang sa maubos sila.’ ”
11 All the prophets prophesied the same, saying: "Go up to Ramoth-gilead and win; our Father will hand it to the king." Ganito rin ang sinabi ng lahat ng propeta. Sinabi nila, “Lusubin nʼyo po ang Ramot-gilead, Haring Ahab, at magtatagumpay kayo, dahil ibibigay ito sa inyo ng Panginoon.”
12 The messenger sent to summon Micaiah told him, "The prophets' words all favor the king. Let yours match theirs—speak favorably." Samantala, ang mga inutusan sa pagkuha kay Micaias ay nagsabi sa kanya, “Ang lahat ng propeta ay pare-parehong nagsasabing magtatagumpay ang hari, kaya ganoon din ang iyong sabihin.”
13 But Micaiah said, "As surely as our Father lives, I will say only what my Father says." Ngunit sinabi ni Micaias, “Nanunumpa ako sa buháy na Panginoon na aking Diyos na sasabihin ko lang ang ipinasasabi niya sa akin.”
14 When he came, the king said, "Micaiah, will we go to battle at Ramoth-gilead, or will I hold back?" He said, "Go up and win; they'll be handed to you." Pagdating ni Micaias kay Haring Ahab, nagtanong ang hari sa kanya, “Micaias, lulusubin ba namin ang Ramot-gilead o hindi?” Sumagot si Micaias, “Lusubin nʼyo at magtatagumpay kayo, dahil ibibigay ito sa inyo.”
15 But the king said to him, "How many times must I make you swear to tell me only the truth in the name of our Father?" Ngunit sinabi ng hari kay Micaias, “Ilang beses ba kitang panunumpain na sabihin mo sa akin ang totoo sa pangalan ng Panginoon?”
16 Micaiah said, "I saw all Israel scattered on the mountains, like sheep without a shepherd. And our Father said, 'They have no master; let each return home in peace.'" Kaya sinabi ni Micaias, “Nakita ko sa pangitain na nakakalat ang mga Israelita sa mga kabundukan gaya ng mga tupa na walang nagbabantay, at nagsabi ang Panginoon, ‘Ang mga taong itoʼy wala nang pinuno. Pauwiin sila na may kapayapaan.’ ”
17 Israel's king said to Jehoshaphat, "Didn't I tell you he'd prophesy nothing good about me, only evil?" Sinabi ni Haring Ahab kay Jehoshafat, “Hindi ba sinabihan na kitang wala siyang magandang propesiya tungkol sa akin kundi puro kasamaan lang?”
18 Micaiah said, "Then hear the word of our Father: I saw our Father seated on his throne, all heaven's armies standing at his right and left. Sinabi pa ni Micaias, “Pakinggan mo ang mensahe ng Panginoon! Nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa kanyang trono, na may nakatayo sa kanan niya at kaliwa niyang mga makalangit na nilalang.
19 And our Father said, 'Who will entice Ahab king of Israel to go up and fall at Ramoth-gilead?' One said this, another that. At sinabi ng Panginoon, ‘Sino ang hihikayat kay Haring Ahab ng Israel upang lusubin ang Ramot-gilead upang mamatay siya roon?’ ” Iba-iba ang sagot ng mga makalangit na nilalang.
20 A spirit came forward, stood before our Father, and said, 'I will entice him.' And our Father asked him, 'How?' At may espiritu na lumapit sa Panginoon at nagsabi, “Ako ang hihikayat sa kanya.” Nagtanong ang Panginoon, “Sa paanong paraan?”
21 He said, 'I will go out and be a lying spirit in the mouth of all his prophets.' Then our Father said, 'You will lure him and also prevail. Go out and do so.' Sumagot siya, “Pupunta ako at pagsasalitain ko ng kasinungalingan ang mga propeta ni Ahab. Sinabi ng Panginoon, ‘Lumakad ka at gawin mo ito. Magtatagumpay ka sa paghihikayat sa kanya.’ ”
22 So now, our Father has put a lying spirit in the mouth of these prophets of yours, and our Father has declared disaster against you." “Pinadalhan ng Panginoon ang iyong mga propeta ng espiritu na nagpasalita sa kanila ng kasinungalingan. Ipinahintulot ng Panginoon na matalo ka.”
23 Then Zedekiah son of Chenaanah came up, struck Micaiah on the cheek, and said, "Which way did the Spirit of God go from me to speak to you?" Lumapit agad si Zedequias kay Micaias at sinampal ito. Sinabi agad ni Zedequias, “Paano mong nasabi na ang Espiritu ng Panginoon ay umalis sa akin at nakipag-usap sa iyo?”
24 Micaiah said, "You'll see it that day when you go into an inner room to hide." Sumagot si Micaias, “Malalaman mo ito sa araw na magtatago ka sa kaloob-loobang kuwarto ng bahay.”
25 The king of Israel said, "Take Micaiah back to Amon the city governor and to Joash the king's son, Nag-utos agad si Haring Ahab, “Dakpin nʼyo si Micaias at dalhin pabalik kay Amon na pinuno ng lungsod at kay Joas na aking anak.
26 and say, 'The king says: Put this man in prison on meager rations of bread and water until I return safely.'" At sabihin nʼyo sa kanila na nag-utos ako na ikulong ang taong ito, tinapay at tubig lang ang ibigay sa kanya hanggang makabalik akong ligtas mula sa labanan.”
27 Micaiah said, "If you ever return safely, our Father has not spoken through me." Then he said, "Listen, all you people!" Sinabi ni Micaias, “Kung makabalik ka nang walang nangyari, ang ibig sabihin hindi nagsalita ang Panginoon sa pamamagitan ko.” At sinabi ni Micaias sa lahat ng tao roon, “Tandaan nʼyo ang sinabi ko!”
28 So the king of Israel and Jehoshaphat king of Judah went up to Ramoth-gilead. Kaya lumusob sa Ramot-gilead si Haring Ahab ng Israel at si Haring Jehoshafat ng Juda.
29 The king of Israel said to Jehoshaphat, "I will disguise myself and go into battle, but you wear your robes." So the king of Israel disguised himself, and they went into battle. Sinabi ni Ahab kay Jehoshafat, “Sa panahon ng labanan, hindi ako magpapakilala na ako ang hari, pero ikaw ang siyang magsusuot ng damit panghari.” Kaya nagkunwari ang hari ng Israel, at nakipaglaban sila.
30 The king of Aram had ordered his chariot captains, "Fight no one, small or great, but only the king of Israel." Samantala, nag-utos ang hari ng Aram sa kumander ng kanyang mga mangangarwahe, “Huwag ninyong lusubin ang kahit sino, kundi ang hari lang ng Israel.”
31 When the chariot captains saw Jehoshaphat, they said, "That is Israel's king," and turned to fight him. But Jehoshaphat cried out, and our Father helped him, drawing them away from him. Pagkakita ng mga kumander ng mga mangangarwahe kay Jehoshafat, inisip nila na siya ang hari ng Israel, kaya nilusob nila ito. Ngunit humingi ng tulong sa Panginoon si Jehoshafat, at tinulungan siya at inilayo sa mga kalaban niya.
32 When the chariot captains saw he was not Israel's king, they stopped chasing him. Nang mapansin ng mga kumander ng mga mangangarwahe na hindi pala siya ang hari ng Israel, huminto sila sa paghabol sa kanya.
33 A man drew his bow at random and struck the king of Israel between the joints of his armor. He told his chariot driver, "Turn around and get me out of the fighting; I'm wounded." Ngunit habang namamana ang isang sundalong Arameo sa mga sundalo ng Israel, natamaan niya ang hari ng Israel sa pagitan ng kanyang panangga sa dibdib. Sinabi ni Haring Ahab sa nagdadala ng kanyang karwahe, “Ilayo mo ako sa labanan! Dahil nasugatan ako.”
34 The battle raged that day. Israel's king was held up in his chariot facing the Arameans until evening, then died at sunset. Matindi ang labanan nang araw na iyon, at ang hari ng Israel ay nakasandal lang sa kanyang karwahe na nakaharap sa mga Arameo hanggang hapon. At nang lumubog na ang araw, siyaʼy namatay.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]