Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

1 Chronicles 22 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 David said, "This is the house of our Father, and this the altar of burnt offering for Israel." Pagkatapos, sinabi ni David, “Dito sa lugar na ito itatayo ang bahay ng Panginoong Diyos at ang altar para sa mga handog na sinusunog ng Israel.”
2 David ordered the foreigners in Israel gathered, then appointed stonecutters to cut dressed stones for building the house of our Father. Nag-utos si David na tipunin ang mga dayuhang naninirahan sa Israel. Pumili siya sa kanila ng mga tagatabas ng bato para sa bahay ng Diyos.
3 David provided abundant iron for gate-door nails and clamps, and abundant bronze beyond weighing, Nagbigay si David ng napakaraming bakal upang gawing mga pako at bisagra para sa mga pintuan, at maraming tanso na hindi na matimbang sa sobrang bigat.
4 and cedar timbers beyond counting, for the Sidonians and Tyrians brought David cedar logs in abundance. Naghanda rin siya ng napakaraming kahoy na sedro na dinala sa kanya ng mga Sidoneo at Tiro.
5 For David said, "My son Solomon is young and untested, and the house built for our Father must be truly great, famed, and glorious in every land. Let me prepare for it." So David laid in vast provisions before he died. Sinabi ni David, “Bata pa ang anak kong si Solomon at wala pa siyang karanasan. Kailangang ang bahay ng Panginoon na itatayo ay napakaganda at magiging tanyag sa buong mundo. Kaya paghahandaan ko ito ngayon pa lang.” Kaya lubusan ang paghahandang ginawa ni David bago siya mamatay.
6 Then he called Solomon his son and charged him to build a house for our Father of Israel. Pagkatapos, ipinatawag ni David ang anak niyang si Solomon at inutusang ipatayo ang bahay para sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.
7 David told Solomon, "My son, I had it in my heart to build a house for my Father's name. Sinabi ni David kay Solomon, “Anak, gusto ko sanang magpatayo ng bahay para sa karangalan ng pangalan ng Panginoon na aking Diyos.
8 The word of our Father came to me: 'You have shed much blood and fought great wars. You will not build a house for my name, because you have shed so much blood on the earth before me.' Ngunit ito ang sinabi niya sa akin: ‘Sa dami ng labanang napagdaanan mo, maraming tao ang napatay mo, kaya hindi kita papayagang magpatayo ng bahay para sa aking karangalan.
9 A son will be born to you, a man of rest; I will give him rest from all his enemies around him. His name will be Solomon; I will give Israel peace and quiet in his days. Ngunit bibigyan kita ng anak na lalaki na maghahari nang may kapayapaan dahil hindi siya gagambalain ng lahat ng kanyang kalaban sa paligid. Ang magiging pangalan niya ay Solomon, at bibigyan ko ng kapayapaan ang Israel sa kanyang paghahari.
10 He will build a house for my name. He will be my son, and I his father. I will secure his royal throne over Israel forever. Siya ang magpapatayo ng bahay para sa aking karangalan. Ituturing ko siyang anak at akoʼy magiging kanyang ama. Maghahari ang mga angkan niya sa Israel magpakailanman.’ ”
11 Now, my son, may our Father be with you, so that you may succeed and build the house of your Father, as he said about you. “Kaya anak, gabayan ka sana ng Panginoon at magtagumpay ka sa pagpapatayo mo ng bahay ng Panginoon na iyong Diyos, ayon sa sinabi niya na gawin mo.
12 Only, may our Father give you wisdom and understanding when he puts you in charge of Israel, to keep the law of your Father. Bigyan ka sana ng Panginoon na iyong Diyos ng karunungan at pang-unawa upang matupad mo ang kautusan niya sa panahon na pamamahalain ka niya sa buong Israel.
13 Then you'll prosper, if you carefully keep the statutes and rules our Father commanded Moses for Israel. Be strong and brave. Don't be afraid or discouraged. At kung matupad mo nang mabuti ang mga utos at mga tuntunin na ibinigay ng Panginoon sa Israel sa pamamagitan ni Moises, magiging matagumpay ka. Kaya magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manlupaypay.
14 See, with great effort I've provided for the house of our Father nearly 4,000 tons of gold, about 34,000 tons of silver, and bronze and iron beyond weighing—there's so much. I've also provided timber and stone; you may add to them. “Pinaghirapan kong mabuti ang paghahanda ng mga materyales para sa pagpapatayo ng Templo ng Panginoon – 3,500 toneladang ginto, 35,500 toneladang pilak, at maraming tanso at mga bakal na hindi na matimbang sa sobrang bigat. Naghanda rin ako ng mga kahoy at mga bato, pero kailangan mo pa rin itong dagdagan.
15 You have many workers with you: stonecutters, masons, carpenters, and all kinds of craftsmen skilled in every trade. Marami kang manggagawa: mga tagatabas ng bato, mga mason, mga karpintero at mga taong may kakayahan sa anumang gawaing
16 Skilled with gold, silver, bronze, and iron beyond count. Rise up and work; may our Father be with you." ginto, pilak, tanso at bakal. Ngayon, simulan mo na ang pagpapagawa, at gabayan ka sana ng Panginoon.”
17 David also commanded all the leaders of Israel to help Solomon his son, saying, Pagkatapos, inutusan ni David ang lahat ng pinuno ng Israel na tulungan ang anak niyang si Solomon.
18 "Isn't your Father with you? Hasn't he given you rest on every side? For he has given the land's people into my hand, and the land is subdued before our Father and his people. Sinabi niya sa kanila, “Kasama nʼyo ang Panginoon na inyong Diyos at binigyan niya kayo ng kapayapaan sa mga nakapalibot na mga bansa. Sapagkat ipinagkatiwala niya sa akin ang lahat ng naninirahan sa lupaing ito, at ngayon ay sa Panginoon na at tayong mga mamamayan niya ang may sakop sa mga ito.
19 Now set your heart and soul to seek your Father. Arise and build the sanctuary of our Father, to bring the ark of his covenant and his holy vessels into the house built for his name." Kaya ngayon, italaga ninyo ang inyong sarili sa inyong Panginoong Diyos, nang buong pusoʼt kaluluwa. Simulan na ninyo ang pagtatayo ng Templo ng inyong Panginoong Diyos upang mailagay na ang Kahon ng Kasunduan at ang mga banal na kagamitan ng Diyos sa Templong ito na itatayo para sa karangalan ng pangalan ng Panginoon.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]