Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

1 Chronicles 17 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 After David settled in his house, he told Nathan the prophet, "Look, I live in a cedar house, but the ark of our Father's covenant sits under tent curtains." Noong nakatira na si David sa kanyang palasyo, sinabi niya kay Natan na propeta. “Narito ako, nakatira sa magandang palasyo na gawa sa kahoy na sedro, pero ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon ay nasa tolda lang.”
2 Nathan replied to David, "Do all that is in your heart, for our Father is with you." Sumagot si Natan kay David, “Gawin mo ang gusto mong gawin dahil ang Panginoon ay sumasaiyo.”
3 But that night the word of our Father came to Nathan: Ngunit nang gabing iyon sinabi ng Diyos kay Natan,
4 Go tell David my servant: "This is what your Father says: You are not the one to build me a house to live in." “Lumakad ka, at sabihin mo sa lingkod kong si David, ‘Ito ang sinabi ng Panginoon: Hindi ikaw ang magpapatayo ng bahay na aking titirhan.
5 I haven't lived in a house from the day I brought Israel up to now—I've moved tent to tent, dwelling to dwelling. Hindi pa ako nakakatira sa isang bahay mula noong inilabas ko ang mga Israelita sa Ehipto hanggang ngayon. Palipat-lipat ang tinitirhan kong tolda.
6 Wherever I moved with all Israel, did I ever speak a word to any of Israel's judges, whom I commanded to shepherd my people, asking, 'Why haven't you built me a cedar house?' Sa aking paglipat-lipat kasama ng mga mamamayan kong Israelita, hindi ako nagreklamo sa mga pinunong inutusan kong mag-alaga sa kanila, kung bakit hindi nila ako ipinagpapatayo ng bahay na gawa sa sedro.’
7 So tell my servant David: "This is what the Father of heaven's armies says: I took you from the pasture, from following the flock, to be ruler over my people Israel. “Sabihin mo pa kay David na ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ay nagsasabi, ‘Tagapagbantay ka noon ng mga tupa, pero pinili kita upang mamuno sa mga mamamayan kong Israelita.
8 I've been with you everywhere you went, and cut off all your enemies before you. Now I'll make your name like the name of earth's greatest ones. Sinasamahan kita kahit saan ka magpunta, at nilipol ko ang lahat ng mga kalaban mo. Ngayon, gagawin kitang tanyag katulad ng ibang mga tanyag na tao sa mundo.
9 I will appoint a place for my people Israel and plant them there, to live in their own home, never disturbed again. Wicked people will no longer wear them down as before, Binigyan ko ng sariling lupain ang mga mamamayan kong Israelita, upang may sarili silang tirahan at wala nang gagambala sa kanila. Hindi na sila aapihin ng masasamang tao gaya nang dati,
10 since I appointed judges over my people Israel, I will subdue all your enemies. I tell you: your Father will build you a house. mula nang maglagay ako ng mga pinuno sa mga mamamayan kong Israelita. Tatalunin ko rin ang lahat ng kalaban mo. “ ‘Ako, ang Panginoon, ay nagsasabi sa iyo na patuloy na manggagaling sa iyong angkan ang magiging hari.
11 When your days end and you go to be with your ancestors, I will raise your offspring after you, one of your sons, and I will establish his kingdom. Kapag namatay ka na at inilibing kasama ng iyong mga ninuno, ipapalit ko sa iyo ang isa sa mga anak mo, at patatatagin ko ang kaharian niya.
12 He is the one who will build me a house, and I will establish his throne forever. Siya ang magpapatayo ng bahay para sa akin, at titiyakin ko na ang kanyang angkan ang maghahari magpakailanman.
13 I will be his Father; he will be my son. I won't remove my covenant love from him as I removed it from the one before you. Kikilalanin niya akong ama at kikilalanin ko siyang anak. Mananatili ang pag-ibig ko sa kanya hindi gaya ng ginawa ko kay Saul na pinalitan mong hari.
14 I will set him over my house and my kingdom forever; his throne will stand firm forever." Pamamahalain ko siya sa aking mga mamamayan at kaharian, at ang kanyang angkan ang maghahari magpakailanman.’ ”
15 Nathan reported to David all these words and this entire vision. Isinalaysay ni Natan kay David ang lahat ng ipinahayag ng Diyos sa kanya.
16 Then King David went in, sat before our Father, and said, "Who am I, my Father, and what is my house, that you have brought me this far? Pagkatapos, pumasok si Haring David sa Toldang Tipanan. Umupo siya roon sa presensya ng Panginoon at nanalangin, “Panginoong Diyos, sino po ba ako at ang sambahayan ko upang pagpalain nʼyo nang ganito?
17 And as if this were a small thing in your eyes, my Father—you have spoken of your servant's house reaching into the distant future, and you have looked on me as the greatest of men, my Father. Ngayon, O Diyos, may pangako pa kayo tungkol sa kinabukasan ng sambahayan ko. Itinuring nʼyo ako na parang pinakadakilang tao, O Panginoong Diyos.
18 What more can David say to you for honoring your servant? For you know your servant. “Ano pa po ba ang masasabi ko sa pagpaparangal ninyo sa akin? Sapagkat nakikilala nʼyo kung sino talaga ako na inyong lingkod.
19 My Father, for your servant's sake and by your own heart, you have done all these great things, revealing all these great promises. O Panginoon, alang-alang po sa aking inyong lingkod at ayon na rin sa inyong kalooban, ginawa nʼyo ang mga dakilang bagay na ito at inihayag ito sa akin.
20 My Father, none is like you, no Father besides you, as all we've heard with our ears. “Panginoon, wala po kayong katulad. Walang ibang Diyos maliban sa inyo at wala rin kaming ibang alam na diyos na gaya ninyo.
21 Who is like your people Israel, the one nation on earth our Father went to redeem as a people for himself, making yourself a name by great and awesome deeds, driving out nations before your people, whom you redeemed from Egypt? At wala ring ibang tao na tulad ng inyong mga mamamayang Israelita. Ang bansang ito lamang sa mundo ang inyong pinalaya mula sa pagkaalipin upang maging mamamayan ninyo. Naging tanyag ang pangalan nʼyo dahil sa kadakilaan at kamangha-manghang ginawa nʼyo nang itinaboy nʼyo ang mga bansa sa pamamagitan ng inyong mga mamamayan na inilabas nʼyo sa Ehipto.
22 You made your people Israel your very own forever, and you, my Father, became their Father. Ginawa nʼyong sariling mamamayan ang mga Israelita magpakailanman, at kayo, Panginoon, ang kanilang naging Diyos.
23 Now, my Father, let the word you spoke about your servant and his house stand forever; do as you have spoken. “At ngayon, Panginoon, tuparin po ninyo ang ipinangako nʼyo sa akin na inyong lingkod at sa aking pamilya. Nawaʼy ang pangakong ito ay magtatagal magpakailanman.
24 Let it stand, and your name grow great forever, so it's said, 'The Father of heaven's armies is our Father over Israel.' Let your servant David's house be established before you. Kapag magkatotoo ang inyong pangako, kayo ay kikilalanin at dadakilain magpakailanman. At sasabihin ng mga tao, ‘Ang Panginoon ng mga Hukbo ang Diyos ng Israel, ay siyang Diyos ng Israel!’ At ang pamilya koʼy magpapatuloy sa paglilingkod sa inyong presensya magpakailanman.
25 For you, my Father, revealed to your servant that you will build him a house—so your servant found courage to pray before you. “Malakas po ang loob ko na manalangin sa inyo nang ganito aking Diyos, dahil ipinahayag ninyo sa akin na inyong lingkod na magpapatuloy ang aking paghahari sa pamamagitan ng aking angkan.
26 Now, my Father, you are our Father; you promised your servant this good thing. “Panginoon, tunay ngang kayo ang Diyos! Ipinangako nʼyo po sa inyong lingkod ang mga magagandang bagay na ito.
27 Now you have chosen to bless your servant's house, so it may continue before you forever; for you, my Father, have blessed it, and it is blessed forever." At ngayon, nalulugod po kayong pagpalain ang sambahayan ko upang magpatuloy ito sa presensya nʼyo magpakailanman. Sapagkat kapag nagpapala kayo Panginoon, ang pagpapala ninyoʼy magpakailanman.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]