Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Chronicles 11 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Rehoboam came to Jerusalem and assembled the house of Judah and Benjamin—180,000 chosen warriors—to fight against Israel and restore the kingdom to Rehoboam. Pagdating ni Rehoboam sa Jerusalem, tinipon niya ang mahuhusay na sundalo ng mga lahi nina Juda at Benjamin. Nakapagtipon siya ng 180,000 sundalo na makikipaglaban sa mga mamamayan ng Israel at upang bawiin ang kaharian niya.
2 But the word of our Father came to Shemaiah, the man of our Father, saying: Ngunit sinabi ng Panginoon kay Semaias na kanyang lingkod,
3 "Say to Rehoboam son of Solomon, king of Judah, and to all Israel in Judah and Benjamin: “Sabihin mo kay Haring Rehoboam ng Juda, na anak ni Solomon, at sa lahat ng Israelita sa Juda at Benjamin
4 This is what our Father says: Don't go up or fight against your brothers. Go home, each of you—this came from me." So they obeyed the words of our Father and turned back from advancing against Jeroboam. na ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Huwag kayong makipaglaban sa inyong kadugo. Umuwi kayo, dahil kalooban ko ang lahat ng ito.’ ” Sumunod sila sa Panginoon at hindi nila nilusob si Jeroboam.
5 Rehoboam lived in Jerusalem and built up cities for defense in Judah. Nagpaiwan si Rehoboam sa Jerusalem at pinalakas niya ang mga bayang ito upang maprotektahan ang Juda:
6 He built Bethlehem, Etam, and Tekoa, Bethlehem, Etam, Tekoa,
7 Beth-zur, Soco, Adullam, Bet-sur, Soco, Adulam,
8 Gath, Mareshah, Ziph, Gat, Maresa, Zif,
9 Adoraim, Lachish, Azekah, Adoraim, Laquis, Azeka,
10 Zorah, Aijalon, and Hebron, the fortified cities in Judah and Benjamin. Zora, Ayalon at Hebron. Ito ang mga napapaderang lungsod sa Juda at Benjamin.
11 He strengthened the fortresses and put commanders in them, along with stores of food, oil, and wine. Pinatatag niya ang mga tanggulan nito at pinalagyan ito ng mga kumander. Silaʼy binigyan niya ng mga pagkain, langis ng olibo, at alak.
12 In every city he placed shields and spears, strengthening them greatly. So Judah and Benjamin remained his. Pinalagyan niya ang mga lungsod ng mga pananggalang at mga sibat bilang dagdag na pampatibay. Kaya ang Juda at ang Benjamin ay naging sakop niya.
13 The priests and the Levites who were throughout all Israel came to him from all their territory, Ngunit ang mga pari at mga Levita na nakatira kasama ng ibang lahi ng Israel ay kumampi kay Rehoboam.
14 for the Levites left their pasturelands and property, going to Judah and Jerusalem, since Jeroboam and his sons turned them away from serving as priests of our Father. Ang mga Levitang ito ay iniwan ang kanilang bahay at lupa, at lumipat sa Juda at Jerusalem dahil itinakwil sila ni Jeroboam at ng mga anak nito bilang mga pari ng Panginoon.
15 He appointed his own priests for the high places, for the goat idols, and for the calf idols he had made. Nagtalaga si Jeroboam ng sarili niyang mga pari sa mga sambahan sa matataas na lugar, kung saan sumasamba sila sa kanilang mga diyos-diyosang kambing at baka na gawa ni Jeroboam.
16 From every tribe of Israel, those who set their heart on seeking our Father, the God of Israel, followed the Levites to Jerusalem to sacrifice to our Father, the God of their ancestors. Ang mga Israelita sa ibang lahi ng Israel na gustong dumulog sa Panginoon, ang Diyos ng Israel ay sumunod sa mga Levita sa Jerusalem, upang makapaghandog sila ng mga handog sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
17 They strengthened Judah's kingdom, supporting Rehoboam son of Solomon three years, for they walked in the way of David and Solomon three years. Pinatibay nila ang kaharian ng Juda, at sa loob ng tatlong taon, sinuportahan nila si Rehoboam na anak ni Solomon. Sumunod sila sa Panginoon gaya ng kanilang ginawa noong naghari sina David at Solomon.
18 Rehoboam married Mahalath, the daughter of Jerimoth son of David and of Abihail the daughter of Eliab son of Jesse. Pinakasalan ni Rehoboam si Mahalat, na anak ni Jerimot na anak ni David, at Abihail na anak ni Eliab at apo ni Jesse.
19 She bore him sons: Jeush, Shemariah, and Zaham. Si Rehoboam at si Mahalat ay may tatlong anak na lalaki na sina Jeus, Semarias at Zaham.
20 After her, he married Maacah the daughter of Absalom, who bore him Abijah, Attai, Ziza, and Shelomith. Pinakasalan din ni Rehoboam si Maaca na anak ni Absalom. Ang kanilang mga anak na lalaki ay sina Abias, Atai, Ziza at Selomit.
21 Rehoboam loved Maacah daughter of Absalom more than his other wives and concubines, since he had eighteen wives, sixty concubines, twenty-eight sons, and sixty daughters. Mas mahal ni Rehoboam si Maaca kaysa sa iba niyang mga asawa. May labingwalong asawa si Rehoboam at may animnapu pa siyang mga asawang alipin. At ang mga anak niya ay dalawampuʼt walong lalaki at anim na babae.
22 Rehoboam made Abijah, son of Maacah, chief leader among his brothers, intending to make him king. Ang anak niya kay Maaca na si Abias ang pinili niyang maging pinuno ng mga anak niyang prinsipe, na nangangahulugang si Abias ang papalit sa kanya bilang hari.
23 He acted wisely, spreading some of his sons through every district of Judah and Benjamin, to each fortified city, giving them abundant provisions and seeking many wives for them. Maingat na binigyan ni Rehoboam ng katungkulan ang iba pa niyang mga anak, at inilagay niya sila sa napapaderang lungsod ng Juda at Benjamin. Binigyan niya sila ng kanilang mga pangangailangan at mga asawa.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]